Chapter 5
𝐒𝐂𝐀𝐑𝐋𝐄𝐓
Tumingala ako sa kalangitan at sinandal ang aking ulo sa damuhan. Ramdam ko ang agos ng malamig na tubig sa hubad kong katawan. Nanatili ang tingin ko sa asul na kalangitan at pinagmasdan ang mga ulap. I relaxed my body and let it float. Pumikit ako't bumuntong hininga at dinama ang malamig na simoy ng hangin. . . I'm glad to be back home.
Today is my first day in the Academy.
Sa pagdilat ko'y pinalutang ko ang mga talutot ng iba't-ibang bulaklak dito sa kagubatan. Ito'y dumapo sa ilog kung nasaan ako't sumalubong sa akin ang mabangong halimuyak nito. I smiled laxly as I moved my legs while staying afloat. I felt like I was lying in a bath tub full of rose petals.
Sa luwang ng gubat na ito'y tanging ako lang ang tao sa loob. Nagagawa ko ang kahit ano'ng gusto ko't kahit maglakad ako ng walang saplot ay ayos lang dahil wala namang makakakita sa akin. I like being alone because I value my peace of mind. Nothing can bring you peace but yourself.
When you learn to survive without anyone, you can survive anything.
Tinagilid ko ang aking ulo habang ako'y nakalutang sa ilog. Mula sa mga damo'y tumalon ang isang palaka papunta sa tuktok ng kanan kong dibdib. The frog is unfortunate because my long curly hair covered my breast. Ramdam ko na tila dinidiin pa nito ang maliliit nitong mga paa sa aking dibdib.
Such a perverted amphibian.
Tiningnan ko ito at ako ay nanatiling kalmado't napangisi bago ginulong ang aking mga mata. Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon ko'y magtititili na ito't mandidiri. Yeah, right. . . I'm different because I'm not a basic girl.
"Hmmm. Looks like I'll cook crispy frog legs for breakfast today." Mapaglaro kong sabi't sa tono ng aking pananalita ay agad na tumalon ang palaka pabalik kung saan ito galing kanina. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humalakhak sa naging reaksyon nito.
The frog is lime green and it can jump for more than ten feet in one jump. Nanatili ang mapanukso kong ngiti habang nakatitig rito't isang bagay ang aking napansin. Its internal organs are visible. I can see its liver, intestines and how its little heart pumps. The frog's skin is transparent and looks like a glass. Just from seeing it, I knew that it's a glass frog.
Muli kong tinagilid ang aking ulo't sunod na lumutang ang malalaking bato na tila tinabunan ng magarbo't malalaking damo. Nanatili ang tingin ko sa palaka at ito'y 'di gumagalaw sa kaniyang pwesto. My face remained blank yet cold at the same time. As expected, the frog started screaming.
I'm sorry. Spare my life.
Isang matinis na boses ang narinig ko sa aking ulo habang nakatingin sa palaka. 'Dinagbago ang ekspresyon ng aking mukha na tila 'di ako nanririndi sa sigaw nito. I stared at it with my piercing eyes. Pagkatapos ng ilang segundo'y nagtatatalon ito sa aking harapan. I knew that this will happen, frogs scream when they perceive danger.
"Naistorbo mo ang aking pagligo," bulong ko rito't tumayo. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko sa harapan nito. Ito'y tumalon at humarap sa ibang direksyon na tila'y iniiwasang makita ang aking hubad na katawan. Napailing na lang ako't bumagsak sa lupa ang mga bato na lumulutang sa ere kanina. I shouldn't waste my time with this insane lusty amphibian.
Muli akong pumikit at humiga sa tubig. Ramdam ko ang paglutang ng aking katawan at mula sa malayo'y rinig ko ang kaluskos mula sa mga damo. Nanatili ang tingin ko sa kalangitan. Pagkatapos ng ilang segundo'y tinaas ko ang aking kamay. Dumilat ako't bumungad sa aking ang isang ahas na lumulutang sa ere.
"Good morning, Chuchay. Craving for breakfast?" Kalamado't mapanukso kong sabi at tinapunan ng tingin ang palaka sa aking harapan na panay ang sigaw dahil sa takot. I raised my pointer finger in the sky and moved it playfully. Sumabay ang direksyon ng aking daliri sa galaw ni Chuchay habang ito'y nakalutang sa ere. I can even hear Chuchay's hiss. Nanatiling blanko ang mukha ko't tumingin sa palaka.
''Go.'' madiin kong sabi. ''Go before I change my mind.'' Imbes na tumalon palayo ang palaka'y dumaan pa ito sa aking harapan. Nilabas nito ang kaniyang mahabang dila't dinampi sa aking pisngi.
Napailing na lang ako't binaba ang aking daliri dahil baka'y makalimutan kong nasa ere si Chuchay. Tumingin ako sa direksyon kung saan nagtungo ang palaka't hindi ko maiwasang mapailing dahil bago ito tumalon palapit sa akin ay narinig kong nagpasalamat ito sa loob ng aking ulo.
It's funny how animals can be kinder than some people who act like animals. Seriously, this is a fucked-up world.
Tumayo ako at agad na gumapang palapit sa aking si Chuchay. She keeps on hissing at me like I made a great sin. Nakabuka ang bibig niya kaya kita ko ang tulis ng dalawa niyang pangil. Walang tigil ang paglayo't lapit ng kaniyang ulo sa akin habang ako'y nakatayo at rinig ko ang kaniyang sigaw sa loob ng aking ulo. Tinawanan ko siya at napahawak sa aking tiyan pagkatapos ng ilang segundo ay ako'y napailing.
''If you think you can scare me. . . try harder, bitch.'' mapanukso kong sabi sa kaniya't ngumisi. Umahon na ako sa ilog at pagkatapak ko sa damo'y humaplos sa hubad kong katawan ang malamig na simoy ng hangin. Sinuklay ko ang hanggang beywang kong buhok sa harapan ni Chuchay.
What I see makes me vomit.
Napangisi ako nang marinig ko ang sinabi ni Chuchay. Tinuloy ko ang pag-aayos sa aking buhok habang nakatingin sa kaniya. Imbes na mainsulto sa sinabi niya'y isang matamis na ngiti ang aking binigay.
''Ikaw naman. . . ginagawa mo akong salamin.'' sagot ko't humalakhak dahil muli nitong nilabas ang kaniyang mga pangil sa aking harapan. Humakbang ako at sa isang iglap ay natuyo ang aking buhok. Hinakbang ko naman ang kanan kong paa't ako'y nakatayo na may suot ng damit. I turned around like a princess and faced the river where I bathe to see my reflection.
Caius told me that freshmen are allowed to wear any decent attire for two weeks before wearing the official uniforms required for them. Mabuti na lang ay naglaba ako kahapon ng aking mga damit at baka'y nakahubad akong papasok kung nagkataon.
I prefer to wear my favorite chemise made of linen. Mahaba't umabot sa pulso ang aking manggas at ito'y kulay pula. Agaw pansin ang suot kong manipis na corset dahil dito'y kita ang liit ng aking baywang at kurba ng aking katawan. As usual, I wore my pendant. Ito'y bilog at ang pagkapula nito'y kakaiba.
Unfortunately, I don't wear this pendant to look good. I wear this for a purpose.
Dumiretso ako't rinig ko ang kaluskos ng mga damo. Kahit 'di ako lumingon sa likod ko'y alam kong nakasunod sa akin si Chuchay. I became so careful with my steps. Mahirap na at baka'y may matapakan akong halaman na patubo pa lang. I maybe rude with people but I'm kind to animals and plants.
Ang isang halaman kapag inalagaan mo'y bibigyan ka nito ng isang bunga at kapag tao naman ang pinalaki mo'y may pagkakataon na babastusin ka lang nito't iiwan ka kung ika'y matanda na't walang pakinabang. People can be cruel, and they always will.
Nanatiling diretso ang paglalakad ko hanggang sa ako'y makarating sa puno ng mangga. Paghakbang ko'y lumutang sa aking harapan ang isang malaking bato't ito ay aking inupuan. Nanatili akong nakayuko at kinuha ko ang isang kahon na puno ng uling.
"I'll cook my breakfast." diniin ko ang pagbigkas sa ikatlong salitang sinabi ko. From my peripheral vision, I can see that Chuchay is hissing and I can hear her telling me that I'm a heartless bitch. Siguro ay masakit pa rin ang loob niya na 'di niya nalamon ang palaka kanina.
Pinatong ko ang mga uling sa damo at sa pagbuka ng palad ko'y lumutang papunta sa aking kamay ang dalawang bato. Ang mga ito'y tatlong pulagada't pahaba. Pinagtapat ko ang mga ito na may isang metro ang layo sa isa't-isa. Tinaas ko ang kaliwa kong kaamay sa ere't lumutang naman sa palad ko ang isang panibagong bato. Ito'y makinis, patag at sakto ang haba.
"Pagkatapos ko magluto'y papasok na ako sa Akademya." I placed the flat stone on top of the two stones facing each other. I whistled. . . then, in an instant, a sack filled with lots of chicken appeared. Kumuha ako ng dalawang piraso rito't pinatong sa bato. Hinipan ko ang uling sa ilalim ng bato na ito't agad itong lumiyab ng apoy.
Naiinip kong pinanood ang pagliyab ng apoy. Kumaway ako rito at agad na humina ang apoy dahilan upang makita ko ang pag usok ng uling. Paglaan ng ilang minuto'y nakita ko ang pagbabagong kulang ng karneng pinatong ko sa patag na bato. Naiinip ko itong tiningnan habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
That is right. . . This is how I take a bath and cook everyday. This is how I live in the forest. It's better to live this way because people outside have a lot to say about lives they've never lived.
Kinumpas ko ang mga kamay ko't agad nawala ang apoy sa uling kanina. Hinawakan ko ang malinis na tela na nakapatong sa hita ko't kinuha ang karneng luto na. Kinuha ko ang isang karne't tinapon ito sa direksyon ni Chuchay. At agad niyang binuka ang kaniyang bibig at nilamon ng buo ang tinapon kong karne. Mabuti na lang ay tinago ko ang pinalengke ko dahil sigurado akong kayang ubusin ni Chuchay ang isang sakong karne.
"I'll go." Tumayo ako't binato ang karne sa direksyon nito't ito'y kaniyang sinalo. Hinugasan ko ang kamay ko sa ilog at pinagpag ang aking suot. I don't need to eat a feast, a piece of meat is okay for me. Ang totoo'y kahit hindi ako kumain ay 'di ako manghihina. Kumakain lang ako para may makain din ang kasama kong ahas.
Goodbye, Scarlet.
Hindi ako lumingon sa kaniya't tinaas ko na lang ang kamay ko't makita niya na ako'y nagpapaalam na. Diretso lamang ang tingin ko sa harapan. Hinawi ko ang aking buhok at sa muli kong paghakbang ay ako'y nakatayo sa panibagong lugar. I teleported myself in the town where the Academy can be found.
Ang tahimik na gubat sa panrinig ko kanina'y napalitan ng sari-saring ingay. Inis kong hinawi ang buhok ko't napapikit habang naglalakad. Yeah, right. Unang araw ng pasukan ngayon kaya'y maingay ang mga tao. There's a group of girls walking in front of me and I can ever hear their thoughts. Pati ang paghakbang ng mga tao'y naririnig ko. It's too damn noisy. This is why I prefer living alone inside the woods.
"Sera! Long time no see!" Mula sa gilid ko'y mabilis na tumakbo ang isang maliit at payat na babae. She has an ash brown shoulder length hair. Pagdaan niya sa harap ko'y naamoy ko ang sari-saring rosas mula sa kaniyang katawan. Ako'y nagtaka kaya pinagmasdan ko siya nang ito'y tumalon upang yakapin ang grupo ng mga kababaihan na naglalakad sa aking harapan.
The girl wore a knee-length dark blue dress. Her top consists of vest and a white inner shirt paired with short blue tie. Mahaba ang manggas ng suot niya't sa gitna ng kaniyang palda'y makikita ang symbol ng Imperial Academy. Bumaba ang aking tingin sa kaniyang mga paa. Her victorian shoes are in dark blue full of white laces. Naningkitan ang aking mga mata nang mapansin kong gawa sa metal ang mga ito't mukhang mabigat.
Why is a petite girl, like her, wearing heavy shoes? Does it have anything to do with her powers?
Umiling ako't nilihis ang atensyon ko sa iba. I don't want to stick my nose into people's businesses. The less you deal with people, the lesser bullshit you'll face. Ginala ko ang aking paningin sa paligid at pansin kong nakasuot ng iba't-ibang uniporme ang kasabay ko sa paglalakad.
I can see mint green, light blue, and red uniforms. Magkakaiba man ang disenyo ng kanilang suot ay nahalata kong iisa lamang ang school symbol na makikita sa kanilang uniporme.
Napataas ang kilay ko dahil dito. I wonder why Imperial Academy has different uniforms?
Sinundan ko ang mga naglalakad sa aking harapan. Lahat sila'y patungo sa iisang direksyon. They are wearing their respective uniforms so I assumed that they aren't freshmen. I got confused because I can see people who look like way more younger than their age.
Huminto ako sa paglalakad nang isang kakaibang pangyayari ang nakita ko. Napuno ng reklamo ang paligid galing sa mga kasabay ko't ang iba'y mukhang nayamot sa kanilang nakita. Who would thought that I'll see a boulder covering my way to school? Napailing ako't pasimpleng humalakhak sa aking puwesto. I'm sure that who planned of this, is a pure lunatic.
Tumaas ang kilay ko nang isang babae ang pumunta sa harap. She keeps on murmuring to herself. Panay ang bulong nito sa sarili na ang malas ang unang araw niya sa Akademya. Her petite body and silky chesnut hair is really attention-seeking.
I crossed my arms because I don't know what she will do, it looks like she'd gone mad. Paglaan ng ilang minuto'y nagulantang kami nang umupo siya't hinawakan ang napakalaking bato gamit ang dalawa niyang mga kamay. Tumayo siya't ito ay kaniyang binuhat. How can a petite girl lift a three ton boulder?
People are wrong to call me a monster because of my abilities. Well. . . It looks like that I'm not the only monster here in Nevarion. Surprise, mother fuckers.
I sarcastically laughed inside my head. Tinagilid ko ang ulo ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harap. Lumutang ng isang pulgada ang dambuhalang bato sa kaniyang palad. Ito'y kaniyang tinapon sa isang direksyon at tila may sariling utak ang bato ang ito'y lumiko. I am not helping her I want see If I can make a boulder float.
Nagpalakpakan ang mga tao't nakatanggap ng papuri ang babae. Napailing na lang ako't sinundan ang mga taong naglalakad sa aking harapan. Taliwas nga lang sa direksyon nila kung saan ako lumiko dahil sa paghakbang ko'y nagbago ang paligid at natagpuan ko ang aking sarili sa harap mismo ng Akademya.
Tila isang palasyo ang itsura ng Akademya. Ito'y napakalaki. From a distance, it is uniform grey and full of turrets that are even in sizes. It is a seven-storey tall building. Siguradong lagi ako mawawala rito. Kahit ang mga bintana nito na tila kumikislap pa'y napakalaki.
Taas-noo akong naglakad papasok at ginala ang aking paningin sa paligid at ako'y tumingala dahil una kong napansin ang sementadong kisame. Puno ng mga estudyante ang hallway kaya minabuti kong maglakad sa panibagong direksyon. Karamihan sa mga nakakasalubong ko'y suot ang kanilang uniporme at iilan lang ang tulad kong hindi nakasuot nito.
Napadaing ako nang isang tao ang bumangga sa aking balikat at ako'y nilagpasan. Hindi pa siya nakakalayo sa akin ay pinalutang ko ang isang bato papunta sa kaniyang paa dahilan upang tumigil siya. Napangisi ako dahil likod niya palang ay alam ko na kung sino siya.
"Thunder Aiden Egan." Lumawak ang ngisi sa mga labi ko nang banggitin ko ang buo niyang pangalan. Nagtataka siyang lumingon sa akin at ang mga kilay niya'y magkasalubong. I noticed that his hairstyle is different from yesterday. 'Yon din ang istilo ng buhok niya nang sirain niya ang liham ko sa tavern. His eye brow and lip piercings are back too. It's odd. . . He didn't look like this yesterday.
Imbes na pansinin ako'y lumingon siya sa harap at naglakad na tila may hinahabol. Nanatiling kalmado ang mukha ko habang nakasunod sa kaniya ngunit siya'y lumiko't nawala sa aking paningin. Binilisan ko ang paglalakad ko't ako naman ang nakabangga ng ibang tao.
"Ouch!" Isang matinis na boses ng babae ang narinig ko ngunit 'di ako nag-aksaya ng oras upang lumingon.
"Sorry." walang emosyon kong sabi't akmang maglalakad palayo ngunit natigilan ako nang may humawak sa buhok ko. Pumikit ako't pinigilan ang aking sarili na yugyugin ang Akademya. No one touches my hair.
I grab the girl's filthy hand and twists it without blinking. Humiyaw ito't pinatagal ko ng ilang segundo ang hawak ko sa kaniyang kamay bago ko ito bitawan. Nanatiling diretso ang tingin ko nang harapin ko ang babaeng humawak sa buhok ko ngunit hindi siya nag-iisa. There are three idiots wearing black dresses standing in front of me.
Isang kakaibang ingay ang bumungad sa lahat ng mabasag ang malaking aquarium sa gilid. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga estudyanteng nanonood sa amin dahil ang laman nito'y 'di isda kun'di mga ahas.
Isang malawak na ngisi ang binigay sa akin ng tatlong babae ngunit imbes na matakot ako'y isang matamis na ngiti ang ginanti ko sa kanila. Looks like my first day here is really unfortunate. Una'y nakita ko na nga ang lalaking nagdala ng malas sa buhay ko'y hindi ko pa ito nasundan kanina dahil sa tatlong babaeng mukhang daga na humarang sa akin.
Nanatili akong nakatayo't hindi nagpakita ng takot sa mukha ko. I stood tall in my position like a Queen that is not afraid of rats. Gumapang ang mga ahas papunta sa aking direksyon at ang isa rito'y pinatong pa ang ulo sa aking balikat.
Sa unang tingin palang ay kilala ko na ang mga ito. These snakes are Chuchay's friends. Ang mga ito'y kinuha sa gubat at kinulong. These three idiots have no idea that I can talk and command animals. Mga tanga.
Bakas sa mukha nila ang pagkalito dahil sa nangyari. I tried my best not to laugh because of their faces. Ang isa'y tinaas ang kaniyang palad ngunit nasalo ko ang bubog na tatama sa kanan kong mata nang 'di ako kumukurap. Humakbang ako at kasabay non ang paggapang paharap ng mga ahas na aking mga katabi.
If you want a fight, I'll give you a war instead. . . If you want an instant karma, I'll give it to you quick.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top