Chapter 9

Be careful not all are what they seem. Some people pretend to be the beach, but they're actually quicksand.

-Steve Maraboli.

* * * * *
Poor Innocent Soul

Bliss

Kararating ko lang ngayon sa Accounting class ko subalit nagulat ako nang wala ni isa mang tao ang nandito. It's 6:45 a.m na kaya at alas syete magsisimula na ang klase.

Kung nagtataka kayo kung bakit may Accounting class ako, iyon ay dahil pinapapili ng mga admins ang bawat estudyante rito ng gusto nilang maging major at Accounting ang napili ko. Bale parehas kami nina Dane, Jennybie, at Tati na pumili ng subject na ito. Samantalang sina Dale, Sab and her troops are on the Engineering department.

Umupo na lang ako sa upuan ko which is nasa bandang unahan at iniyuko ko ang ulo ko sa desk ko. Napitlag ako nang maramdaman kong may biglang pumasok sa room kaya napataas ako ng tingin kung sino iyon.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang pinipilit inaalala ang pangalan niya. Maganda ito at balingkinitan ang katawan. Sa pagkaka-observe ko ay siya na yata ang pinakamahinhin na kaklase ko sa halos lahat ng subject namin. Nabigo akong alalahanin ang pangalan niya kaya't naisipan kong tanungin na lang siya.

"H-hi. I'm Avi and you are?" pagpapakilala ko sa kanya subalit nanatili lamang siyang walang kibo na tila nahihiya. "Hmm. Do you know where they are? Its almost time," wika ko pa rin subalit patuloy niya pa rin akong hindi kinikibo kaya iniyuko ko na lang ulit ang ulo ko at isinubsob sa desk ko. 'Di ba siya marunong magsalita?

"No man can be proved criminal unless he is found guilty so be careful. Not all are what they seem. Some people pretend to be the beach while in fact they are just a quicksand. You have to watch out for the real criminal. Do not focus on your suspect, you might end up losing the real culprit. Some people pretend that they're good but they're actually evil. While some people pretends to be evil just to help others. Care to see the difference," makabuluhang wika nito na siyang ikinagulat ko. Grabe, ang wise niya mag-isip. Tatanungin ko sana siya kung bakit niya naman nasabi 'yon kaya lang bigla siyang tumayo at akmang aalis na.

"By the way, we don't have classes for today. Pumunta lang ako rito just in case na may maligaw na estudyanteng hindi marunong magbasa ng mga paalala sa bulletin board ng school. And I was not mistaken, I found you. Tsk," sarkatiskong wika nito.

Grabe naman siya, 'di ba pwedeng 'di lang ako sanay na magbasa sa mga board-board na yan? Tsk. Iba kaya ang hindi marunong sa hindi sanay!

Nginitian ko na lang siya at umalis na rin ako pagkaalis niya. Hindi lang pala ang skwelahang 'to ang maraming misteryo. Kahit ang mga tao rito ay punong-puno ng sikreto.

Papunta na ko ng dorm ngayon nang bigla kong makita si Tati na nakayuko at nakayakap sa kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa isang puno. Naisipan kong lapitan siya para na rin kahit papaano ay malinawan ako. Alam ko kasing siya lang ang makakasagot ng lahat ng katanungan ko.

"H-hi Tati. Can we talk?" kinabahang tanong ko. Hindi pa man siya sumasagot ay naupo na ko sa tabi niya.

"Talk about what, Avril?" walang kagana-ganang sagot nito.

"A-ahm.. I just want you to ask about..."

"About Cassidy's death I guess? I bet you know that I'm the killer already so ano pa bang kailangan mong malaman? Alam ko namang sinabi na sa'yo lahat ni Dale 'di ba? You don't need to waste effort asking me the same questions, you'll probably get the same answers anyways. And isa pa... tama nga sila, napakapakialamera mo talaga!" sagot nito sabay tayo at nang akmang iiwan niya na ko nang bigla kong hinawakan ang kamay niya at iniharap siya sa'kin.

"Tati please, just listen to me. If you we're going to help me with this I swear to you, hinding-hindi na ko manggugulo pa sa inyo. Just please tell me why?" nagmamakaawang tanong ko.

"Stop pretending you're an angel, Avril. Everybody makes mistakes. And it just happen that I killed her," sagot nito bago ako tuluyang iwan.

Bakit kaya ang hilig-hilig ng mga tao dito na mag-walk out? Bakit kaya ang hilig nilang magpabitin?

I guess, I just needs to accept that Cass will never find justice in this hell, full of lies Academy.

-

Pauwi na sana ako nang makita ko ang mga pictures na nakadikit sa bulletin board ng school. So eto pala ang sinasabi nila. Dito nakalagay lahat ng announcements at dito rin makikita ang profile ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Kaagad kong hinanap yung babaeng nakasalamuha ko kanina at hindi naman ako nabigo sa paghahanap sa kanya.

"Katherine Sabenorio." Iyon pala ang pangalan niya. I wonder what she did at napunta siya sa impyernong lugar na 'to. Mukha naman siyang mabait.

"Hi Avi! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpupunta huh? Wag mong sabihing..."

"No Dane, mali ang iniisip mo. Wala na kong pakialam sa kaso ni Cass total wala namang taong gustong tumulong sakin. I've had enough. Nagmumukha na kong tanga at pakialamera," pagsisinungaling ko sa kanya.

"Sorry to hear that but tama ang desisyon mo. In this place like hell, no one will help you. Tara na? Gutom lang 'yan," pagyayaya nito so we end up walking towards the school cafeteria.

Kung ang pagpapanggap ang magiging daan para makita ko ang katotohanan, then I will be the best pretender in the world.

Kung ang paggawa ng mali para maitama ang isa pang mali, handa akong maging makasalanan.

Kung ang pagiging masama ang daan para makamit ang hustisya, handa akong magpakademonyo.

-

Pabalik na kami ngayon ng dorm nang makarinig kami ng isang sigaw sa loob ng Administration Office. Kaagad kaming nagtago ni Dane sa likod ng isang malaking puno sa harap ng opisina ng mga admins. Ito ang puno na dati kong pinagtaguan noon nang marinig kong nagtatalo sina Headmaster Severus at Prof. Arriene.

"Please Sir, nagmamakaawa ako. Huwag n'yo pong papatayin ang anak ko. Ako na lang po ang parusahan n'yo. Ako na lang po ang patayin n'yo. Please Sir," umiiyak na pagmamakaawa ng isang babae.

Sinilip namin ni Dane kung ano ang nangyayari sa loob at nakita naming nakaluhod ang isang babae na sa pagkakaalam namin ay isa ring estudyante rito. Marahil ay kabilang siya sa ibang klase. Namumugto na nga ang mga mata nito na tila ba kanina pa umiiyak at sumisigaw.

Napapalibutan ito ng mga watchers at keepers. Nasa unahan naman nakaupo sina Headmaster at Prof. Arriene. Biglang tumayo ang isa sa mga keepers at may ibinigay na basong may laman ng kung anong klaseng inumin. Pinipilit nila itong painumin sa babae subalit patuloy na nagpupumiglas ito.

Maya-maya pa ay may dumating na lalaking base sa kanyang kasuotan ay isa ring estudyante. Patakbong sinugod nito ang mga watchers at keepers na nakapalibot sa babae. Ngunit dahil siya ay nag-iisa lamang ay agad siyang nahawakan ng mga ito.

"Mga kabataan nga naman sa panahon ngayon. Masyadong mapupusok. Napakatigas ng ulo n'yo. Isang inom lang iha at masisiguro kong babalik ulit sa normal ang buhay n'yo. Ano bang mas importante sa inyo? Ang buhay n'yong dalawa o ang buhay ng batang 'yan?" wika ni Prof. Arriene.

So this is all about early pregnancy.

"Ganyan ba talaga kakitid ang mga utak n'yo? Puro kasakiman lang ba ang importante sa inyo? Sa sobrang pag-iingat n'yo sa reputasyon ng paaralang ito ay nakalimutan n'yo nang tratuhin ng maayos ang mga estudyante dito. Ilang kamatayan pa ba ang kailangan n'yong pagtakpan huh?" ani ng lalaki na kaagad namang sinapak ni Prof. Arriene.

"Hindi mo alam kung ano ang kaparusahan ang naghihintay sa inyo matapos n'yong labagin ang isa sa pinakamabigat na kasalanan sa paaralang ito. Kayo na nga ang binibigyan ng karapatang mabuhay at mailayo sa kahihiyan, kayo pa ang may ganang manumbat?!"

"Wala na tayong magagawa kung ayaw nilang ipaabort ang bata. Ang tanging magagawa natin ay ang ihanda ang lahat ng mga watchers at keepers. Mrs. Frost tipunin mo lahat ng mga kasamahan mo. Kayo nang bahala sa kanila. Kung kinakailangang patayin sila ay gawin n'yo just make sure na walang makakakitang ibang estudyante rito. Maliwanag?" utos ni Headmaster Severus kay Ma'am Luna na ngayon ay kasalukuyang tinitipon ang mga kasamahan niya.

Nanatili kaming nakatingin at masuyong nakikinig ni Dane. Hindi ko alintana ang panginginig ng aking mga tuhod matapos masaksihan ang karumaldumal na pangyayaring ito. Samantalang si Dane ay nanatiling kalmado na tila ba ang pangyayaring ito ay normal na lamang sa kanyang paningin.

"Please Sir, nagmamakaawa po ako. Wag n'yo po kaming papatayin. Handa na po akong ipalaglag ang bata," wika ng lalaki na siyang ikinagulat ng babae.

"No I won't let them kill our baby! 'Wag kang pumayag sa kanila. Hindi ko kaya hon please. Hindi kaya ng konsensiya ko," pagmamakaawa ng babae.

"No hon. Kapag hinayaan nating mabuhay ang bata, buhay natin ang manganganib," umiiyak na sagot ng lalaki.

Hindi ko napigilan ang sarili ko dahilan para mapasinghap ako. Sa pagkakabigla ay dali-dali akong hinila ni Dane sa likod ng opisina at nagtago kami sa likod ng isang malaking garbage can. Abot-abot ang kaba namin ng makitang may papalapit na watcher sa lugar kung saan kami nagtatago. Mabuti na lamang at may tila anong bagay ang gumalaw sa kanyang likod kaya agad niya itong tiningnan at hinabol. Mabilis kaming tumakbo ni Dane hanggang sa makarating kami sa tapat ng dorm ko. Agad namang nagpaalam sa'kin si Dane at sinabing bukas na lang namin pag-usapan ang nangyari ngayon at baka may makakita sa amin kung ngayon pa kami magdadaldalan. Nakapagtataka lang kasi para wala lang sa kanya ang nangyari.

"Hays! Sobra na sila. Mga wala silang puso. Sigurado akong ngayon pa lang ay sinusunog na ang mga kaluluwa nila sa impyerno," bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko lubos na maisip na may mga taong handang pumatay mapagtakpan lamang ang mga pagkukulang nila at ang mga baho nila.

( DALE )

Mabuti naman at nakatulog na ang pasaway na babaeng 'to. Kung hindi pa tumunog ang alarm ko ay hindi ko malalamang nasa panganib sila ni Dane. Kung nagtataka kayo kung anong alarm ang pinagsasasabi ko, 'yon ay ang wrist watch namin ni Dane which is ang tanging bagay na nagkokonekta sa'min. Nagkahiga na ko no'n nang biglang umilaw ang alarm nito sinyales na nasa panganib si Dane. Kaya agad-agad akong pumunta kung nasaan sila at iniligtas sila sa pamamagitan ng paggawa ng ingay sa papalapit na watcher sa direksyon nila. Mabuti na lang at kaagad na nadistract ang watcher na 'yon. Bakit ba kasi ang hilig makialam ng babaeng 'to!

"Maybe you really wanted to know the answer on this school full of mysteries. Someday Bliss, I will tell you the whole story. Just promise me that you'll be safe. ALWAYS," bulong ko sa kanya bago ko tuluyang lisanin ang dorm niya.

* * * * *

Some people have a difficult time facing truth and reality. They prefer to live in a make-believe world, pretending that certain things aren't happening.

-Joyce Meyer.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top