Chapter 31

* * * * *
Here and Now

"Katherine, anong nangyari sa'yo?" sabay-sabay na tanong ng lahat nang makapasok ito na punong-puno ng sugat at duguan.

"K-konti na lang ang oras. P-paparating na sila rito. Marapat lamang na bilisan n'yo ang pakikinig sa tape at pagnilay-nilayan ang bawat pangyayari. B-bliss, remember--- the letter," wika nito habang pilit na inilalapit ang sarili niya kay Bliss. Kaagad namang naalala ng huli ang sulat na ibinigay nito sa kanya matapos niyang pumunta sa hidden quarter noon nila Paolo.

Alam ni Bliss na sariwang-sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang lahat ng mga rebelasyong nakapaloob sa sulat. Mababakas mo rin sa mukha nito ang pag-iisip ng malalim na tila ba isang napakabigat na desisyon at responsibilidad ang gagawin niya.

Isisiwalat niya na ba ang lahat?

Handa niya na bang bitawan lahat ng sikretong tinatago niya?

Matatapos na kaya ang lahat o mas-lalala lang ang sitwasyon?

"I-I know that its hard for you but please, tapusin na natin 'to. Please stop pretending. Iyon ang natatanging huling hiling namin sa'yo Bliss," desperadong wika nito at kaagad nitong ibinaling ang tingin sa direksyon ni Pao sabay sabing, "Y-you've got the wrong suspect Pao, better swap to P-plan B."

Iyon ang mga huling katagang lumabas sa bibig ni Katherine bago ito tuluyang nalagutan ng hininga. Kagad naman itong isinilid ni Pao sa malinis na sahig at nasasapinan ng isang malinis na kumot.

"Kent," tawag nito na tila ba hindi niya kayang magsalita dahil sa mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "Tapusin na natin 'to."

Kaagad namang pinindot ni Kent ang play button nang biglang magsalita si Bliss.

"Hindi na natin kailangang makinig pa sa tape na 'yan. Ika nga ni Kath, kaunti na lang ang oras natin. Siguro panahon na para sabihin ko na lahat ng nalalaman ko," wika nito. Bigla namang natahimik ang lahat tila ba hinihintay nila ang mga susunod na rebelasyong magaganap. Hindi naman maiwasang humanga ni Dale sa tapang na ipinapakita ngayon ni Bliss. Aminado ang lahat na ibang-iba ang awra nito kung ikukumpara kanina. Ang dating takot at punong-puno ng pag-aalala at sikreto ay napalitan ng mga matang punong-puno ng tapang at determinasyon. Determinasyong tapusin na ang lahat ng 'to.

"Bago ako pumasok sa akademyang 'to, alam ko na na may kakaiba rito. Na malaki at hindi lang dahil sa pagtangkang pagpatay ko sa step mom ko ang dahilan kung bakit ako naisipang ipatapon ni Dad dito. Katulad ng sinabi ko kanina, nandito ako bilang isang 'di hamak na sacrificial lamb lamang. Kaya naman hindi ko maiwasang mag-imbestiga. Siguro halos lahat sa inyo na naririto, galit sa'kin dahil sa pagiging pakialamera ko. Pero hindi n'yo ba naisip na baka mas naagapan natin ang lahat ng patayan kung noon pa man, nakipagtulungan na kayo sa'kin? Hindi n'yo ba naisip na baka matagal na 'tong natapos kung sa simula pa lang ay sinabi n'yo na sa'kin ang lahat at ang buong katotohanan?!" punong-puno ng emosyong paglalahad nito. Pero isang ngisi at iling lamang ang natanggap niyang ekspresyon sa mga kasamahan niya.

"Bliss, marahil ay nagkamali kami dahil hindi namin sinabi sa'yo ang lahat. Dahil hindi kami naging totoo sa'yo sa simula pa lang. But believe it or not, we wanted you to know all of these shits. But your father is protecting you. Yes, it may sound absurd but your father is having updates of you from time to time. He's making sure na walang nakakalapit sa'yo. That's why he made Dane as his accomplice," sagot ni Paolo.

"Correction, he appointed me as your protector not as an accomplice," pagkontra naman ni Dane.

"As you say bitch," sabat naman ni Sab.

"Oh come on Sab! We all know na wala akong alam sa lahat ng mga nangyari maliban na lang sa paglilihis kay Bliss sa daan patungo sa katotohanan. You know, I know, we all know na inosente at biktima lang din ako rito."

"Kung gano'n, bakit hinayan mo silang pagbintangan ka at pagkaisahan ka? Bakit hindi ka natutong lumaban? Bakit hindi mo na lang inilabas ang buong katotohanan nang sa gano'n ay naipagtanggol mo naman ang sarili mo? Bakit Dane? Natatakot ka ba o baka naman may iba ka pang mas malalang pinaplano?" tanong ni Bliss na siyang ikinabahala ni Dale.

"Bliss," wika nito pero kaagad naman siyang pinigilan ng kanyang pinsan.

"Stop it Dale. I can handle it myself. As for you Bliss, please don't blame it all to me. Wala man lang bang katiting na tiwala para sa'kin ang nabuo diyan sa puso mo sa halos 8 buwan nating pagsasama?"

"Alam mong gustong-gusto kong bigyan ka ng pagkakataong magpaliwanag Dane. Kaya nga kita tinatanong ngayon at kahit hirap na hirap na kong kimkimin lahat ng nalalaman ko tungkol sa'yo ay hindi pa rin kita kinokompronta. Hindi ko pa rin magawang pag-isipan ka ng masama. Dahil ayoko nang maulit ang nangyari noon kay Cha. Kung saan nagpadala ako sa emosyon ko. Sana lang Dane, hindi mali ang naging desisyon ko--- namin, na piliing bigyan ka ng pagkakataong makapagpaliwanag. Sana lang mali lahat ng mga paratang nila sa'yo, dahil kung hindi--- hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan. Kung matatapos pa ba lahat ng 'to o dito na tayo mamamatay lahat," umiiyak na salaysay ni Bliss na kaagad namang niyakap ni Dane.

"Sssh. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry if I broke your trust. But I assure you, I am not the killer. I am just the mere holder of the record book," wika nito habang niyayakap si Bliss na agad namang lumayo matapos marinig ang pag-amin niya.

"You're the holder of the record book?!"

"I'm sorry Bliss, I'm sorry," 'yan na lamang ang natatanging salita na lumabas sa bibig nito habang nakaluhod sa harapan ng mga kaklase at kaschool mate niya.

Wala na siyang nagawa nang kuyugin siya ng mga tropa ni Sab maging ni Sabrina. Pinagsasampal siya nito, pinagtatadyakan at pinagmumura.

"All this time Dane, hinahanap namin ang ugat ng lahat ng patayang nagaganap pero nasa'yo lang pala?! Paano mo nasikmurang may mamatay habang nasa'yo naman pala ang hinahanap nila? Kung sana isinauli mo na 'yan sa kanila 'eh 'di sana tapos na lahat ng 'to. Kundiman, 'eh 'di sana hindi na nasundan pa ang pagkamatay ni Cass. Sana buhay pa rin sina Bea, Tati at Cha," wika ni Bliss nang mahimasmasan ito sa nalaman niya.

"Tama na 'yan guys, hindi si Dane ang may kasalanan. Dapat pa nga tayong magpasalamat sa kanya," sabat ni Kent na ikinagulat ng nakararami.

"Yes, we should be grateful. If it wasn't because of Dane, we are all dead by now especially those who signed the gag order," pagpapahiwatig naman ni Paolo.

"W-what do you mean by gag order?"

"Oh. Haven't Katherine mentioned it on her letter?"

"Hindi. Nakapaloob lang sa sulat kung bakit ako naririto. Kung ano ang kinalaman ng ama ko at kung bakit inilalayo ninyo sa'kin ang katotohanan. Ni hindi nga nakasaad sa sulat kung sino ang talagang may hawak ng record book at the same time kung sino ang tunay na mamamatay tao."

"That's because, we're not yet sure kung sino ba talaga. Even Cass, Bea, Cha and Tati, may mga alam sila pero kulang. Hindi sapat para mapanagot ang tunay na may sala at pakana ng lahat ng 'to. Kaya nga hindi muna namin sinabi sa'yo ang lahat Bliss. Hindi dahil sa pinoproktehan namin ang mga sarili namin o kaya naman sa takot na baka hindi na kami makalabas dito. Iyon ay dahil sa takot at pangamba na baka mas lumala ang lahat at madamay pa ang ibang estudyante. But one thing is for sure now--- ang pinsan ko, si Dane ay umamin na na siya ang may hawak na matagal na nating pinaghahanap na record book and that is one step closer to the truth," wika ni Dale.

"Tama si Dale, Bliss. Hindi man maitatago sa naging asta ko dala ng sobrang galit ko sa kanya dahil sa pag-aakala kong pagpoprotekta at pagkukunsinte niya sa kanyang pinsan na inakala naming siyang may pakana ng lahat ay naniniwala pa rin akong--- tulad natin, hindi rin nila ginusto ang mga nangyayari. Kung hindi pa kami sinabihan ni Kath kanina na nagkamali kami ng hula ay hindi pa kami matatauhan. Sana lang din Bliss, matuto ka na ring magpakatotoo," pagmamakaawa ni Laxus na ngayon ay nakaluhod na kay Bliss.

"Laxus! Tumayo ka nga diyan! Hindi deserve ng babaeng 'yan ang luhuran sa mismong harapan niya. Hindi deserve ng isang anak ng mamamatay tao ang pagmakaawaan!" galit na galit na wika ni Sab habang pilit na itinatayo si Laxus sa pagkakaluhod nito.

"Tama ka. Anak nga ako ng isang mamamatay tao pero sa tingin mo ba ginusto ko 'to?! Oo, alam ko na wala kayong kinalaman sa lahat ng nangyayaring ito dahil lahat ng patayang naganap ay lahat pawang pakana ng ama ko. Aaminin ko, ilang beses akong nagbreakdown dahil kahit anong pilit kong baguhin ang lahat ng sagot, pare-pareho pa rin ang kinahihinatnan nito. Siguro panahon na nga para magpakatotoo na ko. Siguro sapat na 'yong mga panahong nagpanggap ako na isa rin akong biktima rito. Patawad, patawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ng ama ko," humahagulgol na rebelasyon nito.

"Hindi totoo 'yan Bliss," kaagad na sabat ni Dane na nananahimik lang sa isang sulok na tila ba malalim ang iniisip habang matiim na nakikinig sa kanila. "Hindi totoong si Director Collins lang ang may kasalanan ng lahat ng 'to."

"No. It is all my father's fault at kung buhay ko ang kapalit para matapos na lahat ng 'to, I am willing to sacrifice myself," wika nito sabay kuha ng kutsilyong ginamit noon ni Dane sa pagpatay kay Bea at itinutok sa kanyang leeg.

"Stop it Bliss! It's not your fault. It's nobody's fault," awat ni Dale kay Bliss sabay agaw ng kutsilyo sa mga kamay nito.

Someone's POV

"Hindi ka ba naaawa sa kanila? Nagaaway-away sila sa maling dahilan! Ganyan ba ang gusto mong mangyari?" ani ng isang babae sa kanyang kasama na kapwa kanina pa nakamasid sa kanila.

"Huwag ka na lang makialam Jenn," sagot nito. "Ito naman talaga ang plano nating lahat 'di ba?"

"Hindi. Mali ang lahat ng 'to. Alam naman nating lahat na walang kasalanan si Bliss at lalong-lalo na ang kanyang ama."

"Heh. Maaring hindi sila ang tunay na ugat ng lahat ng 'to pero ang sabihing wala silang kasalanan ay isang katatawanan!"

"Hindi totoo 'yan. Bali-baliktarin man natin ang lahat. Manipulahin man natin lahat ng katotohanan. Itago man natin ang lahat sa pamamagitan ng isa na namang kasinungalingan ay hindi pa rin natin maikakaila na hindi sila ang kalaban. Hindi sila. Dapat pa nga tayong magpasalamat dahil---"

"JUST SHUT YOUR FUCKING MOUTH JENNYBIE! Hayaan na lang natin sila. Kailangang may magbayad sa lahat ng 'to kahit pa buhay ni Bliss ang maging kapalit o kaya naman ang pagpapatalsik sa kanyang ama."

Isang hikbi na lamang ang naisagot ni Jennybie dahil tila ba lahat ng mga kasamahan niya ay desididong ituloy ang plano. Ang matagal na nilang pinaplano.

* * * * *

A/N: Woah! Malapit na rin tayo sa wakas. Ang hirap ng update na 'to ah! Hindi ko alam kung paano ko lulusutan haha. Ganunpaman, sana nagustuhan n'yo. :)

Ps. Asahan ang susunod na update sa New Years Eve!

Any hint?

Enjoy reading!
MERRY CHRISTMAS!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top