Chapter 27

* * * * *
Just Theories, No Proofs

( Bliss )

Halos limang araw na rin akong nagpapanggap na kontrolado pa rin ng drogang pinapainom nila. Sa loob ng limang araw na 'yon, marami akong natuklasan. Mga bagay-bagay na magpapabago ng sistema ng walang kwentang eskwelahan na 'to.

Aminado akong diring-diri na ko sa kwarto ko na napapalibutan pa rin ng kulay pink na kurtina, pati ang pinta sa dingding nito ay pinalitan na rin nila ng kulay. From white ambiance to pink. Mas gugustuhin ko pa siguro kung itim na kulay na lang 'yong ipinalit nila. Para na rin akong nasusuka sa t'wing nagbabasa ako ng mga romantic tragedy love stories. 'Yong tipong may mamatay dahil sa pagsasakripisyo para sa minamahal nilang kabiyak and so on and so forth. Don't get me wrong, I like how Nicholas Sparks write. I just don't like his genre. I'm not into love story. It makes me puke. Imbes kasi na maiyak ako, nasusuka ako sa kadramahan nila. Mas gusto ko pang magpatayan na lang sila. Baliw na nga yata talaga ako. Akalain mo 'yon gustong-gusto ko ng patayan pero pilit kong pinipigilan na may mamatay ulit sa school na 'to.

I like how I imagine killings but I don't like to see it on actual scenes.

"Hi Avi, wanna join us again?" ani ni Dane sabay pasok sa kwarto ko. Kasama niya ngayon ang mga kaplastikan niya. Oops. My bad.

For sure, diring-diri na 'to sa mga pinaggagagawa nila. Kaya heto ako, nagpapanggap na wala pa ring alam. Konting oras na lang kasi at malalaman ko na lahat kaya kahit hirap na hirap na rin ako sa ganitong set-up ay kailangan kong habaan pa ang pasensya ko.

Pagkatapos naming kumain nang sabay-sabay ay minabuti kong dumiretso sa dorm ko para makapagpahinga. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa pink na kisame at nagmumuni-muni. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakakaramdam ako ng saya--- masaya lalo na't iniisip mong sana totoo na lang lahat ng mga nangyayari ngayon. Lahat nagkakasundo, lahat pawang masaya. Kaso sa t'wing imumulat ko ang mga mata ko ay sinasampal ako ng katotohanang--- lahat ng ito ay palabas lamang.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para maidlip nang bigla kong mapansin na may sulat na nakaipit sa paanan ng pinto ko.

Iss-blay, i-tay ay-may ound-say absurd-yay ut-bay ou-yay eed-nay o-tay ow-knay e-thay uth-tray.

E-bay areful-cay om-whay ou-yay ust-tray or-fay.

If-yay ou-yay ant-way o-tay ow-knay e-thay uth-tray...

Eet-may e-may at-yay e-thay ot-spay uo-yay always-yay isit-vay en-whay uo're-yay ad-say.

I'll-yay ait-way or-fay ou-yay.

D.

It's the same pig coded message that I've received a few weeks ago.

This is it.
I'm one step closer.
One step closer to that killer slash holder of the record book.

I'm one step closer to finally end this endless chase.

-

Mabilis kong isinuot ang hoody jacket ko na kulay itim nang sumapit ang alas otso 'y media ng gabi. Oras kung saan kakaunting watchers ang nakabantay.

Katulad ng dati ay walang kahirap-hirap na narating ko ang paborito kong tambayan. I wonder, nasaan na kaya siya?

Mag-iisang oras na kong naghihintay dito at pinagpipyestahan ng mga lamok pero wala pa rin siya. Kahit bakas ng kanyang anino ay hindi ko mahagilap. Posible kayang isa rin 'tong palabas?

"Kent?"

Am I hallucinating again?

"Paolo told me to escort you to our hidden quarter," he firmly said as if nothing has happened to him.

Akala ko ba nawawala siya?

"I know you're curious why I'm here but can you trust me with this one?"

"Okay."

Nagtataka lang naman kasi ako kung paanong nakabalik siya rito. 'Di kaya isa ring palabas ang pagkawala niya? O baka naman nagtatago lang siya rito mismo sa loob ng school para mag-imbesiga?

Ano kayang kaugnayan niya kay Paolo?

"Huwag kang gagawa ng kahit anumang ingay dahil dadaan tayo sa administration's office, okay?"

Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Mas mapapadali nga naman kasi kung dito kami dadaan kahit delikado.

Teka--- daanan 'to papuntang abandonadong building!

"You're right. Sa abandonadong building nakapwesto ang quarter namin. It's the safest place to hide. Dito rin ako nagtago sa loob ng halos 2 buwan."

"P-paanong nakasurvive sa ganitong klaseng lugar?"

"Hmm... Remember the times na nagkagulo ang mga staffs sa canteen dahil sa mga nawawalang pagkain?"

"Oh! So ikaw ang may pakana no'n?"

"Yeah. I need to stole food in order to live besides isa naman ang mga magulang ko sa mga nagbayad no'n."

Amazing!

Nakakalungkot nga lang kasi napatalsik 'yong isa sa mga crew dahil sa siya ang napagbintangang nagnakaw. Ang masaklap pa ay trinaydor siya ng kanyang mga kasamahan kaya kahit anong pagpapaliwanag niya ay hindi siya pinakinggan.

Sabagay, kailan ba sila nakinig?

"We're here. Brace yourself," he said as he tapped my shoulder.

What does he mean by that?

"You're finally here. Kanina ko pa kayo hinihintay. What took you so long to come here?"

"Kinailangan ko pa kasing paalisin 'yong mga nagkalat na watchers sa paligid bago ko siya naisipang lapitan. Actually, she came early. The problem is that--- hindi ako makalapit sa kanya. Mabuti na lang at nakasuot siya ng purong itim kaya hindi siya namataan ng mga watcher na nagkalat sa paligid."

"I see."

"What's this place?" I asked as I roamed around my eyes to their little quarter. Napapalibutan kasi ito ng mga codes and cyphers. Hindi lang 'yon, marami ring pictures na nagkalat sa paligid.

Ang pinaka agaw pansin sa lahat ay ang mga mga picture na nakadikit sa dingding.

(Imagine there's a picture on it. Haha)

"We already knew the answers that's why we came up to that conclusion. Ang tanging problema na lang ay hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung sino ang may hawak ng record book."

"We only have theories but no proofs," biglaang sabat ni Kent na ngayon ay paikot-ikot sa kwarto. Pakiwari'y hindi siya mapakali sa kung anong posible naming matuklasan.

"And theories won't save us. We need to gather evidences," wika naman ni Paolo. "We need to be more careful lalo pa na may ilan ng mga estudyante ang nakakaalam na nandito lang ako sa school na 'to. We only have limitied time and if we fail--- it is really the end for all of us."

This time I'll make sure I won't fail.

"I already know that Tati killed Cass. But, S-sab killed Bea? Is that for real?" Hindi ako makapaniwala, buong akala ko kasi si Hazel ang pumatay sa kanya dala ng sakit niya kung saan sobra pa sobra kung magalit siya.

"She does not directly killed Bea but she's the reason why Hazel has to do it," ani ni Paolo na tila naluluha na. Kaano-ano niya kaya si Bea?

"Cha killed Tati because she said she needs to do it in order to protect me but how come Dane killed her?"

"Save that question later," mariing sabi kasabay ng pagbilog niya ng pula sa pangalan ni Dane.

"Sorry to interrupt you guys but seems like the watchers are roaming around," ani ni Kent na ngayon ay sumenyas na na umalis ako kaya naman kaagad akong nagpaalam sa kanila.

"Meet us in this place tomorrow at the same time as we unravel the mysteries of this mysterious school," pahabol ni Paolo.

Isang tango ulit ang isinagot ko sa kanya saka ko binagtas ang daan pabalik ng dorm.

I still can't believe that Dane killed Cha. I wonder what her motive is.

Wala na talagang tao na mapagkakatiwalaan ngayon. Pati ba naman si Dane na isa sa mga taong binigyan ko ng buong pagtitiwala ay makukuhang pumatay ng tao.

Kaya pala palagi niya kong pinipigilan sa t'wing magkasama kami ni Cha sa paghahanap ng taong may hawak ng record book.

Does she holds any personal grudge towards Cha enough to kill her just like that?

"Hi Bliss."

"Katherine?"

Ano kayang ginagawa nito sa tapat mg dorm ko at this hour.

"I knew what you're doing. Do you really want to know the truth?"

Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Mukha lang siyang tahimik pero kakaiba siya sa lahat.

Pero mapagkakatiwalaan ko kaya siya?

"I'm asking you. Do you really want to know the truth?"

"Y-yes." Hindi ko pa rin mapigilang mautal sa t'wing siya ang kausap ko.

"If then, take this."

Iniaabot niya sa'kin ang isang pirasong papel na may mga pangalan ng kung ano. Hindi kasi ako sigurado kung uri ba 'to ng mga codes o hindi.

"I hope you won't regret this at the end," pahabol na sabi niya bago tuluyang umalis.

Why do people always assumes that I might regret this at the end?

Why would I regret it if it will give justice to those people who died?

Why would I regret it if it will freed us away from this freaking useless school?

"Maybe because I'm a weakling," bulong ko sa sarili ko bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko.

* * * * *

A/N: 3 more chapters to go. The answers will be revealed on the next chapter. Stay tuned!

I hope you guys will support my upcoming story entitled Zodiac Killer. You'll learn more codes in there. I doubled the thrill and excitement there. If you like Immure Academy, I'll make sure you'll love Zodiac Killer.

Please comment. It'll encourage me to post the next chapter quickly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top