1: The Neglected Child

"IMPERFECT"

"Bastus"

"Walang modo"

"Maraming bisyo"

"Bitch"

"Playgirl"

"Malandi"

"Walanghiya"

"Maldita"

"Yes it's me. You heard it right. I'm the imperfect one. Known to be the black sheep in my own family. My mother despised me so much. For them, I always did nothing good, everything turns out so wrong when it comes to me."

"Cathy Dane is my name. Ayaw ko nang mabanggit banggit pa ang surname ko. Di naman importante yun. This is not an interview anyway. My family hate me that much that I was never been so proud of my surname. Never been proud of..."

but deep inside, I am just craving for love. Love that no one has ever give me before, until now.

Inilabas niya ang usok ng sigarilyo sa kanyang bunganga. Sinadya niya itong itutok sa kausap.

She smiled.

She's an expert when it comes to smoking.

"Aw! Aw-aw! Grrr! Aw?aw!" Pag-iingay ng aso pagkatapos niya itong pausukan ng sigarilyo.

Nakatali ito isang puno.

"Ang arte mo." Puna niya ng mapansin na sosyalin yata ang aso na kaharap.

Maingat niyang hinaplos ang ulo ng tutang kaharap.

Sumayaw sayaw ang buntot nito.

"Tsk. Cute mo na sana e, kung 'di ka lang maarte." Pang-aasar niya pa rito kahit alam niyang hindi siya nito maiintindihan. Gusto niyang matawa sa sarili. Ganito na ba siya kadesperada na may makaintindi sa kanya?

She smiled. In a second, she hides it quickly like it will make her feel sick if she wont. All her life she's never fond of smiling.

Ang cute cute.

Mahilig siya sa mga aso, pero ni minsan hindi pa siya nabigyan o pinaalagaan ng magulang.

Meron pala. Kaso inilayo pa sa kanya.

She recall in her mind back when she was still young. Her uncle gave her such a lovely pet. She don't know if what kind of dog was it. One thing for sure, she loves it. Very, very much. It was her birthday gift. Her first ever gift that she received and eventually the last one.

With her uncle, naramdaman niya ang pagmamahal ng isang ama na ipinagkait sa kanya ng tadhana.

Maagang kinuha ng panginoon ang kanyang ama. Hindi na niya maalala kung paano ito pumanaw at ano ang sanhi.

Tuwang tuwa siya nun. First gift na natanggap niya. Iyon ang pinakamasayang childhood memories niya.

Santa. Yan ang tingin niya sa kanyang tito sa mga oras na iyon. Dahil dito, naramdaman niyang sumaya kahit papaano at maramdamang importante siya para sa isang tao.

Kakauwi lamang noon ng kanyang tiyuhin galing ibang bansa para dalawin ang kanyang ina.

Her uncle Dave was so kind and funny.

Dahil dito, nagagawa niyang ngumiti at tumawa. Napakasaya niya sa tuwing isasama siya nitong gumala sa mga mall. Bibilhan ng kung anu anong laruan at pagkain.

Minsan naisip niya sana ito nalang ang naging magulang niya.

He understand her. He makes her smile.

Dahil sa tito niya, naramdaman niyang magkaroon ng itinuturi kang kapamilya.

Naalala niya pa noon, napagalitan siya nang ina dahil hindi sinasadyang napaiyak niya ang kanilang bunso ng agawin nito ang stuff toy na  panda na regalo ng kanyang uncle Dave.

Pinalo siya ng kanyang ina at ibinigay sa kanyang kapatid ang kanyang laruan iyak siya ng iyak.

Hindi sana siya tatahan kung hindi lang siya kinausap ng kanyang uncle at sinabihang bibilhan nalang siya ng bago.

Naitanong niya rito bakit nung umiiyak ang kapatid niya pinalo siya ng ina at ibinigay rito ang laruan niya samantalalang nung siya na ang umiyak di naman nito pinalo ang kapatid niya at ibinalik sa kanya ang laruan.

Ngumiti lang ito. Marahang hinaplos ang kanyang buhok at pinunasan ang nagkalat na icecream sa kanyang bibig.

"Cathy. Mahal na mahal ka ng mama mo. Balang araw maiiintindihan mo din. " Pagpapaintindi nito sa kanya.

Tumango lang siya rito.

At sa pagtatapos ng Desyembre, hinatid nila ang kanyang tito sa airport. Iyak siya ng iyak. Gusto niyang sumama, ayaw niyang maiwan.

It was her first heart break.

Seeing someone who cares a lot for her leaving.

Pero tinanggap niya dahil nandun ang trabaho ng tito niya.

Dinalaw lang nito ang mama niya na kapatid nito.

After her uncle left the Philippines again, bumalik na naman sa dati.

Wala na naman siyang kakampi.

One time. Pilit na inaangkin ng kanyang nakababatang kapatid ang kanyang tuta. Iyak siya ng iyak. Dahil alam niya na ang mangyayari. Ipinagdarasal na sana nandito ang kanyang uncle.

Hindi siya pumayag na ipaubaya ang kanyang tuta rito.

Yun nalang ang natitirang kakampi niya sa bahay nila. Iyon nalang ang dahilan ng pagiging masaya niya sa tuwina.

Ngunit sa inis ng kanyang ina na lagi nilang pinag-aawayan ang kanyang tuta, ibinigay nito iyon sa isang kakilala.

Iniyakan niya iyon ng sobra sobra.

Hanggang ngayon hindi niya iyon makakalimutan.

Paano iyon nagawa ng kanyang ina? It was so unfair for her side, it was the very first gift she received from someone that it breaks her heart.

Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw ng may marinig siyang pag-apak sa tuyong sanga ng puno na nagkalat sa paligid.

Napalingon siya sa paligid.

There's no one.

Napakibit balikat siya.

Tumayo na siya.

"See you next time. Next time, sabihin mo na sa akin ang name mo, ha?" Pagkausap niyang muli dito.

Itinapon niya na ang nauupos na sigarilyo.

"Garry." Rinig niyang sagot nito.

Wait. Hindi nagsasalita ang mga aso diba?

"W-wait. Nagsasalita ka na ngayon?" Paninigurado niya.

Ano to h-horror?

"I'm here. Above." Anya ng isang baritonong boses.

Sa taas daw. Fuc*! Don't tell me may kapre na nagsasalita sa taas ng puno?!

Unti-unti niyang itinaas ang tingin.

May nilalang nga.

"F-fuc* what are you doing there?! Tinatakot mo ba ako?!" Napalakas ang boses niya.

Sigaw niya sa lalaking nasa taas ng puno.

"No. Kanina pa ako rito. Pero kung tatanungin mo ako, I was having fun hearing your conversation with my dog." May nag-lalarong ngiti sa labi nito.

"The hell I care. " inirapan niya ito.

Sinulyapan niya muli ang alaga nito at inirapan din ito.

"Makaalis na nga. Akalain mo nga naman, may mga tsonggong chismoso pala dito sa isla na nagkalat." Parinig niya rito at nagsimula ng maglakad paalis.

"Tss. Miss, umalis ka nalang ng tahimik kanina mo pa iniisturbo ang pamamahinga ko. And for your information you're trespassing." Rinig niyang sabi nito.

Pinagmasdan niya itong maigi habang prente itong nakapuwesto sa puno. Nakatingin ito sa kanya habang may naglalarong mga ngiti sa labi nito.

Pinamaywangan niya ito at tinaasan ng kilay.

Akala mo kung sino makatingin ei.

"Tresspassing your ass!" Sigaw niya rito.

Nagdadabog siyang umalis doon. Badtrip.

Naririnig niya pa ang pagkahol kahol ng aso.

"Garry! Quiet." Rinig niya pang saway ng loko.

Minabuti niya nalang umalis baka mamaya, makarating na naman sa kanyang ina ito.

Malayo layo narin ang kanyang nalakbay palayo doon ng maalala niya ang mga pinagsasabi kanina.

Urgh! Nakakahiya.

"What a dramatic coincidence, tsk."

**************************************

"Where have you been?!" Mom

She smirked. Napairap siya sa hangin bago humarap dito.

"Nagpahangin." Siya

"Nagpahangin? Cathy! You know you should be here helping your sister in doing the cooking rather than doing other stupid things." Pangangaral na naman nito.

Tumahimik nalang siya. Kabisado niya na kung saan na naman patungo ang usapan.

Walang katapusang dakdakan ang mangyayari kung sasagot pa siya.

"I'm sorry." hinging paumanhin niya.

Always. It will always be her fault. Ever.

"What was that smell? Nagsigarilyo ka naman...? Di ko na alam ang gagawin sayong bata ka." Namomroblemang sumbat nito sa kanya.

I sighed.

"I'm really so disappointed to you. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sayong bata ka." Mama

Dahil alam kong wala na namang katapusan ang dakdakan niya na iyon, dumiretso nalang ako sa aking kuwarto.

Nagpatugtog ako ng music. Yung sobrang lakas ng volume.

"I'm only one call away."🎶 malakas na kanta niya sa intro.

Nagmumukha tuloy rock ang kanta sa pinaggagawa niya.

Yes. Hindi maganda ang boses niya. Ano pa? Lahat naman na yata walang kahali halina sa kanya.

Dahil badtrip. Wala siyang pakialam.

Itinuloy niya ang pagkanta habang tumatalon talon pa sa kanyang kama.

She loves music, but even the music refuse to love her. Her voice suck when she sang.

Nang mapagod sa kakasigaw sa lyrics ng kanta at kakatalon minabuti niya nalang na mahiga.

Naramdaman niya ang pagbabanta ng mga luha mula sa kanyang mata.

She hate crying. She did her best not to let those damn tears of her fall.

Success. Sanay na siya. Sanay na sanay na  siyang pigilan ang pagpatak ng luha. Sanay na siyang maging matatag.

Its became one of her talents. Unique right?

Minsan naisip niya. What if buhay pa ang kanyang ama? Magiging maayos pa kaya ang buhay niya?

Nakatulugan niya na ang pakikinig sa music.

Nagising siya nang narinig ang pagtatalak ng ina sa loob ng kanyang kuwarto.

"Cathy Kate !" Nangangalit na sigaw mula sa kanyang ina ang gumising sa kanya.

Badtrip na bumangon siya.

What now?

"Magligpit ka nga dito sa loob ng kuwarto mo, tutal wala ka namang ginagawa." Mahinahon na pagkakasabi nito pero mahihimigan mo parin ang pagkairita.

Sabagay. Kailan pa ba ito nagsalita ng nakangiti sa kaya? Wait. Wala. Kahit isa wala. Unlike when it comes to her sisters and brother. Tsk.

"Oo na." Nababagot na wika niya.

Umalis na din ito agad nang walang paalam.

"Better." Napairap nalang siya sa hangin.

Nagligpit naman siya.

Hindi naman siya loka para gustuhing madakdakan ng paulit ulit.

********

Tahimik siyang nanunuod ng tv.

"Cathy, darating ang antie Demy mo mamaya, remember? Patayin mo na muna yang tv at mag-ayos." Mama

Nasa kusina ito, nagluluto.

Sinulyapan niya ang ate Tanya niya na ngingiti ngiti habang kinukulikot ang cellphone nito.

Nakaayos na ito.

Napairap siya ng wala sa oras sa hangin.

I missed my phone.

She's been grounded for almost one month. And its not so cool.

Tinatamad na tinungo niya ang kanyang kuwarto.

Nakasalubong niya ang kanilang bunsong babae at lalaki.

Naglalaro ang mga ito sa pasilyo.

Nang makita siya, tumahimik ang mga ito.

Yes. Pati kapatid niyang dalawa natatakot sa kanya and you already knew why.

Hindi ako palangiti. They might thought I will going to eat them.

Gosh!

Tulad ng gusto ng kanilang ina isinuot niya ang dress niyang puti.

Hindi siya sanay. Yayh!

White? The heck.

Bakit pa kasi kailangang magdress. Sila tita lang naman kaya.

Ilang beses na nilang nakita ang matalik na kaibigan nito.

Katulad ng kanyang ina, may asawa at anak na rin daw ito.

Pero hindi niya pa nakikita ang mga anak nito at asawa.

Ang pagkakaalam niya, ang pamilya nito ang may-ari ng isla na tinutuluyan nila ngayon.

Ang yaman nila sobra. Yan ang sure siya.

Kakarating lamang nilang magpamilya rito noong nakaraang araw at hanggang ngayon di niya parin mahanap ang enjoy sa bakasyon na ito.

Maya maya. Handa na ang lahat.

May nagdoorbell. Excited na tinungo ni mama ang pintuan ng tinutuluyan namin.

"Behave ok." Pagpapaalala ni mama sa amin.

Napairap nalang ako ng wala sa oras.

Nasa loob lang ng bahay, dress? Tsk. Formal formalan.

Ayaw ko na talaga.

"Hi Sis, hi Brad. Magandang gabi. Tuloy kayo." Nakangiting bungad ni mama sa kanila.

"O, lalo ka yatang pumogi iho." Narinig niyang puri ng kanyang ina. Sa anak siguro nila.

Balita niya, may nag-iisang anak ang mga ito.

"Hendrick Xander Villanuevas" yan ang pangalan. Paanong di niya matatandaan.

Lagi nalang yata binabanggit ng kanyang ina ang pangalan na iyan.

"Buti pa si Hendrick, napakamasunuring bata."

"napakagalang, wala ka talagang mapupuna sa batang yun"

"Napakatalino, bilib na talaga ako sa batang yun"

"Ang suwerte nila demy sa batang yun"

Buti nalang hindi niya naisipang ampunin ang lalaking tinutukoy nito.

Wala daw mapupuna sa lalaki. Pweh! Ansarap ipamukha sa kanyang ina na wala ng ganun sa panahon  ngayon.

Perfect my butt.

Wala na tayo sa panahon ng mga juanita at juanito. Sa panahon ngayon, mas nauuna pang lumandi ang mga nene at toto sa mga manang at manong nila. Tsk.

Magkakaalaman ngayon.

Now she's curious, who is this Hendrick Xander Villanueva anyway? Malalaman niya din ang baho nito.

"Ay. Hello mga anak." Bati ni tita sa amin. She's smiling.

Buti pa siya. Parang napakasarap niya maging ina. Maybe, that's the reason kaya mabait ang anak niya.

We will know.

Tumayo silang magkakapatid at hinalikan ito sa pisngi.

Pati kay tito Rafael.

Sunod.

Nabaling ang atensyon niya sa anak ng mga ito.

Jerk?

Nagulat din ito ng makita siya. Ngunit napalitan agad iyon ng ngisi.

Tila nagsasabing. 'Really'

Di siya papatalo.

So, ito pala yung tinutukoy ng kanya ina na perpekto.

Pweh. Ngumisi din siya rito.

"This is my son Hendrick Xander" pagpapakilala ni tita sa amin.

Ngumiti ako kay tita.

"Cathy Dane." Bigkas nito sa pangalan niya.

Whut?! So narinig nito lahat ng pagdadrama niya kanina sa aso na yun?!

I'm dead. Semento, kainin mo na ako.

Ngumiti siya ng tabingi.

"You know Cathy baby?" Nagtatakang tanong ni tita sa kanya.

Tumango ito habang hindi inaalis ang titig sa kanya at may kasamang ngisi.

"I saw her talking to Garry." Sagot nito.

Tinignan naman ako ni mama ng nagtatanong na titig.

Siguro iniisip niya na naman na lalaki si Garry. The heck.

"Garry. Yung aso niya." Walang pag-aalinlangan niyang paliwanag sa kanyang ina.

Mas lalong kumunot ang noo nito.

Sabagay sino ba namang matino ang proud na aaming kinausap niya ang aso. Wala diba? So ako palang. Ayaw ko na. Nakakahiya. Tss.

"Nevermind" mama. At bumaling na kila tita at tito.

"Pamela, kamusta naman kayo rito ng mga anak mo?" Tita asked.

"Were so fine Deny." Mama

"Good to hear that. Start na tom. yung sched. ng mga activities natin dito sa Isla. I thought that would be better and far exciting right sis?"

"Ofcourse Sis. Napansin ko nga tong mga bata, excited na rin ei." Sagot ni mama.

Tumawa si tita.

Nag-umpisa na naman silang mag-usap tungkol sa business.

Dumiretso na kami sa sala.

Nakahanda na doon ang mga pagkain.

Puwesto na kami.

Tumabi siya sa kanilang kambal.

Tas ang umupo naman sa kabilang gili niya.

Si hangin. Ang hangin kasi ei.

Grabeh!

Nam..nam.. nam..

Wala akong pakialam.

Tutok lang ako sa pagkain.

Biglang may kumalabit sa akin.

Sino pa ba, edi ang mokong.

Nakataas ang kilay na tinignan niya ito.

"Whut?' Tanong niya rito.

"Where's the bathroom?" Tanong nito na hindi pinapansin ang pagtataray niya.

Isinenyas niya rito.

Tumayo naman agad ito. "Excuse me" paalam nito.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain.

Bumalik na ito, at ipinagpatuloy ang pagkain. Tapos na siya.

"I'm done. Excuse me." Paalam niya.

Dahil tinatamad siya sa loob. At alam niya namang hindi na siya mapapansin ng kanyang ina.

Lumabas na siya ng kanilang tinutuluyan sa Isla na iyon.

Preskong hangin ang sumalubong sa kanya sa labas.

Puti ang buhangin ng isla na iyon.

Hindi nga lang kasing pino sa boracay.

Tinanggal niya ang sandals na suot.

Lumapit sa dalampasigan.

Gabi na pero hindi man lang siya nakaramdam ng kaba.

Marami parin namang turista ang gumagala sa paligid kahit gabi na.

May ilaw naman sa gilid ng dalampasigan.

Napakatahimik. Napakapayapa.

Di siya nakapasyal kahapon at noong nakaraang araw dito.

Kanina naman, nang sumilong siya sa may puno, naagaw ang kanyang pansin ng aso... without knowing na may tao pala sa taas ng puno.

Bakasyon na nila ngayon.

Kakaumpisa palang noong isang araw.

Grade 12 na siya sa susunod na pasukan.

Pero sabi nga ng ina niya, daig niya pa ang elementarya kung kumilos.

Matagal ng excited ang kanilang ina sa bakasyon na ito.

Habang siya naman mag-iisang buwan ng grounded kung kaya't nagpapadala nalang sa alon. Ayaw niya namang madagdagan ang kasalanan sa ina.

She missed her gadgets.

Buti pa ang ate niya.

Kung hindi lang siya nahuli nang ina na pumunta sa bar kinagabihan kasama ang kanyang mga barkada noong nakaraang buwan. Di sana siya magagrounded. Wala siyang magawa.

Pumulot siya ng bato at malakas na ibinato yun sa dagat.

Not satisfied.

Pumulot uli siya ng isa at ibinato ulit.

Again.

Again.

And again.

Nalulungkot siya.

Nagbabadya na naman ang mga tubig kanyang mata.

Napatingin siya sa taas. Pilit itong pinipigilang tumulo.

"You're here." Biglang sulpot ng mukong sa tabi niya.

Letse talaga tong isang to.

Unting unti nalang aatakihin na siya sa puso sa mga pasulpot sulpot nitong nalalaman.

"Obvious ba?" Pilosopong tanong niya rito.

Tumawa ito.

Napatingin siya rito. Aaminin niya sobrang guwapo talaga ito. Sobra. Matangos na ilong. Napakaperpektong ngiti na hindi niya magawa gawa. At labi nitong mapula pula. At ang hugis ng mukha nitong perpekto padin.

Kahit na hindi sila masyadong magkadikit, amoy niya parin ang very manly nitong pabango.

Ok na sana sa mukha.

Pero kung sa ugali ang pagbabasehan.

Pakialamero.

Inalis niya ang tingin dito. Napaismid siya. Lalo yatang lumakas ang hangin.

Thanks God. Tumahimik din ito pagkatapos tumawa.

"So, you're grade 12 on this coming school year?" Pakiiusyuso nito.

Tango lang ang isinagot niya rito.

Tinatamad siyang magsalita.

Ang pagkakaalam niya. Nasa College na ito. Third year College. Related sa business ang course. Yun lang ang alam niya rito.  Take note... di siya interesado.

"I see." Sagot nito.

"Si ate mo, college narin diba?" Tanong ulit nito.

Napairap nalang siya sa hangin.

Ewan niya kung nakita nito iyon. Gabi naman, di niya lang talaga mapigilan.

Interesado ba ito sa ate niya? E patay na patay yun sa boyfriend niya. Asa pa tong mokong na to.

"May boyfriend na yun."  Sagot niya rito.

Narinig niya ulit itong tumawa.

Whut now? Nakakatawa ba kapag sinabi ko yung totoo? Obvious naman na interesado siya kay ate ei.

Nakita niya itong tumango tango at pilit pinipigilan ang tawa.

"E ikaw?" Tanong ulit nito.

Hinarap niya ito.

"Look. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon ok? Puwede bang maghanap ka nalang ng ibang makakausap." Prangkang sabi niya rito.

Tinawanan lang nito ang kasungitan niya.

Napapansin niya. Lagi nalang siya nitong pinagtatawanan. May nakakatawa ba sa sinasabi niya? Nagpapatawa ba siya rito?

"May boyfriend ka na nga." Panghuhula nito.

"Ano naman kung meron?" Pagtataray niya dito.

Tinignan niya ito. Nakangiti ito.

"Wala lang. Ang bata mo pa para magboyfriend." Pangangaral nito.

Nauubusan na talaga siya ng pasensya.

"Makaalis na nga dito bago pa maubos ang pasensya ko." Pagpaparinig niya rito.

Naglakad siya pabalik sa kanilang tinutuluyan.

Nakasalubong niya ang mga magulang nito sa pintuan na inihatid ng kanyang magulang.

"O, hija. Una na kami. Goodnyt." Paalam ng mga ito.

"Goodnyt auntie, uncle." Paalam niya sa mga ito.

Nauna na siya sa kanyang inang pumasok.

Nadatnan niyang nanunuod ang kanilang kambal at naghuhugas ang kanilang ate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top