Chapter 10
Chapter 10
Polaroid
"Thank you so much!" I was gladly to thank all the supporters who grab my book. I actually finished it in just three days on the same routines. Kain-type-ligo-type-kain. I cleared all my schedules para lang matapos ko ang manuscript ko. It was a self-help book or something about me. Mga thoughts and advices, hindi ko naman inaasahan na sa book lunch ko, ang daming pupunta at naubusan pa ng stock 'yong ibang humabol.
Kaya ko lang naman tinapos kaagad ang librong ito dahil kailangan ko nang maghanda para sa travel series namin ni Simoun. Hindi ko ine-expect na ganito pa rin ang pagwelcome ng mga tao sa akin.
Sinabi ko sa sarili ko noon, hindi ko naman gusto maging sikat o pabida sa kung anong social media na 'yan but I'm actually liking it. Iniisip nilang lagi kong nagagampanan ang pagiging most beautiful girl pero hindi lang nila nakikita 'yong mga nangyayari sa akin and all of that should remain and kept along us.
Until now, hindi pa rin naalis sa isipan ko 'yong picture na 'yon. Wala pa namang idea si Amy doon kahit na pinipilit niyang basahin daw ang mga letters na nakukuha ko.
"Thank you, hope it helps you." ngiti ko pa sa nagpapirma sa akin.
Matatapos ko na rin naman ang pagpipirma, they launch five hundred books lang dito sa event kaya madaling naubos. Hindi pa ito available nationwide kaya maraming nagtatanong kung kailan magkakaroon, they wanted it. Lalo na nang i-post ng Flash Star ang ilang preview pages nito sa facebook, they were asking for pre-order. And I'm sure, it will be on the best sellers.
"Miss Reena, can I ask you favor?" tanong ng isang babaeng nasa harapan ko, nilapag naman niya ang dalawang libro para ipapirma sa akin.
"Thirty seconds lang tayo please, marami pang ibang magpapapirma." Sabi naman ni amy sa tabi ko.
"Go, make it fast."
"Can you sign my shirt too?!" galak naman nitong sabi sa akin.
Nilapit naman niya ang laylayan ng shirt niya at pinirmahan ko iyon. Nagulat pa ako ng yakapin ako nito. Minsan hindi ka na lang talaga makakapalag eh. 'Yong bigla bigla ka na lang yayakapin, hahalikan. Hindi nila iniisip na nasasaktan na nila ako. 'Yong iba pa nangungurot, 'yong iba kapag yayakap nahahalikan ko pa ang kamay nila. Hindi naman sadya pero kasi ang wild nila. Natutuwa naman ako, nasasaktan nga lang.
Nang umalis siya ay isang babae rin ang sumunod sa kanya. Ngiting ngiti sa akin.
"Picture?" tanong ko.
Bigla naman siyang natauhan at kinuha ang phone niya pero bago niya gawin iyon ay may iba siyang inabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon dahil na rin sa pagmamadali ng mag staffs ay isang mabilisang shot ang nakuha niya. Hindi niya ako nayakap. Hindi rin ako nakapag thank you.
"Akin na muna 'yan, Reena." Ani Amy at kinuha ang sulat na iyon.
Inagaw ko naman sa kanya iyon at umiling, "this should stay here." Aniko at humalukipkip na lang din naman siya.
Pinagpatuloy ko naman ang pagpipirma ko. Hindi naman ako mapakali dahil sa tuwing mapapalingon ako sa sulat ay sabik na sabik na ang kamay kong basahin iyon. Pinasok ko na lang sa bag ko para hindi ako madistract.
Karamihan naman ay babae ang nagpapapirma sa akin pero marami ring lalaki, ang punti lang din ng pagpapapirma nila ay mayakap ako. Para-paraan din ano. 'Yong iba, pinapirma para sa girlfriend pero may pa-favor na kiss at yakap. Nakakaloka din ano.
Mayamaya lamang pinatigal ang pag-akyat ng mga magpapapirma sa akin sa stage ng biglang may kumanta. Agad ko namang hinanap kung saan iyon nanggagaling peor nagulat naman ako ng biglang lumabas si Simoun Blake from the backstage.
May hawak itong roses at papalapit sa akin. Ngayon ko lang na-appreciate ang kagwapuhan na sinasabi nila. Nakakagigil ang panga nito, matangos na ilong at malalim na mga mata. Kakaiba rin ang dating nang kanyang gray eyes. I know, those eyes makes me stoned right now. Ngayon ko lang talaga na-appreciate. Not even with his gray eyes.
Lumapit naman ito sa akin and asking for my hands, wala akong pakelam sa kinakanta niya ngayon. Kanta iyon ni Jonas Blue pero mas nakukuha niya ngayon ang atensyon ko. This guy has something to get girls crazy.
"Maybe we're perfect strangers
Maybe it's not forever"
He's holding my hand and the crowd goes wild seeing it! Ganito pala magpakilig ang isang 'to. Parang nawala iyong inis ko sa kanya nitong mga nakaraang araw, he promised din naman na hindi na niya ulit gagawin iyon sa akin. And I trust him to do that.
Nang matapos naman ito kumanta ay niyakap ako, nagwala na naman ang crowd. Nasa mall atrium kami, kitang kita kung anong nangyayari sa amin ngayon. There were five floors at lahat ng palapag ay may mga nanonood sa amin ngayon.
"I didn't know you had a good voice." Bulong ko sa kanya, hindi na nga kami magkarinigan eh.
Natawa naman ito saka bumulong din, "there's so much you need to know." Aniya.
Mayamaya ay may lumapit na staff sa akin at inabutan ako ng mic. Nagtaka naman ako para saan, inakala ko ay magpapasalamat na ako, mga ganyang ganap pero nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang minus one na pinapakabisado sa aking kanta.
"Why would they do that?" ngiwi ko pa. "Hindi ako prepared!"
Simoun laughed, "I know you are." Aniya pa.
Hindi na niya talaga binitawan ang kamay ko.
"It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the dark
Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thing"
Oh, I got so nervous and then he turns to sing.
"The smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if wherever I fall
You say it best when you say nothing at all"
I melted. Hindi ko na alam ang gagawin ko, napapatitig na lang din ako sa kanya at matatawa na lang siya kapag nawawala ako sa linya ko. Parang kaming dalawa lang ni Simoun ang nandito sa mall. Mukhang nakalimutan na nga rin niyang ibigay sa akin ang hawak na rose kaya nang mapatingin ako doon, natawa ulit siya at bigla ba naman itong lumuhod at inabot sa akin.
And the crowd goes wild when he stood up and kiss me right on my lips. Natulala naman ako ng gawin niya iyon. Halos hindi ako makagalaw, napatingin naman ako sa gawi ni Amy at gulat na gulat din ito.
Natapos na lang din ang pagbati niya sa mga supporters na nasa harapan namin ay hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niya.
"Oh, Reena, give some words naman to your partner, Simoun Blake."
"Ahm, thank you, I'm still surprised that you were here. I know words can't be described, thank you Simoun."
"Always." Aniya.
Pagkatapos ng performance na iyon ay dali dali rin namang bumaba ng stage si Simoun at tumungo na nang backstage. Muli namang bumalik sa pagpipirma ko. Minadali ko na lahat, napapagod na rin ang daliri ko. Isang oras na lang naman, may next time pa naman.
"Atlast!" nakahinga naman ako ng maluwag ng pirmahan ang huling libro.
Fifteen minutes na lang din naman at uuwi na ko. So for the last words, I gave message to the one who buys my book and my supporters. Natutuwa ako dahil hindi ko naman nakikita sa kanila ang pagod. Pagkababa ko naman ng stage ay tinanong ko kung nasa backstage pa si Simoun, sinabi naman ni Amy na wala na, umalis na daw kanina pa after ng performance. Napakibit balikat na lang din naman ako. Busy iyon, siningit nga lang ang pagpunta niya dito eh.
Hindi nagtagal ay pumunta na kami sa parking lot, nakakagulat lang dahil may mga naghihintay na supporters sa may sasakyan. Hinarang naman sila ng mga guards. Papasok na ako ng sasakyan, kakabukas lang ni Scott ng pinto ng biglang may tumakbo at bumangga sa akin. As usual, natumba ako. Nagulat ang lahat sa nangyari, may sumunod sa lalaking bumangga sa akin pero hindi na nahabol.
Napansin ko naman ang sulat na nasa tabi ko, agad naman akong napatingin sa bag ko at nagulat ako na nandoon naman ang sulat. Pinulot ko ang papel na iyon, pareho ng texture na papel na ginamit. Inalalayan ako ni Scott na tumayo at pumasok sa sasakyan.
"Okay ka lang ba, Reena?" tanong ni Scott sa akin.
Tumango naman ako, "oo."
"Ano 'yan, sulat na naman?" tanong ni Amy dahil hawak ko iyong dalawang sulat na may parehong sulat at texture na ginamit na papel. "Ang dami mong gifts na nakuha, sulat pero 'yan talaga ang uunahin mo?"
Tiningnan ko na lang din naman siya at inirapan na lang din ako at binalik ang tingin sa daanan.
I opened the first letter who gave by the girl earlier.
I
Reena,
Sorry for the last letter, I didn't mean to give it to you, but to show you and have you aware of the things around you. And by the way, congrats on your book! I bought one, thanks for someone to have it signed by yours.
Nandoon siya sa book launch ko? Bakit hindi man lang siya nagpakilala?
E
Reena,
I'm just a fan of yours, I don't know what does it take for me to send this letters for you. But just to show how much I adore you. You don't know me, maybe soon, we'll see.
And what really broke my heart? The kissed on public. (see the polaroid inside)
Kinabahan naman muli ako ng tingnan ko ang picture na iyon. He caught pictures of me while have been kissed by Simoun. Hindi ko alam pero nalungkot na lang ako bigla, gusto kong umiyak kasi parang mali.
And to whom left this? Siya nga kaya iyong bumunggo sa akin kanina?
There's so many questions inside my head pero paano naman ako makakagalaw kung hindi nagpapakilala ang isang 'to. I badly need to see him. Wish I can do that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top