Chapter 14

𝐒𝐂𝐀𝐑𝐋𝐄𝐓

I grinned when Thunder raised his palm again commanding me to stop. Binaba ko ang kamay ko't tinitigan siya. His face is blank but I know he's thinking what went wrong. It's been thirty minutes but nothing is changing.

Tomorrow came and unexpectedly, Brio and Thunder invited me to come to a private garden owned by one of Imperial Academy's History Professor. I wore my usual outfit. Long flared-red dress with a little slit on my left leg.

"Relax." Thunder commanded me.

Ginala ko ang tingin ko sa paligid. It's a huge garden full of flower beds under a various gigantic trees. It has various plants such as morning glory, sweet peas, ferns, and even honeysuckles. The aroma around is old-fashioned roses. The place is full of arched trellis with climbing plants.

Cool. It's nice to know that two boys would bring one girl in a place like this.

Nakangisi kong tinitigan ang mga kamay ko't tinagilid ang aking ulo. No matter how much energy I release. My wind is way more different from Thunder's. My winder ball's smaller but it has a faint fire. Ang hangin na lumalabas mula sa aking kamay ay may kasamang apoy.

Oh, I wonder why? And what kind of sorcery is this? It's interesting.

"I'm sorry," Thunder sounded like he's blaming himself. Humalakhak ako't natawa sa kaniya.

"Why are you apologizing for?" I said. Sunod kong nilingon si Brio na nakasimangot habang nakaupo sa malaking bato. Pigil ang tawa ko dahil salubong ang mga kilay niya.

"I like the hair tie. What does it do?" Mapaglaro kong sabi kahit alam ko kung ano ang sagot.

My hair is tied in a tight bun using one of Brio's magic items. I don't know, and I don't where he got this. Kahit ninakaw niya ay wala akong pake. As long as I can benefit from something, I'll be hell fine. Umikot ako sa harap ng isang malaking crystal upang masilip ang hair tie sa aking ulo.

''Bahala ka kung ano'ng gusto mong gawin!'' Nakasimangot na sigaw ni Brio. Napakamot na lang siya sa ulo. Natawa ako't umiling nang talikuran ko siya.  I know how does this hair tie works and what does it do. Gusto ko lang paglaruan ang damdamin Brio. I'm aware of magic items because I read books when I'm bored.

I know that someone's is watching me from a far. How do I know this? The moment I wore the hair tie, the gem's turned black for a second. My dearest stalkers didn't see what's happening right now because they saw something else.

Oh, and what did they see? Only I knows.

''How's your leg by the way, Brio? Next time, attack me again, and give me something like this hair tie. I love it!'' Tumili ako. I put my hands on my cheeks while staring at my reflection.

In exchange for what Brio did to me, he gave me this magic item. Mabilis lang naman ako suyuin, basta may kapalit. He told me that Caius kept my necklace in a safe box. Do all they want, I don't care.

Napangisi ako lalo. The fact that it's redness complements the color of my hair makes it awesome. The hairclip's gem was red as blood. It screams fiercess.

Tumingala ako sa itaas upang titigan ang mga uwak na kanina pa nakatayo sa sanga ng isang matayog na puno sa gilid. No wonder why these crows are watching me. They're after the hair tie. Crows indeed are intelligent being. I adore them. They're smarter than humans.

''Thunder, oh! Hindi siya nakikinig sa iyo!'' Muling sigaw pabalik ni Brio. Humalaklak ako dahil alam kong wala siyang masagot sa sinabi ko. Tulad ng inaasahan ay tiningnan lang siya ni Thunder. He's probably busy thinking solutions to my firey-wind. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit may kasamang apoy ang hangin ko.

"Breath in." That's the first two words Thunder said. Kibit-balikat akong sumunod sa kaniya.

"What now?" I asked him. Blanko lamang ang mukha niyang nakatitig sa akin. His face maybe blank but I know he's panicking inside. Ngumisi na lamang ako. Hindi naman sa naiinip ako. Sadyang nakakatawa lang ang reaksyon niya.

"Fix your wind and water first. Those are the foundation of ice." Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatingin kay Thunder.

"How sure are you that I need to fix those things?" I challenged him. Tiningnan ko siya sa mga mata't agad niya akong tinitigan na akala mo ay walang bukas.

"Wind and water are the foundations of perfect ice frost." He opened his palm. Naningkit ang mga mata ko dahil pagbukas pa lang ng palad niya ay agad namuo ang isang bolang hangin.

I immediately turned my gaze at Brio. Mas lalong lumukot ang noo niya. I know why. He's probably comparing his capabilities to Thunder. Unlike him, Brio fails to possess any kind of magics. And that's probably the reason why he's dependent to magic items.

Brio's fancy rings and jewelries are not just for display, he wears them for a reason.

"I didn't know about that, cool." That's a lie. Of course, I know about that. Everyone knows about that because that information is one of the basic principles of elemental magic.

"Why?" Maiksing tugon ni Thunder. His face remained blank but his voice sounds like he was amused.

"I cut class." I chuckled. Nagkibit balikat na lang ako dahil matagal siyang tumitig sa akin. It looks like he wanted to say something but he can't find the right words.

The truth is I don't even know why he accepted my offer. Pabiro ko siyang tinanong. He don't even know me personally but I know him. Not because he's Brio's friend but he's easy to read.

Hindi man lang nagbago ang mukha ni Thunder. Natatawa ako. Kahit siguro'y laitin ko siya ay wala siyang magiging reaksyon. It's true that he seems like emotionless but it's odd that I can still know what he thinks. I scoffed. Am I his mother in my past life or what?

"Alexa." I raised a brow when Thunder spoke.

Nakatungo lamang siya habang nakabuka ang palad sa ere. I looked around, trying to find what he's summoning only to witness a floating book. The hardcover book is thick and glowing with golden light. Natawa ako dahil pansin kong parang humaba ang leeg ni Brio dahil sa nakita niya.

"What's the foundation of ice?" Thunder asked his so called Alexa.

"Philosopher Knight, a poet, veterinarian, and a night shifter discovered that the foundation of ice is wind. After unlocking a new knowledge, he wrote countless book debunking the late Ferdien's claims that the foundation of ice is water." I scoffed when the book started talking.

"Alexa, am I pretty?" I asked.

The book stopped floating and instantly landed on the ground. Sunod akong humalakhak na may kasamang palakpak. I love the book's pettiness.

"Where did you buy this book?" I asked. Nang makita kong umiling si Thunder ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Alexa is a gift," Thunder replied. He asked something once again from the book. Muli niyang binuka ang palad niya't bumuo ng hugis puso't maliit na bola.

Hindi naman ako nagpatalo't nakangisi pang binuka ang palad ko. I copied what he do. As expected, a faint wind started forming on top of my palm. And seconds later, a faint fire followed my wind. Agad kong sinara ang palad ko at kita ko namang nakatingin sa akin si Thunder.

"Hoy." Umangat ang tingin ko dahil sa tawag ni Brio sa akin. Tumayo na siya mula sa malaking bato at diretso ang tingin habang naglalakad papunta sa amin. Hindi ako nagsalita at tinitigan siya upang hintayin ang sunod niyang sasabihin.

"Ano kasi. May add-on subject pa si Thunder." Iwas ang tingin sa akin ni Brio na para bang hindi niya ako kayang titigan nang matagal.

"Para saan?" Kibit balikat kong sabi. I swayed my right hand and the crystal chair at the corner of this opened-space garden. Presko akong umupo sa upuan at sumandal. I crossed my legs.

"Additional subject." This time Thunder answered me. I scoffed. Hindi ko mapigilan ang mapahanga kung paano siya sumagot sa akin. Para siyang question-and-answer portion. Isang tanong isang sagot.

"Cool." I shrugged my shoulders. Pinulupot ko ang daliri ko sa dulo ng aking buhok. I curled my hair more. "I wonder why you study so hard. Mag kanda kuba ka pang mag-aral, mamamatay ka rin naman."

Thunder didn't response and Brio stared at me like I'm going insane. Upang asarin pa siya ay tumagilid ako upang ipakita ang hair tie sa ulo ko. Ngumuso lang siya kaya natawa ako lalo.

After minutes of fixing things. We decided to hunt some fishes in a near river. Ngumisi ako at tinaas ang hawak kong sibat na puno ng mga isda habang ang dalawang lalaki na kasama ko ay halos mawalan na nang hininga kakahingal ay ni isang isda'y walang nahuli.

"Weaklings." I mocked them. Diretso lamang ang tingin nila sa akin habang panay ang hingal.

Tinitigan ko silang dalawa habang nakatungo. Hindi ko mapigilan ang matawa. Para silang mga makukulit na puslit. Thunder's jet black hair is already wet because of sweat while Brio's dirty brown's shirt is wet because of the river.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang magtampisaw sa ilog. Ang sabi ko lang naman ay subukan nilang mangisda. I thought Thunder is good at everything? Mangisda lang nang maayos ay hindi niya pa magawa nang tama. Maybe he could teach me how to form ice and I could teach him basic real life skills?

"Yabang ah! Porke nakalima ka!" Sikmat ni Brio. Umupo ako sa damuhan at tinawanan siya.

"I caught five fishes in just three minutes, baby." I rolled my eyes. Malamang ay magaling ako sa ganitong mga bagay dahil namuhay ako mag-isa sa loob ng isang kagubatan. Tanga na lang ako kung hanggang ngayon ay mangisda lang ay hindi ko alam.

''Kapagod!'' Reklamo ni Brio habang sinusuklay ang buhok niyang basa na rin sa pawis. Sunod naman akong humalakhak dahil sabay pa ang pag-upo nilang dalawa ni Thunder sa damuhan.

''Ayos ka lang, pre? Hindi ka umiimik diyan.'' Brio checked Thunder. Nang tapunan ko ng tingin si Thunder ay kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Nakipagtigasan ako ng tingin sa kaniya't nangunot ang noo ko dahil ngayon ko lang napansin na nagbago ang kulay ng buhok niya.

''I dyed it.'' Thunder looked away. Napansin niya siguro kung saan ako nakatingin.

''Hindi pa ako nagtatanong.'' Natatawa kong sabi sa kaniya.

I wasn't born with the ability to read other people's minds but I can tell the reason why he dyed his hair. He's probably tired of being mistaken as his twin. Hindi ko naman siya masisisi. This patience of mine? If I were him, I instantly bald myself off.

Tumingin ako sa malayo't isang malaking bato ang lumutang sa ere. The stone is a flat one and obviously heavy. I'm too damn tired to make a fire out of two wooden sticks so I used magic instead. Nakasilip lang ang dalawa kong kasama na parang mga batang ignorante. After preheating my stone for almost 15 minutes, pinatong ko na ang mga nahuli naming isda.

"Pano 'yan?" Sumiksik sa gitna naming dalawa ni Thunder si Brio. Nakapatong ang baba niya sa balikat ni Thunder. Ako nama'y nakangisi lang sa kanila. I felt like a mother taking care of her two children.

"Just watch. If we have time, I can teach you. The rate is ten silvers per hour." Ngisi kong sabi't lalo siyang napanguso sabay reklamo.

Thunder tried so hard to help me. Panay ang baliktad niya ng mga isda na nakapatong sa bato. Natatawa na lang ako dahil mukha siyang manghang-mangha habang nakatitig sa ginagawa ko. I'm holding a huge orange leaf that I saw from the ground. Panay ang paypay ko sa mga iniihaw kong isda.

''I thought you have something to attend?'' I asked. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong napahinto si Thunder sa kung ano man ang ginagawa niya sa tabi ko.

''Bukas na siguro.'' Napatitig ako sa kaniya. Sa loob ng ilang oras na magkasama kami ay 'yon na yata ang pinakamahabang sagot na narinig ko mula sa kaniya.

''Bakit naman bukas na siguro?'' Binaliktad ko ang isda sa harap ni Thunder. Natawa ako dahil muntik pang maiwan ang balat nito sa bato dahil kanina pa binabaliktad ni Thunder ang isda. I guess he wasn't aware about the timing when to flip smoked fish.

''Wala,'' he answered.

''Hindi mo alam na hindi agad binabaliktad ang isa 'no?'' I mocked him. Nang naiwan siyang nakatunganga na para bang naghihintay ng sagot ay nakumpirma kong tama nga ang hinala ko.

''Parang ganyan trabaho ko noon sa Palasyo na parang hindi.'' Brio commented. Nakahawak siya sa baba niya na akala mo naman malalim ang iniisip.

''You used to be the Prince's slave, right?'' Saad ko't tinagilid ang ulo. Tumaas naman agad ang kilay niya. Kung hindi ako nagkakamali'y dati nang nagtrabaho si Brio sa loob ng palasyo hanggang sa napagtanto niyang gusto niya rin pagtuunan ng pansin ang edukasyon.'Yon ang sabi ni Caius sa akin.

''I'm the Prince's friend!'' Asik niya. Nagkibit balikat na lang ako. Well that's most people knew too. Brio is the Prince's assistant, slave-friend.

I didn't bother explaining to them how to smoke fishes. Alam kong masasayang lang ang oras ko't hindi rin naman agad nila makukuha. Sabay-sabay kaming naglakad pauwi habang may hawak na stick. I closed my ability to read other people's minds because obviously they think that we're weird.

May konting kalayuan ang ilog sa Akademya. We were walking silently for almost fifteen minutes until we reached Imperial Academy's back gate. Tumigil sa paglalakad si Thunder at humarap sa aming dalawa.

"Una ka na, pre?" Hindi pa siya nagsasalita pero mukhang naintindihan agad ni Brio kung ano ang pinapahiwatig niya. Tumango sa amin si Thunder at tinapik naman siya sa braso ni Brio.

"Yeah." Thunder nodded. Lumipat ang tingin niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Asik ko. Umiwas siya ng tingin at binalik muli ang tingin sa akin. I can't help but to laugh because until now he's still holding the smoked fish that I made for him.

"Thanks. . . for the fish." Nahihiya niyang sabi't agad na tumalikod sa akin. Humagalpak ako at tinitigan ang likod niya habang naglalakad siya palayo sa amin. Nakataas naman ang kilay sa akin ni Brio.

"Where are we going? Take me some where." Nag-unat ako ng mga kamay at hinimas-himas ang batok ko. I'll admit to myself that this is a tiring day.

"At ba't naman kita dadalhin kung saan?" sikmat ni Brio. Imbes na mainsulto sa sinabi niya'y lalo akong ngumisi.

"Oh, didn't you know? We're supposed to be siblings! As your older sister, you should do something for me always!" Humagalpak ako't pumalakpak dahil sa tuwa. Nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi nakakatawa! Sana tinanong man lang muna ako kung gusto kita maging kapatid!" He hissed. Kung umasta siya ay parang may dala akong nakakahawang sakit.

"How's your leg, bro?" Mapanukso kong sabi kaya mas lalo siyang nainis.

"Ihahatid na kita sa bahay!" He hissed once again.

I kept playing with the tips of my hair. I twirled the strands of my hair with my point finger. The silence between us was so defying so I hummed while walking. Hindi kalayuan ang distansya ng likod ng Akademya mula sa tinitirahan naming dalawa pero sinadya kong bagalan ang mga hakbang ko para mas lalong inisin si Brio.

"Thanks for the hair clip." I initiated the conversation. "Where did you get it?" I asked.

"Sa tabi-tabi lang." Bumuntong hininga siya dahil sa kakulitan ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi maipagtataka na puno siya ng iba't-ibang alahas sa buong katawan.

"Nice anklet." I commented while looking at his left foot. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pilak na anklet niya sa paa. It was made of pure silver. And designed with starts and circles.

''Ang dami mo namang napapansin.'' Komento niya. Halata namang reklamo 'yon pero mas lalo ko lang siyang tinawanan. Ano ba'ng masama sa pagpansin ko sa lahat ng mga sinusuot niya?

''Don't worry. I won't take it.'' Pinagkrus ko ang aking mga braso. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at sa pagliko nami'y lumagpas na kami sa Public Market. Kumonti lalo ang mga tao kaya nama'y mas tumahimik ang paligid.

''Aba. Dapat lang. Mahal kaya ang bili ko rito. Ilang linggo ko ngang kinausap si Silas!'' Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brio. Lumawak ang ngisi nang sa wakas ay bumanggit siya ng isang pangalan.

''So you bought every magic item that you owned in a guy named Silas.'' Tinagilid ko ang ulo ko upang hulihin ang tingin niya. The moment I noticed that he can't look into my eyes, I confirmed that I was right.

''Huwag nga si Silas. Baka kapag nakita ka noon ay asawahin ka pa.'' Naiiling niyang sabi't humagalpak ako.

''What is he? An old single man?'' I asked. Hindi na siya muling sumagot sa akin ay talagang pinakita niya pa ang pagtikom ng kaniyang labi.

''Nandito na tayo. Sabihin mo kay tanda na mamaya pa ako uuwi dahil may dadaanan lang ako saglit.'' Naningkit ang mga mata niya na para bang inaabangan kung tututol ako o hindi.

''Sure.'' Matamis akong ngumiti sa kaniya. It's obvious where he'll go. Nang tumalikod siya'y doon ko tinanggal ang suot kong hair tie.

I flipped it and the moment I saw the ruby turned into white color, I smiled wider.

Patalon-talon akong naglakad. I swayed my arms and giggled. Umikot ako't humalakhak at ang mga tao ay nakangiti't nagagalak habang nakatingin sa direksyon ko. I smiled sweetly at them and waved my hand. An old couple giggled and probably remembered their first grand daughter because of me.

Muli akong lumundag ngunit hindi ko na napansin ang isang malaking bato sa paanan ko. I tripped all because of a stone. Suminghot ako. Madami ang mga napahiyaw dahil sa nangyari sa akin at ang iba'y agad na hinawakan ang mga braso ko. However I waited for that one familiar voice because lifting my head.

''Ayos ka lang ba?'' I smiled when I saw Brio's concerned face. Kinagat ko ang ibabang labi ko't umiyak nang malakas. Bago pa siya makasagot ay tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap ang mga tuhod niya.

"Papa! Ang sakit ng tuhod ko, papa!" Lalo kong nilakasan ang iyak ko. I burried my face to his knees. Kahit na hindi ko kita ang mga tao'y alam kong lahat sila ay nakatingin kay Brio ngayon. Pinigilan ko ang sarili kong matawa.

"Huy! Hindi ako ang papa mo! Wala akong anak! Virgin pa ako!" Brio exclaimed.

That's right. Right now, everyone sees a cute five-year-old girl. When I flipped Brio's hair tie, it turned white. It means that I can change what other people see. Kung iisipin ko na isa akong dalagita na ubod ng ganda't kaseksihan ay 'yon din ang agad nilang makikita kapag nakatingin sila sa akin.

"Pst. 'Wag ka nang umiyak, oh." Pigil ang tawa ko nang pindutin ni Brio ang ilong niya. He even lifted his nose to imitate the face of a pig. He made several faces to make me laugh. Abot langit tuloy ang hagalpak ko. Little did he know that I'm using his own magic items against him.

"Sama ako." I pouted.

"Ha? Hindi p—"

Nagpapadyak ako at umiyak muli. Kinusot ko rin ang mga mata ko. Lalo siyang pinagtinginan ng mga tao. Wala na siyang maaring gawin kun'di ang hawakan ang maliit kong kamay at isama ako kung saan man siya pupunta.

"Nasaan ba kasi 'yong magulang mo?" Brio sounded problematic. Panay pa ang kamoy niya sa batok habang naglalakad kami. Nakatungo lang ako't nakangisi habang nakatingin sa daan.

"Wala na si itay." I hummed like a singing bird. Lumingon siya sa akin at nanahimik na para bang pinag-iisipan kung ano'ng susunod niyang sasabihin sa akin.

"Sorry. Hindi ko alam na sumakabilang buhay na pala ang tatay mo. E, ang nanay mo nasaan ba?" Mahinahon niyang sabi. Sinadya kong tapakan ang putik sa daan dahilan upang tumalsik ito sa mga naglalakad. I giggled. They can't get mad because I'm just a little girl.

"Hindi siya sumakabilang buhay. Sumakabilang puday—"

Brio panicked. Agad niyang tinakpan ang bibig ko. I giggled once again. Para manahimik daw ako ay dadalhin niya raw ako sa isang lugar na puno ng mga laruan. Lalo akong ngumisi dahil alam ko na kung saan kami hahantong kakalakad.

"Huwag kang masyadong makulit, ha! Baka badtrip 'yong kaibigan ko!" Brio said.

I looked up to see the place clearer. The place is in contrast to what I think. Maliit siya't simple. Hindi pa napinturahan ang bandang itaas at halatang luma na rin ang pinto. Nang pumasok si Brio sa loob ay nagagalak akong sumunod sa kaniya.

Napanganga ako nang makita ang loob. The inner child inside of me screams. The place has many potted cactus and plants. Maluwang ang loob at puno ng iba't-ibang mga kagamitan. I can see various bells in different colors. There are rings, necklaces, statues, and fans. They may look normal but I know thay they're not. Every item that I can see around is a magic item.

"Lola, si Silas po?" Lumingon ako sa gilid nang magsalita si Brio. There's an old woman wearing some sort of traditional clothing at the counter.

"Kumain saglit, iho. Magkikita raw ba kayo?" The old woman responded.

Dahil makulit ang mga mata ko'y kumuha ako ng isang crystal at binulsa ito. Sa pinakagilid ay isang malaking banga ang nakaagaw ng pansin ko. It's a big clay water container. May takip ito sa ibabaw. Lumapit ako't nakangising tinanggal ang takip nito. Puno nga ito ng tubig.

I stared at the water thinking to see my reflection but I was wrong. Vivid images
flashed on my eyes. There were ruined buildings, people helplessly weeping, gigantic smokes, ashes, big fire, and countless burned people.

"Iha! Iha! Bitawan mo ang banga!" I was snapped back to reality. Hinihingal ako't pawis na pawis habang nakahawak sa akin ang matanda. She casted some spell and cover the water container.

What in the world was that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top