Chapter 29

* * * * *
Abduction

( Third Person's POV )

Hindi pa rin makapaniwala si Bliss sa mga natuklasan niya. Pakiwari niya'y pinaglalaruan siya ng tadhana.

Nakatadhana nga kayang patuloy niyang maranasan ang maloko at magtiwala sa maling tao?

Hindi niya na kasi alam kung sino pa ang dapat niyang pagkatiwalaan lalo pa't nalaman niya na ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya mula ng tumapak siya sa akademyang 'to ang siya palang dudurog ng kanyang pagkatao.

Ang taong itinuring niyang kapatid at pinakamalapit na kaibigan ay ang taong matagal niya na palang tinutugis. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya pa rin lubos maisip na ito nga talaga ang puno't-dulo ng lahat ng patayang nangyayari rito. Tila ayaw magsink-in ng mga natuklasan niya sa utak niya na punong-puno pa rin ng mga katanungan. Mga katanungan na malapit niya na sanang masagot pero ayaw niya pang masagot.

Ano pa ba ang susunod?

Iyan ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya. Sa isip niya'y mayroon pa. Mayroon pang sikretong hindi nabubunyag. Ngunit marahil ito ay dahil sa hindi niya matanggap na ito nga talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Pakiwari niya'y hindi nito kakayanin na isagawa mag-isa ang lahat ng ito.

Bakit niya nasabi?
Iyon ay dahil sa mga panahon na nakasama niya ito ay naramdaman niyang kahit papaano ay may mabuti itong kalooban. Na hindi ito basta-basta gagawa ng kahit anong bagay lalo na ang pumatay ng walang pinagbabasehang rason.

Kaya naman makalipas ang halos tatlong araw mula nang huli nilang pagkikita ni Pao ay hindi niya pa rin ito kinokompronta kung totoo nga ba ang lahat ng mga spekulasyong binabato sa kanya ni Cha at kung sakali man na totoo nga ito ay ayaw niya nang magpadalos-dalos pa sa pagdedesisyon. Takot na siyang maulit pa ang nangyari kay Cha kung saan nagpadala siya sa galit at emosyon niya kaya ito namatay.

"Avi," biglaang tawag nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na nagagawa pa rin siya nitong kausapin na parang wala lang. Sa kabila ng lahat na nangyayari, nagagawa pa rin nitong patuloy na magpanggap. Kahit kasi sabihin na alam niyang kahit papaano ay may mabuti itong kalooban ay hindi pa rin mawala sa isip niya na may kakaiba rito. Na posibleng totoo nga lahat ng mga natuklasan nila.

"Y-yes?" nauutal na sagot nito. Pakiwari niya'y dapat na siyang umalis dahil kung hindi ay baka maisiwalat niya nang wala sa oras ang lahat ng kimikimkim niya rito.

"You look pale and nervous and sorry to say this but the director needs to see you."

"W-what?" Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Sa halos anim na buwang pamamalagi niya sa Immure Academy ay hindi niya pa rin nakikita ang direktor at sa pambihirang pagkakataon ay nais pa siya nitong makausap. Matagal niya na ring tinatanong kung ano nga ba ang hitsura nito at kung bakit wala itong ginagawa ukol sa maling pamamalakad ng mga tauhan niya rito.

"B-bakit niya raw ako pinapatawag?"

"Maybe you've done something wrong again. Alam mo bang bibihira lang na dumalaw ang director sa school na 'to at sa mga pambihirang pagkakataon na 'yon ay gusto ka pa niyang makausap. 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na---"

"Stop it Dane. Alam ko na ang sasabihin mo. Na dapat tumigil na ko sa kakahanap ng sagot dahil masasaktan lang ako. At oo tama ka, nasaktan na nga ako dahil sa pagpupumilit kong malaman ang buong katotohanan. Katotohanan na hindi ko na dapat inasam pang malaman," puno ng emosyong wika nito bago tuluyang iwan ang kanyang kaibigan.

Kaibigan nga ba?

"Sandali lang Avi, ano bang pinagsasabi mo? May problema ka ba? Bakit parang galit ka sa'kin? Ano bang nagawa ko?" tanong nito na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari.

"Tumigil ka na nga sa mga pagpapanggap mo, Dane. Akala mo ba hindi ko alam ang lahat? Ang lahat ng mga kademonyohang ginawa mo? Kaya pala halos kahit anong gawin ko ay nandyan ka, nakasunod para pigilan ako, dahil ano?! Para hindi ako makasagabal sa mga plano mo."

"What are you talking about Avi? Saan ba nanggagaling 'yang mga pinagsasabi mo?"

"Hindi mo siguro 'to alam pero marami na ang nakakaalam ng mga baho mo. Nangangamoy na ang nakakasulasok mong pagkatao Dane."

"Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo huh, Avi?! Baka naman nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano."

"Hindi ko nga alam kung dapat pa ba kong magtiwala sa'yo Dane eh, kasi ang buong akala ko totoo ka. Na hindi ka mapagpanggap kagaya nila. Kaya pala lagi mo kong pinapaalalahanan noon na 'wag magtitiwala sa mga tao rito dahil lahat sila mapagpanggap. And you're not an exception, right?"

"Kung ano man 'yang iniisip mo Avi, nagkakamali ka. Oo alam kong may mga mali akong nagawa. Na may mga pagkakataong napadalos-dalos ako sa pagdedesisyon ko. Pero maniwala ka, hindi ako ang kalaban dito."

"Kung hindi ikaw, sino?"

"Hindi ko alam. Maniwala ka sa'kin Avi pero iyon ang patuloy ko pang inaalam," pagpapaliwanag nito pero tila ba hindi na naniniwala pa si Bliss sa mga nais nitong iparating.

"So sinasabi mong may demonyong mas masahol pa sa'yo?" wika nito na kaagad namang inambangan ng sampal ni Dane. Hindi nito matanggap na isang demonyo ang tingin sa kanya ng kanyang kaibigan.

"S-sorry Avi," aniya at akmang hahawakan niya sana ito nang bigla nitong inilayo ang sarili niya. Tila ayaw niyang magpahawak sa mga maruruming kamay nito na siyang sanhi ng mga patayang nangyayari rito.

"Kung anuman ang iniisip mo, mali lahat ng iyon. Hindi ako ang kalaban dito. Maniwala ka sa'kin Avi pero ako lang ang nag-iisang kakampi mo rito," pagpapatuloy nito.

"Hah! Nagpapatawa ka ba? Kakampi? Kahit kailan hindi ko ginustong magkaroon ng kakamping mamamatay tao!"

"Tama na nga 'yang drama n'yo. Kanina pa ko naririndi sa mga pinagsasasabi n'yo."

"Sab," sabay na wika ng dalawa.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga tropa niya na may kasamang matitipunong lalaki na pakiwari nila'y mga estudyante rin.

"Ginulat ko ba kayo? HAHAHAHAHA! Look at your face Bliss, you look startled. But I am not here to see how surprised you are," wika nito sabay taas ng kanyang kanang kamay dahilan para magsilapitan ang mga kasama niya.

"Let's stop the drama here, bitches!" pagpapatuloy nito bago tuluyang nawalan ng malay ang dalawa dala ng panyong pinaamoy nila rito.

Ano kaya ang mangyayari sa dalawa?

Ano kaya ang magiging reaksyon ng direktor kung sakali man na malaman niya na ang taong gusto niyang makausap ay nawawala kasama ng taong inutusan nito?

Sino kaya sa kanila ang totoong kalaban?

* * * * *

Naunang magising si Dane at kaagad niyang natagpuan ang sarili niya na nakagapos at natatakpan rin ng malaking tape ang kanyang bibig para hindi siya makapagsalita.

"Sa wakas, gising na rin ang kanang kamay," ani ng isang lalaking nakamaskara at gumagamit ng isang voice projector.

"Hmm... Ano kaya ang mararamdaman ng mga admins kapag nalaman nila na nandito ka, kasama ng taong pinakainiingatan nila," wika nito habang tinatanggal ang tape na nakadikit sa bibig ni Dane.

"HAYOP KA LAXUS!"

"Oops! Wala talaga akong kawala sa'yo, Dangelle. Amoy na amoy mo talaga kahit sinong poncio pilato ang nasa harapan mo," aniya habang tinatanggal nito ang kanyang maskara pati na rin ang ginamit nitong voice projector.

"Buti naman alam mo. At talagang nagkampihan pa kayo para ipukol sa'kin lahat? Heh, ang duduwag ninyo! Matuto naman kayong lumaban ng patas!"

"Duwag? Nagkampihan? Matutong lumaban ng patas? Nagpapatawa ka ba huh, Dangelle? Sino ba itong dumikit sa admins at nakuha pang gumamit ng iba para mapalakas ang pangalan niya sa mga kinauukulan? Akala mo ba hindi ko ramdam na ginagamit mo lang ako para maisakatuparan mo 'yong inuutos sa'yo na protektahan si Bliss? Baka nakakalimutan mo Dangelle, ako ang dahilan kung bakit hindi naparasuhan si Bliss noong minsang mahagip siya ng mga red lights. Nakalimutan mo na ba inutusan mo ko no'n na manipulahin ang mga red lights at alisin ang mga kuha kung saan nakita si Bliss?" ani nito habang hinahawakan ang patalim na punong-puno ng dugo.

"Nasa'n si Bliss? Kaninong dugo 'yan?"

"HAHAHAHA! Natatakot ka ba na baka patay na ngayon ang taong pinoprotektahan mo? Don't worry Dane, ito lang naman ang kutsilyong ginamit mo noon kay Bea."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Liam! Mamaya mo na nga isiwalat 'yang mga ebidensya natin at baka makaisip na naman ng paraan 'yang babaeng 'yan para matakasan ang mga kasalanan niya," wika ng kararating lang na si Sab.

"Nakakainggit naman 'yang relo mo Dane, tila ba nagsasabing ilang segundo na lamang ay darating na ang pinsan mo slash savior mo," pagpapatuloy nito habang nagsisindi ng sigarilyo. Dumating naman ang mga tropa niya na naglalampungan kasama ang mga lalaki kanina.

"Speaking of the devil," pagpapatuloy nito habang pinagmamasdan ang kararating lang na si Dale. Humahangos na nilapitan nito ang pinsan niya na tila ba'y hinang-hina na. Dalawang araw na kasi ang nakalilipas mula nang ipinadukot sila ni Laxus at hindi pa rin sila kumakain.

"Ayos ka lang ba pinsan? Sabihin mo anong ginawa nila sa'yo?!" nagpupuyos sa galit na wika nito habang kinukwelyohan si Laxus. Wala namang reaksyon ang huli, tila ba nag-eenjoy siyang pagmasdan ang galit na galit na hitsura ni Dale.

"Easy bro! Wala akong ginagawa sa kanya. Tinuturuan ko lang siya ng leksyon at pinapaalala ko lang sa kanya ang mga kasalanan niya."

"Kasalanan? Nababaliw ka na ba Laxus?! Alam nating lahat na hindi si Dane ang kalaban dito!"

"Ikaw yata ang nababaliw na Dale. Baka nakakalimutan mo, matagal na sanang tapos 'to kung hindi mo lang pinigilan noon si Cass na lapitan si Bliss," sabat ni Sab na nagpupuyos na rin sa galit kaya naman napilitang tumigil sa paglalampungan ang mga tropa niya at ang mga kalandian nito.

"Para ano, ipahamak siya? Alam nating lahat na kung hindi ko 'yon ginawa ay matagal na sanang patay si Bliss."

"So dapat pa pala kaming magpasalamat sa'yo gano'n? Salamat dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin si Bliss at hindi pa nagiging impyerno 'yong mga buhay natin," sarkastikong wika ni Sab na ngayon ay nakalapit na kay Dane na hinang-hina pa rin.

"Kumusta naman ang maramdaman ang mga ginawa mo noon?" wika nito habang hinahaplos-haplos ang pisngi ni Dane.

"Pwede ba Sab, wala ako sa mood para makipagsagutan sa'yo. Alam kong alam mong hindi ako ang kalaban dito!" sagot nito.

"Hindi nga ba?"

"Oo, aaminin ko. Ako nga ang pumatay kay Cass pero alam rin nating pareho na ikaw ang dahilan kung bakit napatay ni Hazel si Bea," palabang sagot ni Dane na agad namang inambangan ng sampal ni Sab.

"Ako? Sigurado ka ba sa mga paratang mo? Hindi mo na ba naaalala 'yong kutsilyong hawak-hawak ni Liam kanina?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hayan! Nauutal-utal ka na. Naaalala mo na ba?"

"Walang-hiya ka Sabrina! Alam kong alam nating pareho na ikaw ang demonyo sa'ting dalawa!"

Pak!

"Oops! That's for slapping Bliss 2 days ago, and this---" aniya sabay sampal ulit dito "---is for accusing me."

Mamula-mula na ang pisngi ni Dane dala ng magkasunod na sampal sa kanya ni Sab kaya naman kaagad siyang itinulak palayo ni Dale.

"Pwede ba Sab, tumigil ka na."

"Ano Dale? Naaawa ka na sa pinsan mo?"

"Itigil na natin 'to. Bakit hindi na lang tayo magtulungan para matapos na ang lahat ng kabaliwang 'to?" suhestyon ni Dale matapos iabot ang isang bote ng tubig sa pinsan niya. Kaagad naman itong naubos ng huli dala ng labis na pagkauhaw.

"Kabaliwan? Hindi kaya kasakiman ang dapat mong sabihin? At anong sinasabi mong magtulungan? Sana noon mo pa 'yan naisip no'ng mga panahong buhay pa si Bea, si Cass, Cha at Tati," wika ni Kent na kararating lang.

"Kent, anong balita sa kabila?"

"May problema tayo," seryosong wika nito. "Nagkakagulo na ngayon sa buong school. Isa-isang hinahalughog ng mga watchers at keepers ang mga dormitories maging ang mga buildings para hanapin sila."

"Teka, anong ibig mong sabihin na 'anong balita sa kabila?' Nasa'n si Bliss huh? Anong ginawa n'yo sa kanya?!" wika ni Dale na ngayon ay hindi na napigilang ang sarili. Kaagad niyang sinugod si Laxus at inambangan ito ng suntok na siyang ikinaputok ng labi nito.

"Easy Dale, easy lang. Wala kaming ginagawa sa kanya. Perhaps, komportableng-komportable nga siya ngayon eh. Nakakakain, nakakatulog, at malayang nakakagalaw. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa'yo? Hmm..." wika nito habang inaamoy-amoy si Dale. Hindi naman nagpatinag ang huli at nanatili itong nakatayo at matiim na nakatingin sa kanila.

"Dale Zyron Allister, ang lalaking nakuha pang lumablife sa kabila ng lahat!" pagpapatuloy ni Laxus.

"Guys, we need to hurry. May paparating na mga watchers," wika ng kararating lang na si Paolo habang kalong nito si Bliss na wala pa ring malay.

Akmang lalapitan ito ni Dale nang bigla siyang tinutukan ng baril ni Kent dahilan para matigil ito.

"Tara, kailangan na nating magmadali bago pa nila tayo maabutan," wika nito na ngayon ay tinututukan pa rin ng baril si Dale para walang pasubaling sumunod ito. Karga-karga naman ni Laxus si Dane nang biglang...

"Pao, anong nangyari?" tanong nito nang bigla itong tumigil.

"Fvck!"

"Katherine," sabay-sabay na wika nila Kent, Laxus, Sab at Paolo.

Isang ngisi naman ang nabuo sa mga labi ni Dane na ngayon ay tila nabiyayaan ng lakas.

Ano kaya ang panganib na dala ni Katherine at bakit tila takot na takot sila sa presensya nito?

* * * * *

A/N : Do you have any theories now?

Pls do comment. It will be highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top