Chapter 3

𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀

Hindi mapigilan mapailing ni Caius habang nakatingin sa nakasarang pinto ng kanyang silid kung saan lumabas ang dalaga. Binalik niya ang kanyang tingin sa hawak niyang kabute't pinatong iyon sa ibabaw ng aklat sa kanyang harapan. Katulad nga ng inaasahan ay lumiwanag ang kabute dahilan upang mapatitig siya rito.

Muli niyang hinawakan ang kabute habang nakataas ang kanyang kilay. He placed the quartz in front of the plant to see its details. Tunay ngang halaman ang binigay sa kanya ng dalaga. He couldn't believe that Mogwarts thrive in that forest. Buong akala niya ay peke ang binigay sa kanya na kabute at siya ay nililinlang lamang ni Scarlet. Looks like he's quick to judge someone.

"Sana ay hindi siya gumawa ng kalokohan kapag nalaman niyang malaki ang halaga ng mga halaman sa gubat na 'yon." bulong ni Caius sa kanyang sarili't muling napailing.

Kulang ang mga daliri sa kanyang mga paa't kamay kung bibilangin ang lahat ng kalokohan na ginawa ni Scarlet mula siya ay paslit pa lamang hanggang ngayon. The fact that Caius can't bare a child, his wife left him. Siya ay namuhay mag-isa ngunit nagbago iyon nang mahanap niya ang isang sanggol sa pugad ng dragon.

Ito ay sinabi niya sa mga pari at sa palasyo ngunit siya ay sinabihan na patayin o 'di kaya sunugin na lang ang sanggol. People believed that the child will bring misfortune and will be the doom of the world. Hindi kaya kumitil ni Caius ng isang inosenteng sanggol kaya ito'y pasikreto niyang pinalaki sa isang gubat.

Ang desisyon na iyon ang dahilan kung bakit natanggal si Caius sa dati niyang trabaho at nawalan siya ng karapatan na magturo't maging isang maestro sa lahat ng paaralan ngunit naniniwala siyang ginawa niya ang tama.

Nagpumilit siyang ipasok sa isang akademya si Scarlet. Isang akademya na matatagpuan sa Atvia... ang pinakamalayong nayon sa Imperia. Buong akala ni Caius ay walang magiging problema, ngunit doon siya nagkakamali. The truth is that he was called several times by the teachers of the academy because Scarlet was very quarrelsome even though she was still in third grade.

Madalas ay sinasabi ng mga maestro sa paaralan na sakit sa ulo raw si Scarlet. Lapitin ito ng mga tukso dahil sa kanyang itsura ngunit siya'y palaban at 'di nagpapatalo kaya sa huli'y kung sino pa ang nanukso sa kanya'y siya pa ang uuwing umiiyak at magsusumbong sa kanyang mga magulang. Nakarating din kay Caius na nakipagsapakan umano si Scarlet sa kaklase nitong lalaki noong siya'y elementarya palang.

Hanggang ngayong siya'y malaki na ay hindi pa rin nagbago ang kanyang ugali. Scarlet is already a sixteen-year -old maiden, but Caius felt like he was still taking care of a child. Madalas ay 'di sinusunod ng dalaga ang mga bilin niyang huwag gumawa ng gulo't lagi niya naman itong pinagtatakpan.

If Scarlet wants something, no one can stop her. She is unstoppable and will face anyone who dares to challenge her.

Natigil ang kanyang pagmuni-muni nang makarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Pagbilang niya ng tatlo ay katulad nga ng inaasahan ay tumigil ang pagkatok dahilan upang maigulong ni Caius ang kanyang mga mata. He knew what will happen next.

"Tao po!" rinig niya ang masiglang sigaw ng isang binata mula sa nakasarang pinto.

"Walang tao rito," sarkastikong tugon ni Caius at tulad nga ng inaasahan ay sunod na bumukas ang pinto. At bumungad sa kanya ang isang binata na may hawak na sandamakmak na mga damit. On top of the folded clothes are dirty armors and three pair of boots.

"Balita ko ay tatlong araw mo raw hindi ginawa ang trabaho mo dahil iba ang inatupag mo." Makahulugang sabi ni Caius habang nakatingin sa hawak nitong kabute. Hindi pinansin ng binata ang kanyang sinabi't tinagilid ang kanyang ulo at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Wala na ba siya?" bakas ang kuryosidad sa mukha at tono ng boses ng binata dahilan upang taasan siya ng kilay ni Caius.

"Sino'ng tinutukoy mo, Brio?" Nanatiling nakataas ang kilay ni Caius nang ito'y lagpasan ng binata at maingat na nilapag ang mga dala nito sa isang bakanteng upuan sa gilid.

"The witch." Nagkibit-balikat si Brio habang ingat na ingat sa bawat yapak ng kanyang mga paa at ito'y halos maduling pa habang nakatingin sa hawak niyang nakatuping mga damit.

"The witch?" Pag-uulit naman ni Caius sa sinabi nito habang kunot ang noo.

"Sino pa ba? E 'di 'yong babaeng may pula't kulot na buhok! Alam kong nandito siya kanina! Nakakatakot!"

Niyakap ni Brio ang kanyang sarili't hinaplos ang kanyang mga braso na tila'y nagsisitaasan ang lahat ng buhok niya sa katawan. Akmang magsasalita pa uli siya nang sapakin ito ni Caius na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi.

"Aray!" bulaslas ni Brio at hinaplos ang kanyang batok habang ramdam niya ang pananakit nito't kunot-noo na tumingin kay Caius.

"Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, bata ka. Nagsasawa na akong pagsabihan ka dahil sa matabil mong dila." Seryosong sabi ni Caius at siya'y nilagpasan. Nanatili itong abala sa kanyang ginagawang pagbabasa ng makapal na aklat.

Brio stood still in his position and pouted. Kinuha niya ang magagarang damit ng hari't muling tinupi dahil lahat ng ito ay lalabahan niya rin ngayong araw. Napakamot siya sa kanyang ulo at napailing nang makita na puno ng putik ang mga botas ng hari.

He could smell the various mixed scents of soil coming from the boots, and it was an unpleasant smell. Tinakpan niya ang kanyang ilong at napailing dahilan upang mapatingin sa kanya si Caius.

Axel Brio Paxley is also an orphan. For sixteen years, Caius took care of him. Brio's six-fifth height catches people's attention the most. With ash grey hair and a set of sapphire eyes... he always wears his silky cream tunic and old pants. Lagi niya ring suot ang pulang bandana sa kanyang leeg na pinaniniwalaan niyang galing sa kanyang ina.

Sa katigasan ng ulo ni Scarlet at sa sobrang kulit ni Brio ay pakiramdam ni Caius ay nagkaroon siya ng dalawang anak na animo'y mga makukulit na paslit.

Brio is the King's personal slave, and his job is not that easy. Higit pa sa katulong ang trabaho nito dahil pinagluluto't binibihisan niya rin ang hari. At kung siya'y tinatamad ay nagrarason itong may sakit at dumidiretso sa pangunahin nitong tambayan... Tavern. Si Caius ang sumasalo sa mga ginagawang kalokohan ni Brio, at siya rin ang humaharap sa hari't nagpapaliwanag kung bakit wala ang binata.

"Psssst!"

Muling ginulong ni Caius ang mga mata niya nang marinig ang tila nangungulit na boses ni Brio. Umiling siya't nilagay ang Mogworts sa isang glass jar na kalahating metro ang laki't hugis pahaba. Nilipat niya ang pahina ng binabasa niyang aklat at pinagpatuloy ang kanyang pagbabasa.

"Psst. Psst. Huy, tanda! Mahina na ba ang pandinig mo!" Pangungulit ni Brio habang ito ay nagtutupi't nakasimangot na lumingon sa kaniya si Caius.

"Bali-balita sa labas ay may nasunog daw na tavern malapit sa palasyo!" bulong ni Brio na animo'y isang chismosa sa palengke na kausap ang kapwa niyang tindera. "Kilala mo ba kung sino ang may gawa non?" dagdag nito.

"Hindi ko alam," diretsong sagot ni Caius. Nanatili ang tingin nito sa aklat sa kanyang harapan na animo'y walang paki sa sinasabi ni Brio.

"Hindi mo alam? Weh?" Pinagpag ni Brio ang pulang damit na hawak nito habang nakataas ang kilay. "Ang sabi nila'y babaeng payat at maliit daw ang may gawa. Maiksi ang buhok at kayumanggi ang balat... mukhang bata raw e," dagdag ni Brio at umiling pa.

Tinikom ni Caius ang kanyang bibig at sinara ang binabasa niyang aklat. Pinagmasdan niya ang estante sa kanyang harapan na puno ng iba't-ibang glass jars na naglalaman ng mga halamang gamot at tinitigan ang Mogworts na binigay sa kanya ng dalaga.

Caius knew that what Scarlet did will only cause chaos. Sa taglay nitong magpalit ng pisikal na anyo ay siguradong mahihirapan ang mga tao na hanapin ito. Sa araw-araw na lumalabas ito'y pabago-bago ito ng itsura. Only Caius can recognize her voice.

Ang totoo'y parang anak niya na rin ang dalaga. Caius knows her attitude. Scarlet prefers to be alone. Wala sa isip niyang makihalubilo dahil iniisip niyang nagsasayang lang siya ng oras. And most importantly, she will never cause chaos unless someone tested her patience.

Napabuntong hininga na lamang si Caius dahil sa kanyang naisip dahilan upang mapalingon sa kanya si Brio. Iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip ni Caius ngayon... Sino'ng umubos sa pasensya ni Scarlet? Is it the one that she met in the tavern?

"O. Kanino 'yan? Tsk, tsk. Mukhang sirang-sira na a. Hindi na pwede ito," komento ni Brio habang nakatayo ito sa tabi ni Caius. Lumapit pa ito sa kanya upang silipin kung ano ang hawak nito.

Agad na pinatong ni Caius ang aklat sa liham na binigay ni Scarlet upang itago ito. Brio's forehead knotted and wondered why Caius acts like he is hiding something. Isang diretsong tingin naman ang binigay nito kay Brio habang nakataas ang isang kilay.

"Bakit ka nandito sa tabi ko? Hindi ba madami ka pang gagawin? Hindi ba'y lalabahan mo pa ang mga dala mo? Your Majesty will look for his clothes later." Walang prenong sabi ni Caius ngunit imbes na umalis sa tabi niya si Brio ay dumaan pa ito sa kanyang likod at tumayo naman sa kaliwa nito. Naigulong na lang ni Caius ang kanyang mga mata dahil sa kakulitan ni Brio.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanya.

"Ano'ng ano 'yon?"  tugon ni Caius habang nakatakas ang kilay.

"Ano'ng tinago mo kanina? Parang may nakita akong papel." Ngumuso si Brio sa kanyang tabi na animo'y tinuturo ang aklat sa kanilang harapan na nakapatong sa mesa. "Ano'ng tinatago mo?" dagdag nito.

"Wala akong tinatago," diretsong sagot ni Caius at sunod na kinuha ang maliit na papel na nakapatong sa gilid ng mesa. "Huwag mo akong guluhin rito dahil madami akong ginagawa." Caius held quartz and examined the third page of the book.

"Weh? Ano ba ito?" Hinawakan ni Brio ang dulo ng papel na pinatungan ng aklat ngunit agad ding hinawakan ni Caius ang kamay nito.

"Huwag mong hahawakan ang hindi sa iyo," diretso nitong sabi sa kanya dahilan upang bitawan ito ni Brio. Kunot-noo siyang lumingon si Caius at naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aklat.

"Bumalik ka na sa ginagawa mo't huwag mo akong guluhin." Caius said and Brio started murmuring beside him. Bakas sa kanyang mukha na nagtatampo na ito kaya ginulungan na lang siya ng mga mata ni Caius.

"Ano nga kasi 'yan? Papel lang naman pero kung makatago ka, para kang nagnakaw ng ginto sa palasyo." Pinagpag ni Brio ang damit sa ere na parang isang batang nagdadabog. "Alam ko namang hindi ordinaryong papel iyan kaya huwag mo nang itago sa akin... Malay mo'y matulungan pa kita... Malapit ako sa hari." makahulugang sabi nito.

Caius can't stop himself from rolling his eyes. Katulad ng inaasahan ay magpaparinig si Brio na akala mo'y mataas ang pwesto niya sa palasyo. He is humming, smiling from ear to ear, and raising his eyebrows like a crazy man. Ang totoo niyan ay hindi lang ito personal slave ng hari dahil ito'y tinuturing niya ring kaibigan. Your Majesty is the kindest among the four Kings of Arkania.

''A letter from the Imperial Academy.''

Agad na tumigil sa kanyang ginagawa si Brio dahil sa kanyang narinig at muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang botas. Napaawang ang labi niyang lumingon kay Caius habang nanlalaki ang kanyang mga mata't tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

''Ano?! Hindi ba masyado ka ng matanda para mag-aral!'' Hindi makapaniwala niyang singhal at muntik pa itong makatikim uli ng sapak mula kay Caius. Tinakpan ni Brio ang kanyang mukha't lumayo kay Caius na animo'y nagwawalang dragon ang kanyang katabi.

''Biro lang. Biro lang. Ito naman... hindi mabiro. High blood ka ba?'' Walang katapusang sabi ng binata.

''Huwag mo akong subukan, bata. Baka'y sabihin ko ang totoo sa hari na wala ka naman talagang sakit noong nakaraang linggo't tumambay ka lang naman sa tavern.'' Seryosong sabi ni Caius na tila'y nagbabanta pa sa kaniya at kinuha ang liham na ngayon ay gusot na't punit-punit.

''May mabait at masunuring babae na nakiusap sa akin kung ano ang p'wede kong gawin upang maisalba ang liham mula sa Imperial Academy.'' Sarkastikong sabi ni Caius nang ipakita niya ang golden letter kay Brio. Ito'y nangunot ang noo at umiling nang makita ang liham.

''Nako, tsk tsk... wala ng pag-asa 'yan at hindi na tatanggapin kapag ganyan ang itsura. Sabihin mo sa mabait at masunuring babae na iyon ay sumali na lang uli siya sa entrance exam.'' Pagdidiin ni Brio sa mga salitang inulit niya mula kay Caius at hindi mapigilan ang sariling matawa dahil alam naman niya kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

Nanatili ang tingin ni Caius sa hawak nitong liham at napaisip. The golden letter is already crumpled and it's obvious that the council will never accept a letter like this. Imperial Academy is a prestigious school in Nevarion. Ito'y nag-iisang akademya na kung saan ito lang ang nagbibigay ng golden letter sa mga napiling estudyante. Isa sa mga patakaran nila na ipakita ang liham na kanilang natanggap bago sila makatapak sa loob ng akademya at ang liham na ito'y dapat walang gusot o punit.

''Hindi ka ba nakatanggap ng liham? Rinig ko'y nakapasa ka raw sa entrance exam.'' Seryosong sabi ni Caius habang nakatingin kay Brio na ngayon ay nagpupunas ng botas sa gilid.

''Ewan ko. Pinag-iisipan ko pa dahil ayaw ko naman iwan ang trabaho ko.'' Nagkibit-balikat ito habang nakatingin sa botas na kanyang hawak.

Muling binalik ni Caius ang kanyang tingin sa liham na hawak niya't siya'y napaisip. It would be fine if Brio enters the Academy because he'd pose no threat, but if Scarlet enters, things would be different.

Personally, he hopes that as Scarlet enters the academy, she won't cause any problems as people would say.

Sa kabilang dako naman ay taas noong pumasok sa likod ng akademya ang dalaga. She combs her hair with her fingertips as people stare at her. Hindi siya nagpatalo't tinaasaan ng kilay ang lahat ng babaeng may bahid ng inggit ang mga mata habang nakatingin sa kanyang mukha.

Ang mga kalalakihan naman ay lumulingon sa kanya't na kulang na lang ay mabali ang leeg upang makita ang kanyang mukha. Scarlet rolled her eyes for the thought of dealing with another bullshit as she went out.

Annoying people have some terrible habits. . . Breathing is one of them.

Nanatili ang tingin ni Scarlet sa harapan habang siya'y naglalakad. The ceiling is high and filled with crystal chandeliers. The walls are filled with images made of mosaics, specifically pieces of colored glass. The building has semicircular arches for windows and doors. While the floor is made of stones.

Napataas ang kilay ni Scarlet nang igala niya ang paningin niya sa paligid habang siya'y nakahalukipkip. Pakiramdam niya tuloy ay isang simbahan ang pinuntahan niya dahilan upang igulong niya ang kanyang mga mata.

Hindi niya maintindihan kung bakit madami ang nagkakaramdapang makapasok sa Imperial Academy at kung umakto ang mga hindi nakapasa sa entrance exam ay para silang mamamatay... People and their foolishness.

Huminto siya sa paglalakad nang bumungad sa kanya ang kumpulan ng mga tao na animo'y nagtutulakan ang sa pagpasok sa isang silid. Ang dalawang babae'y magkapatid, kulay tsokolate ang buhok at hanggang beywang. Payat ang pangangatawan at maliit. Ang isang kasama naman nila'y bagsak at itim ang buhok. Ang kutis nito'y maputi at sa magara nitong suot ay halatang nanggaling ito sa mayamang pamilya.

Sa likod nila'y may mga nakapila ngunit bakas sa kanilang mukha ang pag-aalinlangang pumasok sa silid. Napataas na lang ang kilay ni Scarlet habang nakatingin sa kanila't at walang sabing nilagpasan ang mga babae na nakapila sa harapan.

"Excuse me." Rinig niyang sabi ng isang babaeng matinis ang boses ngunit hindi siya lumingon sa kanya't natigilan siya nang hawakan nito ang kanyang braso.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Pagrereklamo nito sa kanya. Lumingon si Scarlet sa babae'y mahigpit na hinawakan ang kamay nito upang alisin ang pagkahawak sa kanyang braso.

"Papasok sa loob." Sarkastikong tugon ni Scarlet dahilan upang mangunot ang noo ng babae. At sa likod nito'y nakahawak ang magkambal sa kanya na animo'y pinipigilan ang kasama na gumawa ng eskandalo.

"Hindi mo ba nakikita? Nauna kami rito." Tumaas ang boses ng babae at ang tanging tugon na nakuha niya mula kay Scarlet ay isang diretsong tingin. She doesn't talk but her eyes are piercing. Tiningnan ni Scarlet ang babae mula ulo hanggang paa.

"Wala akong paki. Nauna kayo't nagsayang ng oras upang magtulakan kung sino ang unang papasok sa loob. Huwag niyo akong sisihin sa katangahan ninyo." Pabalang na sabi ni Scarlet dahilan upang mamula ang mukha ng babae sa kahihiyan.

"Ano'ng sabi mo!" singhal nito at akmang susugudin siya nang pigilan ito ng kanyang mga kasama. Hindi na nag-aksaya si Scarlet ng laway upang sagutin pa ito't tumalikod. Rinig niya man ang komento't bulong ng mga tao ay wala siyang paki. Hindi niya kasalanan na may lakas siyang loob na pumasok sa silid na animo'y may nangangain ng tao sa loob kung magtulakan ang mga nakapila sa labas nito.

Scarlet displayed her famous resting bitch face. 'Di nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha nang bumungad sa kanya ang isang matandang babae na nakaupo sa loob. Sa harapan nito'y may isang mahabang mesa at puno ng mga papel at aklat. Sa likod naman nito'y may malaking estate na puno ng mga aklat.

Saglit siyang tinapunan ng tingin ng matanda at agad nitong binalik ang kanyang tingin sa binabasang liham. "We don't welcome outsiders in the Academy." diretso nitong sabi.

Hindi mapigilan ni Scarlet ang mapahalaklak sa loob ng kanyang isip. Kung gagawin niya uli ang nangyari sa tavern ay tiyak na mahuhulog lahat ng aklat sa estante't pati na rin ang mga sandamakmak na liham na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi man maganda ang bungad sa kanya ng matanda'y pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.

This old woman should be thankful that I need something from her.

"I'm here to get an ivor." Mabilis siyang tinapunan ng tingin ng matanda dahil sa sunod nitong sinabi. Scarlet knew that if she said the truth that her golden letter is crumpled, the old woman will just demand her to join another entrance exam in response.

"Ivor certificate?" Tugon ng matanda na may halong pagtataka sa kanyang boses. Isang pilit na ngiti naman ang ginanti sa kanya ni Scarlet na animo'y isang lobong nagtatago sa katawan ng isang tupa.

It is written in Imperial Academy's policy booklet that Ivor Certification is given to students who lost their golden letter. Ito ay nagsisilbing patunay na nawala ng estudyante ang kanyang liham, ngunit baka ito makakuha ng ivor ay kailangan muna ng patunay na ito'y estudyante nga ng akademya.

Binuklat ng matanda ang isang envelope sa gilid ng mesa't isang maliit na papel ang kinuha niya mula rito at ito ay inabot niya kay Scarlet. Isang nagtatakang tingin naman ang binigay ng dalaga sa kanya. What will she do with a little piece of paper?

"Go to the main library to get your Ivor." Diretsong sabi ng matanda at kunot-noong kinuha ni Scarlet ang maliit na papel sa ito'y kanyang tinitigan. The size of the paper is as little as her pointer finger. At may nakaukit na mga numero sa gitna.

031.

Nakangiti man si Scarlet sa matanda ngunit pagkatalikod nito'y agad nitong ginulong ang kanyang mga mata at nakataas ang kilay na tinitigan ang papel. Faking a smile in front of someone is already a big achievement for her. She thought of giving herself applause.

Agad siyang naglakad paalis ng silid. She crossed her arms while walking. Muli niyang ginala ang kanyang paningin sa paligid at 'di niya maiwasang malula sa laki ng likod ng akademya. Sa inis niya ay gusto niya na lang yugyugin ang paligid. She feels frustrated... How could she find a library in a place this big?

Puno ng tao ang paligid at napatigil siya sa paglalakad nang isang tao ang kanyang nakaharap. Ito'y may hawak rin na papel at blanko ang mukha. Hindi maiwasang mapangisi ni Scarlet nang magtama ang kanilang mga mata habang nakatayo ang lalaki at ito'y mapatingin sa kaniya.

He is no longer wearing piercings so she confirmed that things like those are not allowed in the Academy. Ito'y may blankong mukha habang nakatingin sa kanya. His hair is low fade haircut. He has a cold expression and piercing gaze. Sa kanyang mukha'y bakas na hindi ito nagustuhan na makita si Scarlet sa likod ng akademya.

Tila nagbago man ang itsura ng lalaki sa kanyang harapan ay alam niyang ito ang lalaking sumira ng kanyang liham. Kahit magpalit man ito ng itsura araw-araw ay hindi ito makakalusot kay Scarlet dahil nakataktak na ang kanyang mukha sa isip nito.

Nanatiling nakahalukipkip si Scarlet sa kanyang harapan at lumawak ang ngisi sa kanyang mga labi. You can't fool me... No one can fool me.

It was nice seeing you again, fucker.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top