Chapter 1
𝐒𝐂𝐀𝐑𝐋𝐄𝐓
Taas noo akong naglakad sa kumpulan ng mga tao at ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Lumawak ang ngisi sa labi ko dahil ang mga noo nila'y kunot habang nakatingin sa dala ko. For the first time, I enjoyed being the center of attention.
Hawak ko ang sako sa aking kaliwang kamay at nakapatong iyon sa balikat ko. Walang kaso sa akin ang bigat ng sakong puno ng karne ng baka. I could make the sack float to save enegy, but I'd rather carry it so these fuckers can see I bought all their food.
Starve well, Idiots.
Malayo man sila ay naririnig ko pa rin ang bawat salita na lumalabas mula sa madumi nilang mga bunganga. I can even hear their thoughts.... The words that they've kept to themselves and refused to speak, but I'm not surprised. Empty cans make the most noise.
Habang naglalakad ay diretso lang ang tingin ko sa harap. There were stalls that hung meat, but the one I bought is better because it's fresh.
Sigurado akong ang natirang benta ng ibang naglalako ay walang iba kundi gatas at ale. Tumaas ang kilay ko nang tingnan ko ang mga tao na kulang na lang ay patayin ako sa tingin. As I grew older, I've learned that pleasing everyone is impossible, but pissing everyone off is a piece of cake. And If there'd be a competition for annoying these nitwits, I'll be the all time champion.
Bakas ang inis, yamot, pagkabahala at pagkairita sa kanilang mga mukha. Nakatikom ang madumi nilang mga bibig ngunit 'di nila alam na naririnig ko ang boses sa loob ng kanilang ulo.
'Di ba nila naisip na may taglay akong ganitong kapangyarihan? Sabagay, wala nga pala silang utak para makapag-isip.
Humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha't ginalaw ang pula at mahaba kong buhok. Ang buhok na bukod-tangi sa mata ng iba. Isa rin sa mga dahilan ang berde kong mga mata kung bakit ako iniiwasan.
Ang pisikal kong anyo ay kakaiba.
Sa lugar na Imperia'y ang mga tao ay pinapaniwaalang sinumpa ako at isa akong malas dahil sa kakaiba kong itsura. How do I view them? I view them as stupid, uneducated, willfully ignorant people.
Nakipagtitigan ako sa mga babaeng nakatingin sa akin at tinasaan sila ng kilay dahil kitang-kita ko ang pangungutya sa kanilang mga mata. They stare at me like I shouldn't be here in the first place. Their eyes are telling me that I should never step outside and cage myself in the forest. Well... I love being me, It pisses off all the right people.
Don't like me? Fuck off. Problem solved.
Mahigit kalahating oras na ang nilakad ko ngunit 'di ko pa nalilibot ang buong pamilihan na kung tawagin ay Tiana Gana. Technically speaking, the lot's area of this market is almost half as big as the palace. Ibig sabihin ay tuwing wala na akong makuhang isda sa ilog ay sa maluwang na pamilihan na ito ang bagsak ko. I rolled my eyes in thought of disbelief. What an unfortunate day.
Ang Tiana Gana ay kilala dahil dito kumukuha ng karne at inumin ang hari't bago ipasok sa palasyo ay dadaan muna sa masinsinang pagsusuri kaya ang mga nagbabalak lasunin ang hari'y mahuhuli. Disappointing, isn't it?
Tinagilid ko ang aking ulo't kinuha ang gintong liham mula sa aking bulsa at nilapit sa aking mukha. The seal in the middle has the royal symbol of my country, Nevarion. Ang uwak ang sentro ng simbolo habang ang mga pakpak nito'y nakabuka. It is facing sideways and there's a crown on top of its head.
"Welcome to Imperial Academy." Nakangisi kong binasa ang nakaukit sa gitnang bahagi ng liham. It is written in old-english but the letters are invisible. Sa unang tingin ay mukhang sinadyang iukit ang mga letrang 'yon sa liham. Unfortunately, I can read anything even it is written decades ago. . . They can't fool me.
Naiinip kong tinapunan ng tingin ang mga naglalako. The street was field with vendors and stalls, couriers pushing their wagon that carries barrels of mead, and knights patrolling around. Isang lote lang ang pagitan ng palasyo mula rito sa pamilihan kaya mula hanggang gabi'y nagbabantay ang mga guwardya ng palasyo.
Your Majesty obviously loves Tiana Gana because there's humor that he bought all meads on his twenty-fifth birthday. Sa madaling salita ay ang hari mismo ang pasimuno kung bakit ang mga tao rito sa lungsod ng Imperia ay mahilig sa alak. Napailing na lang ako habang nakangisi. I'm no exception, I spent my lonely days drinking in front of a river while staring at my reflection.
Pumikit ako at sa pagdilat ko ay nakatayo na ako sa panibagong lugar. Ang mga tao'y nawala at napalitan ng matatayog na puno't mahahabang damo. Tumigil ako sa paglalakad at pumikit sa ikalawang pagkakataon at pinakiramdaman ang galaw ng malamig na simoy ng hangin.
Ang ingay mula sa mga insekto, kaluskos ng mga dahon at rumaragasang ilog lamang ang aking naririnig. Sa pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang namumulaklak na mga bulaklak. At ang makukulay na paruparo na dumadapo sa lupa't mga bulaklak.
Welcome back home, Scarlet.
Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang tinig na 'yon sa loob ng ulo ko. At ang bumungad sa akin ay walang iba kundi ang kaibigan ko na si chuchay. Ang mga mata niya'y dilat habang nakatingin sa akin.
"Miss me?" Nakangisi kong sabi at nagkibit balikat upang ipakita sa kaniya ang sako na aking dala. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sigurado akong kanina pa niya ako hinihintay.
Gumapang sa lupa si chuchay upang lumapit sa akin. Lumutang ang ulo niya't ang dila niya ay nakalabas habang nakatingin sa akin. Ang haba niya'y anim na metro at mas malaki ang kanyang ulo sa aking palad. She has a banded pattern of yellow, brown and black on her scales.
Oh, that's right. Chuchay is a snake.
Nanatili akong nakatayo sa aking puwesto habang nakatingin sa kaniya. She stands up so high while wiggling her body in the mid air. Pinatong ko ang sako sa lupa't at ang mga karne sa loob nito ay isa-isang lumutang sa ere. Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni chuchay kaya agad kong kinuha ang isang pirasong karne sa ere.
"Gusto mo?" sabi ko sa mapaglarong tono. Nilapit ko ang karne sa kanyang harapan na para bang binibigay ko na ito sa kaniya ngunit agad ko rin itong nilayo nang mapansin kong papalapit na ang ulo niya sa aking kamay.
"'Lah, asa ka." Pangungutya ko sa kaniya't tinapon ang karne sa ere at sinalo gamit ang kanan kong kamay. Chuchay hissed at me and I just rolled my eyes in response. Akala siguro nito'y matatakot niya ako. Hindi nga ako takot sa tao, sa malaking ahas pa kaya?
Bumagsak ang mga karne sa sako kung saan ito nanggaling. Tiningnan ko ang sako't agad itong lumutang sa aking harapan hanggang sa maging katapat na nito ang aking beywang. Good, I'll have a feast tonight. Dumako ang mga mata ko kay Chuchay dahil rinig ko ang pagrereklamo nito sa loob ng aking ulo.
''Kung nagugutom ka ay gumapang ka papunta sa pamilihan, madaming tao doon na pwede mong lamunin ng buhay.'' Sarkastiko kong sabi dahilan upang mapatigil siya. Chuchay lowered her head in front of me and laid on the tall grasses. Tumalikod ako sa kaniya't sa aking likod ay nakasunod ang lumulutang na sako.
We know that you won't let me eat them all, she answered.
That's right. . . I have the ability to talk to animals. I can hear their voices inside my head and I can even command them to do anything that I want.
Noong unang panahon ay pinaniniwalaang nagsasalita ang mga hayop ngunit sa hindi malaman na dahilan ay binawi ang kakayahang ito sa kanila. I'm lucky that I can talk to them but I can't do it in public because people will just point their filthy hands at me and say that I'm a witch.
Ang hindi nila alam ay sila'y asal hayop at mas masahol pa sa hayop.
Sa paglalakad ko'y gumalaw ang mga palumpong sa kagubatan upang magbigay daan sa akin. The vines moved on its own like I'm a Queen entering a palace. Sa dalawang minuto kong paglalakad ay tanging ang mga puno, damo at mga insekto lamang ang aking nakikita.
Dumako ang mga mata ko sa mga kabute sa gilid ng isang matayog na puno. Kasinglaki ng mga ito ang palad ko't ang itsura ng mga ito ay hindi ordinaryo. Kung titingnan ay umiilaw ang mga ito't nakakaakit tingnan at gugustuhin mong pitasin.
"Mogworts." banggit ko't napangisi. Kinumpas ko ang aking kamay dahilan upang lumutang ang isang kabute sa ere't sunod na lumutang ang isang malaking dahon upang balutan iyon at lumutang papunta sa aking palad.
Mogworts are one of the mysterious plants here in Imperia and are still being studied botany. Ang hindi alam ng mga ugok na nag-aaral ng mga halaman ay matatagpuan lamang ang kabuteng ito rito sa gubat na aking tirahan. Nagpapakahirap pa sila't nandito lang naman. Unfortunately for them, Chuchay guards this forest. Goodluck.
"I guess I will bring this with me to blackmail someone." Mapaglaro kong sabi't parang batang tumalon-talon habang malalaki ang mga hakbang. Nilagay ko ang mogwort na nakabalot sa dahon sa aking bulsa't napangisi.
Don't play with me because you're playing with fire.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarating sa tapat ng aking munting tahanan. A house build with a mixture of mud, straw and manure. Ito'y isang palapag at ang bubong naman ay gawa sa straw at water reed. Ang magkabilaang butas sa gilid ang nagsisilbing bintana nito at ang pinto'y malaki at gawa sa makapal na kahoy.
Pumasok ako sa loob at nang isara ang ko ang pinto'y ang madilim na kapaligiran ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa aking likod dahilan upang lumutang ang sako papunta sa ibabaw ng maliit na mesa. Ang tanging bubungad pagkapasok ko'y ang straw bed at ang maliit na mesa sa gilid nito kung saan ko pinapatong ang aking mga kakainin.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ko at pagpagin ang aking damit ay taas noo kong hinawakan ang pinto. Sa paglabas ko'y bumungad sa akin ang panibagong lugar. Hindi ko maalis ang ngisi sa mapula't makapal kong labi.
Sa isang segundo'y kaya kong pumunta kahit saan ko gusto. It saves energy and no fools to deal with. What an easy life.
"Inom pa!" Mula sa aking puwesto'y rinig ko ang buo't malalim na boses na iyon. Ang lugar kung saan ako napunta ay puno ng mga lalaki.
Naigulong ko ang mga mata ko't pagbilang ko ng tatlo ay dumaan sa aking harapan ang isang lalaking maskulado. Ang suot niya'y gusot at ang kapansin-pansin sa kaniya ay walang iba kundi ang kulay ginto niyang buhok. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya ngunit ramdam kong nakatingin na siya sa akin.
Oh, no. Here we go again.
"Magandang hapon, magandang binibini!" masigla nitong sabi at akmang aakbayan ako kaya tumingin ako sa basong hawak niya dahilan upang gumalaw ng kusa ang kamay niya at matapon ang laman nito sa kanya. Walang katapusang mura ang lumabas mula sa bibig niya't agad akong pumasok sa loob ng aking pupuntahan. Serves you right, numskull.
The Garland kung tawagin ang lugar na ito. Sa pagpasok mo'y bubungad saiyo ang mga nag-iinumang kalalakihan sa magkakahiwalay na mga mesa. Ang halakhak ng mga nagsusugal at ang amoy ng alak sa paligid ang hahalingling saiyo pagkatapak mo.
Nanatiling diretso ang tingin ko sa harapan at sinara ang aking isip. It hurts if I will hear their thoughts. Masyadong maingay dito sa loob. Naigulong ko aking mga mata habang nakatingin sa kanila. Kung pwede ko lang baliktarin lahat ng mesa rito ay matagal ko ng ginawa. Pasalamat sila.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarating sa paborito kong puwesto Ang mesa na para lamang sa iisang tao, malayo sa mga pinagdikit-dikit na mesa't malapit sa bintana. I raised my hand and I saw the wench nodded while looking at my direction. Dinikit ko ang pisngi ko sa aking kamao at tumingin sa bintana.
This is my favorite tavern. Ang tambayan ko araw-araw at kung minsan ay dinudurog ko ang mga kalalakihan sa sugal. Wala ako sa kondisyon makipaglokohan sa kanila ngayon dahil gusto ko munang magpahinga.
They should be thankful. Magbabalik ako muli upang talunin sila't kunin ang kanilang salapi. See you, assholes.
Isang makahulugang ngiti ang binigay ko sa babaeng huminto sa tapat ng aking mesa. Nagtataka niya akong tiningnan na tila'y nagdadalawang isip pa kung kaya kong inumin ang limang bote ng alak.
"No mug please." sabi ko sa mataas na tono't kinuha ang pilak sa aking bulsa at pinatong sa mesa. Kinuha niya ito't isa-isang pinatong ang mga bote sa mesa. Nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang mga ito at napangisi. Tumalikod ang babae sa akin pagkatapos gawin ang trabaho niya ngunit lumingon uli siya sa akin kaya tinasaan ko siya ng kilay. Napailing na lang ako at agad na tinungga ang isang bote.
Today. . . I'm a petite, dark-skinned girl with a shoulder-length black hair in people's eyes. I have the ability to change my physical appearance and create illusion in people's eyes because of the magic item that I stole in someone's cabinet.
Ibig sabihin ay iba't-ibang babae rin ang nakikita nila tuwing pumupunta ako rito. Iba't-ibang babae rin ang dumudurog sa kanila sa sugal ngunit ito'y limitado lamang kaya tiniis ko ang klase ng tingin at pangungutya mula sa mga mata ng mga tao sa Tiana Gana kanina.
Tumingin ako sa aking harapan at tulad ng inaasahan ay nakatingin sa direksyon ko ang ilang mga kalalakihan. At bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka habang nakatingin sa akin.
Tinaasaan ko sila ng kilay at muling tinungga ang isang boteng nakalahati ko na. Sa paningin nila'y isa akong batang babae na mukhang walang pangarap sa buhay at uminom mag-isa sa lugar ng mga kalalakihan.
I rolled my eyes in my thought... What a typical toxic mindset. Ang galing mangialam ng mga tao sa buhay ng iba ngunit ang kamalian nila, hindi nila makita.
Pinatong ko ang ikatlong bote sa mesa na ngayon ay ubos ko na. Tinungga ko muli ang isang bote't ramdam ko ang init ng likido ng alak sa aking lalamunan kaya ako'y pumikit. This feels so damn good.
Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng aking baga. No wonder why meads are popular. Ironically, the bitter taste of the beer keeps me coming back for unknown reason. I would rather drink all day than to talk with people.
Natigilan ako nang isang kakaibang presensya ang aking naramdaman. Nanatili akong nakahawak sa bote at napataas ang kilay. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nagmasid. Out of sudden. . . I feel a strong magic from somewhere.
Isang misteryosong tao ang dumaan sa aking gilid at naningkit ang mga mata ko dahil sa suot nito. Sa istraktura ng katawan niya'y masasabi kong lalaki ito at anim na talampakan ang tangkad. I can't see his back because he's wearing a red cloak.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak nitong gintong liham. Agad kong binulsa ang aking kamay ngunit wala akong makapa na kahit ano. Kunot noo akong tumayo sa aking kinauupuan at padabog na pinatong ang bote sa mesa't muntik pa itong mabasag.
"Hey, fucker!" I shouted. Tumigil ito sa paglalakad at lahat ng mga tao'y lumingon sa akin. Isang matalim na tingin ang binigay ko rito habang nakatingin sa kaniyang likod.
"Ibalik mo sa akin ang liham na hawak mo!" Madiin kong sigaw ngunit 'di man lang ito kumibo kaya naigulong ko ang aking mga mata. Huwag niya akong subukan.
Lumutang ang mga mesa sa paligid dahilan upang magsigawan ang mga tao't umalis sa kanilang kinauupuan. At bakas ang takot sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa direksyon ko. Nanatiling blanko ang aking mukha. I saw the guy crumpled my letter right in front of me. Hindi ko alam kung paano napunta sa kamay niya ang liham sa aking bulsa.
Nagsigawan ng mga tao dahil isa-isang nabasag ang lahat ng boteng nakapatong sa mesa. Kinuyom ko ang aking palad at pagbilang ko ng tatlo ay lumutang ang mga mesa papunta sa lalaking iyon at bigla siyang nawala sa kanyang puwesto, dahilan upang tumama ang mga mesa sa sahig at masira.
"Ang isang tulad mo ay hindi nababagay sa Imperial Academy." Lumingon ako sa gilid at nakita kong nakaupo na doon ang lalaki. Ang liham ko papunta sa Academy ay naging isang parang bilog na lang. Binato niya ito sa ere't sinalo na parang isang batang naglalaro. Who is this fool?
Imbes na mainis ay humalakhak ako na parang isang baliw. Kung akala niya'y ma-aapektuhan ako sa sinabi niya'y puwes doon siya nagkakamali. Mas lalo akong pinagtinginan ng mga tao't natigilan din ang lalaki sa aking harap na hindi ko makita ang mukha.
Isang bagay ang napagtanto ko habang nakatingin sa kaniya. This guy can see my real face. Hindi siya tinatablan ng aking mahika. If he's crazy. . . I'm crazier. Malas niya dahil ipapakita ko sa kaniya na mali siya ng binangga.
Nanatili akong nakangisi sa kaniya't agad na lumutang ang bote sa kanyang mukha ngunit agad niyang tinagilid ang kanyang ulo. Lumawak naman ang ngisi sa aking labi. What a fast reflexes.
Lumapit ako sa kaniya't mukhang 'di niya inaasahan ang susunod kong gagawin dahil hinawakan ko ang kanyang talukbong at binaba iyon. Nilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha hanggang sa maging isang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha.
I smiled like a damn lunatic. Ang mga mata niyang kasing itim ng dilim ang bumungad sa akin at ito'y nanlalaki at pansin kong hindi siya magalaw sa kanyang kinauupuan... I wanna laugh so bad right now. What a face.
He has a sharp jawline and thick eyebrows with one piercing. Ang ilong niya'y matangos at bumaba ang aking tingin sa makapal at mapula niyang mga labi. I noticed that he has side lip piercings too. Tinitigan ko siya't tinatak sa isip ko ang kanyang buong mukha. Napansin ko ang paglunok niya nang dumako ang kanyang tingin sa labi ko.
I'll remember this fucker's face and let him pay for what he did.
He teleported away from me. Pinulot ko ang liham at pilit na inayos iyon. Nakangisi ako ngunit ang buong sistema ko'y nag-aapoy sa galit. Nagsigawan ang mga tao dahil nabasag ang lahat ng bote na may lamang alak pati na rin ang mga ilaw sa taas.
The tavern started shaking like there's a strong earthquake. Bumagsak ang mga tao't ang iba'y hindi na makatayo. Nanatili akong nakatayo sa aking puwesto habang walang tigil ang paglaglag ng mga nakapastil sa dingding. Ang mga iba'y humihingi na ng saklolo ngunit ako'y nakatayo nang tuwid habang pinapanood kung paano sila sumigaw at mataranta na parang katapusan na ng mundo.
May God have mercy upon my enemies because I won't.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top