Chapter 6


* * * * *
Innocent Killer

( Bliss )

Maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko. It was just 5:45 a.m. Kaagad naman akong bumangon at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok sa aking pintuan.

"Good morning Avi!" bati ni Dane sa'kin at saka tuluyang pumasok sa aking kwarto.

"Ang aga mo yatang nagising Dane. Ano bang meron?" tanong ko habang naghihikab pa. Hays, inaantok pa ko.

"Ano ka ba Avi! Nakalimutan mo yata na this day is the allotted time for us to use our cellphones. Nakalimutan mo na ba na sa tuwing Friday ay pinapayagan tayong gumamit ng cellphone kung saan maaari tayong makipagcommunicate sa outside world? Don't tell me, hindi ka na naman nagbasa ng Academe Policies?" nakataas kilay na tanong nito.

Pagkarinig ko ng magandang balita ay dali-dali akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pagkalabas ko ng cr ay naabutan ko namang nakamasid si Dane sa aking drawer na tila ba may hinahanap. It feels weird.

"Uhm--- Dane, tara na?" yaya ko sa kanya. Baka kasi saan pa mapunta ang pag-iisip ko.

Nakangiting kinaladkad niya ko papunta ng field kung saan naabutan namin ang mangilan-ngilang estudyante na nakapila.

"Heto na nga bang sinasabi ko. We should've been early. Ayokong pinaghihintay at ayokong pumila," pagmamaktol ni Dane.

"Ano ka ba di ko naman alam na may pila pala eh! You should've told me earlier. And besides you need to learn the essence of waiting. Patience is a virtue kaya!" sagot ko sa kanya kahit ako mismo sa sarili ko ay ayaw na ayaw na pinaghihintay.

Nakapila na kami ngayon sa field at nagsimula ng ibigay ng mga watchers at keepers ng aming mga cellphones. Inabot kami ng halos 20 minutes sa paghihintay ng time namin para makuha ang aming mga cellphones. Hindi maipinta ang ngiti sa labi ng bawat estudyante rito matapos na muling masilayan ang kanilang mga gadgets.

Pagkatapos naming pumila ay dumiretso kami ni Dane sa cafeteria para kumain ng breakfast. Nakaisip naman ako ng paraan para matulungan si Cass na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Mabilis na nag-dial ako ng number ng mga police para anyayahan silang pumunta dito para sa isang masusing pag-iimbestiga. Isang pindot na lang sana ay matatawagan ko na ang mga police nang biglang may umagaw ng cellphone ko.

"You really want to die huh, Miss Collins?" tanong ni Dale sakin habang hawak-hawak niya ang cellphone ko.

"Bakit ba napakapakialamero mo? Kalalaki mong tao napakahilig mong makialam! Akin na nga 'yang phone ko. You're invading my privacy again!" sigaw ko habang pinipilit na abutin ang cellphone ko. Subalit dahil sa 'di hamak na mas matangkad siya sa'kin ay napasubsob ako sa dibdib niya at na-out balance naman kaming dalawa. So bale nasa ibabaw niya ako ngayon. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at gano'n din siya. Bigla naman kaming natauhan nang biglang umismid si Dane na nagsasabing tumayo na kami dahil marami nang nakakakita. Ang awkward pa naman ng posisyon namin.

"Akin na kasi 'yong phone ko!" pangungulit ko.

"No Miss, not until you promise me?"

"Promise what?"

"Promise me that you'll never ever call the police or anyone regarding on what's happening here. Unless, you really want to die afterwards," bulong niya sa'kin.

Nag-isip naman ako bago tumango sa kanya. "Okay, I promise."

Tiningnan lang ako ni Dale na para bang sinusuri kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"I promise Dale and I never make a promise I don't intend to keep," pangungumbinsi ko sa kanya. Ibinigay naman niya 'yong phone at saka tuluyang umalis. Ang weird talaga ng lalaking 'yon. May lahi ba siyang engkanto or whatever creature it is at bigla-bigla na lang siya sumusulpot?

"Hahaha. Mukhang type ka ng pinsan ko Avi. At kung ako sa'yo, makikinig na lang ako sa kanya. Hindi mo ba alam ang kwento ng isang estudyante rito?" tanong ni Dane sa'kin at tsaka luminga-linga sa paligid.

"Sarcastically speaking natural hindi, baguhan lang po kaya ako rito."

"Haha. Oo nga pala. Nakikita mo ba ang babaeng naka-white V-neck shirt na mag-isang kumakain habang nagbabasa ng libro?" turo niya sa isang babaeng medyo may pagka-nerd tingnan subalit kung titingnang mabuti ay maganda ito at balingkinitan ang katawan. Morena ito like the usual color of Filipinos.

"Let me tell you a story. Siya si Jennybie Villar. Isa siyang napakahinhing estudyante. Tahimik lamang ito. Subalit nagulantang na lang ang lahat nang may biglang sumugod na mga police rito para imbestigahan ang mga nangyayaring pamamalakad sa school na 'to. Napag-alaman ng mga admin na siya ang nagsuplong sa mga pulis kaya't mahigpit na ipinagbabawal na tawagan ang sino man sa labas at i-leak ang anumang impormasyon tungkol sa school. And besides, dapat magpasalamat ka kay Dale dahil iniligtas kana naman niya," kwento ni Dane.

"What do you mean iniligtas na naman? Ako iniligtas niya? Kelan pa?" naguguluhang tanong ko.

"Nakaprogram na kasi sa school ang lahat ng cellphones at gadgets natin which is monitored nila lahat ng ikinikilos natin. And if ever may magtangkang tawagan ang mga pulis o sino man ay tutunog ang alarm nila. And you will never like the punishment."

"What is it?"

"You will forever stuck in here. Not unless you prove yourself that you're worthy enough for their trust again."

"So you mean hindi na makakaalis dito si Jennybie?"

"Yes and no. Oo maaaring hindi na siya makalabas pero pinagbabayaran niya na 'yong nagawa niyang kasalanan which is pwedeng maging way para payagan pa rin siyang makalabas."

Napayuko na lang ako matapos ko marinig ang lahat. Buti na lang pala hindi natuloy yung pagtawag ko. But what does she mean na iniligtas na naman ako ni Dale? Sa pagkakaalam ko ngayon niya lang ako iniligtas. Baka naman ang tinutukoy niya ay 'yong lumabas ako nang hatinggabi at kamuntikan na kaming mahuli ng isang watcher. Pero hindi, wala si Dane doon kaya malabong 'yon ang tinutukoy niya.

-

Nasa dorm ako ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin. Sa pagkakaalala ko, wala naman akong paggagamitan ng 15 minutes free call mula sa kanila. Bukod kasi sa ayokong tawagan si Mom at lalong-lalo na si Dad ay wala naman akong maituturing na best friend sa labas. Wala rin naman ako sa mood para magsurf ng net. Kaya nanatili na lang akong walang ginagawa hanggang nahagip ng mata ko ang notebook ni Cass. Binasa ko ang iba sa mga isinulat kung saan paulit-ulit na sinasabi niya namimiss niya na ang mom at dad niya. Nabaling ang atensyon ko sa isang page na may nakasulat na numbers.

20/13/1

Ano kayang ibig sabihin nito? Is it a date? No its 2017 na and it has nothing to do with the numbers. Tiningnan ko yung likod ng papel at may nakita na naman ako kakaiba.

Every alphabet has its corresponding numbers.

Kaagad kong inisip kung ano ang ibig sabihin no'ng numbers na 'yon. Posible kayang tama 'yong nakasulat sa likod? Na hindi iyon basta-basta numbers lang at may nakalaang letra para rito. Para akong kinder na nagbilang ng corresponding numbers ng bawat alphabets. At ito ang nakuha ko.

20-T/13-M/1-A

Posible kayang tama ang hinala ko? Maaaring initials ito ng taong pumatay sa kanya. Posible kayang siya 'yon? Ngunit ano ang motibo niya?

Ibinalik kong muli ang tingin ko sa papel nang may mapansin akong maliit na mga letra sa ibabang parte nito na nagsasabing..

Pls. Protect her.

Ang gulo. Alam kong ito ang pumatay kay Cass pero bakit sinabi niya pa ring protektahan ito? Is she insane?

Lumabas ako ng dorm at dire-diretsong pumunta ng park kung saan madalas kong tumatambay para makapag-unwind. Kailangan kong irelax ang utak ko para makapag-isip ako nang mabuti. Pupuntahan ko sana 'yong punong narra na palagi kong tinatambayan nang makarinig ako ng kaluskos. Heto na naman siya, my creepy weird stalker. Hinayaan ko lang siyang sumunod total alam ko namang wala siyang balak saktan ako. Ngunit nagkamali ako..

Hindi si Dale ang nakita ko kundi si Jennybie na matalim na nakatitig sa'kin. Kinikilabutan ako.

"Ahm.. M-may kailangan ka ba?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Minsan lang ako matakot pero ibang-iba kasi ang aura niya ngayon kumpara sa pagkakakita ko sa kanya kanina. Medyo mapula ang mata nito na halatang galing sa pag-iyak at nanatiling nakatingin sa'kin nang hindi man lang kumukurap. Lalong nadagdagan ang kaba ko nang may kinuha siyang matalim na bagay mula sa kanyang likod. Kutsilyo.

"Jenn please... Don't tell me," Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang batuhin ang kutsilyo sa'kin at mabuti na lang ay nakailag ako. Tumama ito sa puno ng narra na nasa likod ko. Ano bang problema niya? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. Nanatili akong nakatulala sa kanya nang bigla na lamang itong lumuhod sa harap ko habang patuloy na umiiyak. Ang dating matalim na titig nito ay napalitan ng nagsusumamong mga mata.

"P-patawarin mo ko Bliss. H-hindi ko sinasadya," umiiyak na sambit nito habang nakaluhod pa rin sa harap ko.

"Huminahon ka nga Jenn, sabihin mo sa'kin ano bang bumabagabag sa'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ko. Iginiya ko siyang umupo sa tabi ko at sumandal sa puno.

"A-alam ko kung s-sino ang pumatay kay Cass. Nakita ko mismo ang pagpatay Bliss at naiinis ako sa arili ko dahil wala akong nagawa at wala akong magagawa," kwento nito.

"Ssh. Wala kang kasalanan Jenn. At alam ko na rin kung sino ang killer. Ang hindi ko alam ay kung ano ang motibo niya sa pagpatay," sagot ko sa kanya. Probably showing her some comfort to ease the guilt she was feeling right now.

"Pano mo nalaman kung sino ang killer?" tanong nito na ngayon ay halatang kalmado na.

"Naiwan kasi ni Cass ang kanyang notebook sa classroom bago pa man siya matagpuang patay. Kinuha ko 'yon at do'n ako nakakuha ng clues," sagot ko na halatang ikinagulat ni Jenn.

"So ibig sabihin alam mo na ang tungkol sa record book?"

"Record book?" naguguluhang tanong ko.

"Ahh. W-wala. Akala ko kasi 'yong record book ni Cass ang nakuha mo."

"Parang record book nga 'yon kasi nakalathala doon lahat ng ginawa niya, ginagawa niya at gagawin niya."

Tumango naman eto matapos marinig ang pahayag ko. Tila pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. Weird. Tumayo na ito at akmang aalis na nang bigla itong magsalita..

"Hindi ang killer ang kalaban Bliss, kaya mas mabuting manahimik kana lang," makabuluhang wika nito saka tuluyang umalis.

Kung hindi siya ang kalaban, bakit pinatay niya pa rin si Cass? Kaya pala kahit alam na ni Cass kung sino ang gustong pumatay sa kanya ay hindi siya nagsumbong. Hindi siya humingi ng tulong. Posible kayang ibinuwis niya ang buhay niya? Kung oo, para saan? Ano kayang plano nila? May kinalaman kaya rito sina Sab, Dane at Dale? Kung hindi si Tati ang totoong kalaban, sino kaya sa kanila?

I can't stop myself thinking why? What? Who? Hmm..

* * * * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top