Chapter 16

Chapter 16

I leave some clues


Five months, I lay lowed myself. Hindi madali para sa akin na tanggapin ang kinahinatnan ng career. Kung ang bilis ng pag-angat ng karera, siya rin naman kabilis ang pagkabagsak ko. Dati tuwang tuwa ako dahil isa daw ako sa paborito nila at sinusuportahan nila at ngayon naman ay wala na akong nakikita o nababasang gano'n. Iniwan na rin nila ako. Tinanggap ko ang pagkakamali ko, lahat ng bintang nila sa akin ay sinalo ko.

Masakit pero iyon ang naging tadhana ko.

Inamin ko kay Amy iyong litrato na nakuha ko noon. Ang nakuha ko lamang sa kanya ay isang sampal, tinanggap koi yon. Pinagsabihan niya ako, bakit nilihim ko raw iyon. Bakit hinayaan ko daw ang sarili ko na lamunin ng kasikatan at hindi pansinin ang gano'ng bagay? Wala akong nasagot sa kanya, talong talo na ako. Sirang sira na ako sa mata ng mga tao.

May mga umabot din na balita sa amin na pinabayaan daw ako ng manager ko. Iyon ang kinagalit ni Amy, galit na galit siya hindi sa akin kundi sa mga taong wala ginawa kundi ang manira ng tao. Iyong dati nilang pinupuri, iyon mabilis na napalitan ng mga masasakit na salita.

May napanood ko pa ako noon, sinusunog nila ang libro at magazines. Huwag daw ako tuluran, 'wag daw sundin ang mga nakasulat doon. 'Wag na 'wag daw maniniwala sa babaeng katulad ko. Maganda lang naman daw ako. Iyon naman ang lagi nilang inaakala eh.

Iyon lang kasi ang nakikita nila sa akin.

Hindi man lang umabot sa quota ang ratings ng show namin, walang nanood eh. Agad nila iyong binura sa kanilang website. Sino nga ba ako? Freelance artist lang din naman nila ako. Binayaran naman daw nila ako kaya may karapatan naman sila kung anong gusto nilang gawin. Hinayaan ko silang gawin iyon.

Hinayaan kong protektahan ang sarili ko sa mga bagay na ako lang din naman ang nakakaintindi. Kung pati ang sarili ko ay pilit na ipagsisiksikan sa kanila ay magiging tanga lang din ako. Magiging walang kwenta lahat ng mga sasabihin ko dahil hindi na nila ako papaniwalaan. Hindi na ako ang babaeng kinilala nila noon.

Reena Francesca Campbell na nga ang tawag nila sa akin ngayon. Buong pangalan na akala mo'y, kilala nila ang buong pagkatao ko. Masyado nilang hinuhusgahan ang isang katulad ko. Hindi nila inisip na tao rin naman ako. Pero kahit anong gawin ko, ibinababa na nila ako.

Wala daw akong kwenta.

Maganda ka lang kaya ka sumikat.

Tapos ang usapan.

Maraming naapektuhan sa nangyari sa akin. Nagdesisyon si Amy na lumayo na lang muna sa akin, madalang na lang makipakita sa akin si Scott. Naiinis ako sa sarili ko dahil sila na nga lang ito malapit sa akin, sila pa 'tong pinagtaguan ko kaya hindi ko masisi kung may sama sila ng loob sa akin.

Madalas kong nakakasama ay ang mga maid ko, minsan ay iniiwasan pa nga nila ako pero natutuwa pa rin ako dahil kinakausap pa rin nila ako ng normal at parang walang nangyari. Iniintindi nila ako kahit wala sila sa sitwasyon ko, dinadamayan nila ako.

Umabot din ang balitang iyon kay mama at ano nga bang maaasahan ko? Puro masasakit na salita lang din ang nakuha ko sa kanya. 'Yong kung sino pa ang kailangan mo ay siya pa itong nagpapabigat sa damdamin ko.

At si papa, nandiyan lagi para sa akin. Kahit may pasyente siya ay gumagawa siya ng paraan para masamahan ako at maalagaan. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako pinagsalitaan. Inintindi niya ang sitwasyon ko lalo na't ngayon na halos malapit ko nang isilang ang anak ko.

Ang sabi ng ilan ipalaglag ko na daw, wala naman daw akong karapatan sa bata dahil kay Simoun iyon. At si Simoun ay pagmamay-ari ni Anatoche. Muntik na akong mapunta sa desisyong iyon pero ginabayan ako ni papa na huwag akong gagawa ng ikasasama ko at maling desisyon dahil kung gawin ko iyon ay parang iisipin ng mga tao na utusan lang ako at wala nang kwenta sa mata nila.

Inisip ko na lang din naman ang makakabuti sa magiging anak ko. Inisip kong hindi siya dala ng malas dahil may reason kung bakit dumating siya at nangyari sa akin ito. Hindi pa naman natatapos ang lahat eh. Hindi pa naman dito ang lahat sa akin.

Bumagsak ako pero hindi ko hahayaan na lamunin na lang ako ng mga salita nila.

Kapag bumalik ako, ipapakita ko sa kanila na walang mali sa akin. Na wala akong kasalanan. Hindi ako ang may kakagawan ng mga iyon.

Hanggang ngayon ay wala na akong balita kay Simoun. Ang naririnig ko na lang ay nasa ibang bansa ito kasama ang fiancée na si Anatoche. Ang bilis ano? Hindi ko inakala na may nangyayari na palang hindi ko alam. Siguro nga, may tinatago rin siyang hindi ko alam.

Tinawagan ko naman si Scott, umaasa pa akong sana sagutin niya iyon dahil nitong mga nakaraan ay nagta-trabaho ito sa pharmacy ng family nila. Masaya naman ako kasi sinagot niya ang tawag ko, hinintay ko rin naman siyang dumating.

Pagkarating niya sa bahay ay agad ko naman siyang niyakap. Nagtaka pa ito sa ginawa ko. Minuto pa ang nangyari bago ko rin naramdaman ang kanyang yakap. Pinigilan ko namang umiyak sa puntong ito.

"May problema ka ba Reena?" tanong naman nito sa akin.

Umiling naman ako, "ahm, kung pwede lang, samahan mo ko sa clinic ni papa?"

Agad naman itong tumango, "sige, tara na ba?"

"Oo, tara na."

Tumungo naman kami doon. Mabuti na lang ay nandiyan si Scott. Alam kong nagkakausap sila ni Amy. Si Amy lang talaga walang balak akong kausapin, naka-block nga ata ako sa kanya kaya hindi ko siya matawagan eh. Nang tanungin ko naman kung nasaan si Amy, hindi naman ako sinagot ni Scott, basta daw. Iyon ang sabi niya.

Nang makarating naman kami sa clinic ni papa ay sinalubong din naman kaagad ako nito.

"Mas mainam siguro kung sa clinic ng tao ka pumunta, hindi sa mga hayop." Tawa pa ni papa. "Anong problema, Esca?" aniya.

Umiling naman ako, "wala naman pa, gusto ko lang magpalipas ng oras."

"Sige pero may pasyente ako, doon ka muna sa office ko." aniya, "teka pala, nitong nakaraang araw may nagbigay ng sulat sa akin. Ang nakalay ay for reena's eyes only kaya hindi ko na binuksan." Aniya at inabot naman nito sa akin ang sulat na iyon, pagkahawak ko pa lamang ay medyo matambok ang laman ng sobre. "Maiwan muna kita, Esca."

"Sige pa."

Tumungo naman ako ng office niya, natulala naman ako dahil ngayon lang ulit ako nakatanggap ng ganito at for almost eight months ay ngayon ulit nagkaroon pero nakakapanibago lang dahil mukhang marami itong laman ngayon.

Ewan ko kung bakit nanginginig ang mga kamay ko ng buksan ko iyon. Una ko munang kinuha ang sulat doon.

T

Reena

For about few months, ngayon lang naulit, sorry ha? Simula kasi nang magkasama na kayo ni Simoun ay ako na mismo ang umiiwas sa mga ganito pero ito ako bumalik ulit pero ito na rin ang huling sulat ko sayo. Sana ngayon ay kilala mo na ako.

I leave some clues, malalaman mo ang pangalan ko doon.

And the pictures inside envelope, malalaman mong kasa-kasama mo ako lagi (malayo nga lang sayo) pero atleast diba?

Natatandaan mo pa ba ang sumasampa sayo sa likod? Iyong kumuha ng litrato mo na naging viral? Itong mga sulat na nakukuha mo sa akin. Iisa lang ang taong iyon at ako iyon.

Sa susunod na sulat, magkikita na tayo. J

Kinuha ko naman ang mga pictures sa loob. Hindi naman ako makapaniwala nang makita iyon. Polaroid ang mga iyon at may mga date na included pa. Gulong gulo ang utak ko at gulat na gulat pa rin sa mga nalalaman ko ngayon. From my guestings at iyong mga travels namin ay may picture ako. May picture din ang bahay ko doon.

May isa ring litrato na blurred naman at mukhang siya iyon.

Halo halo ang nararamdaman ko at naihagis ko na lang din naman iyon at napasigaw sa sobrang inis. Napahagulgol na lang din naman ako. Nang dahil sa kanya ay nasira ang buhay ko. Nang dahil sa pagkuha niya sa litrato ko ay kinamumuhian na nila ako.

Dinaluhan ako ni papa at niyakap. Nakita ko naman si Scott na nakatayo lamang sa pinto at takang taka naman.

Hindi naman ako pinakawalan ni papa sa kanyang mga yakap. Hinalikan niya ako sa noo ko.

"Stop crying Esca... everything will be just fine..." papa said, "trust me.'

I look into his eyes but I ended up crying.

I wish few months ago to end my life but it wasn't the option to make things right. Just like what papa said, everything will be just fine.

And in that case, they should know that Reena Francesca Campbell died for the issue to die also. That's how it should happen. I hope.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top