Chapter 9
Chapter 9
12:38
Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kagabi. Hindi ko alam na may alak na pala ang iniinom ko kagabi. Wala naman akong pakelam kasi mango shake iyon, kahit iba ang lasa, go lang kaysa naman masayang. I never thought would done that to me. I tried to call him pero hindi naman siya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi naman niya ako matatakasan eh, gusto ko lang naman siya makausap.
And I'm still happy that Amy saved from last night's scenario, hindi niya nga ako matawagan kasi naka-off ang phone ko. So he tried to call him—and where do she get his number, kinuha niya sa phone ko habang busy ako sa pictorial ko.
He got to track his gps kaya napuntahan niya kami kagabi sa club na iyon.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Amy, napaiwas naman kaagad ako ng tingin sa kanya dahil ang talim ng mga tingin niya eh. Alam kong nag-aalala siya sa akin kaya ganyan ang trato niya sa akin. She wants better for me.
"Reena, are you out of your mind?" she scowled at me.
Napabuntong hininga na lang din naman ako, "hindi ko naman alam, mango shake lang naman ang iniinom ko kagabi."
She rolled her eyes, "yes, I do understand na mango shake na may alak lang ang ininom mo kagabi. May alam ka no'ng nangyari no'ng mawalan ka ng malay?" tanong naman nito sa akin.
Napakunot noo naman ako sa kanya. "I passed out?"
Nginisihan naman ako nito. "Hindi ba halata? Hinanap ko si Simoun doon pero wala na siya. Ikaw lang ang nakita ko sa isang table, tulog na tulog."
"Really?"
"Really, really ka pa diyan. Ayokong ma-issue ka diyan, Reena ah."
"You don't need to worry naman Amy," sabi ko naman. "Bestfriend, chill ka na nga muna."
Huminga naman ito ng malalim. Mayamaya lamang ay sumigaw mula sa baba si Scott, tinatawag si Amy. Saglit lang din naman ay pumasok ito sa kwarto ko kasama ang isang phone na may tumatawag.
"Boss mo ata 'yan, Reena." Ani Scott.
Sinagot naman ni Amy ang tawag na iyon. Tumayo naman ito at napwesto siya malapit sa pinto. Tinawagan ko naman muli ang number ni Simoun pero not unattended na ito ngayon. Nang matapos kausapin ni Amy iyon ay lumapit naman siya ulit.
"Sir Gelford called for your online series, may discussion na mangyayari." Anito. "And your Simoun was already there."
"Tara na!" iyon kaagad ang nasabi ko at nagmadali naman akong kumilos.
"I guess, I should get ready the car." Tumayo naman si Scott at lumabas na ng pinto.
Hindi naman katagalan ang pag-aayos ko kaya mabilis din kaming bumiyahe. Atat na ata akong kausapin si Simoun, pagsasabihan ko lang naman siya. Hindi kasi nakakatuwa 'yong ginawa niya eh.
May tumawag naman sa phone ko, nagulat akong si papa iyon.
"Pa, napatawag ka?"
"Okay na ba?" tanong nito.
"I'm fine, bakit naman po?"
"Amy called last night, you were drunk. Pupunta pa sana ako sa bahay mo pero hindi ko naman maiwanan ang trabaho ko."
Nang tingnan ko naman si Amy ay wala naman siyang imik sa akin.
"I'm fine pa, wala ka dapat ika-worry."
"Dapat lang." tawa pa nito sa kabilang linya, narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at may kumausap sa kanya. "I better get going, may pasyente na naman ako, see you soon, Esca."
"See you soon, pa. I love you!" nang ibaba ko ang tawag ay tiningnan ko naman si Amy. "Hindi mo naman kailangan sabihin ka papa eh."
"Buti nga sa papa mo lang, pa'no pa kaya kapag sa mama mo na?"
"'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin."
"If you do it again, I can't promise." Ngisi pa nito.
Nang makarating naman kami building ng Flash Star ay dire-diretsyo naman kami sa discussion room kung saan naghihintay na sila. Pagkapasok ko pa lamang ng kwarto ay agad na hinanap ng mata ko si Simoun. Nakayuko ito at tutok sa paglalaro ng kanyang phone. Nang mapansin niya ang presensya namin ay inangat niya ang ulo niya, nginitian pa ako.
Tinaasan ko naman siya ng kilay pero mas lalo lang siyang nang-asar.
Mayamaya ay pumasok naman si sir Gelford, sumunod din naman sa kanya si Peti. Wala namang paligoy ligoy na diniscuss ni sir ang magiging online series namin ni Simoun. It is a travel show, kung saan saang lugar kami pupunta. Pumayag naman si sir na sumama sina Amy at Scott para sa akin kaya ayos lang kung makakasama ko si Simoun na show na ito.
"There will be thirteen episodes for season 1, if kung mag-hit ito ay push na kaagad for season 2. There will be seven local location and six international locations. Alam kong kaya niyong gawing hit series ito, malaki ang budget na inilagay sa inyo dito ng management."
Naging final na ang series namin ni Simoun na pinagamatang The Most Epic Travel Show medyo cliché na ang dating pero ayos na rin for an online series, saka hindi naman title ang pinagtutuunan ng pansin dito. Ang mga lugar na pupuntahan namin.
"Reena, how about your book, malapit ka na ba matapos?" I almost forgot it, why self? "Para kahit magsimula na kayo sa show niyo, na-launch na ang book mo."
"I'm halfway of it." Iyon na lang din naman ang nasabi ko.
Nang matapos na rin naman ang discussion ay naglakas loob naman akong lapitan si Simoun at kausapin sa nangyari kagabi. Tinawanan pa ako nito ng paluin ko siya sa braso.
"That wasn't funny, Simoun." Irap ko pa sa kanya. "You told the bartender na lagyan ng alak ang mango shake ko?"
"Oh god, Reena, it's a club." Ngisi pa nito. "I'm sorry for what happened last night, both of us we're drunk, okay?"
"Where did you go, why did you left me alone on our table?" I asked.
"Oh, that's a private question you shouldn't asks." Aniya.
"What happened?" pagpupumilit ko pa sa kanya.
"Okay fine, I had sex with some girl on the club!" with his candor, napatingin naman ang lahat sa kanya. Nagulat din siya dahil napalakas ang pagkakasabi niya no'n. "I'm out!" and then he walks out.
Natawa na lang din naman ang ibang natira sa discussion room. Hindi iyon ang inaasahan kong maririnig sa kanya. Hindi ko naman siguro siya nainis ano? I was just asking. Kung iyon ang dating sa kanya, sige isipin niyang iyon na iyon pero hindi ko pa rin mapapalampas na hinayaan niya akong uminom ng mango shake na iyon. My favorite refreshing.
Tinapik naman ni Amy ang balikat ko.
"And now you just know why he left me." sagot ko sa kanya pero tinanguan lang din ako nito.
Dahil sa asar ko din ay umuwi na lang din kami. Hindi naman ako hahayaan ni Amy na pumunta ng mall pagkatapos nang nangyari kagabi. Pagkadating naman namin sa bahay, as usual natigil na naman kaming lahat ng makita namin ang dalawang sulat sa tapat ng pinto ko. How the hell, he can get through the gate?
Kinuha ko naman ang dalawang papel. Dali dali naman akong dumiretsyo sa kwarto at binuklat ang isang sulat doon.
R
Waiting is for the weak man they said. And I just thought, if I let myself run into you and you came to know who I am, it would gone by just like that. So, I just have to wait... you just have to wait until no words will be left for.
Oh, what words he mean on that? Hindi ko maintindihan.
Binuksan ko na rin naman ang isang sulat, nakapa ko na medyo makapal ito at may sobre palang nakadikit sa likod nito.
R
In case you didn't know, I followed you wherever you go and this time, my heart broke. (see the picture inside)
Binuksan ko naman ang envelope sa likod ng sulat at isang picture nga ang nandoon. Napaanga naman ako ng makita ko ang picture na iyon. Agad ko iyong binalik sa loob ng envelope at pinasok ang mga sulat sa loob ng cabinet.
That can't be happen.
Mayamaya lamang ay pumasok si Amy ng kwarto ko at tinawag ko para tingnan kung sino iyong nag-iwan ng sulat. Bumili na kasi ng cctv si Amy at si Scott naman ang nagkabit noon. Naka-access iyon sa mga phone namin pero sa phone ni Scott namin iyon pinanood.
"What's the time?" tanong ni Amy.
"12:38, nasa flash star tayo niyan." Sabi naman ni Scott. "Ang galing tsumempo ah? Pa'no niya nalamaan na walang tao dito?" aniya.
Nang tingnan naman namin ang video ay wala rin kaming nakuha dahil nakajacket na hood at sombrero pa siya. Pero sure na namin na lalaki iyon, pagkalabas niya ng gate ay naglakad na lang ito palayo at hanggang doon na lang iyon. Hindi rin naman namin nakilala.
"Gusto niyo ba i-report natin?" ani Scott.
Ako naman ang unang tumanggi sa suggestion niya. "Hindi, 'wag muna, sa ngayon." Iyon na lang din ang naging palusot ko. "Makikilala din natin 'yan, hindi pa nga lang sa ngayon..."
Hinawakan naman ni Amy ang balikat ko, "may problema ba, Reena?" aniya.
Umiling naman ako, "wala... sige, babalik na ako sa kwarto ko." bagsak ang balikat kong tumungo sa kwarto ko. Walang gana at hindi maalis sa isipan ko ang nasa litrato. Hindi ko alam kung anong gustong ipadala ng taong ito pero nagiging creepy na siya sa akin ngayon.
Kailangan ko na siyang makilala, please.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top