Chapter 24

* * * * *
Her Fate

( Bliss )

"Cass?" I said out of nowhere. Hindi ako maaaring magkamali, si Cass nga 'yong nakita ko. "Wake up Bliss, Cass is already dead, you even saw her corpse."

Imposible, nandito siya ngayon--- buhay na buhay, nakatayo sa harapan ko and she looks at me like I'm the last person she wanted to see on Earth.

"You're a liar," aniya na matalim pa ring nakatitig sa'kin.

"Cass? Bakit ka nandito?"

"I told you to protect her but you let her die," aniya habang papalapit sa'kin.

Wait, am I hallucinating? This can't be.

"Are you going to kill me?" I asked as I start stepping backward as she continue to walk towards me holding a gun.

"Akala ko pa naman ikaw na ang taong makakatulong sa'kin pero isa ka ring malaking kasinungalingan. You even let our enemies know our plans."

"Wait--- what? Plans? Enemies? This is ridiculous. What the hell is happening? Am I really talking to a dead?"

Naguguluhan na ko sa mga nangyayari. Anong plano ang tinutukoy niya? Sinong kalaban ang sinasabi niya?

"Dapat pala hinayaan na lang kitang mamatay kahit na alam kong hindi naman ikaw ang dapat managot sa kasalanan ng iba. Kasalanan ng isang taong malapit sa'yo," pagpapatuloy nito habang itinututok ang baril sa direksyon ko.

Gusto kong tumakbo.
Nababaliw na yata ako.

"Siguro mabuti nang ako ang tumapos ng lahat ng ito total sa'kin naman nagsimula ang lahat 'di ba? Paalam Bliss," she said as she pulled the trigger but unfortunately...

I was awaken.

"Panaginip lang pala," I hissed as I start walking away from the clinic. Kailangan kong makalayo sa ganitong klaseng lugar. Nakapagdudulot lang kasi sa'kin ng stress ang ambiance ng hospital o any place that looks like one. Nainom ko naman na lahat ng gamot ko and bumaba na rin naman kahit papano ang lagnat ko dala ng mga sugat na tinamo ko noong isang linggo kaya nasisiguro kong hindi ko na kailangang mag-stay pa rito.

At isa pa, ayaw na ayaw ko talaga na nasa hospital, marami kasi akong hindi maipaliwanag na karanasan sa lugar na kagaya nito. Isa sa mga nararanasan ko ay ang pagkakaroon ng mga nightmares and it just happened a while ago.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na 'yon? Does it has something to do with the incident that hapened a week ago?

"Wala lang 'yon Bliss, it was just a dream," I said probably convincing myself not to worry anymore.

Right, she's dead.
It was just a dream, a nightmare to be exact.

-

Kakalabas ko lamang sa clinic nang bigla akong sinalubong ng hingal na hingal na si Dane.

"Avi, ano na namang ginawa mo?" aniya.

"Anong tinutukoy mo?" I asked as I start thinking kung ano na namang nagawa ko. Wait, was she referring to what I did yesterday?

It's been a week since Tati died and I had a hard time choosing between the safety of a friend or doing the right thing to do. Unfortunately I chose the latter.

"Siguro naman naalala mo na kung ano ang tinutukoy ko. Hindi ka man lang nag-iisip bago gumawa ng mga bagay na alam mong lalong magpapagulo sa mga nangyayari sa paligid," wika nito. Yes, I knew what she's talking about and I am never going to regret it.

This whole school is a big lie. At tama lang na itama ang kahit isang pagkakamali bago may mangyaring isa pa ulit. So far kasi, tatlong tao pa lang naman ang namamatay at dalawang tao ang naitalang nawawala. Una si Cass, sinundan ni Bea tas ngayon naman si Tati. Sa kaso naman ng mga nawawala ay nakahilera ang mga pangalang Paolo at Kent. Hindi lang diyan nagtatapos ang lahat, isali pa natin 'yong mga nangyaring casualties tulad ni Nathan na kakalabas lang noong isang araw dahil sa pagkakalason, tas ako nakabenda pa rin ang mga braso at binti. Who would have thought na ang paaralang inaakala ng karamihan na may magandang pasilidad at pamamalakad ay isa palang killer academy. Ni hindi ko nga alam kung totoong may papaalisin silang estudyante rito o pinapaasa lang nila kami sa tinawag nilang The Survival thingy.

"Bakit mo ginawa 'yon kay Cha?"

"It is just and righteous," I said having no emotion at all.

"Alam mo ba kung nasaan na siya ngayon?" The hell I care, she killed Tati and if she's going to be punished for it, it's all right.

"I bet she's somewhere in a place so called hell," punong-puno ng pagkadismayang sagot ko. Yes, I am totally disappointed with Cha. I treated her like a friend, I trusted her. Tama nga naman 'yong sinasabi nila na, it's really hard to be betrayed by a friend 'cause betrayal never comes from your enemies.

"Do you want me to tell you where she is?"

"The hell I care." Tama lang naman kasi na parusahan siya sa nagawa niya.

"Naalala mo pa ba 'yong sinabi mo noon sa Religion class natin when Prof. Grayle asked us about death?" Maybe she's referring to my discussion with Tati when I've found out that she's the one who killed Cass.

"Remember what you answered----"

"Stop it Dane." Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. I just came back to my senses. Hindi ko naisip na posibleng gano'n nga 'yong mangyayari. Masyado akong nagpalamon sa galit nang hindi man lang nag-iisip na walang lugar pala ang hustisya sa ganitong klaseng lugar. Na mas lalo ko lang palang nagulo ang dating magulong sistema nila.

I can't believe it. Kakasabi ko lang na hinding-hindi ako magsisisi sa ginawa ko pero, fvck. This isn't going to happen. I won't let it happen!

"Let's go maybe it's never too late," I said as I pull her hands and we started running like we're fighting for our lives.

"It's too late Bliss," wika ni Dane matapos kaming makarating sa stage. Nadatnan namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante at nagkalat na mga watchers at keepers. Pati na rin sina Headmaster Severus at ang mga teachers ng school na nakaupo sa harapan ng stage.

Mabilis akong pumunta sa bandang unahan at iginala ang mga mata ko sa paligid sa pag-asang makikita ko pa si Cha and I was not mistaken. I saw her sitting at the center of the stage having no expression at all.

Bigla ko namang naisip ang isinagot ko noon sa tanong ni Prof. Grayle.

"Death is like a punishment. Anyone who strikes a man and kills him shall be surely put to death."

Cha will surely die and it's because of my impulsiveness.

"STOP IT!" sigaw ko nang magsimulang lapitan ng mga keepers si Cha at lagyan ng piring sa mata.

"What the hell are you doing Avi? 'Di ba ito naman ang gusto mo?" tanong ni Dane na ngayon ay naluluha na. Maging ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang mag-iyakan. I remember those times na sobrang talim ng tingin niya sa'min ni Cha kapag lagi kaming magkasama sa paghahanap ng katotohanan pero deep inside concerned pa rin pala siya rito.

"Another death case and this time, it's all because of you... for real," sabat naman ni Sab.

She's right.
Her accusation finally came true.

My knees are trembling.
I wanted to do something but I can't.
It's too late.

I am now a certified killer.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat 'di ba? Kailangan kong kumilos. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Mabilis akong umakyat ng stage at tinanggal ang pagkakagapos ni Cha pati na rin ang piring niya. Bigla namang naalarma sa nagawa ko ang mga admins, keepers at watchers. Maging ang mga kapwa ko estudyante ay hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Pinababa ko siya ng stage at ako ang pumalit sa pwesto niya. Ako ang dapat na mamatay hindi siya.

"Stop it Bliss, this is my fate," wika ni Cha na ngayon ay kinakabahan sa mga pinaggagagawa ko.

"No! I won't let them kill you!"

"No Bliss, just like what you reported to them, I'm a murderer and I have to be punished. I killed Tati that's why I must die too," aniya habang pinipilit na paalisin ako sa upuan habang pilit ko namang iginagapos ang sarili ko.

"Collins, stop it!" sigaw naman ni Dale na ngayon ay kararating lang. Pawis na pawis ito at nagsusumamong nakatingin sa'kin. Maybe he's trying to convince me to stop meddling.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang samu't-saring reaksyon ng mga kaklase ko at ng ibang mga estudyante. Nakita ko si Sab na napapailing na lang sa kagagahan ko. Si Dane at Dale na punong-puno ng pag-aalala. Si Hazel na walang pakialam at si Katherine at Jennybie na magkahalong kaba at takot ang mababakas sa mukha.

"Ms. Collins, do you know what you're doing?!" galit at maawtoridad na wika ni Headmaster. "Alisin n'yo na siya riyan at simulan na ang paglilitis kay Ms. Aragon," pagpapatuloy nito. Agad namang nagsilapitan sa'kin ang mga watchers at iginiya naman ng mga keepers si Cha pabalik sa upuang nararapat para sa kanya.

I did what I can but maybe this is really the end. This is all my fault.

If only I chose not to report her.

"Please, nakikiusap po ako... H-hindi po kamatayan ang sagot dito. Ako na lang po ang parusahan n'yo. I am willing to do whatever you want me to do but please don't kill Cha," garagal na wika ko sa kanila pero tiningnan lang nila ako na para bang wala silang naririnig.

I have left with no choice but to use my last ace.

Kaagad akong lumuhod sa harap nila at sinabi ang mga katagang makakapagpabago ng takbo ng buhay ko.

Bahala na si Batman.

"Don't kill her. I have the record book," mariing wika ko na siyang ikinagulat ng lahat.

"Don't you dare try to use that record book para makalusot Ms. Collins!" sigaw ni Headmaster na ngayon ay paakyat na ng stage. Mababakas mo sa mukha niya ang galit at pagkadismaya. Sino ba naman kasi ang hindi madidismaya sa pinaggagagawa ko. Matapos kong isumbong si Cha kahapon ay babawiin ko ito ngayon. What an irony!

"Anong alam mo sa record book huh?" tanong nito nang makalapit siya sa'kin.

Bago pa man ako nakasagot sa kanya ay bigla na lamang sumabat si Dane.

"Don't listen to her, I have the record book," aniya na siyang ikinabahala ko. What the hell, she's ruining my plans.

"No! I have the record book," biglang sabi naman ni Dale na marahil ay ginagawa ito para sa pinsan niya.

Kaagad namang umingay ang paligid dala na rin siguro ng mga nangyayari. Ang ilan ay nababahala lalo na 'yong mga nakakaalam na ng existence ng record book at ang ilan naman ay naguguluhan. Marahil ay hindi nila alam na may ganitong klaseng pangyayari sa school at ang pinag-ugatan ng lahat ng ito ay ang kasumpa-sumpang record book na 'yon. Isang papel, kapalit ng maraming buhay na nasayang at dinagdagan ko pa.

Ang tanga mo, Bliss!

"We know the existence of that record book and if you killed her we're not going to let it pass." Sa ngayon ay si Jennybie naman ang nagsalita.

What the hell is happening?!
Are they doing it for me?

"So marami na pala ang nakakaalam sa inyo ng existence ng matagal na naming pinaghahanap na record book," wika ni Prof. Arriane na ngayon ay umakyat na rin ng stage. Bale kaming apat nila Cha, Headmaster at siya ang nasa stage ngayon.

"Huwag kayong makikinig sa kanila, ako lang ang nakakaalam kung nasaan ang record book and I am willing to bargain it in exchange with Cha."

Sana makinig sila sa'kin.

"Kill her," mahinahon pero maawtoridad na wika ni Headmaster na siyang ikinaluhod ko.

"Bliss, it's okay. It's my fate," naiiyak na sambit ni Cha. Mas lalo lang akong nanlumo nang ngumiti siya sa'kin. Paano niya nagawang ngitian ang isang tulad ko na ipinahamak siya?

"D will still help you, just promise me that no matter what happens, mananatili kang matatag ano man ang malaman mo," aniya na ngayon ay handang-handa na sa posibleng mangyari.

"Find my calculus book." Iyan ang huling sinabi niya sa'kin matapos siyang turukan ng mga keepers ng kung anong lason na sa loob lamang ng ilang minuto ay mamamatay ang taong naturukan nito.

Oh God!
Kill me now.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa bangkay ni Cha na ngayon ay bumubula na ang bibig sa pagkakalason. Damn!

Ang tanga-tanga ko.
I am more deserving to die.

Marahil ay ilang oras na rin akong nakaluhod ngayon sa stage. Wala na si Cha. Tanging ako na lang at ang mga alaala niya ang naiwan. Nakapagtataka lang dahil walang luhang tumutulo ngayon sa mga mata ko. Kung kanina halos maiyak at magwala na ko sa mga nangyayari, lahat ng iyon ay nawala. Wala na kong maramdaman. Ni hindi ko na nga maigalaw ang katawan ko.

"Bliss," wika ni Dale na kanina pa pala nakamasid sa'kin. "Let's go? Ihahatid na kita sa dorm mo." wika nito nang magsimula na siyang alalayan akong maglakad. Nang makarating kami sa tapat ng dorm ko ay hindi ko napigilang yakapin siya.

"I killed her."

"Sssh. Walang may gusto sa nangyari. Hindi ikaw ang pumatay sa kanya," aniya na pilit akong kinakalma.

"Nooo---"

"Sssh. Tama na. Good night," he said as he let me in. Wala naman akong nagawa kundi ang mahiga at makipagtitigan sa kisame.

"I'm a certified killer." Iyan ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

Sa wakas napagod na rin ang utak ko sa kakaisip ng mga nangayari at unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

-

( Dale )

Sa wakas nakatulog na rin ang babaeng 'to. If only I can erase this miserable scene from her mind, I will. Sigurado ako, masyado niya na namang dadamdamin ang pagkamatay ni Cha lalo pa't siya ang naging dahilan nito.

Someday Bliss, sana matanggap mo ang mga posible pang mangyari. Kung masakit na para sa'yo ang ganitong panyayari, what more kapag dumating na tayo sa katotohanan?

"I hope you'll be able to endure it all," bulong ko sa kanya bago ko tuluyang nilisan ang dorm niya.

* * * * *

A/N: Ang sakit ng update na 'to para sa'kin. 'Yong paborito kong character wala na. The character that I named after me is gone. I hope you enjoyed reading this.

Ps: Ayokong ikinocompare ang story ko sa ibang stories sa wattpad lalo na sa HU dahil magkaibang-magkaiba sila. Be sensitive guys, you're hurting my feelings. Pinagpaguran ko ang plot ng story na 'to, the codes--- nagresearch ako para mabigyan kayo ng codes with a twist tas at the end of the day, ikocompare lang pala siya. Masakit po, to the point na parang ayoko na siyang ituloy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top