Chapter 1: Destined
Tamad kong sinusundan ang dalawang pinsan ko habang nasa mall kami.
It's already five o'clock in the afternoon at dapat sa ganitong oras ay pauwi na kami sa village namin! Nako! Mapapagalitan na naman talaga kami nito!
"Walk faster, Destiny!" ani Nempha noong makitang nahuhuli na ako sa kanilang dalawa ni Andrea. Napailing na lamang ako at mabilis na naglakad at tumabi sa kanilang dalawa.
"Ano ba kasi ang pinunta natin dito?" nakasimangot kong tanong kay Nempha. "Daddy will scold me if I won't be home at exactly six!"
"Don't worry about it! Nakausap na namin is Tita Amanda, Destiny! Nagpaalam na kami sa kanila ni Tito Dennis!"
"What?" Gulat na tanong ko sa dalawa. Really? Ano naman kaya ang palusot ng dalawang ito sa mga magulang ko?
"Anyways, we're here to meet someone!" ani Nempha habang panay ang lingon sa paligid namin.
"Someone?" Takang tanong ko at ginaya ang ginagawa nila ni Andrea. "Can you tell me kung sino ang kikitain ninyong dalawa?"
Sino naman kaya ang kikitain nila? Halos lahat ng kaibigan namin ay schoolmates namin! Imposible namang 'di sila nagkikita-kita sa school!
"Aleph!"
Sabay kaming napalingon sa gawi ni Andrea noong may isinigaw itong pangalan. Aleph? Who the hell is that?
"Andrea."
Napataas ang kilay ko sa lalaking papalapit sa
puwesto namin. Binalingan ko naman si Andrea at halos mapairap ako noong makita ang ngiti nito sa
labi! What is this?
"Hi, Aleph!" It was Nempha. Marahan niya akong hinawakan kaya naman ay napatingin ako dito. "My name is Nempha and this is Destiny!"
"Oh, hello there!" Ngumiti si Aleph at binalingan muli si Andrea.
"Who is he?" bulong kay Nempha at marahang binalingan si Andrea at Aleph.
"He's Andrea's boyfriend," anito at nginitian ako.
Boy what? They're bluffing, right? Kailan pa nagkaroon ng boyfriend itong si Andrea? Oh my God! This is not good! Hindi maganda ang pakiramdam ko dito!
"Andrea..."
"Aleph!"
Halos sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking tumawag kay Aleph. Napako ako sa kinatatayuan ko noong makita kung sino ito. Oh my!
Damn it!
Von Sirius!
"Oh, Von! Done with your thing?" Tanong ni Aleph sa bagong dating na lalaki.
"Yup," sagot nito at binalingan ako sa puwesto. Mabilis akong nag-iwas nang tingin at hinila ang kamay ni Nempha. Ano bang iniisip ng mga pinsan ko? At talagang kinita pa nila ang mga ito dito sa mall!
"Umuwi na tayo," mahinang yaya ko kay Nempha. Kinakabahan talaga ako sa ginagawa nila!
"Destiny, may isang oras pa tayo. Ang paalam namin ni Andrea ay hanggang alas sais tayo dito."
Napapikit ako sa sinabi ng pinsan ko. This is insane! Kung alam lang nila mommy ang planong ito ng mga pinsan ko, tiyak kong hindi nila ako papayagan dito!
"Let's go, girls?" ani Aleph at hinawakan ang kamay ni Andrea. What? Anong ginagawa ni Andrea? Bakit nagpapahawak siya sa lalaking iyan?
Hindi na ako nakaangal pa noong hilain na ako ni Nempha. Nasa unahan namin si Andrea at Aleph na ngayon ay kausap si Von Sirius.
"Nempha..."
"Cut it, Destiny. We are here to support Andrea."
"To support her? Nempha naman! We're teenagers here!"
"We're almost eighteen, dear!" ngisi ni Nempha na siya ikinailing ko dito.
Napatingin muli ako sa gawi nila Andrea. She's with Aleph and Von Sirius who are obviously older than us! At pag nalaman ito ng mga magulang namin, tiyak kong grounded kami nito!
Sa isang sikat na Tea House kami pumunta. Tahimik lang ako nakaupo samantala panay ang tawa ng apat sa kung anong pinag-uusapan nila. Pasimple kong tiningnan ang orasan ko at napabuntong-hininga na lamang noong makitang may tatlumpong minuto pa bago kami tuluyang makauwi.
"Destiny."
Napaayos ako nang pagkakaupo noong marinig ang tawag ni Andrea sa akin. Binalingan ko ito at walang emosyong tinitigan.
Kita ko ang alangang ngiti nito at tumikhim. I don't want to be rude to my cousin but they really pissed me off right now! Paano nila nagawa ito? For sure nagsinungaling sila sa mga magulang namin para lang makipagkita sa dalawang ito!
"I'm not feeling well," sambit ko at binalingan din si Nempha. "Mauna na ako sa inyong dalawa. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay mommy."
"Destiny!" apila ni Nempha sa sinabi ko. "Sabay-sabay na tayong umuwi!"
"No. You two stay here. Ako na ang bahala sa pag-uwi ko," wika ko at tumayo na.
"Teka lang, Destiny..."
Hindi ko na pinansin ang dalawang pinsan ko. Dere-deretso akong lumabas sa Tea House at naglakad na patungo sa exit ng mall.
Ilang minuto lang ang lumipas mula noong umalis ako sa Tea House noong natigilan ako sa paglalakad. Mabilis akong bumaling sa gawing kanan ko noong mapansin kong may tumabi sa akin.
Agad akong napalayo rito noong makilala ko kung sino ito.
"Hi," bati nito sa akin sabay ngiti.
"What do you want?" tanong ko sa kanya at humakbang ng isang beses palayo sa kanya.
"Come on, Destiny. I won't bite," anito at ngumisi.
"But you're a jerk so it's the same thing."
Natigilan ako noong biglang tumawa ito. Hindi ko maalis ang paningin sa kanya kaya naman ay napairap na lamang ako. What the hell, Destiny?
"Aalis na ako," paalam ko dito at nagsimula nang maglakad muli.
"Destiny, wait up!" habol ni Von sa akin at sinabayan muli ako sa paglalakad. "It's been what? Two months?"
"Shut up, Von Sirius!" mariing sambit ko at mas binilisan ang paglalakad. Muling tumawa si Von hinabol muli ako.
"Come on, Destiny! Akala ko ba napatawad mo na ako? It was an accident!"
"Shut up!"
"Hey, I said I'm sorry. That was really an accident," anito at hinawakan ako sa braso.
"Don't touch me," mabilis kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Nakalimutan ko na iyon kaya lubayan mo ako, Von!"
"Nakalimutan? Really?" he asked then move closer to me. Naalerto ako. Mabilis akong napaatras at lumayo sa kanya.
"Leave me alone, Von Sirius," mariing sambit ko at tinalikuran ko na ito. Damn that man! Ni hindi ko na nga ito iniisip tapos siya naman ipapaalala sa akin ang nangyari noon! Jerk!
"Destiny Amari!"
Nanlaki ang mga mata ko noong isinigaw nito ang pangalan ko! For Pete's sake! Nasa mall kami ngayon!
"We're destined to meet again!" anito na siya ikinatigil ko. Mabilis ko itong hinarap at pinagtaasan ng kilay. What the hell is he talking about?
"We'll meet again! That's for sure!" Pahabol pa nito at sumaludo sa akin. He smiled again then started walking backwards.
Napailing ako dito.
Whatever you say, Von Sirius Henderson.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top