Chapter 2

Chapter 2

Live interview


Maybe this moment of my life right now could be define as the best and worst scenario. Kung ano anong tumatakbo sa utak ko, isama mo pa ang kabog ng dibdib ko. Paulit ulit din namang pinapaalala ni Amy sa akin na huwag akong kakabahan dahil isang interview lang naman daw ang gaganapin. Yes, live interview! Hindi ko inakala na haharap ako sa national television nang on the spot! Amy prep me for the questions pero syempre, hindi ko pa rin alam kung anong posibleng itanong nila sa akin.

And I don't want them to invade my personal life, ayon ang napagkasunduan sa interview na 'to at sana tumupad sila doon dahil kung hindi, hindi na rin nila ako makikita sa building nila.

Why would I thought na babalik sa building? First and last na nga 'to diba, and that's my final decision.

Pagkapasok ko pa lamang ng studio ay nabingi naman ako sa hiyawan ng mga tao. Ang ilan sa kanila ay sabay sabay na nagtaas ng kanilang phone. Iniiwasan kong hindi kabahan pero inaatake pa rin ako kahit anong gawin kong pag ngiti.

Binati naman ako ng host at pinaupo ako sa isang cream couch doon. Nakita ko naman si Amy sa audience na nakaupo, she reminded me to smile always kaya naman nanginginig na ang mga labi ko.

The crowds cheered once again when the host welcomed me once again. Kung ano anong ka-echosan pa ang mga pinagsasabi niya na hindi ko naman maintindihan. May pinanood saglit na isang video at pinapalabas doon ang pagbloom ko sa social media. Iba nga talaga ang feeling kapag mismo ikaw na ang pinanood nila.

So when the vtr ended, nasa akin na ang atensyon nila. Nanuyo bigla ang lalamunan ko kaya naman pasimple pa akong lumunok ng laway saka ngumiti sa kanila.

"So, Reena, everyone knows you by your gorgeous face. Anong masasabi mo na ikaw ang ngayon ang pinakamagandang babae sa buong mundo, how's that feel? Kasi alam mo, gusto ko rin 'yan maranasan." Hagikgik pa nito.

"Ah," how to start? Napagpraktisan namin 'to ni Amy at sana walang kung ano anong salita ang lumabas sa bibig ko. "I am grateful to have that title, I wasn't expecting like that. Everyone one of us is beautiful—"

"Yes, we know that." The host interrupted. "Oh, continue Reena." Ngiti pa nito.

"For myself, hindi ko naman iniisip 'yong mga ganyan. I am lucky enough to live in the world we know, hindi siya big deal sa akin, but for those who appreciate me, thank you."

"Wow, we see that Reena." She replied. "So, except for being beautiful, anong ginagawa mo ngayon? I mean, pinagkakaabahalan mo?"

"Hmm, I graduated interior design in UP Diliman, so freelance lang ako for now but I'm actually looking forward for future projects."

They were amazed what I said, "wow naman, Reena, hindi ka lang pala babaeng may ganda kundi may talino rin." Aniya, "perfect ka nga talaga, Reena! Palakpakan naman natin siya!" at nauto naman ng host ang mga audience na magpalakpakan.

Nang tingnan ko naman si Amy at Scott sa audience ay tuwang tuwa naman sila at nakikipalakpak din. Kinakalma ko na lang din naman ang sarili ko kahit gustong gusto ko ng maduwal sa sobrang kaba. Nang humupa naman ang kanilang palakpakan ay bumalik ulit sa akin ang atensyon.

"So, syempre Reena, gusto malaman ng karamihan kung paano ka sumikat sa social media, pwede mo bang ikwento sa amin?" aniya.

As what we practiced, iyon ang gagawin ko.

"Okay, this may be long story, anyway, this doesn't matter."

Three months ago.

Niyaya ako ni Amy na pumunta sa isang mall sa Makati. She'll treat me daw dahil hindi niya ako nalibre noong nakaraang linggo, it's my birthday. Nakalimutan nila 'yon kaya ngayon bumabawi siya sa akin.

Ipinasama ko na rin naman si Scott para may kasama kaming lalaki, hindi kasi ako sanay na umaalis na kaming dalawa, though kapag sa tabi tabi lang pero kung highly security naman ang lugar ay pwede na. Sadyang gusto ko lang isama si Scott.

When we arrived at the mall, Amy said na pumunta muna kami sa isang clothing store para bumili ng damit. She push me to fit some clothes at kapag may nagustuhan daw ako, siya nang bahala. Hindi naman ako pumalag pa dahil treat niya rin naman.

I ended up bought two clothes. One is a peach dress and t-shirt quoted with "I lived."

Habang nag-iikot kami, sa tuwing may may nakakasalubong kaming ng tao tapos tititig na lang sa akin bigla, napapaiwas na lang din ako ng tingin dahil nahuhuli ko pa iyon mga tingin nila. Nagtataka na lang din ako. May dumi ba ako sa mukha ko?

Kaya nang mapadaan kami sa comfort room ay agad naman akong dumiretsyo sa salamin, mas lalo kong ikipinagtaka dahil wala namang dumi sa mukha ko. Nagtaka si Amy kung ano daw problema ko. Hinayaan ko na lang din dahil mukhang hindi lang talaga nila maiwasang mapatitig.

Scott led us to some arcade place, iyon naman ang gusto niya kaya wala kaming choice. On some point, habang pinaghihirapan namin ni Amy kunin ang isang smartphone sa isang arcade ay bumalik naman si Scott na may dalang teddy bear. Ang sabi nito ay nakuha niya iyon at gift niya daw sa akin. Much effort, Scott.

On the last leg of our gala, huli naming pinuntahan ang isang buffert restaurant. Amy treated us, ang sabi ko nga ay ako na ang bahala pero hindi naman siya pumayag. Kailangan niya daw bumawi.

Pabalik balik naman si Scott sa table kung nasaan ang mga pagkain. Sumunod na rin naman ako para kumuha ng pangalawa kong kain. Hindi naman ako godzilla kung kumain, sadyang minsan may inaawayan lang ako, mamaya allergy ang resulta.

Habang kumakain kami ay bumubulong naman si Scott. Nagtataka naman kami dahil hindi siya sa aming dalawa ni Amy nakatingin.

"Ano ba 'yon Scott?"

"That guy!" tinuro naman nito iyong umalis na lalaking matangkad, nakatalikod sa amin kaya hindi ko mamukhaan.

"Anong meron diyan?" tanong naman ni Amy.

"I caught him taking pictures of you." anito.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Bakit hindi mo man lang sinita?"

"Nagulat na lang din ako!" dahilan pa nito. "Saka, baka naman nagagandahan lang sayo?" dagdag pa ni Scott.

Napailing na lang din naman ako. "Namukhaan mo ba?"

Umiling siya, "hindi masyado pero mukhang fuck boy."

I sighed out of the thought. Baliw din talaga itong si Scott, pwede naman niyang pagsabihan iyong lalaki. Naku talaga, kapag kumalat iyon sa social media. Baka naman nakanganga ako sa kuha nila ah? Gosh, ayoko na.

Whoever that guy is, babawi rin ako sayo.

And that's how it happened.

"So, kilala mo ba ang lalaking nagpakalat ng picture mo?" tanong naman ng host sa akin.

Umiling naman ako dahil wala naman talaga akong idea, "hindi ko siya kilala, hindi ko rin mahanap ang account niya sa social media dahil karamihan ay fan pages na ang nagpopost ng pictures ko, so I still don't have any idea who's that guy is."

"And why don't we introduce you to him?" aniya.

Halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Totoo ba 'to?

"Seryoso?" I asked in wide eyes.

But the host laugh intended that she was just only joking, "no, of course, but we're sure na magkikita rin kayo soon. Hindi pa nga lang sa ngayon."

Kung saan saan pa tumakbo ang usapan. Kung marunong daw ba akong magluto, kung in a relationship ba ako, mahilig daw ba ako sa buko kaya ang puti puti ng balat ko. Ano ano daw mga ginagamit ko para maging makinis ang kutis ko, mga iniinom na supplement at kung may operations daw ba akong inundergo. Natutuwa sila na ang perfect ko pa rin daw kahit wala na ang mga bagay na iyon, na binigyan daw talaga ako ng kakaibang blessing.

Ako lang daw ang sumalo no'n at naambunan lang sila. Nakakatawa dahil ang dami nilang iniisip, kung ano anong konkluson ang namumuo sa isip nila pero hindi nila alam na sa likod ng mukhang ito, hinihiniling ko na sana hindi na lang nangyari ang mga ito.

They were too enthusiastic for me pero ako, gusto kong magtago na lang para mawala ang atensyon nila sa akin.

"So, from now on na lumabas ka na nang television, marami nang opportunity ang darating sayo, tatanggap ka ba ng projects on the future?"

Sa tanong na iyon ay hindi ako na-brief kaya agad akongb napalingon kay Amy at sinenyasan na lamang akong bahala na ako sa buhay ko.

"Ahm, well, we can't tell now, I'm not sure of entering showbiz. Hindi ko talaga nakikita sa sarili ko 'yon." nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinagot ko. Atleast naniwala naman sila doon.

"So, of course, know your priority first." Hagikgik pa nito. "So, what you would like to tell on some girls like you, teens, adults? Any words?"

"Okay," I nodded with confident, napag-praktisan ko 'to. "So, first you should accept who you really are. You don't have to be perfect, as long as the people around you like the way you are, appreciate it because some of us just took it for granted. Show them how kind you are and then they'll see how beautiful you are."

And that's how I give it!

The crowd gets wild at mukhang perfect naman ang sinabi ko dahil natuwa sila doon. Nang matapos ang live telecast ay ilang audience ay biglang lumapit sa akin at nakuyog ako. Naglapitan naman ang ilang guards para alisin ako doon.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating kami sa dressing room.

"And that's not what I like." Hingang malalim ko pa. "Guys, I did it!"

"I'm so proud of you, babe!" Scott said, natigil na lang din naman kami. "Just forget the babe, c'mon, group hug!" aniya at nagyakapan naman kaming lahat.

"What do you want to do next?" Amy asked.

I shrugged of my shoulder, "dunno, stay at home, what else I can do?"

Namuo naman kaagad ang ngiti sa gilid ng labi niya, "I've got news for you, miss beautiful."

"And what is it?" I asked.

Hindi ako nasagot ni Amy dahil biglang pumasok sa dressing room ang manager na si Gelford, he congratulated me saka niyakap. Nakangiwi na lang din naman ako kaya nang umalis siya sa pagkakayakap ay agad kong pinalitan ng ngiti.

"People loves you, Reena and the reason why I'm here because I'm offering you some project, its worthy girl, I just want to know it it's a yes or no?" he asked.

Napatingin naman ako sa dalawa kong kasama at hindi naman sila makasagot.

Oh, gosh, nakakastress maging maganda! Ayoko na, uuwi na lang ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top