Chapter 3
* * * * *
Wrong Accusation, Justice Denied
( Bliss )
Mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria nang may biglang umakbay sa'kin. Nagtatakang nilingon ko siya at tinangka ko ring alisin ang pagkakaabay niya. Subalit nabigo ako dahil masyado siyang malakas. Wala akong nagawa kundi irapan siya na ginantihan niya naman ng kindat.
"Psh," pagtataray ko. "Can you please get your filthy hands out of me?"
He just shrugged.
"What are you doing here Dale? At sinong nagbigay sa'yo ng permiso na akbayan ang kaibigan ko?" wika ni Dane na bigla na lang sumulpot. Hmm. Magkaano-ano kaya sila?
"Easy couz! I'm just being friendly. Buti nga sinamahan ko pa siya maglakad. Kawawa naman eh, loner."
"FYI, HINDI. PO. AKO. LONER."
"Umalis ka na nga Dale, you're messing with the newbies AGAIN!" sigaw ni Dane kay Dale. Wala namang nagawa si Dale kundi umalis at tumakbo papunta sa mga tropa niya.
"Pasensiya ka na sa pinsan ko. Ganyan talaga 'yon, masyadong papansin lalo na sa mga baguhan. Tara na nga! Ang daya mo kasi, 'di mo ko hinintay!" pagmamaktol ni Dane sabay hila sa'kin.
"Err. Kasi... Ayokong gambalain ka. Ibang-iba kaya ang aura mo kanina," Sa totoo lang natatakot kasi ako sakanya. Ibang-iba kasi siya kanina.
"Tss. Nevermind. Sa susunod 'wag na 'wag mo na kong iiwan huh?"
"What do you mean? 'Wag iiwan?"
"Ah basta! Anuman ang maging mood ko, 'wag na 'wag mo kong iiwan. Okay?"
"Err. Okay."
Hindi ko maintindihan si Dane. Parang kanina lang ay halos pumatay siya ng tao tapos ngayon parang childish naman. Pero infairness, ang gwapo ng pinsan niya. Papansin nga lang.
Mabilis naming inubos ang pagkain at saka dumiretso sa dorm para matulog.
"It's my first day here and marami nang nangyari. I wonder ano pa kayang susunod?" bulong ko sa sarili ko.
-
Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok sa klase. Ayoko nang malate. Pagdating ko sa classroom halos wala pang katao-tao. Actually kami lang palang dalawa ni Cass, iyong babaeng nakasagutan ko kahapon. Naabutan ko siyang umiiyak kaya walang pasubali ko siyang nilapitan.
"Uhm... Cass, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko. Ngunit hindi niya pa rin ako kinikibo kaya nagpatuloy ako sa pangungulit sa kanya.
"Pwede ba! Huwag ka nang magtanong! Don't act like you care for me! Besides, wala ka namang alam! At pwede ba iwasan mo 'yang pagiging pakialamera mo Avril, hindi nakakatuwa. 'Wag kang umasta na parang alam mo ang lahat! Baka nakakalimutan mo na baguhan ka lang dito," humahagulhol na sagot nito saka ako itinulak palayo sa kanya na siyang ikinatumba ko.
Ako na nga 'tong nagpresintang kausapin siya tungkol sa problema niya, ako pa 'yong mali. Tinatanong ko lang naman kung bakit siya umiiyak, ang dami niya ng sinabi. Tsk.
"Oo Cass wala akong alam tungkol sa buhay mo but I want to help. Just tell me and I will listen," wika ko sabay upo sa tabi niya.
"No Bliss, hindi mo ko maiintindihan. Madadamay ka lang. Tama siya, madadamay ka lang," kalmadong sagot nito saka patakbong umalis palabas ng classroom. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Ano kaya ang ibig sabihin niya na madadamay ako? Bakit nasabi niyang hindi ko siya maiintindihan? At sinong SIYA ang tinutukoy niya?"
Nagsimula na ang klase at hindi pa rin bumabalik si Cass. "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko.
"Hoy! Anong iniisip mo? At saka sinong hinahanap mo? Kanina ka pa nakatulala diyan buti na lang hindi ka napapansin ng prof natin kasi kung oo naku, ewan ko na lang!"
"Ewan ko ba Dane hindi ako mapakali eh. Hindi mawala sa isip ko si Cass. No'ng kausap ko kasi siya kanina, bigla na lang siyang tumakbo palabas."
"Psh. Hayaan mo na 'yon. Si Cassidy the rebel 'yon eh, ano pa bang aasahan mo? Na tatanggapin niya ang tulong mo? 'Wag mo nang masyadong isipin 'yon, babalik din 'yon," wika ni Dane.
No. Iba ang kutob ko. Paniguradong may malaking problema si Cass at kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ko kasi ugaling manahimik na lang habang alam kong may problema ang mga taong nasa paligid ko. Agad akong nagpaalam kay Prof para sandaling hanapin si Cass subalit nabigo ako. Nalibot ko na lahat ng pwedeng puntahan ni Cass pero wala siya kung kaya't napagdesisyunan ko na lang na bumalik ng classroom.
After an hour of discussion, class dismissed na ngunit wala pa rin si Cass. Aalis na sana ako nang may makita akong isang maliit na notebook sa upuan ni Cass. Agad na kinuha ko 'yon at inilagay sa bag ko. "Nasaan na kaya siya? Baka ano nang nangyari sakanya? Sana nasa mabuting kalagayan siya. Sana mali ang kutob ko," bulong ko sa sarili ko.
Mag-isa akong naglalakad pabalik ng dorm nang madaanan ko ang mga estudyanteng nagtitipon-tipon sa isang puno. Nilapitan ko ito at laking gulat ko nang makita ko si Cass na nakabitay at wala ng buhay. Nakalawit ang dila nito at nakamulat pa ang mata na halatang takot na takot. Mabilis akong nanghina ng mapagtanto ko na ang taong kausap ko lang kanina ay patay na ngayon.
"Nagulat ka ba? Anong feeling na makita ang taong kaaway mo na wala ng buhay? I'm sure, isa ka sa mga pagbibintangang salarin dito," wika ni Sab na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
"Shut up Sab! Hindi kaaway ang turing ko kay Cass. AT HIGIT SA LAHAT, WALA AKONG KINALAMAN DITO AT KAHIT KAILAN HINDING-HINDI KO MAGAGAWANG PUMATAY NG KAPWA!" pasigaw na sagot ko kay Sab na siyang ikinalingon ng mga estudyante rito. Well, I admit--- I tried, once. Narinig ko ang impit na chismisan nila. Nahagip naman ng mata ko si Dale na nakatingin din pala sa'kin. Parang isa rin siya sa nagsasabing may kasalanan nga ako rito.
Imposible! Bakit naman ako ang pagbibintangan nila? Besides, hindi naman kami talagang nag-away ni Cass. She just opposed my belief, in short, kinontra niya lang ako. At saka pangalawang araw ko pa lang dito, maaakusahan na kaagad akong mamamatay tao? What the hell!
-
Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga watchers at keepers sa lugar na kinatatayuan namin ngayon. Kaagad nilang sinuri ang krimen at naghanap ng ebidensyang pwedeng magamit para malaman kung sino ang salarin. Mabilis silang tumingin sa gawi kung saan ako nakatayo.
"Ms. Collins, pwede ka ba naming maimbitahan na sumama sa aming headquarter para sa ilang mga katanungan?" wika ni Ma'am Luna, ang watcher na naatasang kumuha ng gamit ko noong isang araw.
"O-opo," kinakabahang sagot ko. Bakit pa kasi ako ang unang nakakita sa kanya? No, scratch that. Hindi ako ang unang nakakita kay Cass, marami kami. Bakit ako lang ang kakausapin?At saka-- posible kayang may kinalaman dito si Sab?
Pagdating ko sa kanilang headquarter ay agad nila akong pinaulanan ng mga tanong.
"Ms. Collins maaari mo bang ipaliwanag ang ibig sabihin ng video na 'to?" wika ng isa sa mga keepers saka iniabot sa'kin ang isang cellphone na may laman ng video kung saan ipinapakita ang pagtatalo namin ni Cass kaninang umaga.
"Hindi ko po alam kung bakit at sino ang may pakana ng pagkamatay ni Cass at kung bakit ito naiuugnay sa pagtatalo namin kanina. Kinausap ko lamang po si Cass na kung maaari ay sabihin niya sa'kin ang problema niya so that I could help her but instead of listening to me, she just yelled at me and she runaway after that."
"Kung ganoon Ms. Collins, bakit nawala ka nang matagal kanina habang nasa Accounting class ka? Ang sabi sa amin ng Prof mo ay nagpaalam ka lamang na pupunta ng cr subalit mahigit kalahating oras kang nawala," wika ulit ng isang keeper.
"Hindi ko po alam kung paniniwalaan n'yo ko but believe me or not, umalis po ako para hanapin si Cass. Natatakot po kasi ako na baka may kung ano na ang nangyari sakanya. Pero nabigo po ako. I didn't see her, so I decided to go back."
"Okay Ms. Collins, maraming salamat sa iyong pagpapaunlak na makausap ka namin ukol sa kasong ito. Ipapatawag kana lang namin sa susunod pang pagdinig para sa kaso ni Ms. Cassidy."
"Maraming salamat po pero isa lang po ang masisiguro ko, wala po akong kinalaman sa pagkamatay ni Cass at nasisiguro ko pong may mga taong nasa likod ng krimen na 'to," wika ko bago tuluyang umalis. Malakas ang kutob ko na pinalabas lamang ng mga salarin na nagpakamatay si Cass nang sa ganoon ay matakpan ang karumaldumal na ginawa nila.
Bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pang pinagtatalunan nila kung talaga bang may kinalaman ako sa kasong 'to o wala. Kaya naman naisipan kong mag-eardrop sa kanila.
"Mawalang-galang na po Ma'am Luna pero base sa records ni Ms. Collins, she has the capability of killing."
Was that keeper talking about me planning to kill my stepmom before?
"But that's not an enough basis para masabi nating may kinalaman nga siya rito. And if you say so, then what would be her motive?" tanong naman ni Ma'am Luna pabalik sa kanya.
Tama, what would be my motive? Tss. Irrational.
"Maybe, she's a psycho?"
"Watch your mouth Mr. Ejercito," maawtoridad na wika ni Ma'am Luna kaya naman wala silang nagawa kundi ipagpatuloy ang mga ginagawa nila.
So they're thinking I'm a psycho, huh? Weird.
Dire-diretso akong umuwi ng dorm dahil baka maabutan pa nila ko sa daan. Sa dikalayuan ay natanaw ko si Dale na nakasandal sa railings habang nakapamulsa. Nakatingin pa rin ito sa'kin na parang sinusuri ako. Hinayaan ko na lang siya. If he thinks I'm the killer then so be it.
Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Sa susunod kasi mag-iingat ka at 'wag kang makikialam sa buhay ng bawat tao rito. Hindi mo alam kung sino ang kalaban. Hindi mo alam kung sino ang totoo o nagpapanggap lamang," wika nito bago tuluyang umalis.
Nanatili akong nakamasid sa kanyang likod habang patuloy siyang naglalakad palayo. Bumalik lamang ako sa wisyo nang bigla akong nakarinig ng sipol galing sa isa sa mga watchers at sinabihan akong pumasok na sa dorm dahil gabi na.
Weird. Parepareho sila ng sinasabi sa'kin. Huwag akong makikialam. Bakit nga ba hindi? Tsk.
Agad akong sumampa sa aking kama at nakipagtitigan sa puting kisame kagaya ng lagi kong ginagawa.
"Sino kaya ang may pakana nito? Ano kaya ang dahilan ng lahat ng ito? Bakit ba ko nasasangkot dito? Bakit namatay si Cass?"
Alam kong hindi nagpakamatay si Cass. Alam kong may mga taong nasa likod nito at 'yon ang aalamin ko.
Pinilit kong matulog ngunit mukhang inaatake na naman ako ng insomnia. No amount of sleep in the world could cure the tiredness I feel today. Maliban kasi sa pagod ng katawan, pagod na pagod na rin ang utak ko sa kakaisip ng mga nangyayari sa paligid ko.
Maya-maya pa biglang pumasok sa'king isip ang notebook ni Cass na naiwan niya kanina sa desk niya. Kaagad ko itong kinuha at tiningnan. Biglang nahulog dito ang isang sticky note na may sulat na...
"Bliss. Help me."
-
( Someone )
Nanatili akong nakamasid kay Avril habang mahimbing itong natutulog. Bakit ba kasi napakapakialamera ng babaeng 'to? Kabago-bago niya tapos nasangkot na kaagad siya sa isang kaso. Kung hinahayaan niya na lang sana ang lahat, 'di na sana siya nasasangkot sa gulong 'to. Ngayon, alam kong mahigpit na nilang babantayan ito matapos ang lahat ng nangyari. At hinding-hindi ko hahayaang mapahamak si Avril dahil lamang sa kasamaan nila. Mananatili akong nakasunod sa'yo, Bliss Avril Collins.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top