Chapter 3

Chapter 3

Someone followed


"Reena? Ayos ka lang ba?" nang kausapin ako ni Amy ay doon lang ako bumalik sa ulirat ko. Nang taungan ko naman siya at tumango din ito sa akin sabay nginuso ang taong nasa harapan ko na si sir Gelford.

"Can I have few days po para pag-isipan 'yan? There's still a lot of things na isa-sacrifice ko kapag may ginawa akong bagay na wala naman sa plano ko. I hope you understand that po." Ngiwi ko pa. I know it's an opportunity for everybody. Syempre kapag may nag-alok sayo, grab na kaagad dahil baka lumipad at hindi mon a makuha ulit.

Pero sa akin, okay lang kahit mawala. Bakit ko nasabi 'yon? Umpisa pa lang, hindi ko na naman gusto ang ganitong kultura. I mean, hindi ko kailangan ng mga taong sumusuporta sa akin. Hindi ko kailangan ng pangalan na siyang magiging tanyag sa buong mundo. Pero kahit hindi ko naman tanggapin ang kahit na anong inaalok nila, napasok na nila ang buhay ko.

Sa pagtango ni sir Gelford ay sign na iyon na pumapayag siya sa desisyon ko.

Tinapik naman nito ang balikat ko, "you'll have a good career, Reena. I promise you that."

"S-sige po."

Umalis naman si sir Gelford at sinita naman ako ni Amy dahil bakit kailangan ko pa daw pag-isipan at tanggapin ko na lang daw. Gumawa na lang daw ako ng sarili kong kontrata sa mangyayaring kung ano man.

Naghahanda na kami umalis nang biglang pumasok si Peti kasama ang isang babae naman. Hindi ko naman ito kilala pero pansin ko naman sa reaksyon ni Amy ay mukhang artista rin ito. Nang tingnan ko naman si Scott ay nakatingin ito sa mukha no'ng babae. I wonder who she is.

"Miss Reena, bago po kayo umalis, ipapakilala ko lang po sa inyo si Ma'am Toche."

"I know her!" Amy's face glowed while she's looking at her. "Miss Toche, you're my favorite model."

"Really?" hagikgik naman nitong Toche. "Anyway," nalipat naman nito ang tingin sa akin ni Toche at pinakita ang kanyang nakakasilaw na mapuputing ngipin. "Reena, right?" tumango naman ako sa kanya. "Please to meet you, well, the thing why I'm here is because I want you to become of our magazine's next month issue."

Halos nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

"Seryoso ba 'yan?" tanong ko pa.

"Go si Reena diyan!" ani Amy. "Diba?"

"Ha?" hindi ko na alam ang ire-react ko. Niyakap na lang di naman ako ni Amy at mas tuwang tuwa pa siya sa sinabi ni Toche pero hindi ko pa naman sinasabing pumayag ako. "Amy wait, baliw ka talaga."

Natawa na lang din naman si Toche at si Peti sa gilid nito.

"I want your answer, sweety." Ngiti pa ni Toche. "It would be our pleasure kapag tinanggap mo ang offer namin, don't worry walang kontrata 'to. We just wanted to feature you and some interviews, of course at pictorials. And in the end, we owe you a talent fee."

Siniko naman ako ni Amy.

"Hindi ko alam..." bulong ko pa sa kanya.

"Edi um-oo ka na, wala naman palang kontrata eh."

Binalikan ko naman ng tingin si Toche, napahinga pa ako ng malalim bago tumango sa kanya.

"Was that mean, a yes?" aniya.

Muli naman akong tumango, "yes, I accept the offer, as you said no contract." Aniko.

"So when will be the pictorial?" Amy asked, kinakarir niya talaga ang pagiging manager eh. Hindi naman ako magtatagal sa spotlight eh, makakahanap din sila ng bagong atraksyon at mapapailalim na ako. Hindi ako nanghihinayang kapag mangyari 'yon, sinasabi nga ng iba minsan lang dumating ang ganitong opportunity, so why not try? I just hated contracts lang but for this, I'll go for it.

"I'll reach you for that." Toche said, "can I have your number?"

"Here, Miss Toche." Ani Amy at binigay rin naman nito ang number niya pero mas prefer ni Toche ang number ko kaya iyon ang binigay niya. "Thank you Miss, see you!"

She just smiled and leave the dressing room, sumunod na lang din naman sa kanya si Peti palabas.

Mas nagdiwang si Amy kaysa sa akin. Paulit ulit niyang sinasabi na idol niya talaga si Toche. Anatoche daw ang pangalan nito, tinatawag lang daw si Toche ng mga taong malalapit lang din sa kanya. Kaya tuwang tuwa si Amy na nagagawa niyang tawagin si Toche nang gano'n.

Dahil sa pagkaaliw namin sa nangyari kanina, sa paglabas namin ay nakalimutan namin ang mga paparazzi na nasa labas. Agad naman kaming nilapitan ng ilang security para hawiin ang mga tao na nakapaligid sa amin. Papasok na ako ng sasakyan ng biglang may sumampa sa likod ko. Dalawa kaming bumagsak sa sahig.

Agad naman nilang tinulak palayo sa akin ang lalaking iyon at inalalayan naman ako ni Scott na makatayo at dali dali kaming pumasok ng sasakyan.

"Gosh!" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng umandar na ang sasakyan palayo doon. "Why would someone do that to me?"

"They were crazy!" Amy rolled her eyes. "Nakakagulat girl!"

"Ano saan na tayo ngayon?" tatawa tawa pang tanong ni Scott.

Binato ko naman iyong hawak kong neck pillow sa kanya na nailagan naman niya. Natatawa pa rin ito.

"I can't forget your face there, Reena. Damn funny!"

"Bwisit ka Scott!" bulyaw ko pa. "Idiretsyo mo na lang sa bahay, please."

"Yes, madame!" ani Scott na natatawa pa rin.

Imbis na matuwa ako ay nabadtrip lang ako. Bwisit kung sino man iyong sumampa sa akin kanina. Hindi nakakatuwa iyon! Muntik na akong mag 50/50 dahil doon. Nakakaba, bwisit kapag naalala ko.

Pagkarating sa bahay ay agad naman akong tumungo sa kusina at gumawa ng shake. Hinayaan nila ako sa ginagawa ko dahil kailangan meron din sila kapag may ginagawa ako sa kusina. Patapos na ako sa pagasikaso ng mango shake ng bigla silang humagalpak ng tawa iyong dalawa mula sa sala.

Dali dali naman akong pumunta doon at halos manlaki ang mata ko kung anong pinagtatawanan nila. Nasa tv ang pagmumukha ko, ilang paulit din nilang pinakita ang pagkakadapa ko. Napa-pameywang na lang din naman ako at napasapo ng palad sa mukha dahil hindi nakakatuwa ang bagay na iyon.

Hindi naman nakilala ang lalaking sumampa sa akin pero sa susunod na magkikita kami, tingnan mo, ako na ang sasampa sa kanya!

Kinuha ko naman ang remote at pinatay ang tv.

"What the hell, Reena? Nanood kami!" ani Amy.

"Kaya nga, it's a comedy show!" halaklak pa ni Scott, nakahawak na ito sa kanyang tiyan. Kulang na lang ay maiyak siya sa kanyang pagtawa.

Kumuha ako ng unan at binato sa kanilang dalawa iyon.

"Hindi na nakakatawa ha!" bulyaw ko. "Naiinis na ako!"

"Naks naman, Reena!" ngiti pa ni Amy. "Ang ganda mo pa rin talaga kapag nagagalit ano? Pwedeng i-share mo na 'yan, 'wag lang 'yong kalampahan mo!" aniya.

Napasinghal naman ako. Babalik na ako ng kusina ng tawagin ako ni Amy, pagkalingon ko ay hawak niya ang kanyang phone. Titig na titig at mukhang hindi makapaniwala sa nabasa. Kitang kita iyon sa kanyang reaksyon.

"Ano ba 'yon, Amy?" tanong ko naman.

"Nag text na si Toche!" aniya sabay tili, kulang na lang ay mabasag ang mga kagamitan sa paligid. Pwede na niya maging talent 'yon. "Ito basahin ko para sa'yo."

"Ba't sayo nagtext?" taka ko pa.

"Teka, basahin ko muna okay?" aniya kaya napangisi na lang din naman ako. "Pictorial will be set tomorrow, if hindi okay, we can schedule it again. Same building, 10am sharp, see you guys."

Amy texted na okay ang schedule bukas kaya tuloy kami para sa pictorial na gaganapin. Nakakapanibago pa rin sa akin ang mga ganitong bagay pero mukhang unti unti ko na rin namang natatanggap iyon. Pero hindi pa rin ako payag sa mga kontrata, sa huli kasi ayokong maipit ako at may kasalanan pang na-breach ko ang contract.

Nagpaalam naman si Scott na uuwi na siya. Ofcourse, isasama ulit namin siya bukas dahil wala naman kaming sasakyan. He's willing to be our driver naman, iyon na daw kasi ang magiging papel niya sa ngayon. Pansin naming hindi pa siya lumalabas ng pintuan saka niya kami tinawag.

Nang lumapit naman kami ni Amy doon ay nakita ko naman ang isang bouquet doon at isang box ng chocolate.

"Someone left a gift for you, Reena..." Scott said, kinuha naman niya iyon at tiningnan ang card doon. "It was really for you."

Kinuha ko naman iyon at tiningnan. Nagtaka naman ako kung sino ang mag-iiwan ng bulaklak sa tapat ng bahay ko. Alam kong wala may nakakaalam kung saan ako nakatira, then how come na may nakarating na ganito dito?

"Teka, hindi naman siguro sinet-up niyo 'to 'no?" I asked the both of them.

They immediately deny it, "wala kaming kinalaman diyan." Ani Scott.

"Bakit naman kami gagastos ng flowers at mamahaling chocolate for you? Duh, Reena!" sabi pa ni Amy. "Someone followed us here."

Ewan ko pero kinabahan naman ako.

"Don't worry Reena, hindi naman siguro insider ang mga iyon. I lived on your house, don't worry, I got your back."

"Gusto mo ba i-report natin sa pulis?" tanong ni Scott.

Agad naman akong umiling, "hindi na, hayaan na lang muna natin. Thank you na lang sa kanya..."

"Sige, mauuna na ako, if something happen, I'm only one call way, eh!" Scott said then wink.

Nandiri naman si Amy at bumalik na sa loob ng bahay. Sinundan ko ng tingin si Scott na pumasok sa kanyang sasakyan saka umalis ito. Isasara ko na ang pinto ng mapansin ko ang hindi pamilyadong sasakyan ang sumunod na umalis. Siguro sa kalapit na bahay lang iyon.

Bumalik naman ako sa sala, sinimulan nang lantakan ni Amy ang chocolate na iyon. Napatitig na lang din naman ako sa bouquet. Kung sino man ang naglakad loob na iwan 'yan sa tapat ng pinto ko, sana magpakilala siya.

"I've posted it on your fanpage!" ani Amy.

"Huh?" taka ko naman.

"Ohh, thousand likes agad oh!" hindi makapaniwalang usal ni Amy. "They were anxious to know who was the guy, Reena."

Maybe he or she was just a fun, ayokong mag-conclude ng kung ano ano. May mga bagay naman kasing hinahayaan na lang pero kung lumalala na, kailangan nang kumilos doon.

But I'm the one whose eager to know who posted my pictures on social media, when I found you, I'll—for now, to thank you... hindi ko pa alam kung anong gagawin sayo but for sure, not for fame.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top