Chapter 20

Chapter 20

I'm not pregnant


It has been casted out on the media. Muli na namang umusbong ang usapin tungkol sa akin. Nagpapabida na naman daw ako dahil bakit kailangan ko pa daw ilihim ang lahat. Bakit kailangan ko pang patayin ang sarili ko para matahimik na sila. Ang dami nilang pinagsasabi na wala namang mga alam sa totoong nanyari. Puro sila salita at hindi naman nila inaalam ang mga storya sa likod ng storya.

Kapag mabasa lang kasi nila ang isang title ng article, iyon na kaagad ang huhusgahan nila at hindi man lang nila babasahin ang article na iyon. Ang daming ganyang tao ngayon, kung makakuda, akala mo ang perpekto na nila. 

"Reena!" tawag ni Amy sa akin, lumapit naman ito at inaabot sa akin ang phone ko. "Mommy mo." 

Agad naman akong umiling, "please, ayokong kausapin."

"Akin na muna si Riley, kausapin mo na dahil mas lalong magagalit 'yan sayo." aniya, kinuha naman niya sa akin si Riley at inabot sa akin ang phone niya. Nang tingnan ko siya ay tinanguan lang ako nito at tumuloy sila sa kwarto ko. 

Dahan dahan ko pang nilapat ang phone sa aking tenga.

"Ma..." 

"Reena!" pasigaw kaagad ang bungad nito sa akin. "Anak ka ng pucha! Pati ako ay niloloko mo na rin ngayon! Ibang klaseng bata ka! Anong pagpapalaki ang ginawa sayo ng tatay mo at ganyan ka kung umasta. Sa akin ka dapat lumaki at hindi naging ganyan ang ugali mo! Pinaniwala mo akong wala ka na, kaya pala ayaw sabihin ni Amy sa akin ang nangyari sayo dahil buhay na buhay ka pa pala! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo, Reena. Alam ba 'to ng tatay mo? Siguro oo 'no? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ako makakilos sa mga gawain ko dahil sa balitang nangyari sayo tapos malalaman ko na lang lahat ng ito? Nanloloko ka na, Reena!"

Reena... Reena... Si Reena lang talaga ang kilala nila.

"You don't know because you didn't even care to ask. I know you love but you don't care for me anymore. When you left, I begged you not to leave pero umalis ka pa rin. You did what you think what's right for our family but you were wrong. My father taught me how to be brave and act upon love of any others. I love you ma but there's this thing you lost, me, your daughter. You always call me, Eca, father calls me Esca. And now I think that I'm completely stranger to you. You call me Reena, the girl everyone knows."

"Anak..." mukhang naintriga siyang banggitin ang pangalan ko. "Sorry..."

"All I did was to save myself mom, please call if you were ready to be my mother again." and then I hung up the phone.


Napatingin naman ako kina Scott at Amy, iniwas ko na lang din ang tingin ko sa kanila. Kinuha ko naman si Riley kay Amy. Nagpaalam naman ako sa dalawa na lalabas lang kami, dinala naman ako ng paa ko sa park. Naupo naman ako sa isang bench doon. 

Napapaligiran ng mga batang naglalaro ang park, ang ilang couples na masyadong clingy sa isa't isa. Mga barkadang puro tawanan ang usapan. Sari sari ang mga tao na nakikita ko, iba iba rin ang ugali nila. Hindi naman sila magkakapareho, sabihin nating sa interest, oo, sa papanaw hindi.

Hindi ko naman mapigilan ang maluha sa tuwing humahagikgik si Riley. Feeling ko ang perfect kong mommy para sa kanya, na magagampanan ko lahat para sa kanya. Ang dami kong naiisip sa kinabukasan niya at hindi ko na naiisip ang sa akin, pero para saan pa diba? Kay Riley na naman nakatuon ang buhay ko. Hindi ko hahayaan na maging miserable rin ang buhay niya katulad ng akin.

I don't want him to be perfect, I just want him to live as everyone else. And to love and to be loved. That's all I want for him, never-ending happiness.

"Oh, you're baby is so cute!" napaangat naman ako ng tingin sa nagsalitang babae na nasa harapan ko. May hawak itong bata, mukhang binabantayan niya iyon.

Nginitian ko naman siya, "thank you."

"Anong pangalan ng baby mo?"

"Riley." tugon ko naman sa kanya. "Ang cute din niya." tukoy ko sa toddler na kasama niya.

Pero nang mapansin kong tinitigan ako nito ay umiwas na ako ng tingin at saka tumayo na. Pero pinigilan naman ako nito at nang mas malapit na ang mukha ko sa kanya at nanlaki naman ang mga nito. Parang nakakita ng multo.

"Ay dyusko! Multo!" sabi ko nga, iyon ang tingin niya. Sa sigaw niya ay naagaw ang atensyon ng ibang tao sa paligid. "Gaga hindi! Si Reena Francesca Campbell!" turo pa nito.

Nataranta naman ako pero mabilis ako naging tampok atraksyon. Wala akong nagawa dahil pinalibutan na nila ako. Kinukunan na nila ako ng litrato. Hindi ko mapatahan sa pag-iyak si Riley. Kung ano ano din ang pinagsasabi nila sa akin at hindi ko napigilang umiyak na lamang. Nakaalis lamang ako noon ng dumating si Amy at Scott, agad nila akong nilayo doon. Kinarga ni Amy si Riley at inalalayan naman ako ni Scott.

Pagkarating sa bahay ay agad agad naman akong tumungo sa kwarto at doon bumuhos ang emosyon ko. Ang dumi ng tingin nila sa akin. Lahat na lang ay akala mo kasalanan ko. Dinadamay pa nila ang anak ko. Na hindi naman daw akin iyon at kay Simoun iyon.  Ano bang pake ni Simoun? Hinding hindi siya makakalapit sa anak ko kahit siya pa ang tatay nito.

Panay naman ang katok ni Amy sa pinto at gusto akong damayan pero mas lalo lang akong iiyak sa ganoong paraan. Ikinalma ko na lang din naman ang sarili ko. Alam kong walang mapupuntahan kung iiyak ko na lang palagi ang nararamdaman ko. Kailangan nila malaman ang tunay kong nararamdaman at ang hindi nila alam.

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto, bumungad naman sa akin si Amy, nasa likod naman nito na karga si Riley.

"Call out all media."

"Reena? Ano na naman itong naisip mo?" tanong ni Amy.

"I have the right to decision, this everything has to stop." 

Amy scoffs, "God, Reena! Alam mo naman na kahit magsalita ka ay hindi naman matatapos ang mga pag-uusap nila sayo. Hindi naman titigil ang mga bunganga nila. Alam mo naman 'yon, malawak ang internet."

"Ikaw na nagsabi, Amy. Malawak ang internet and I can clear myself, alam na nila ang papaniwalaan nila at titigilan na nila ako. That's my final decision, don't make it hard for me. Do it for me, do it for your bestfriend."

Niyakap na lang din naman ako nito saka siya bumuntong hininga, "if that's what you want, magpapatawag kaagad ako ng conference."

"Salamat, Amy."


Kinabukasan ay agad na ginawa ang media conference ko. Lahat ng mga issue ay inilinaw ko na sa kanila. Lahat ng maling balita na pinaniniwalaan nila ay pinaliwanag ko sa kanila ang katotohanan. Alam kong mahirap kunin ang tiwala nila pero ito lang ang alam kong paraan para kunin ang loob nila.

"Why did you tell you die on giving birth, Reena?" 

Tiningnan ko naman ang babaeng reporter, "I did it para matahimik kami ng anak ko at para matapos na rin ang issue sa akin pero nang malaman niyong buhay ako ay naging usapan ulit ako. I guess, sa akin nga talaga nakasentro ang atensyon niyo. Kaya ba niyo akong ginawa na most beautiful girl in the world? Nakakatawa lang."

"How sure you are na si Anatoche ang nagpakalat ng pictures niyo ni Simoun?" a guy reporter asked.

Pinakita ko naman sa kanila ang picture na binigay ni Harriet sa akin. He also came here on my media conference para maging witness. Siya naman ang nagsabi sa media, inulan din siya ng tanong kung bakit siya laging sumusunod sa akin kung nasaan man ako. Nagawang lagpasan ni Harriet ang mga tanong na iyon. Bilib ako sa kanya dahil nasagot naman niya iyon ng walang butas.

"Reena!" halos maagaw ng babaeng pumasok ang atensyon ng lahat. "Reena!" sigaw pa nito, nang makita niya ako ay agad naman niya akong sinugod at sinabunutan at kinaladkad sa sahig.

Inilayo naman siya sa akin ng mga guards. Inalalayan naman ako ni Scott na makatayo.

"Because of you, I was fired at the Flash Star! Sa mga walang kwenta mong patutsada! Go to hell!"

"Ikaw ang mag go to hell, Anatoche!" usal ni Amy at nagulat na lamang ang lahat ng sampalin niya ito. "It feels good, sana pala dati ko pa 'yan ginawa sayo." irap pa nito. 

Kanyang gagantihan sana si Amy pero pinigilan naman siyang gumalaw ng mga guards kahit anong pilit na pagpiglas niya. Hindi siya makaalis sa mga kamay nila.

Napansin ko naman ang pagbilog ng tiyan nito kaya lumapit ako ng bahagya sa kanila.

"Anatoche, buntis ka ba?" tanong ko, natigil naman ang lahat sa sinabi ko pero agad naman siyang inulan ng tanong. 

Natigil din siya sa kanyang ginagawang pagpiglas.

"Anatoche, totoo rin ba ang balitang hindi ang boyfriend mo na si Simoun ang ama ng dinadala mo ngayon? Kung hindi, sino?" tanong ng isang babaeng reporter. Oh, mas updated pala talaga sila sa akin.

"I'm not pregnant!" sigaw nito at mabilis na nag-walk out. She can't defend herself when it's too obvious to see.


After the media conference ay nakahinga naman ako ng maluwag pero iyon ang inakala ko. I got a call from father's clinic and the bad news was he was hurried to the hospital. And that's the thing I thought my life ended.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top