Chapter 8
It's easier to forgive the betrayal of an enemy than to forgive the betrayal of a friend.
-Anonymous.
* * * * *
Unaccustomed Revelations
( Bliss )
Pumipikit-pikit man ay pinili kong bumangon. Dumako ang paningin ko sa orasan at laking gulat ko nang makitang alas nuwebe na pala.
"Sht! Sht! Hindi na ko makakapasok sa Accounting class ko!"
Napabangon ako bigla nang makita kong parang may kakaiba sa dorm ko. Para kasing may gumulo sa mga gamit ko. Dali-dali kong nilibot ang tingin ko para masuri kung ano ito. Napagtanto ko na tila may nawawala sa mga gamit ko kaya hinalughog ko lahat ng drawer ko. Nanlumo ako ng makitang wala na 'yong bag ni Cass na kagabi ay nilagay ko sa ilalim ng kama ko. Mabilis kong sinuri ang paligid at nakita kong bukas ang isa sa mga bintana ng dorm ko. Holy Sht! Sa pagkakaalam ko ay sinarado ko ito kagabi. Teka! Sino nga ba ang huli kong nakasama kagabi?
It's DALE.
-
It's 10 a.m already and here I am standing in front of our classroom. I don't know what to say why I'm late so nagpagdesisyunan kong 'wag na lang pumasok since isang oras na lang naman ay dismissal na. Dumiretso ako sa cafeteria para makapag-almusal at biglang uminit ang dugo ko nang makita si Dale na masayang nakikipagkwentuhan sa mga barkada niya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umorder ng kakainin ko. Matapos kong makapag-order ay umupo ako sa kasuluksulukang bahagi ng cafeteria. I hate seeing people pretending to be good while in fact they're not.
Pinagkatiwalaan ko siya. Nakipagkaibigan ako tapos ano? Nanakawan niya lang ako!
Yung bagay na 'yon na ang makakasagot sa lahat ng tanong ko pero nasa'n na? Kinuha niya, ninakaw niya. Sigurado akong sinadya niyang utuin ako sa pamamagitan ng mga kwento niya. Sinadya niyang kunin ang loob ko para maisagawa ang plano niya. Kaya pala hindi maalis ang paningin niya sa ibabaw ng kama ko kung saan nakalagay ang bag ni Cass na natatabunan lamang ng isang manipis na kumot.
"Hey there Collins!" bati ni Dale na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Tsk.
"Oh shut up, you asshole!" wika ko.
"Easy, what have I done? Akala ko ba magkaibigan na tayo. We even share our secrets last night."
"Well, that's the worst decision I've ever made in my entire life. I don't wanna be friends with you anymore," wika ko bago siya tuluyang iwan.
Naiwan siyang tulala at tila nagtataka sa inasal ko kaya't napagdesisyunanan kong sabihin sa kanya ang ikinagagalit ko.
"You fvcking stole Cassidy's bag last night, right? Well played Dale. You we're all a living demon," wika ko saka tuluyang umalis.
-
Pagkagaling sa cafeteria ay dumiretso ako sa mini-forest kung saan ako madalas tumatambay. Isang chocolate ice cream lang ang katapat ng pagkamuhi ko. Napitlag ako nang maramdaman kong tila may nakaupo sa likod ng puno. Nasundan pala ako ng mokong.
"Bliss," ani ni Dale ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng ice cream.
"I never stole anything in your room. Hindi ko nga alam na nasa'yo pala ang ebidensyang matagal ng hinahanap ng mga watchers at keepers. Maniwala ka Bliss, malinis ang konsensiya ko," pagsusumamo niya but I didn't even care. Stupid, lame excuse.
"Kung talagang malinis ang konsensiya mo, then why aren't you going to speak up? I know that you know the reasons behind Cassidy's death. Please Dale, just tell me what is it and I will shut the fvck up."
"You really want to know huh? Then I will tell you what it is. Just promise me, 'wag na 'wag kang makikialam sa kanila kung ayaw mong sumunod kay Cass."
"Spill it Dale. I promise."
"Sab and her troops is making a move para makaalis na sila dito. So they stole the school records on the administration office. Naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon ukol sa school. Nakatala rin dito lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa school. In short, ito ang listahan ng mga sikreto nila. Plinano nila Sab na mag-alsa laban sa school gamit ang record book na ito subalit nasira ang lahat ng makialam si Cass. Nalaman niya kasi na ang pag-aalsang magaganap ay mangyayari lamang sa pagitan nina Sab at ng kanyang tropa, hindi kasama ang lahat ng estudyante. Balak nilang iblackmail ang mga admins para mapalaya sila. Nagalit si Cass nang malaman niya ang makasariling plano nila kaya gumawa siya ng paraan na huwag itong matuloy dahil kapag nangyari nga ang pag-aalsang iyon ay lalong maghihigpit ng seguridad ang mga watchers at keepers. Ang mga natitirang estudyante ang makakaranas ng impyernong iyon. So she stole it and she wanted to give it to you. Cass knows that you're brave enough to fight for the freedom of all. That's why I save you from her."
"W-what do you mean you saved me from her? From who? Why me?"
"Because you're fearless! Natatandaan mo pa ba no'ng gabing inakbayan na lang kita bigla habang mag-isa kang naglalakad papuntang cafeteria?" tanong niya na ikinatango ko. That's the time na feeling close siya sa'kin.
"Naglalakad din kasi ako no'n papuntang cafeteria nang mamataan kong nakamasid sa'yo si Cass. She was so eager na makalapit sa'yo. Right from that moment, I knew she wanted you to be involved on this endless chase for that fvcking record book. Noong oras na 'yon alam kong balak ka niyang idawit sa gulong kinasangkutan niya. That's why nilapitan kita para makaligtas sa kanya."
"Kaya pala nasabi ni Dane dati na pangalawang beses mo na kong nailigtas."
Ngayon maliwanag na ang lahat. Bigla kong naalala ang mga salitang binitawan ni Sab.
Cassidy's death is a gift for you, for us.
Cassidy's death is really a gift to us. She sacrificed herself for the sake of us. Pero bakit si Tati ang pumatay sa kanya? Bakit hindi si Sab? Si Sab lang naman ang may rason na patayin si Cass dahil sa pangingialam niya.
"I know what you're thinking, Bliss. Iniisip mo kung bakit si Tati ang killer at hindi si Sab. 'Yan rin ang patuloy na hinahanapan namin ng sagot ni Dane."
"So you mean, Dane also know about this? Bakit hindi n'yo sinasabi sa'kin? I can also help Dale."
"No Bliss. We wanted to spare you from this. You can't. Makakagulo ka lang sa plano. The admins know what you're capable of that's why they are watching you. They are watching every move you make. They even think na nasa'yo ang record book which is true but you lost it. I mean someone stole it from you. Kailangan mong mag-ingat Bliss or else, you'll die."
"Kung hindi ikaw ang nagnakaw ng bag ni Cass, then who? Sino? Bakit niya naman gagawin 'yon and paano niya nalamang nando'n 'yon when in fact, kagabi ko lang iyon nakuha?"
"Hindi ko alam Bliss but please huwag ka nang makialam. Maraming matang nakatingin sa bawat galaw mo."
"Bakit ako Dale? I'm just a newbie. I know nothing about this school!" naguguluhang tanong ko. Totoo naman, bakit ako? Wala akong alam.
"Yeah, you know nothing but you were so eager to know. That's why natatakot sila. And besides, you're a daughter of a Collins. Alam nilang malaki ang maitutulong ng pamilya mo sa pagpapatakbo ng school. Alam din nila na makapangyarihan ang pamilya mo. Did you ever know that you're dad donated 1million pesos here after he brought you here?"
"Really? Tsk," napatulala na lang ako matapos malaman lahat. "Pero bakit naman nila nasabi na nasa akin ang record book?" Sa pagkakatanda ko, wala akong pinagsabihan. And besides over night ko lang nahawakan iyon at sa kasamaang palad, hindi ko pa nakita ang laman nito.
"Because Sab framed you up. Siya rin ang may pakana kung bakit nakarating 'yong video ng pagtatalo n'yo ni Cass matapos siyang mapatay. Binigyan niya ng clue ang administration office na baka nasa'yo ang record book sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang sulat."
"Sabrina is such a bitch came from hell. So selfish, self-centered bitch!"
Hindi ko hahayaang manalo sila. Nangako man akong hinding-hindi na ako makikialam ay sisiguraduhin ko pa ring hinding-hindi sila magtatagumpay.
The dead cannot cry out for justice, it is the duty of the living to do so for them. So it is my duty to find justice for you, Cass.
* * * * *
Injustice anywhere is a threat for justice everywhere.
-Martin Luther King. Jr.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top