Chapter 2 B: The Rain
Ipinagpatuloy na muli nito ang pagsisibak ng kahoy.
"P-pakiulit? T-tama b-ba ang narinig ko?" Tanong niya rito muli.
Tumango naman ito.
"Don't worry. Babalik rin ang bangka kaagad kapag naihatid na sila. Sa ngayon kasi mas importante ang kaligtasan ng kapatid mo." Kalmadong paliliwanag nito sa kanya.
Napahiya naman siya sa sarili. Tama nga naman ito.
Napaupo siya sa upuan na nasa gilid ng bintana na iyon.
"Are you bored?" Tanong bigla nito.
Marahan siyang napatango mula sa bintana. Lumabas ang totoong siya ng mga oras na 'yon. Yung babae na 'di malaman kung anong dapat gawin. Kung saan tutungo. Totoo naman, tapos ito pa ang kasama niya mag-isa sa Isla na ito. Medyo masungit pa naman. Tsk.
Maya-maya nagulat na lang siya ng bigla itong pumasok sa bahay na kanilang tinutuluyan at pumasok sa loob ng kuwarto nito. Pag labas nito, hawak na nito ang sariling cellphone.
Iniabot nito iyon sa kanya.
"O. May load yan. Para di ka maboring." Sabi nito sa kanya.
Napakagat siya ng sariling labi.
Bat ba ang bait nito sa kabila ng kasungitang taglay?
Dahil totoong bored na siya inabot niya iyon. "Salamat" Sambit niya rito na tumango ng 'di ngumingiti.
Lumabas naman muli ito pagkatapos at ipinagpatuloy ang ginagawa nito.
Bigla siyang may naalalang itanong. Sumilip siya sa bintana.
"Huy!" Tawag niya rito.
Nilingon naman siya nito.
"Bat ka pa nagsisibak? Aalis na rin naman tayo mamaya diba?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Para may gamitin muli sa pagbalik ko rito." Sagot nito.
Napatango nalang siya.
"Sige mabuti yan, ipagpatuloy mo." Labas sa ilong na sabi niya rito.
"Hu. Akala mo naman kinakailangan talaga e." Bulong niya.
Sinadya niya agad ang fb na application ng cellphone nito. Hindi pa rin ito nakalog-out.
Hendrick Xander Villanueva
Tinitigan niya ang profile pic nito. Aaminin niya, totoong napakaguwapo nito roon. Sobra. Mas nilakihan niya pa ang view. Nakatuxedo ito roon. At napakaguwapo ng ngiti nito roon. Sa iba ito nakatingin, bale stolen lang talaga sana iyon ngunit ginawa nito iyong profile pic.
Napapailing na iniscroll niya ang wall nito.
Natatawa siya, kung anu-anong ipinagtatag rito ng mga kakilala nito. Siguro barkada. Wala siya masydong post kundi puro tags.
Katulad nito 'Single po tong nakatag, pm lang po para sa price ng interesado'. Tapos may nakaangkop na larawan nito na stolen na naman tas nakashort siya at walang suot na pantaas sa beach...
Posted five minutes ago yun. Kaya malamang hindi pa nito iyon nakikita.
Y-yung t-inapay.
Gusto niyang kilabutan, kanina lamang ay nakita niya ang mga iyon sa personal. Mabilisan niya iyong nilog-out baka mamaya ano pang makita niya roon.
Nilog-in niya ang sariling account.
Ang unang bumungad sa kanya ay ang tags ng mga engot niyang kaibigan.
Naiinis na nilog-out niya na lamang iyon. Naiirita siya sa mga nasilayang tags na tila ipinapamukha pa sa kanya ng mga ito ang kasiyahan samantalang heto siya at nalulugmok for almost one month na. Isa pang dumagdag sa pagkainis niya ay ang isang larawan kung saan nakahawak ang boyfriend niya sa bewang ng bruhilda niyang kaibigan.
***
Badtrip na sinilip niya ang lalaki sa labas mula sa bintana. Tapos na ito, naabutan niya itong papaalis.
"H-huy!" Kinakabahang tawag niya rito.
Wag nito sabihing iiwan rin siya nito?
At rito pa mismo sa gitna ng kawalan?
Nilingon naman siya nito.
Hindi ito nagsalita, tila hinihintay lamang siya nitong nagsalita mismo.
Napakamot siya sa batok.
"U-hm... San ka pupunta?" Naiilang na tanong niya rito.
"Mangangahoy. Kulang pa ang mga ito, tutal wala pa naman akong gagawin at wala pa ang sundo natin." Paliwanag nito.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Puwedeng sumama?" Kinakabahang tanong niya rito. Hindi siya nito puwedeng iwan roon, baka mamaya may biglang zombie na sumulpot.
Naku! Yung imagination niya talaga.
Bahagya lamang itong tumango kung kaya't masaya at nagmamadaling lumabas kaagad siya ng bahay na iyon.
Hintay!
Humabol siya rito sa labas.
May hawak itong malaking lalagyan. Lalagyan siguro nito ng mga kahoy.
Nag-umpisa silang dalawa mamulot ng mga kahoy sa kanilang daraanan.
Di niya mapigilang magtanong rito. "Lagi mo ba 'tong ginagawa?"
Marahan naman itong tumango.
"This becomes my habit every time na wala na akong gagawin. To take care of my property is some kind of fun and happiness for me." Mahabang paliwanag nito. Napatango naman siya rito.
Ang sipag naman pala nito.
"Ikaw ba talaga ang may-ari ng Isla na ito?" Paniniguro niya.
"Yup." Tipid na sagot nito.
Napapansin niyang pagkatapos kagabi tila ba naging nas mailap na ito sa kanya. Sabagay mabuti nga 'yon.
Nanahimik na lamang siya at nagpatuloy na namulot ng mga kahoy sa kanyang daraanan.
"Bilisan na natin, uulan pa yata maya maya." Sabi nito habang nakamasid sa langit. Napatingin rin siya roon. Tama nga ito.
Napatango naman siya. Nakalayo na sila ng mga oras na iyon mula sa tahanan nito sa Isla.
Nakarinig siya ng tunog ng paglagaslas ng tubig.
"Ano yun?" Nagtatakang tanong niya rito.
"May malapit na talon rito. Iyon yung naririnig mo, wag kang masyadong praning." Supladong sabi nito sa kanya.
"Hindi naman ako natakot. Naniniguro lang baka mamaya bigla tayong ma " wrong turn" bigla bigla." Nahihintakutang sambit niya rito.
Nagulat siya ng bigla itong natawa ng malakas at napailing iling. Grave ang pamumula nito mula sa pagtawa.
Sinamaan niya ito ng tingin.
Pagtawanan ba naman siya?
Aalis sana siya kahit saan na pumunta basta maiwasan lang ito kaso...
May kamay na humawak sa kamay niya biglang pagpigil.
Napalingon siya roon, bago napatingala sa mukha nito ang tingin.
Seryoso na ito.
"S-sorry. Nakalimutan kong babae ka nga pala, may kinatatakutan din. Wag kang mag-alala hanggat kasama mo ako, walang sinuman ang may karapatan na takutin ka. Kaya kumalma ka na." Nakangiti na ito ngayon. Ngiting nagsasabing okay lang ang lahat at wala siyang dapat ipangamba.
Napatitig siya sa mga mata nito. Napakaganda ng mga iyon kung kaya't di siya magtataka kung maniniwala siya rito sa ngayon. Gusto niyang kurutin ang kamay niya at sampalin ang sarili dahil nagmistula itong superhero sa paningin niya.
And she hated it.
Siguro, kailangan muna nilang magkasundo sa ngayon. Dadalawa na nga lang sila sa Isla na ito, tapos magkakatampuhan pa sila?
Ipinagpatuloy nila ang pamumulot ng biglang nagsipatakan na ang mga tubig ulan.
"Dar*" Napatingala siya sa langit at tuluyan na ngang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Napalingon siya rito, ngunit hindi pa niya naibabaling ang tingin ay mabilis na hinawakan ng kamay nito ang kanyang palad at hinila siya.
Napakabilis ng takbuhan nila ng mga oras na iyon.
Hindi siya sigurado kung saan siya nito hinihila o kung saan sila patungo.
Ang tanging nakatatak lang sa utak niya ng mga oras na ito ay ang pakikipagkarerahan ng pagpintig ng kanyang puso sa bilis ng kanilang pagtakbo.
Naramdaman rin niya ang kamay nito na nakasangga sa kanyang ulo. Na para bang iniisip nitong kahit papaano'y mapoprotektahan siya nito mula sa patuloy na paghagupit ng buhos ng ulan sa kanyang ulo.
She felt something which she had never felt before. Something ambiguous were happening inside her stomach and even her heart pumps abnormally.
Huminto sila sa lilim ng napakalaking puno.
Napalingon siya rito. Basang basa na ito. Oo nga't hindi pa rin nito napigilan ang kanyang pagkabasa ngunit, mas malala pa rin ang sinapit nitong pagkabasa sa sariling katawan.
"Dito na lang muna tayo sumilong." Iwinasiwas nito ang sariling buhok na animu'y mababawasan ang mga basa na nakakapit roon.
Marahan siyang tumango kahit na hindi naman nito makikita.
Sinubukan niya ring ipagpag ang sariling buhok ngunit hindi sinasadyang napaatsing siya.
"Attcching!" Pakiramdam niya anumang oras lalagnatin na siya kung kaya't saglit niyang ipinikit ang mga mata.
"Dam*.
Are you okay?!" Naramdaman niya ang palad nito na maingat na dumapo sa kanyang noo.
Nanghihinang tumango siya rito.
Hinihingal pa rin siya at nilalamig na rin sa mga oras na iyon.
"Sinasabi ko na nga ba. Dapat hindi nalang talaga kita pinayagang sumama sa akin sa pangangahoy. Mukhang magkakasakit ka pa." Ramdam niya ang kaba at pag-aalala sa tono ng Bose's nito.
Pinilit niyang idilat ang mata. "Oka--A-nong ginagawa mo?" Hindi siya inaasahan na maaabutan niya itong nakahubad na ang damit na paintaas.
Mabilis na ipinikit niya muli ang kanyang mga mata.
Napasinghap siya ng maramdaman ang ibinato nito sa kanya.
"Ano to?!" Naghihisterikal na tanong niya rito.
"Your lucky. Nagsuot ako ng sando, and even luckier dahil hindi siya nabasa. Tanggalin mo yang suot mong damit at isuot mo yang sando ko, para mabawasan ang lamig." Paliwanag nito na nagpadilat sa kanyang mata.
Isa ngang sando iyon na hindi masyadong nabasa.
"S-san ako magbibihis?" Kinakabahang tanong niya rito.
"You're unbelievable. I have no time for your joke. Tatalikod ako kaya't bilisan mo magbihis ka na. Wag kang mag-alala, wala akong balak bosohan ka." Masungit na sambit nito.
"O-oo na!" Naiinis na sambit niya rito.
Nakakainis!
Mabilis na nagbihis kaagad siya.
Maluwag sa kanya ang sando nito. Mabuti na lamang at kahit papaano'y may tube siya sapagkat sando rin ang kanyang suot kanina.
"I'm done." Badtrip na sambit niya rito.
I know, marahil hindi ako papasa sa taste niya. At wala akong pake doon. But then, I was just asking. Surely, it was an awkward question but It purely means nothing. Tsk.
Kahit sino naman siguro ang nasa kalagayan niya kanina, matataranta.
****
A/n: Can't read Hendrick's mind. Haha.
(S L O W. U P D A T E)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top