Chapter 10: Awake
"Von Sirius," mahinang basa ko sa pangalan niya sa contacts ko.
Napangiwi na lamang ako at inilapag muli ang cellphone sa kama. Bukas ay babalik na kami sa Manila at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap muli si Von!
Come, Destiny Amari! You are better than this!
Mabilis akong tumayo at dinampot ang cellphone ko. Ipinasok ko ito sa bulsa ng suot na short at kinuha ang itim na jacket ko. Agad akong lumabas sa kuwarto at nagsimula nang maglakad palabas ng hotel. Paniguradong hindi pa tulog iyong si Von. Alas siete pa lang naman ng gabi. For sure ay pagala-gala pa ito sa kanilang resort.
Agad kong tinungo ang madalas tambayan naming dalawa ngunit bigo akong makita ito. Sinunod ko ang pool area ngunit ni anino nito ay hindi ko man lang naaninag.
Mabilis kong isinuot ang jacket na dala noong makaramdam ako ng lamig. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang dalampasigan kong saan unang beses kaming nagkita ni Von. I sighed. Tamad akong naupo sa may buhangin at tiningnan ang madilim na karagatan.
"Nakakainis ka talaga," mahinang sambit ko. "Kung kailan handa na akong pakinggan ang paliwanag mo, tsaka ka naman hindi mahagilap!"
Fine! I admit it! It was so childish of me to act like that! Kasalanan ko. Nakita ko lang naman itong may kausap na ibang babae. Kausap lang naman. Walang malisya. Pero anong ginawa ko? Nagalit sa kanya tapos dahil hindi ako sanay sa ganitong emosyon, inatake ako ng sakit ko.
I was unconcious for an hour and when I woke up, I hated him for causing me pain.
"But he lied to me," mahinang bulong ko pa na siyang ikinatigil ko. "Stop it, Destiny! Walang nagsinungaling sa'yo! Nag-assume ka lang," pangangaral ko sa sarili at tumayo na.
Babalik na lang ako sa kuwarto ko. Masyadong malamig na dito. Baka pumunta na naman sila mommy sa kuwarto ko at mag-alala na naman sila pag nakitang wala ako roon.
Tahimik akong naglakad pabalik sa hotel ngunit bago pa man akong pakatapak sa pina-entrance nito ay may narinig akong isang pamilyar na boses na siyang ikinatigil ko.
"Stop it, Harlyn!"
Wait a minute. That's Von Sirius!
"What? Tama naman ang sinabi ko, 'di ba?"
Mabilis akong naglakad patungo sa pinanggagalingan ng boses nila. Hindi ako puwedeng magkamali! Boses ni Von iyon!
"I said, stop it! Huwag mo nang idamay pa si Destiny dito!"
Napatago ako sa isang halaman noong nasa malapit na ako ng dalawa. Buti na lang talaga ay bahagyang madilim itong parteng pinagtataguan ko. Kung mapansin man nilang dalawa na may tao dito, agad akong makakaalis at hindi nila ako makikilala.
"Puro ka na lang, Destiny! Nakalimutan mo na ang problemang iniwan mo sa Manila!" ani Harlyn na siyang ikinatigil ko. "Von, hinahanap ka ni Zsamira!"
"Matagal ko nang tinapos ang relasyon naming dalawa, Harlyn. Shut it already!" asik ni Von at tinalikuran ang babae.
Zsamira? Who's that girl? Von never mentioned about her.
"Von! Please, kaibigan din natin si Zsamira! She needs you!"
"Hindi niya ikamamatay pag wala ako, Harlyn!"
"What if she will? Anong gagawin mo?"
Natigilan ako sa naging tanong ni Harlyn kay Von. Maging si Von ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan nito. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ng dalawa at lalong hindi ko kilala kung sino ang Zsamira na tinutukoy nito pero mukhang mali ang nandito ako ngayon. Dapat ay hindi ko naririnig ang usapan na ito. Dapat ay wala ako dito.
Kahit gulong-gulo, umatras ako at mabilis na bumalik sa kuwarto ko.
I'm sorry, Von. Mukhang aalis ako dito sa resort ninyo na hindi ka man lang nakakausap. Pero, may dapat pa ba kaming pag-usapang dalawa? I guess, mukhang wala naman talaga.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Agad akong napangiwi noong makaramdam ng pananakit ng lalamunan ko.
"W-water..."
Ito ang unang salitang nabanggit ko. Marahan kong tiningnan ang silid na kinaroroonan ko. Wala ni isang tao ang narito. Mag-isa lang ako at uhaw na uhaw na!
Where are they?
Nanatili akong nakamulat ang mga mata at naghihintay ng may pumasok sa silid. God! Ang sakit talaga ng lalamunan ko! Kailangan ko nang uminom ng tubig! Mayamaya lang ay may pumasok sa loob. Tahimik itong naglakad papalapit sa akin at natigilan noong magtama ang paningin naming dalawa.
It was a nurse.
Kita ko ang pagkabigla nito at mabilis na tumakbo palabas ulit ng silid ko.
Wala pang isang minuto ay sunod-sunod na mga yapak ang narinig ko. I can even heard my mom's voice!
"Amari!"
"Oh my God! She's finally awake!"
"Destiny, can you hear me?" It was Dr. Caren. Tumango ako dito at marahang iniangat ang kamay ko. Inilapat ko ito sa leeg ko at kita kong nakuha naman nito ang nais kong iparating. Agad namang kumilos ang mga nurse at inalalayan akong maupo saglit. Maingat nila akong pinainom
at noong natapos ako ay muli nila akong pinahiga.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" Maingat na tanong ni Dr. Caren habang pinagmamasdan ako.
Umiling ako dito habang pinapakiramdam ang sarili. I felt nothing maliban sa lalamunan ko kanina.
Tumango naman si Dr. Caren at hinarap ang mga magulang ko.
"For now, she's still under observation. Kung magiging maayos na talaga ang pakiramdam nito, ililipat na natin siya sa mas malaking kuwarto at puwede na siyang tumanggap ng bisita," ani Dr. Caren at nagpaalam na sa amin. May iilang nurse ang natira sa silid at may kung anong tinitingnan sa mga nakakabit sa katawan ko. Mayamaya lang ay natapos ang mga ito at iniwan kami nila mommy at daddy para makapag-usap.
"Thanks God! You're finally awake, Amari!" Ito agad ang sinabi ni mommy at nilapitan ako. Marahan nitong hinawakan ang kamay ko at inilagay ito sa pisngi niya. "Thank you for coming back to us, Amari."
"W-what happened, m-mom?" nahihirapang tanong ko dito. Tiningnan ko rin si daddy na tahimik lang nakatayo sa gilid ng kama ko. Napakunot ang noo ko noong napansin tila pumayat ito kumpara sa huling kita ko rito.
"You undergo a surgery, Amari. The day that we almost lost you, we found your heart donor," it was daddy who answered my question.
Natigilan ako. Nakahanap sila ng heart donor ko?
"It was a matter of time, Amari. Kung nahuli lang kami ng ilang minuto, tiyak kong..." hindi naituloy ang mga salitang dapat sasabihin ni mommy noong bigla itong umiyak sa harapan ko. Mabilis itong nilapitan ni daddy at pinatahan ito.
Napatingin ako sa mga magulang ko.
They looked so fragile right now. They looked so weak. I can't imagine how they suffered while I was on the operating room. God, I don't even want to know what happened! Hindi ko kayang malaman na nasaktan sila ng dahil sa akin!
"M-mom, dad, t-thank you," iyon lang ang nasabi ko habang nakangiti sa kanilang dalawa. I know they were worried about me at wala na akong magagawa doon. Ngayong natapos na ang surgery ko, kailangan ko lang ipakita sa kanila na kaya ko na. Na magaling na ako. Na tama na ang paghihirap nila.
"I'm fine n-now. Thank you s-so much."
A/N:
The end. Charot hahaha
Dito na po talaga magsisimula ang totoo kuwento ni Destiny Amari hahaha Patikim pa lang po talaga ang first ten chapters na ito hahaha Anyways, how's the story so far? hahaha Kinakabahan ako sa kalalabasan ng kwentong ito! Hahaha Hindi ako sanay na walang action sa isang kuwento!
Happy reading everyone! Hugs! Stay safe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top