Chapter 13

Chapter 13

I will, for you


Kinaumagahan ay nagising na lang din ako sa paghatak ni Amy sa akin sa higaan ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagmamadali at tinulak papunta sa pintuan. Pinabubuksan pa niya iyon sa akin, eh pwede naman niyang gawin iyon ng mag-isa siya.

Pagkabukas ko naman ng pinto, nagkakamot pa ng mata ng makita ko kung sino ang bumungad sa akin. Agad ko rin napansin ang camera sa likod nito. Sa hindi ko malamang dahilan, naisara ko na lang din naman ang pinto. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil nagulat talaga ako sa nangyari. Hindi ko naman inaasahan na may ganitong eksena pala na mangyayari.

"Amy!" tawag ko dito. "Hagis mo 'yong bathrobe!"

Natatawa naman nitong hinagis iyon sa akin. Agad ko rin namang binalot iyon sa katawan ko at dali dali na binuksan ang pinto. Nginitian ko rin naman kaagad si Simoun. Nakatitig naman ako sa mukha niya at naiinis ako dahil siya ay bagong ligo na pero ako ihaharap nila ako sa camera nang wala pang hilamos? Hustisya.

Nang alisin ko naman ang tingin ko sa kanyan mukha ay napatingin naman ako sa hawak niyang tray. Wow naman, may pa-breakfast in bed pa si Simoun.

"Ano 'to?" natatawa ko pang tanong.

Napangisi naman ito, "breakfast for the beautiful." Aniya.

Pumasok naman siya sa loob ng kwarto ko at nilapag iyon sa table. Hindi naman ako masyadong komportable dahil sa may camera nga. Ito rin 'yong kinakaayawan ko noon, kapag sikat ka, lahat na lang nakatutok sayo kaya pati mga galaw mo ay gagawan nila ng issue. Kung ano ano namang ginawa namin ni Simoun.

Sinusubuan niya ako ng pagkain tapos kung ano anong usapan tungkol sa pag-ibig at experiences dito sa boracay. Hindi naman boring kausap si Simoun dahil mapapangiti ka na lang din all the time kahit tumitig ka lang sa mukha niya. Gwapo si Simoun, hindi ko na iyon itinatanggi.

Binulungan ko naman si Simoun na maliligo lang ako sandali at doon naman cinut ang scene. Nakahinga naman ako ng maluwag, naghintay naman si Simoun sa labas ng kwarto ko. May pupuntahan daw kaming dalawa, may surprise daw siya para sa akin. Nagmadali na rin naman akong mag-ayos sa sarili ko.

Isag white beach dress naman ang sinuot ko. Halos makuha ko na naman ang mga mata ni Simoun at hindi na naalis sa akin. Napagpasyahan naman namin na pumunta na sa sinasabi niyang lugar, nakasunod lang sa amin sina Amy at Scott, binabantayan din ako ng dalawa syempre.

Habang papunta kami sa may mga sun loungers ay may tumakbo naman sa akin na dalawang kabataan na hawak hawak ang libro ko. Mabuti na lang ay girl scout sila at may dala na silang ballpen dahil wala akong dala. Pinirmahan ko naman ang mga libro nila, nagdemand pa na pumirma rin daw ni Simoun Blake ang libro kaya pumayag din naman siya. Sa huli ay nagpapicture pa sila sa amin.

"Bagay po talaga kayong dalawa!" sabi naman ng isang babae.

"The most perfect couple in the world." Nang sabihin iyon ng isa pang babae ay nagkatinginan na lang din kaming dalawa ni Simoun at natawa.

Sino bang mag-iisip ng gano'ng title? May pauso na naman ba? Bakit hindi ko alam 'yon? Hindi tuloy nawala iyon sa isipan ko at mukhang kapag nailabas ang episode na ito ay magiging tampok na naman ang tawag na iyon. Sinabi ko nga sa sarili ko na after nitong series na 'to ay okay na ako, titigil na ako, gusto ko na bumalik ulit sa normal dahil ayoko namang magtagal sa limelight. Ayokong bawat gising ko, lagi na lang sila nakaantabay sa mga gagawin ko.

Sa ibang tao, wala silang pakelam, hinahayaan lang nila dahil gusto nila iyon. Kagustuhan talaga nilang mangyari iyon pero ako? Hindi naman, grateful ako pero sobra sobra na ang mga nangyayari at siguro sapat na iyon para sa akin.

Makilala sana nila na hindi lang ako si Reena na maganda, na perfect, na itinambal sa lalaking ubod ng gwapo. Sana makita rin nila ang tunay na pinapahiwatig ko sa kanila. Sana nga makuha nila iyon.

Pagkarating naman namin sa sinasabing lugar ni Simoun ay bigla namang bumulaga sina mama at ang stepfather ko.

Nang tingnan ko naman si Simoun ay nakangiti lang ito, "surprise, maybe?" aniya pa sabay tawa.

Niyakap naman ako ni mama at ni tito. Sa for this day ay makakasama namin sila sa mga gagawin namin ngayon. Kinausap pala sila ng staff na kung pwede ay makasama sila bilang guest dito sa show namin. Pumayag naman sina mama dahil moment na rin daw namin iyon para magbonding. Nahihinto na lang din naman ako minsan at natutula dahil naalala ko bigla si papa sa manila. I hope na ganito kami kasaya.

Pero it's a good na wala rin si papa dito dahil ayokong magsama sila ng stepfather ko. Well, hindi naman kami masyadong close. We used to talk pero hindi gano'n kadalas ang pag-uusap namin. Medyo lumayo lang ang loob ko sa kanila but I still treat him as a family, mom said to me.

We try activities such as babana boat, snorkeling. They even ask me to do some hena tattoo pero hindi naman ako pumayag. Sabi pa nila ay kahit maliit lang daw pero hindi talaga ako pumayag lalo na kung titingnan mo si Amy. Ang talim ng tingin na pagsabihan akong huwag pumayag. Tinanggihan din naman ni Simoun dahil mas maganda kung natural lang ang nakikita sa balat niya at walang kung ano ano. Infairness na naman kasi talaga sa kanya, makinis ang katawan at may abs pa, lalo na ang sarap paluin ng matambok niyang pwet.

Kinagabihan ay kumain kami sa isang restaurant doon. Kasama namin sina mama at tito. Noong una ay masaya pa naman ang usapan hanggat sa tumakbo ang usapan tungkol kay papa. Hindi ko naman nagugustuhan ang pinagsasabi ni mama, lalo na't on cam na nangyayari ang lahat. Pwede namang i-edit out iyon pero sa harap talaga ng maraming tao?

"Ma, you don't have to be rude on papa. Hayaan mo na lang siya."

"Kung hinayaan niya na lang kasi na sa akin ka sumama, diba?"

"Stop it mom, not here." Usal ko pa, tiningnan ko naman si Simoun. "Sorry, sige kumain ka na."

Pagkatapos kumain ay nauna na ako sa kanilang lahat. Hindi ko gusto ang atmosphere doon, akala ko pa naman magiging masaya ako kasama sila pero hindi pala iyon ang inakala ko. Parang ang sama sama ni papa sa tingin niya, ang ginawa lamang ni papa ay ang asikasuhin ako at gabayan. Pero siya umalis at sumama sa bago niyang asawa.

Ilang katok naman ang narinig ko sa pinto, tinawag naman ako ni Simoun pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto. Hindi naman ako umiiyak, nabadtrip lang talaga ko.

"Leave me alone, Simoun, bukas na lang tayo mag-usap."

"No, I wont." Aniya, "hinayaan din ako ni Amy na puntahan ka dito."

"Hindi pa rin naman kita papasukin." Sagot ko naman sa kanya.

Nagtaka naman ako ng ilang segundo ay hindi na siya nagsasalita pero nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto, pinabukas niya sa spare key ng hotel. Tuluyan naman itong pumasok ng kwarto ko pero nagtalukbong naman ako ng kumot.

"Reena, it's okay, it's part of our life."

Napangisi naman ako sa sinabi niya, "on my life, yes it is."

Napabuntong hininga naman siya, "you know why I followed you here? 'Cause I feel the way you feel there, Reena."

Unti unti ko namang inalis ang kumot sa ulo ko at hanggang mata lamang ang pinapakita ko sa kanya. Naupo naman ito sa edge ng kama.

"Nobody wants me, nobody cares for me, that's was me before. I know we've talked about my life but the thing is, I also came from a broken family. I was only raised by my father, my mother left us when I was too young. I don't know where she is now, but maybe, she knew about me now." Lumapit pa ito ng kaunti sa kanya, "you don't have to feel it alone, you're not the only one who bears it. Yeah, being the most beautiful, of course." Natawa naman ako sa sinabi niya, "but what you feel in there, everyone feels it too... you're not alone, Reena...

Niyakap ko na lang din naman si Simoun. Mas hinigpitan din naman niya ang yakap sa akin. Napagaan naman niya kahit paano ang pakiramdam ko. Nang umalis ako sa pagkakayakap sa kanya ay nagkatitigan na lang din naman kami at ang sunod na lamang na nangyari ay ang paglapit ng mga labi namin at ang pagtaas ng init sa paligid namin.

"Want to forget it?" he asked and I nodded, "I will, for you."

All I do was to accept him. Siguro nga siya lang ang nakakaintindi sa akin ngayon. Maybe tonight, stress will leave me, for a moment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top