Chapter 7
* * * * *
Confusing Kind of Death
( Bliss )
Narito kami ngayon sa auditorium ng school which is katamtaman lamang ang laki. Napapalibutan ito ng naggagandahang paintings at sculptures. Para itong isang museum sa aking paningin. Nandito kami para sa isang lecture sa Religion class namin. Mabilis kaming nagsiupuan at hinintay na magsimula si Prof. Grayle.
"Okay class, lets talk about death. Since it's a recent issue regarding about your classmate Cassidy Wilson, may I hear your thoughts about this thing? Any ideas?" pagtatanong ni Ma'am.
"Death is inevitable. We cannot escape it. We will all die at the end," sagot ni Tati which is parang natutuwa pa.
I wonder paano niya kaya nagagawang tumawa pa sa kabila ng lahat? Wala ba siyang konsensiya?
"How about you Miss Collins?" tanong ni maam sa'kin na siyang ikinagulat ko. Nagsitinginan na naman sa'kin ng mga kaklase ko na para bang naghihintay na naman ng kakaibang sagot ko.
"Death is like a punishment. Anyone who strikes a man and kills him shall be surely put to death," sagot ko habang nakatingin nang diretso kay Tati.
"However if he does not do it intentionally and God let it happen, then he does not deserve death," taas noong sagot nito.
"Seems like we're having an argument here. Sounds silly but you should be thankful bitch!" bulong sa'kin ni Sab na nasa likod ko.
Wala akong maintindihan. Halos lahat sila hindi naniniwala sa'kin. Pati si Cass, hindi niya magawang sisihin si Tati. Is this the time that I have to believe them? Kailangan ko ba talagang paniwalaan ang mga bagay na walang kasiguraduhan? Paano kung si Tati nga ang kalaban? Itinigil ko na lang ang pag-iisip ko nang magsimula ng maglesson si ma'am. Ipinakita niya sa'min ang mga litrato na nagpapakita ng iba't-ibang klase ng kamatayan.
"Death has different kinds and different meanings. Revenge is the meaning of death as to criminals. They killed people just to satisfy their pious beliefs. Poverty can a also be a reason for death. Some people kill in order to live. But death can also be a heroic act. Someone kills in order to save a larger number of people. And the last one, death is a gift. Jesus died in order to save us from sins. Therefore, His death is a gift to us," pagpapaliwanag ni maam.
"Cassidy's death is a gift for you, for us," nakangising bulong ulit sa'kin ni Sab.
Hindi ko man maintindihan ang lahat, I know some part of me believes that Tati is not the real culprit.
Nanatili akong nakatulala at nakatingin lang sa kawalan hanggang dumating ang oras ng tanghalian. Agad na hinila ako ni Dane papuntang cafeteria.
"What's wrong with you Avi? Don't mind Sab. Don't mind them. Sometimes you just have to be mean, stoic and uninterested. In other words, just mind your own fvcking business. Hayaan mong ang kapalaran na ang sumagot sa lahat ng tanong mo," wika ni Dane. Wait---- I've heard that kind of advice before. Pareho talaga sila ng pinsan niya mag-isip. Tsk.
Tama siya. How can I get the answers if no one's helping me? I guess I really have to be uninterested at all.
Matapos naming mananghalian ay dumiretso kami sa field para sa susunod naming subject which is Discipline and Self-Control. Hindi naman magkamayaw ang ilan sa mga kaklase namin na parang nangangamba at natatakot. Bigla kong naalala ang punishment na ibibigay sa'min ni Professor Arriene. Hays! This could be hell.
Tahimik lang kaming naghihintay at kapwa nag-iisip ng maaaring mangyari.
"Good afternoon class. Wondering what kind of punishment I'll give? Well, it's something particular. You have to clean all the mess here in Immure Academy. Make sure na walang maiiwang dumi o anumang alikabok lalong lalo na sa mga rest rooms. Is it clear? Now, spread and clean. I'll give you 1 hour. Any violent reactions?" she said at wala ni isa man sa amin ang nangahas na magreklamo sa kanya, baka kasi maisipan niya pang dagdagan ang pinapagawa niya.
"A friendly reminder, I AM ALL WATCHING YOU," aniya bago kami tuluyang kumilos.
Naiinis man ay wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanyang utos. Nasa mahigit 25 at hindi lalampas sa 30 yata kaming mga estudyante sa klaseng ito kaya siguradong mapapadali ang paglilinis namin. Napili naming maglinis ni Dane sa mini-forest ng school. Napatigil ako nang makita ko ang puno kung saan natagpuang nakalambitin at wala ng buhay si Cass.
I'm sorry Cass.
Nagsimula nang maglinis si Dane kaya mabilis akong kumilos para tulungan siya. Nagsimula akong magwalis sa pinaka-likurang bahagi ng mini-forest. Napatigil ako nang mahagip ko ang bag ni Cass na nasa pinakailalim ng nagtataasang damo. Kaagad ko naman itong ibinaon pa lalo para hindi makita ng iba. Naisipan kong huwag na muna itong ipaalam sa iba kahit kay Dane. Nagbabakasakali akong dito masasagot lahat ng katanungan ko.
"Oh Bliss, mukhang pawis na pawis ka aah?" ani ni Dane na nasa likod ko na pala.
"Aa-ahm.. Hindi kasi ako sanay na maglinis. Hehe," pagpapalusot ko.
"Ah. Halata nga. Rich kid ka kasi. Tara na?" pagyayaya nito na agad ko namang sinang-ayunan. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko ulit ang lugar na pinaglagyan ko ng bag ni Cass. Sana walang makakuha sa'yo. Babalikan kita.
Nakabalik na kami lahat sa field at halos lahat ay pagod na pagod. Ang iba naman ay hindi pa rin nagpaawat sa pagrereklamo. Tuwang-tuwa naman si Ma'am habang pinagmamasdan kaming hinang-hina.
"I guess you all learned your lesson. Never ever disappoint me again or else---" hindi na namin pinatapos si ma'am sa panenermon niya dahil sabay-sabay na kaming nagsabing yes ma'am!
Subalit biglang sumeryoso ang mukha ni maam at pinatawag ang isa sa mga kaklase namin which is Dale.
"Mr. Allister! Explain," ani ni ma'am na sobrang nakakatakot ang aura.
"Poor Dale. Hindi kasi nag-iingat. Alam naman niyang may red lights. Tsk," wika ni Dane na halatang naiinis sa pagiging pasaway ng pinsan niya.
"I have nothing to explain ma'am besides I have no reason to clean at all. Absent po ko no'ng time na nakagawa sila ng kasalanan," wika ni Dale na sobrang confident pa. Nakatitig lang ako sa kanya nang tumingin siya bigla sa direksyon ko sabay ngisi na may kasamang kindat. Tss. Jerk!
"I'll let you pass this time Mr. Allister. But for the next time around na makakagawa ang sino man sa inyo ng kasalanan all of you will suffer, present or not. So let's proceed to our lesson for today," wika ni Ma'am bago tuluyang mag-discuss.
Tinuro niya naman ulit sa'min ang walang katapusang kahalagahan ng disiplina sa sarili. Ito raw kasi ang daan para magkaroon ng isang fun-learning environment ang isang eskwelahan. Tahimik lang kaming nakinig hanggang matapos ang klase. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako.
Nang makabalik ako sa dorm ay kaagad kong pinag-isipan kung paano ko kukunin yung bag ni Cass sa Mini-Forest. Ano kaya kung tumakas ulit ako ngayong gabi. Makakaya ko naman siguro ulit iwasan ang mga watchers.
-
Its 8pm na and everyone is on their dorms already. Kinuha ko ang kulay itim kong jacket at sinuot ito. Tinakpan ko rin ng hood ang aking ulo at iniwasan lahat ng red lights na nakamasid. Since it was just 8pm paniguradong konti lang ang nakabantay na watchers dahil ang iba ay naghahapunan pa.
Walang kahirap-hirap na narating ko ang Mini-Forest at sa tulong ng aking flashlight ay nahanap ko naman kaagad ang bag ni Cass. Kaagad ko itong isinilid sa loob ng aking jacket. Maliit lang kasi ang bag na 'to, yung tipong isahang notebook lang ang kakasya.
Nagmamadali akong bumalik ng dorm so naisipan kong dumaan sa shortcut kahit na sobrang mapanganib kasi madaraanan mo ang administration office. Napatigil na lang ako sa paglalakad nang marinig kong may nag-uusap sa loob ng office. Sa tingin ko ay si Headmaster ito at si Professor Arriene.
"Hindi pa rin ba nakikita ang record book ng school?" wika ni Headmaster Severus.
"We are truly sorry Headmaster but I think hawak na ito ng isa sa mga estudyante natin. Sooner or later mabubunyag na ang---"
"THAT WILL NEVER GOING TO HAPPEN! I WON'T LET THAT HAPPEN!" sigaw ni Headmaster.
"We are really sorry, Sir."
Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno ng makitang may paparating na watcher. Mabuti na lang at kaagad rin naman itong umalis.
Anong klaseng record book kaya ang tinutukoy nila?
Nang makarating ako sa dorm ay naisipan kong maligo muna. It was a relief for me since I always thought that taking a bath at the end of the day takes away both my dirt and fatigue.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang bag ni Cass. Ano kayang laman nito? Akmang bubuksan ko na sana ang bag nang makarinig ako mahinang pagkatok sa aking pintuan. Sinilip ko sa bintana kung sino ito at nakita ko si Dale na nakatayo sa harap ng aking pintuan na pasipol-sipol pa.
"What are you doing here Mr. Privacy Invader? Its late," masungit na tanong ko.
"I brought you this. Nakita ko kasing bukas pa ang ilaw mo kaya naisip kong baka hindi ka makatulog so I made you a glass of milk."
"Thanks but no thanks. Makakaalis kana," sabi ko bago tuluyang saraduhin ang pinto ngunit agad naman niyang naharangan sa pamamagitan ng kanyang braso.
"Can you please let me in? I just want to have a small talk since pareho naman tayong hindi pa dinadalaw ng antok," pagsusumamo nito kaya wala akong nagawa kundi papasukin siya sa loob ng dorm ko.
Kinuha ko na rin 'yong gatas na ginawa niya at ininom ito. Nataranta ako nang makitang nakatitig siya sa kama ko kung saan nakalagay ang bag ni Cass. Mabuti na lang at natatakpan ito ng puting kumot.
"So what do you want to talk about?"
"Hmm. I just want to apologize for always invading your privacy. I hope we can be friends?" nangiting tugon nito. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin nitong kagwapuhan. At dahil mabait ako...
"Apology accepted and friendship approved," nakangiting wika ko sa kanya.
Nagsimula naman siyang magkwento ng kanyang buhay at kung paano siya napunta rito. Sinabi niyang may babaeng patay na patay sa kanya at gusto siyang pakasalan ngunit pinaasa niya lang kaya siya napunta rito. Nayayabangan man ay natawa pa rin ako sa kwento niya. Akalain mo 'yon, mas pinili niya pang makulong dito kesa magpakasal? Amazing.
Napilitan rin naman akong magkwento sa kanya ng aking mga karanasan sa buhay at kung gaano ito kapait. Nakita ko naman ang lungkot at awa sa mga mata niya kaya sinabi kong umuwi na siya sa dorm niya kasi inaantok na ko. Hindi kasi namin namalayan na alas onse na pala ng hatinggabi sa sobrang daldal naming dalawa.
Napangiti na lang ako nang maisip ko na sa kabila ng pasaway na attitude niya at maangas na awra ay nakukubli ang mabait na pagkatao niya. I do really belived that looks can be deceiving.
* * * * *
Anyone who strikes a man and kills him shall be surely put to death.
-Exodus.
Thanks for reading!
Pls. Vote and comment ^____^v
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top