Chapter 5
I've been reckless but I'm not a rebel without a cause.
-Angelina Jolie.
* * * * *
Killing, Stalking
( Bliss )
Ngayon na ang alis ng pamilyang Wilson kasama ang bangkay ni Cass at bago pa man sila tuluyang makaalis ay tumakbo ako palapit sa kanila at ibinigay ang sulat na iniwan ni Cass na nakaipit sa kanyang notebook. Alam kong nais ni Cass na ipaabot ko 'yon sa kanyang mga magulang. Kaagad naman nila itong kinuha at binasa sa harap ko. Tahimik na nakamasid lang ako habang binabasa nila 'yong sulat galing sa anak nila.
I can't help myself from crying. I was touched, never ko kasi nakita 'yung mga matang punong-puno ng pagmamahal at pangungulila kay Dad. 'Di tulad ng mga mata ng mga magulang ni Cass na nasa harap ko ngayon. If only I can go back time, I will stop Cassidy from running away from me. If only I know who the killer is, right after before s/he tried to kill Cass, I'll beg him to kill me instead. My life is a mess, so I deserve to die. There's no one who will mourn on my loss anyways.
-
Dear Mom & Dad,
I know I've been such a rebel daughter but please believe me that I am not crazy. Yes, I was blinded by anger 'cause I have found out that my boyfriend Grey is cheating on me. He was cheating on me and guess what? Matagal na pala nila akong niloloko ni Marriane. Marriane is my bestfriend right? Ang sakit-sakit Mom and Dad. Pero kung inaakala ninyo na dahil do'n kaya naisipan kong sunugin 'yong bahay nila ay nagkakamali kayo. I have found out that she's not just my bestfriend. She was my sister. No. She was your real daughter, Dad. Am I right Dad? Kaya pala iba 'yong trato mo sa kanya sa tuwing nasa bahay natin siya. Bakit hindi n'yo sinabi sa'kin? Bakit pinagmukha n'yo kong tanga?! Kinain ako ng galit ko kaya nagrebelde ako. Nagawa ko pa ngang sunugin 'yong bahay nila kasi nalaman kong siya lang ang anak mo dahil ampon lang ako. Inampon n'yo ko ni mommy para 'di masira ang kasal n'yo dahil sa pagkakamali mo Dad. Alam ko na kasi na 'di ka kayang bigyan ng anak ni Mom kaya inampon n'yo ko. Sinunog ko 'yon Dad kasi nalaman kong kayo ang nagpagawa no'n para sa kanya. Napakasama ko po OO. Pero Dad ni minsan 'di mo ko kinampihan. 'Di mo ko pinakinggan. Siguro kasi 'di ninyo naman ako tunay na anak. Pero kahit gano'n Dad nagpapasalamat pa rin ako dahil kayo 'yong nag-ampon sa'kin.
If I am going to choose another set of parents, I will still choose to be your daughter. But, the better one. The one you could be proud of.
Alam kong wala na po ako sa mga oras na mababasa n'yo 'to but I still want to say sorry Mom and Dad. Mahal na mahal ko po kayo. Sana ngayong wala na ko ay maging masaya na kayo. Paalam Dad. Paalam Mom.
Cass.
-
We we're in the same shoes Cass, the only difference is that... Your battle has already ended while I am still stuck, too close to quit but still fighting.
Patuloy na umagos ang mga luha ng mag-asawa habang paulit-ulit na binabanggit ang mga katagang Patawad anak! Batid nilang hindi lang si Cass ng nagkulang at nagkamali bilang isang anak. Maging sila rin ay nagkulang bilang isang magulang. Sinasabi ko na nga ba, may deeper reason kung bakit gano'n 'yong ugali ni Cass. Nalaman ko rin na matagal niya nang piniling magbago subalit mas pinili niyang mag-stay dito at pilit ipinapakita sa lahat na gano'n pa rin siya, walang pagbabago. Nabasa ko kasi sa diary niya na gustong-gusto niya nang umuwi para ayusin ang mga pagkakamali niya pero iniisip niya na baka mahirapan na naman ang mga magulang niya sa pagpapalaki sa kanya sa oras na umuwi siya. Nabigla naman ako nang bigla akong yakapin ng mag-asawa.
"Maraming salamat Iha. Nawa'y maging isang aral sa'yo at sa inyong lahat ang sinapit ng anak ko. Sana magpakabait ka at maging isang mas mabuting anak bago pa man mahuli ang lahat," wika ni Mrs. Wilson bago tuluyang umalis.
Naiwan akong tulala.
Kamusta na kaya si Dad? Si Mommy? Sana nga ay hindi pa huli ang lahat para sa aming pamilya.
Makalipas ang hapunan ay naisipan kong pumunta sa park ng school na nasa bandang likuran malapit sa kagubatan. Pero bago 'yon, kinailangan ko munang iwasan ang mga watchers na nagbabantay sa paligid ng school. Kaagad naman akong nakarating sa park ng walang kahirap-hirap at agad akong umupo sa isang swing. Kung meron lang sana akong cellphone, eh 'di sana naka-earphones ako ngayon at nakikinig ng music. What a life!
Alam ko na ang lahat. Hindi nagpakamatay si Cass at alam kong alam 'yon ni Dane, ng mga watchers at keepers at syempre ng mga taong nasa taas. Matagal nang nararamdaman ni Cass na may taong nais na pumatay sa kanya. Subalit huli na nang malaman niya kung sino ito kaya namatay siya. Nakaramdam naman uli ako ng kaba na para bang may taong matiim na nakamasid sa'kin ngayon. Napapadalas na yata ang ganitong scenario. Ibig sabihin ba nito ay may isang tao ring gustong pumatay sa'kin? Hays..
-
Dale Zyron Allister's POV
Ako nga pala si Dale Zyron Allister pinsan ni Dane. Naunang mapunta dito si pinsan bago ako. Ewan ko ba kung bakit ako napunta rito dahil sa pagkakaalam ko mabait naman ako, sobrang gwapo lang. Haha. Ganito kasi 'yon, gwapo ako kaya maraming babaeng nagkakandarapa sa'kin. At sa sobrang pagiging paasa ko ay inereklamo ako ng isang babaeng labis na nahuhumaling sa'kin. Makapangyarihan ang pamilya nila dahil anak siya ng Mayor ng probinsya namin. Walang nagawa ang mga magulang ko nang ipag-utos ni Mayor na ipatapon ako rito hanggang sa dumating ang araw na tumino ako. Pero binigyan naman nila ako ng pagkakataong magbago bago ako tuluyang mapunta rito pero mas pinili kong ipatapon na lang dito. Ayoko kayang ikasal sa malanding Sandra Jean na 'yon. Ako rin pala ang taong sunod ng sunod kay Collins the newbie. Ewan ko ba, there's something in her that needs to be protected and there's something in me that wants to protect her. Kaya heto ako ngayon, nakamasid sa kanya habang tahimik niyang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Staring at her like she was your princess huh? Hmm.. Something's fishy but always remember that I am watching you," wika ni Sabrina na nasa likod ko na pala. Kakatitig ko kasi kay Bliss ay 'di ko namalayang may katabi na pala ko.
"So--- alam mo na pala Sab," nakangising tanong ko.
"Ako pa ba Dale? I'm Sabrina Pavida, the queen of this academy. I know na ikaw ang sumira ng plano niya, buti na lang at hindi natuloy. Thanks to you Dale, Avi's knight in shinning armor," wika nito sabay patakbong umalis dahil may paparating na watcher. Kaagad ko namang tiningnan si Bliss ngunit wala na siya sa swing. Nagulat ako nang makitang nasa likod ko na pala siya.
"So you are the one following me. Sounds creepy but weird. Are you going to rape me or what?" wika nito na kaagad na ikinatawa ko. 'Di ko namalayang natawag ko pala ang atensyon ng isang watcher kaya mabilis itong pumunta sa direksyon namin. Agad na niyakap ko si Bliss at isinandal sa puno para hindi kami makita ng watcher. Sobrang magkalapit ng mukha namin ngayon at amoy na amoy ko ang bawat paghinga niya. Nanatili akong nakatitig lang sa kanya na para bang naaakit ako sa mga mata niyang wala man lang kaemo-emosyon. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko at para bang hindi na ko makatiis at baka mahalikan ko siya. Mabuti na lang at nawala na 'yong watcher na kanina pa naghahanap sa'min.
"Let's go Miss. Ihahatid na kita sa dorm mo bago pa man tayo malagutan ng hininga rito," wika ko sabay hila sakanya.
"Bakit mo ba ko sinusundan huh? Hindi ka ba marunong ng salitang privacy?" tanong nito habang naglalakad kami papunta sa kanyang dorm.
"Just call it stalking. I'm having a good time stalking you Miss Collins. And 'wag mong isiping gagahasain kita. Hindi ako gano'ng klaseng tao and besides, you're not my type," pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi niya na ako nagawang sagutin pa kasi nagmamadali na siyang pumasok sa kanyang dorm dahil may isang watcher na naman na paparating. Kaagad naman akong tumakbo papunta ng dorm ko.
Hindi ko maiwasang isipin si Bliss. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Marami na kong nakasama at naging girlfriend pero siya lang, siya lang ang nakapagpatibok nito. Fvck! Am I inlove? No. Maybe I was just fascinated by her presence that makes me want to know her more. Pero isa lang alam ko, kailangan ko siyang protektahan lalo na't alam kong nasa kanya ang alas na magpapabagsak ng malaimpyernong pamamalakad sa school na 'to and nobody can fvcking stop me from protecting her.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top