CHAPTER 1: Not your typical girl (Rated SPG)
a/n: after how many weeks. let me update na rin. haha. Hey people! Especially to my readers, enjoy reading.
P.S. dami ko pang home works pero kailangan ko ng stress reliever. :)
_______________________________________
kinabukasan...
Just like the other day, she woke up tiredly.
Jeez. Definitely, she overslept again, knowing that she was just had claim her sleep that night later as expected. It was a very normal thing for her, for it always happened like the other previous night. She knew its not insomnia. Eventually, it was just the time when her mind touches reality.
The time where in random of thoughts reign over her soul.
I reflect, I hurt my own feelings, but at the same time, I learned and pity myself all over again. Realizing it was not easy to be me, but I can't be just any other instead, and I think that's another reason why life suck for me.
Tumungo siya sa banyo at naligo na.
Naalala niyang sabi ni Tita Demy, mag-uumpisa ang activities or ang real purpose ng bakasyon nato ngayong araw.
Ano kayang activities? Sigurado naman magaganda at exciting diba?
Pagkatapos niyang mag-ayos lumabas na siya sa kuwarto.
Pasado alas diyes na. What time kaya mag-uumpisa?
Pagkalabas niya ng kuwarto. Di na siya nanibago sa katahimikan. Lihim na hinanap ng kanyang mga mata ang pamilya.
They are not here. For sure.
Hinanap niya parin. She was right, wala sila.
Don't tell me.
They just simply leave her again without waking her up? Jeez. Nanlulumo siya sa nadatnan.
Sa kabilang banda mabuti narin siguro para maexplore niya ang isla ng mag-isa. Like she did yesterday. Magtagal man siya, hindi iyon malalaman ng kanyang ina.
Bright idea. Just better.
Pagbukas niya sa pintuan, nasilayan niya agad ang isang nilalang na prenteng nakikipaglaro sa labas ng volley ball sa mga tauhan nila doon.
Hindi niya ito inakala.
Ang isang matipunong lalaki, halatang habulin ng mga babae at masungit na binata ay nakikipaglaro sa mga staff nila dito sa Isla.
Sure siyang mga staffs iyon dahil nakauniporme ang mga ito ng pare pareho na design ng tshirt na alam staff nila.
Maagap na napasandig siya sa pintuang nakasara na ngayon.
His smile was giving her a hard time. He's an effortless handsome. Looking at him right now didn't assure her if she was not looking fool or fooling herself either.
Hindi niya lang talaga maialis ang tingin sa binatang Villanuevas. At nakangiti pa siya nang halos di niya mamalayan. Ghads!
Agad niyang itinikom ang bibig.
Nakasimpleng short at sando lang ito. Dahilan kung bakit gumuguhit ang kakisigan nitong bumabalandra sa tuwing tatalon ito at hahataw ng tama sa bola.
Saglit ang tumagal, nawili narin siya manuod ng maya maya, masilayan siya nito ng dumako ang paningin nito sa kanilang tinunutuluyan.
Nang makita siya nito, lumabas ang isang napakagandang ngiti nito mula sa labi.
Don't smile like that to me pls. I might get insecure. Never mind.
Naalala niya kahapon. Sinungitan siya nito. Bakit? Ayaw ba nito sa babaeng naninigarilyo? Kinakausap ang aso? O baka naman naoffend na agad ito sa mga deskripsyon na binanggit niya tungkol sa sarili na narinig at sinabi ng iba sa kanya? Never mind again. And what? Iniisip niya ang magiging impresyon nito sa kanya? Siya pa ba to?!
The typical type of her will always be rude. Easy go lucky. Wala siyang pakialam kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanya. Kung kaya nagtataka siya ngayon kung bakit iniisip niya kung ano ang maaaring isipin ng lalaki tungkol sa kanya. Woah! It's new.
Nahulaan niyang nagpaalam ito pagdako sa mga kalaro nito. Narinig niyang nagpasalamat naman ang mga nakalaro nito at kumaway rito.
Napakafriendly nito. Siguro napakabait nito, unlike her. Kababae niyang tao. Never mind again.
Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi nito inalis sa kanya ang paningin.
Dahil naiilang siya sa mga titig nito habang inaantay itong makalapit, nagpanggap siyang nagpalingon lingon na lamang siya paligid kunwari.
"Hey. Goodmorning." Bati nito habang nakangiti.
Gosh! Awkward naman o.
"Morning" pormal at di ngumingiting bati niya rito pabalik.
Walang maganda sa umaga.
Pero yung salubong nito sa kanya, muntik na siyang maniwalang may maganda nga sa umaga.
Nag-aalinlangan pa sana siya kaso naisip niya wala namang masama magtanong. "W-wala sila mama. Nakita mo ba sila?" Diretsong tanong niya rito.
"Yeah. Yun din sana ang sasabihin ko sayo. So lets go? Tsaka ko na ipapaliwanag habang naglalakad papunta roon sa kinaroroonan nila." Mahabang paliwanag nito.
Tumango lang siya rito.
Naniniwala naman siya rito, dahil unang una ang mga ito ang nagpatuloy sa kanila sa Isla.
Nag-umpisa na nga silang maglakad sa gilid ng beach. Medyo masakit na rin sa balat ang init pero hindi nila iyon pinansin.
Mainit na ang sikat ng araw ngunit hindi iyon nagsilbing hadlang para sa mga taong nais mamasyal sa tabi ng dagat.
"Kanina pa sila doon mga 8 pasado. Di ka na raw ginising ni tita, dahil ayaw na ayaw mo raw magpaisturbo pagdating sa tulog." Pagsasalita nito.
Nakatingin lang siya sa buhangin na dinadaanan.
Sumulyap ito saglit bago nagpatuloy. Ngunit nanatili siyang blangko.
Nahihiya siya rito sa hindi malamang dahilan. Ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi niya habang nakayuko.
"Kaya ayon, dahil may laro naman kami ng mga staffs namin sa tapat ng tinutuluyan niyo, nagpresenta na akong magsundo doon sayo kapag nagising kana."
So, siya ng mabait.
Tumango tango nalang siya bilang kasagutan.
Inantay siya nito. Inantay daw siya nito. Bago yun para sa kanyang pandinig. Lihim na napangiti ang kanyang puso.
What the? Anong nangyayari sa kanya?
Manghang napatitig siya sa maamong mukha nito. Kumabog bigla ang puso niya.
Ano yun? Bakit parang may mga insektong naghahabulan at nagliliparan sa loob ng kanyang tiyan? Insekto dahil tila ba anumang oras mapapatili siya sa kiliti. Bago yun sa kanyang pakiramdam. Yung tipong parang kakapusin siya ng hininga anumang oras habang katabi ito.
Anong nangyayari sa kanya? Clueless.
Gutom lang siguro siya.
Bahagya siyang lumayo rito.
Masama talaga ang pakiramdam ng kanyang tiyan habang masyadong nasa malapit ito.
Nakarating sila sa destinasyon. Nasa banda na sila ng Isla kung saan may mga cottages na nakahilera. Marami rami ring tao ang nag-eenjoy kabonding ang mga kasama nila.
Nakita niya agad ang kanyang pamilya, kasama ang pamilya nito.
Di niya magawang pigilan ang pagsulyap kay Reynaldo Villanuevas. Ang ama nito. Napakaguwapo din nito, kaya walang duda. Siguro heartthrob ang ama nito nung kabataan nito at marami na ding napaiyak na babae.
Kahit si tita Demy, ang ina nito ay napakaganda din kahit na may edad na ngayon. Hindi nakakapagdalawang isip na marami rin itong binasted na manliligaw.
Nag-iihaw ang kanyang ina kasama ang kanyang ate. Habang natutuwang kinakausap naman ng mag-asawa ang kanilang kambal na kasalukuyang tumatawa.
"Were here." Anya nito sa natural na baritonong boses.
"Hija, hello." Sinalubong siya ng ina nito ng halik sa pisngi.
"Hi tita." Tipid na ngiti ang iginawad niya rito. Pilit pa.
"Hi tito." Bati niya sa ama nito. Nagbeso din siya rito.
Pumuwesto siya sa gilid ng kanilang kambal na naglalaro.
Naglalaro ang mga ito ng baraha.
Onggoy onggoy? I think.
Umupo din ang lalaki sa gilid niya. Nagkibit balikat nalang siya.
Bakit ba kasi sa dami ng space na uupuan nito sa tabi niya pa?
Pero bakit nang-iinit ang pisngi niya?
"Oh! Cathy, bat namumula yang pisngi mo?" Tanong sa kanya ng ate niya.
Tsk. Pakealamera talaga kahit kailan.
Inirapan niya ito. "Mainit sa labas malamang!" Madiing bulong niya rito.
Common sense naman kasi. Bakit pa kailangang tanungin yung napakasimpleng bagay. Tsk.
Ang bruha nagsmirked pa talaga.
Ate niya ba talaga to?! Ghads.
Nam*nam* nam*
Ang sarap ng foods. Dahil umaga pa lang naiwanan na siya sa ere, ikinain niya na lang iyon ng marami.
Sunod sunod na lunok ang kanyang pinaggagawa ng biglaan ay muntik ba siyang mabulunan. Sino ba naman kasing hindi mabibigla? Nahuli niya itong mataman nakatitig sa kanya habang lumalamun siya ng sangkatutak na pagkain sa bunganga.
"Uhu*uhu*" Nauubo na pakawala niya sa nagbarang foods sa lalamunan niya.
Napalitan ang maamong nga titig nito ng pag-aalala ng marinig siyang umubo.
"Inumin mo tong tubig o." Nag-aalala ang boses nito. Dahil ba sa bisita sila?
Ininom niya iyon agad. Maya maya nagulat siya ng bigla itong ngumiti. Napatulala siya sa mapuputi't pantay pantay na ngipin nito.
Bahagya niyang inayos ang sarili. Tipikal na itinaas niya ang kanang kilay. "Bakit?" Tanong niya rito.
Nakaramdam siya bigla ng hiya. Nakalimutan niyang nasa tabi nga lang pala ito. Paano na ngayon yan? Siguradong pinagtatawanan na siya nito.
Bahala siya jan. Siya ng perfect!
Bahagya naman itong umiling habang may naglalaro pa ring mga ngiti sa labi nito.
Weird. Ang weird ng lalaki na to. Nakakainis.
Pagkatapos kumain ay tila gusto niyang magyosi, kaso ay di niya alam kung saan. Sa dami ba naman kasi ng kinain niya tapos tila inaasar pa siya ng lalaki.
Nagulat siya ng bigla itong may inabot sa kanya. Nagtatakang tinignan niya ito. "Candy." Sabi nito.
Dahil no choice. Mas mainam na nga makakain ng candy nalang muna siya.
"Thanks." Di niya na ito natanggihan, candy na lang muna ang lalantakan niya ngayon.
May sariling mundo ang kanilang mga magulang, ang kanyang ate na may katawag na naman, at ang mga kambal nila na naglalaro na muli.
"Gusto mo bang maglakad lakad muna?" Tanong nito.
Bahagya siyang umiling rito. "Kaw nalang." Sagot niya rito. Gusto niya itong mawala saglit sa paningin niya. Ewan niya ba, tila ba kapag nasa tabi tabi lang ito, oras oras di mapapalagay ang pakiramdam niya na paiba iba ang emosyon na sinasala.
"No, okay lang, ayaw ko na din." Sagot nito na hindi na sa kanya nakatingin.
Bahagya lamang siyang tumango bilang pagsang-ayon.
"Ano kayang gagawin natin mamaya?." Tanong niya rito. Di niya na kasi makayanan ang pagkabagot. Don't get me wrong di ako feeling close. Alangan namang yung dalawang kapatid ko yung tanungin ko. Siguradong mas walang alam.
Napatingin ito sa sariling relo. " I thought, mga 1, may darating rito na pamboat, then mag a Island tour tayo sa paligid nitong Isla. Maganda yun, napakalaki nitong Isla at sulit ang pag-ikot. May mga makikita kang magagandang views, coves, fishes, and many other things that could be discover within this Island. " Deritsong sagot nito.
Hindi lang guwapo at mayaman. Tama nga ang ina niya, mukhang matalino nga rin ito.. Kaso... walang ganun. According to her source, perfect packaged na raw ito... Well, she's starting to doubt it since yesterday. Sabi nga nila, never judge the book by its cover.
Isang tango lang ang isinagot niya rito at ibinaling sa dagat ang atensyon.
Pagsapit ng ala-una, nakahanda na sila. Nakasimpleng short lang siya at sando na hapit. Nakatali rin ang mahaba niyang buhok para hindi iyon makaabala mamaya. Dahil ayaw niya ng maabala pa, sarili niya lang ang kanyang dala.
"Cyndra, hindi ka ba magdadala ng bag?" Tanong ng kanyang ina.
"No need. Wala naman akong balak ilagay. " Tipid na sagot niya rito.
"Bahala ka ngang bata ka."
Tsk. Kung may pakialam talaga siya edi sana nung nasa staff house palang sila, sinabihan na siya nito na kailangan nilang magbaon ng damit. Dahil doon sila tutuloy sa isang Isla. Saka lang nito itatanong kung kailan paalis na sila. Ano to joke? Kung sasabihin niya bang gusto niyang magdala, makakakuha pa kaya siya agad agad? Ang layo na kaya ng staff house. Tsk.
Since birth, mom. I will be fine, I swear.
"Tita, tulungan ko na po kayo." Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsulpot nito. Kung ano ang suot nito kanina yun parin ang suot nito. Katulad niya ay wala din itong bitbit na dala.
Kusang napangiti nito ang kanyang ina. 'Ta mo to. "Thank you hijo." Pasasalamat nito sa lalaki sa nakangiting ekspresyon.
Nagseselos siya dahil napakabuti ng trato nito sa anak ng ibang tao kaysa sa kanya.
Am I still being immature?
Wala ba akong karapatang magtampo? magalit? magselos?
I am her daughter too, right?
I deserve her love. Masakit noon dahil tila siya iba kung ituring nito, ngunit natiis niya dahil ina niya parin ito. Pero ngayon? Tila may mali ei. Bakit kailangang mas mabait ang trato niya sa iba kaysa sa sarili niyang anak?!
These things I can't even understand a little.
Napasimangot siya. Agad agad, nawalan na naman siya ng gana.
Ngunit agad iyon napawi ng nagsimula na silang pumalaot. Kung pagmamasdan niya, tila ba napakahinhin ng dagat sa mga oras na iyon. Napakahinhin at inaakit siyang lumusob sa tubig dagat.
"Kuya! Ang mga fishes o! Ang gaganda. Woah!" Tuwang tuwang sambit ng kanyang kapatid na lalaki rito habang pumapalakpak pa.
Napangiti naman ang lalaki at hinagud ang buhok ng kanyang kapatid. Tsk. Feeling close.
Ibinaling niya nalang ang tingin sa ibang direksyon.
Ang ganda sana kumuha ng mga pictures. Nakakainis kasi talaga ei. Binalingan niya ng irap ang kanyang inang walang kamalay malay sa inis niya.
Buti pa ang ate niya. Kanina pa selfies ng selfies. Tsk. Selfish taena. Puwede namang group pictures ei. Nagsolo talaga ang bruha.
Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng lalaki. Nakita niya sa pheriperal vision niya na ito nga. Pinakiramdaman niya lang ito ngunit hindi niya nilingon.
Bahala siya jan.
"Didn't you bring with you your cellphone?" Tanong nito. Kanino? Sa akin niya ba tinanong? Tsk.
Nilingon niya ito. "Ako ba?" Gusto niyang umirap pero pinigilan niya.
Ngumiti ito maya maya ay tumango.
"Obviously." At ibinalik niya na ulit ang tingin sa mga tanawin doon.
Narinig niyang mahina itong tumawa.
Mukha ba siyang nagpapatawa? Nakakainis talaga itong lalaki na to. Tsk.
"You can use my phone." Sabi nito habang nakalahad sa kanyang harapan ang kamay na may hawak na cellphone.
"Ayaw ko." Sabi niya rito. Totoo naman, ayaw niyang magkautang na loob rito.
"Bakit ang sungit mo?" Ito.
"Haha." Natawa siyang bigla.
"Bakit ka natawa?" Seryoso na ito ngayon.
Epic ang mukha nito ngayon. Nagsusumamo. Tila ba nasasaktan. Really? Si Hendrick Villanuevas nasasaktan? Hell, ang peke naman ng taong ito magdrama.
"Hindi ako masungit. Prangka lang talaga ako sa mga taong ayaw ko." Sagot niya rito habang nakatingin na rito ng mainam.
Bakit ganito?
Dugs. dub. Dugs. Dub.
Ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin ng mataman rito. Ito lang ang may kakayahang gawin sa kanya iyon. Ito pa lang. Ano bang nangyayaring ito sa kanya?
Dumaong sila sa isang Isla. Pag-aari pa rin daw ito ng mga ito. No doubt for that.
Nagpalingon lingon siya. Napakatahimik doon.
Hinintay niya ang mga itong makababa. Nauna na siya dahil wala naman siyang bitbit kasama ang kanilang kambal.
"Ate, I need to use the bathroom." Biglang sabi sa kanya ng kanilang kapatid na babae.
Paano na yan? Tila wala pa yatang banyo rito sa malapit.
"Just wait a little until we got there in the staff house." Sabi niya rito habang hinahaplos ang buhok nito.
Bahagya lang itong tumango ngunit mahahalata mong nagpipigil nalang.
No choice ei.
Ang bagal naman kasi nila ei. San ba yung staff house na tinutukoy nila? Mukhang malayo pa. Jezz.
Maglalakad pa daw sila patungong staff house dahil medyo malayo raw talaga iyon. Ang nangyari, naglakad lakad nga sila. Para sila nitong nag-aadventure na ala dora.
"Naiihi ka na talaga?" Tanong niya rito.
Tumango ito.
"Wait." Pigil niya kay hendrick na nasa unahan lang nila. Bale nasa hulihan kasi talaga sila sa naglalakad.
"Why?" Tanong nito. Seryoso parin ito. Simula kanina, di na siya muling inabala nito.
"Puwede bang hintayin mo kami? Jan ka lang. Sasamahan ko lang umihi tong kapatid ko doon sa gilid. Jan ka lang ha? Wag kang titingin." Diretsong sabi niya rito.
Bahagya lang itong tumango. " Mag-ingat kayo sa lalakaran niyo. Diyan lang kayo sa tabi. Wag nang lumayo." Sabi nito.
Tumango lang siya. Sinamahan niya naman ang kapatid sa gilid at tinakpan habang nakatalikod.
"Bilisan mo." Bilin niya rito.
"Tapos na ate."
Naglakad na sila muli sa puwesto ng lalaki. Nandun parin ito nakatayo at nakatalikod.
"Salamat hendrick. " Pasalamat niya rito. Na bahagya lang nitong tinanguan muli.
Sinundan lang nila ito. Ang tahimik nito at gaya ng una niya itong nakita. Suplado na muli ito.
Parang mas sanay na siya kapag nakangiti ito. Puwede bang ngumiti na muli ito? Kahit saglit? Galit ba ito sa kanya?
Talent niya na talagang galitin lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Jeez.
Sa gitna ng liblib na gubat na iyon. May isang staff house. Napakalawak at malinis din ang paligid. Astig ha. Sinong mag-aakalang may bahay pala sa gitna ng gubat na ito? Woah!
Bravo! Para sa taong nakaisip nga naman ng style na ito.
Pumasok sila sa malaking bahay na iyon. Gawa iyon sa kahoy na matibay. Napakalinis nitong tignan. Sino kaya ang nagpapanatili ng kalinisan nito?
Naglalakihan ang mga bintana. Pagdating nila sa second floor matatanaw mo ang dagat sa malayo. Woah! Di mo tanaw ang bahay sa malayo dahil sa mga punong nakatabing rito. Sinong mag-aakalang may ganito kagandang tuluyan rito?
Nakadungaw lang siya sa bintana na iyon. Nagulat siya ng mapasulyap sa baba nandun ang lalaki at nakaduyan habang seryoso pa ding nakatingin sa bandang bintana na kinatatayuan niya. Maya maya ay inilipat na nito ang tingin sa iba.
Nahigit niya ang kanyang hininga.
Bakit ganun? Simpleng pagtatama lang nila ng tingin, ang lakas na ng epekto sa kanya?. Woah! Baka may sakit na siya.
Napatalikod siya sa bintana. Mahina niyang inalog gamit ang kamao sa bandang puso niya.
Grabeh. Ang bilis parin ng tibok ng puso niya. Jeez.
Minabuti niya nalang na umalis doon at maupo sa tabi.
"Iha. Pumili ka lang ng kuwarto jan. Dito tayo magpapalipas ng gabi. Siya nga pala may dala ka bang damit?" Tanong nito.
"A- wala po. Nakalimutan ko tita. A opo." Nahihiyang sagot niya.
Tumango naman ito. "Manghiram ka nalang sa kapatid mo muna. Si Hendrick kasi di rin siya nakadala pero may mga damit naman siya rito. Sa kanya kasi itong Isla na to. Regalo sa kanya ng kanyang ama." Kuwento nito sa kanya.
Nakatabi na ito sa kanya ngayon habang nakangiting nagkukuwento.
Talaga?
"Ganun ho ba tita. Ang swerte niya pala kung ganun." Totoong sabi niya rito.
Ngumiti ito ng tipid.
"Sige hija. Magpapalit lang ako ng damit. Magpahinga ka muna sa kuwartong mapipili mo." Sabi nito.
Bahagyang tango lang ang iginawad niya rito bilang pagsang-ayon. Bumaba na rin si tita pagkatapos. Sa baba siguro ang kuwarto nila magpamilya.
Sa tabi ng bintana. Binuksan niya ang kuwarto doon. Nakita niyang pumasok ang kanyang ate na silid kanina katabi ng kuwartong napili ng kanyang ina. Sigurado siyang wala pang nakakapili doon. Isinarado niya iyon ng tuluyan na siyang makapasok.
Ang laki ng kuwarto. Simple lang.
Nahiga siya roon.
Ramdam niya ang pagod niya doon sa biyahe.
Napasinghap siya. Ang bango ng higaan.
Pero teka. Amo'y panlalaki?
Bakit parang may naamoy siyang matapang? Pabango? Soap? Shampoo? Sa higaan?
Paulit ulit niyang sininghot ang mga unan. Tama nga siya. Amoy panlalaki ang mga iyon. Napatayo siya agad.
Binuksan niya ang aparador doon.
Bumalandra sa kanya ang mga damit roon. At ang munting saplot sa kanyang harapan.
Hinawakan niya iyon at inalabas. Itinutok sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana para makumpirma na hindi iyon panty.
Napalunok siya. W-wait.
"B-brief?!" Naghihisterikal na sambit niya.
Biglang bumukas ang pintuan at sa gulat automatic na napaharap siya doon sa gulat habang hawak ang brief sa kanyang kamay.
Nasa harapan niya ngayon ang gulat na gulat na lalaki.
"Wahhh!" Naibato niya rito ang brief habang madiin na napapakit.
Shemz. Yung birhen niyang mga mata.
"What are you doing here?!" Gulat na gulat nitong tanong.
Nakapikit parin siya. Tila naestatwa na yata siya. Para bang nahuli siya mula sa isang nakakahiyang bagay na nagawa sa tanang buhay niya.
Hiniling niyang bumuka nalang ang sahig bigla at lamunin siya mula sa ganung kahiya hiyang posisyon.
"I-Im." Napalunok siya. "N-amali y-yata ako ng room!" Nakapikit parin siya.
Naiiyak na siya sa sobrang pagkapahiya.
"Okay" sagot nito.
Dali dali siyang naglakad papalabas.
"Wait." Kinabahan siya.
Galit ba ito dahil pinakialaman niya ang gamit nito? Di niya naman sinasadya a? Hindi niya naman ginusto ang nangyari. Malay niya bang kuwarto nito iyon. Tsk.
"B-bakit?" Tanong niya rito ng hindi lumilingon rito.
"Marunong ka kumuha pero hindi ka marunong magsauli sa dating kinalalagyan?" Ito.
Nanlalaki ang kanyang mga mata.
Baliw ba ito? Uhmft.
Nilingon niya ito sa inis. May naglalarong ngiti sa mga labi nito.
"B-astos!" Inis na singhal niya rito at nagdadabog na umalis. Malakas niyang isinara ang pintuan nito.
Narinig niya pa ang mahihinang tawa nito.
Pinagtatawanan pa talaga siya nito? Tsk.
Dahil apat lang ang room sa taas. Napilitan siyang pumasok sa kabilang kuwarto nito. Bale magkatabi lang sila ng room ngayon. Inilock niya iyong mabuti at nanggigigil na itinapon ang sarili sa kutson. Nagpatalon talon siya doon.
Nakakahiya talaga. Tsk.
Inilublob niya ang ulo sa mga unan na naroroon. Hindi katulad kanina, wala na yung amoy na panlalaki. Tsk.
Naalala niya kanina ang sinabi ng mama nito. Ang sabi nito, pumili siya ng kuwarto pero bakit di nito nabanggit na puwera sa kuwarto nito? Tsk.
Nakakainis talaga. Nakakahiya. Paano niya pa ito haharapin ngayon? Hayst.
Parang gusto niya na lang tuloy languyin pabalik ang manila.
_______________________________________
a/n: Haha. Chapter 1, pasabog kaagad. :) hope you like it readers. Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top