Chapter 30

* * * * *
The Sacrificial Lamb

( Third Person's POV )

Habang abala ang iilan sa pagpaplano kung paano malulusutan ang mga admins ay abala rin sa pag-iisip si Dane kung paano niya maiipapaliwanag ang sarili niya sa kabila ng lahat na nangyari. Matiim naman siyang pinagmamasdan ng kanyang pinsan na tila ba nagtataka ito kung bakit nito nakuhang gawin ang lahat, 'yon ay kung totoo man ang lahat ng ibinabato nilang spekulasyon dito. Sa kabilang banda, nagising si Bliss na nagtatanong kung bakit nasa basement sila ng abandonadong library.

"Bliss, gising ka na pala," nakangiti pero walang bakas nang sinseridad na wika ni Laxus.

"Nasa'n ako? Bakit tayo nandito?"

"We're here to finally end this sh*t," wika ni Pao habang siniset up ang cassette player.

"W-what do you mean?"

"Do we really need to elaborate things to you Bliss Avril Collins?" ani ni Sab.

"Sabrina, stop it," maawtoridad na wika ni Dale na agad namang inirapan ni Sab.

"Let's not be enemies this time okay? We need to hear what Katherine want us to hear," ani ni Paolo na hindi pa rin matapos-tapos ang pag-aayos ng cassette player.

"By the way, what do you think will happen to Katherine, Pao?"

"She'll be fine Sab. Besides, she's Katherine Sabenorio."

"Dane," biglaang wika ni Dale na mas mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ang kanyang pinsan.

"Are you okay?" pagpapatuloy nito.

"Okay lang ako," sagot nito habang inaayos ang sarili niya.

"Dapat lang, bitch!" sabat ni Sab. "Dahil kailangan mo pang pagbayaran ang mga ginawa mo."

"Pwede ba Sab!" awat ni Dale sa kanila. Ayaw na ayaw niya kasing nakikitang nadedehado ang pinsan niya.

"Kaya namimihasa 'yang pinsan mo eh. Kaya siya naging demonyo. Siguro alam mo rin na siya lang naman ang---"

"SABRINA! Can you please shut your mouth first?" awat ni Pao na ngayon ay tapos na sa kanyang ginagawa.

"Let's stop the argument and just listen," wika nito at saka pinindot ang play button.

"Dane,"

Kinilabutan ang lahat ng marinig ang boses ng nagsasalita.

"Cass? Is that her? Anong ginawa mo sa kanya?!" tanong ni Sab na ngayon ay nakalapit na pala kay Dane. "Sumagot ka! Anong ginawa mo sa kanya?!" pagpapatuloy nito na kaagad niyang inambangan ng sampal.

"Sab," awat ni Pao na ngayon ay nakalapit na sa kanila. Kaagad niyang dinala si Sabrina sa tabi niya at masuyong nakinig sa mga susunod na mangyayari.

"Dane, a-anong gagawin mo sa'kin? B-bakit may dala kang baril?"

"Huwag kang mag-alala Cass, wala naman akong gagawin sa'yo eh."

"W-wala? P-pero bakit may dala kang b-baril?"

"Sinasabi ko na nga ba, ikaw nga ang pumatay kay Cass. Napakawalang puso mo talaga Dangelle!" wika ni Sab na may kasamang magkasunod na sampal.

Mamula-mula man ang pisngi ay nakuha pa ring ngumisi ni Dane na siyang ikinabahala ng pinsan niya.

"Dane, p-please, please let me tell Bliss everything she needed to know."

"No! You know you can't do that. Alam nating pareho ang magiging kahihinatnan nito."

"Itigil na natin 'to. Alam na naman natin ang nangyari 'di ba? Na pinatay ng babaeng ito si Cass!" wika ni Sab sabay turo kay Dane na ngayon ay hindi maintindihan ang reaksyon. Mababakas mo kasi rito ang saya sa kabila ng panggigipit sa kanya ng mga kasamahan niya.

Nagbabadya na sana si Sab na pahintuin ang cassette player nang bigla siyang pigilan ni Kent.

"Kailangan nating tapusin ang pakikinig sa tape. Alam mo namang mahigpit tayong pinaalalahanan ni Kath na ipagpatuloy ang pakikinig anuman ang mangyari 'di ba?" wika nito habang pilit na inilalayo si Sab sa cassette player na ngayon ay pansamantalang nakahinto.

Wala namang nagawa ang huli kundi ang makinig ngunit mababakas mo sa mukha nito ang takot at pangamba. Samantalang hindi naman mapakali si Pao sa kanyang kinatatayuan.

"I know and I feel that Katherine has something up her sleeves," wika nito sabay pindot ng play button.

"We are all forbidden to tell Bliss everything. You know the consequences Cass. Kaya kung ako sa'yo sumama ka nang bumalik sa'kin sa classroom dahil baka hinihintay na tayo ni Ma'am Valix."

"Mauna ka na muna Dane, pangako susunod ako."

"Nasa'n ang sinasabi n'yong ebidensya na magpapatunay na si Dane nga ang pumatay kay Cass? Bakit parang hindi yata nagmamatch ang mga paratang n'yo sa kanya sa nilalaman ng tape?" wika ni Dale na ngayon ay nagbubunyi dahil mukhang inosente nga ang pinsan niya.

"Huwag ka munang magdiwang Dale, hindi pa natin napapakinggan ang buong nilalaman ng tape," ani ni Laxus ngunit mababakas mo sa mukha niya ang pagsang-ayon sa mga sinabi nito.

Bigla namang napatingin si Bliss sa kinaroroonan ni Dane na bigla na lamang napatawa ng mahina at saka ibinulong ang mga katagang---

"Malapit na rin sa wakas. Magtatapos na rin ang lahat."

"Paanong nagkaroon ng ganitong tape?" tanong ni Bliss na hindi pa rin makapaniwala na nag-eexist ang ganitong klaseng ebidensya kung saan nakarecord ang lahat ng mga nangyayari.

"Katherine told us that Cha recorded it all along. However, kulang ang mga ebidensyang nakalap niya para matukoy kung sino talaga ang tunay na salarin kaya naman nagsimulang tumulong ng patago si Kath at dahil sa pursigidong makaalis dito si Jennybie ay nakuha niya itong makumbinsi na tulungan siya," pagpapaliwanag ni Laxus.

"Jenn and Kath managed to escape classes alternately just to stalk the real killer. And that killer--- is here," seryoso at nakakatakot na wika ni Pao.

"Talaga namang nandito ang killer Pao! Mababakas mo pa nga sa mukha niya ang saya 'di ba?" wika ng isa sa mga tropa ni Sab and probably she's talking about Dane.

"Innocent until proven guilty alam mo ba 'yong kasabihang 'yon?" biglang sabat ni Dale. Kung may award lang sana ang pagiging isang ulirang pinsan, paniguradong nangunguna na siya sa listahan.

"Pwede ba, makinig na lang muna tayo?" suhestyon ni Kent na tila ba atat na atat nang panagutin kung sino man ang totoong pumatay sa mag-ina niya kaya naman mabilis pa sa alas kwatro na pinindot niya ang play button.

"Anong ginagawa ni Sab dito?"

"Teka, boses 'yon ni Jennybie huh? Ibig sabihin hindi lang si Cha ang may kuha ng mga nilalaman nitong tape?"

"You're right Bliss," pagsang-ayon ni Paolo. "I guess, this is one of Katherine's aces to prove that my hint is wrong."

"Anong hint ang sinasabi mo, Pao?" naguguluhang tanong ni Kent.

"I'm not sure of this yet Kent but I think we've got the wrong suspect."

Kaagad namang natulala at napanganga ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Pao na posibleng hindi si Dane ang hinahanap nilang killer.

"Kung gano'n naman pala ang iniisip n'yo, maari bang pakawalan n'yo na kami rito? Kanina pa kami nilalamok at nagugutom," naiinis na wika ni Dale.

"No Dale, let them be. What supposed to happen will happen," nakangising wika ni Dane.

"May alam ka ba sa totoong killer Dane huh? Kung meron man, bakit hindi mo na lang sabihin nang matapos na lahat ng 'to," suhestyon ni Bliss.

"I may know who the real killer is but I don't have enough evidence to prove it. Kaya kailangan nating tapusin ang pakikinig sa tape," sagot nito kaya walang nagawa ang lahat kundi ang patuloy na makinig.

"Sab!"

"Naibigay mo na ba Cass?"

"H-hindi p-pa. H-hindi kasi ako makalapit sa kanya kasi pinoprotektahan siya nina Dale at Dane."

"Kung gano'n, wala na palang silbi kung mabubuhay ka pa."

"S-sab p-pleaseee---"

Wala ng iba pang narinig na ingay mula sa tape kundi ang mga impit st ungol ni Cass na unti-unti nang nawawalan ng hininga.

"Hindi totoo 'yan. Wala akong ginawa kay Cass, hindi ako ang pumatay sa kanya. Walang ibig sabihin 'yong mga sinabi kong iyon sa kanya. I just said that to scare her. Sinabi ko 'yon para matakot siya at gawin niya lahat ng inuutos ko."

"Ang defensive mo naman masyado Sab, wala naman kaming sinabing ikaw ang pumatay 'di ba?" wika ni Bliss na tila nagugulumihanan pa rin. Malaking parte pa rin kasi ng isip niya ang nagsasabing inosente ang isa sa mga itinuring niyang kaibigan na si Dane.

"Tumigil ka nga Bliss! Oo wala pa nga kayong sinasabi na pinagbibintangan n'yo ko pero halatang-halata sa mga tingin n'yo na pinag-iisipan n'yo ko ng masama."

"Bakit may dapat ka bang ikatakot Sabrina? Ngayon, sabihin mo saki'n--- anong pakiramdam ng iniipit? Ng pinagkakaisahan? Ng pinagbibintangan? 'Di ba masakit? 'Di ba nakakainsulto ng pagkatao?" wika ni Dane na ngayon ay hindi na maipinta ang reaksyon sa mga nangyayari. Pakiwari niya'y umaayon ang lahat sa kung anuman ang pinaplano niya.

"Maniwala kayo, wala talagang ibig sabihin 'yon. Hindi si Sab ang pumatay kay Cass. Sinabi niya lang 'yon kasi gusto niyang takutin ito nang sa gano'n ay sumunod ito sa inuutos niya. Gusto kasi naming malaman na ni Bliss na ang ama niya, ang direktor ng Immure Academy ang may pakana ng lahat ng ito," mariing wika ng isa sa mga tropa ni Sab.

"Hindi totoo 'yan!" kaagad namang sagot ni Bliss.

"Pwede ba magsitigil muna tayo. Mamaya na tayo mag-aminan kapag natapos na nating pakinggan ang nilalaman ng tape," suhestyon ni Kent na halata namang nagpipigil lang ng galit na kanyang nararamdaman. Kung sino man sa kanilang lahat ang atat na atat na malaman ang katotohanan ay walang iba kundi siya dahil hindi natin maikakaila na nawalan siya ng kasintahan at anak sa parehong pagkakataon.

"Katherine? Anong ibig sabihin nito? Anong nangyari kay Cass?"

"Hindi namin alam ang buong nangyari Dane pero wala na si Cass."

"P-paanong nangyari 'yon? Hindi pa nangangalahating oras magmula ng iwan ko siya rito tapos sasabihin n'yo sa'king wala na siya?"

"Paano na? Anong gagawin natin sa kanya?"

"W-wala. Wala tayong gagawin Jenn kundi ang palabasin na nagpakamatay siya. Hindi maaaring malaman ng mga admins na pinatay siya. Magkakagulo ang lahat. Madadamay ang hindi dapat madamay."

"Alam ko na ang lahat," biglaang wika ni Bliss na ngayon ay inihahanda ang sarili niyang ipaliwanag ang lahat ng mga hinala niya.

"Ipinalabas n'yong nagpakamatay si Cass para hindi lumala ang lahat. Dahil kapag nalaman ng mga admins ang ginawa niyang pagtangkang ipaalam sa'kin ang lahat ay maaaring maging impyerno ang buhay ng mga estudyante rito."

"Bakit? No'ng wala ka ba, hindi pa ba maihahalintulad sa impyerno ang buhay namin dito? Nagpapatawa ka ba?"

"Pwede ba Sab, hayaan muna nating makapagpaliwanag si Bliss," sabat ni Dale. Mababakas mo sa mukha nito na ayaw niyang nakikitang naiipit si Bliss. Ang taong labas na sana sa mga kasalanan ng kanyang ama.

"Maaaring hindi ganito kagulo ang buhay n'yo noon. Pero alam ko na ang totoo. Kaya palaging nag-aaway noon sina Mom and Dad, 'yon ay dahil hindi gusto ng ina ko ang trabaho ng ama ko. Kaya nauwi sila sa hiwalayan. At noong---"

"Bliss, tama na. Hindi mo kailangang sabihin ang mga bagay na hindi mo pa kayang ilabas," wika ni Dale na ngayon ay nakalapit na sa kanya. Kaagad niya itong niyakap pero mabilis na umiwas ang huli.

"No Dale, kailangan kong lumaban. Kailangan kong ilabas lahat ng nalalaman ko. Kailangan na nating tapusin 'to," pagpapatuloy nito habang pinupunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga pisngi.

"Noong naisip ni Dad na dalhin ako rito dahil pinagtangkaan kong patayin ang madrasta ko, hindi 'yon nagkataon. Sinadya ng stepmom ko na galitin ako ng sobra dahilan para mapagbuhatan ko siya ng kamay at para magkaroon sila ng rason na ipatapon ako rito. Dahil sa kaliwa't kanang kaguluhan dito, korupsyon, walang katapusang bullying, at hindi makontrol na pag-uugali ng mga estudyante ay napunta lahat ng sisi sa ama ko. Nadagdagan pa ito nang mawala si Paolo. Kaya bilang pampalubag loob sa mga magulang ng mga estudyante rito ay naisipan nilang ipatapon din ako rito. Dahil gusto rin ninyong maranasan ko ang mga nararanasan ninyong pangulila at pasakit sa loob ng paaralang ito. Tama ba?"

"Hindi totoo 'yan Bliss," wika ni Dane.

"Huwag na tayong maglokohan pa rito Dane. Kayo ang nagsuggest na ipasok ako rito para maging fair ang lahat 'di ba?"

"Tama ka Bliss," sagot ni Dale. "Pero maniwala ka, nagbago lahat ng iyon nang makilala ka namin. Kaya nga naisipan naming lumapit sa ama mo at sabihing gusto ka naming protektahan lalo pa nang malaman namin ang mga binabalak ni Sab."

"Hahaha! Protektahan? Para ano, para makaalis kayo rito? Malinaw na sa'kin ang lahat ngayon Dale at Dane. Kapalit ng pagpoprotekta n'yo sa'kin ay ang paglaya n'yo rito."

"Hindi totoo 'yan Bliss. Siguro no'ng una oo, pero nang makilala ka namin at maisip naming labas ka na rito ay naging totoo na at taos puso na ang ginagawa naming pagpoprotekta sa'yo," pagpapaliwanag ni Dane.

"Tama na nga 'yang drama n'yo. Masyado nang naaalintana ang paglutas natin sa katotohanan," ani ni Kent.

"We're really sorry Bliss sa pagiging selfish namin. I know that you're kind at labas ka na sa kasalanan ng ama mo pero hindi natin maikakaila na--- you're nothing but a sacrificial lamb to your father," wika ni Laxus kaya naman kaagad siyang inambangan ng suntok ni Dale.

"Enough! Pwede bang kumalma muna kayong lahat?" wika ni Dane.

"Katherine?" biglaang wika ni Pao nang makita ang duguang katawan ni Katherine sa paanan ng pinto ng abandonadong building na kinaroroonan nila.

Pansamantala munang natigil ang diskusyon ng lahat at nagkaisang tulungan ang duguang katawan ni Katherine.

"Sino naman kaya ang may kagagawan nito sa kanya?" tanong ni Kent.

"Ang mabuti pa, halughugin natin ang paligid dahil posibleng hindi pa 'yon nakakalayo rito," suhestyon ni Dale na kaagad namang sinang-ayunan ng lahat.

Ano pa kaya mangyayari?
Sino kaya ang tunay na salarin?

* * * * *

A/N: Mukhang mapapahaba pa ang storyang ito. Naisip ko kasi na hindi ko siya kayang tapusin sa Chapter na ito kaya expect 3 more chapters to go.

Sorry if I keep you waiting. Pls do comment, it'll be highly appreciated.

Ps. Kung may mga wattpaders kayong kilala na mahilig sa mystery stories, can you pls recommend this one as well as my other stories? I swear, it'll really make me happy.

Pps. You can add me on my facebook account Cha Czarlene Collins or you can follow me on Twitter, ChCzrLn ❤ (I'll follow you back:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top