Chapter 23
* * * * *
Code Breaker To Murderer
( Bliss )
Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na ang mga watchers at keepers kasama sina Headmaster Severus, Professor Arriene at Professor Grayle. You can see disappointment and dismay on their faces.
Gustuhin ko man sanang ipamukha sa kanila na kasalanan nila 'to but I can't. I am just a mere student and I admit that I am guilty too. May kasalanan din ako. Kung sana noon pa man, noong hawak ko pa ang record book ay inireport ko na sa admin, eh 'di sana hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kung sana inayos na nila ang kanilang patakaran noon pa man, eh 'di sana wala ng buhay pa ang nasayang at nagsakripisyo.
Because of that fvcking record book that they are searching just to protect their fvcking reputation ay maraming buhay na ang nawala and presumably, mawawala pa. Gano'n ba talaga kahalaga ang papel na 'yon? 'Yong papel ba na 'yon ay maituturing na katumbas ng buhay ng tao?
"Dalhin n'yo na 'yan sa quarter at ipatawag n'yo sa madaling panahon ang mga magulang ni Ms. Allison. Huwag din kayong titigil hangga't walang ebidensiya ang makapagtuturo kung sino man ang may pakana nito," utos ni Headmaster sa mga watchers at keepers na madali namang inaksyunan ng mga ito.
Marami pa silang pinag-usapan and probably, iniiwasan nilang marinig namin ang mga 'yon. Kaya naman wala kaming magawa kundi ang tumayo sa likod nila at maghanda para sa sangkatutak na sermon at parusa.
"Kayong mga pasaway na estudyante, go to my office right now," mahinahon pero maawtoridad na sambit ni Headmaster.
Mabilis naman kaming umalis at iginiya kami ng ilang mga watchers papunta sa administration's office.
Mag-aalas tres na pala ng umaga at kung kanina ay hindi ko alintana ang hapdi at kirot dala ng tama ko sa braso at pilay sa binti ay ramdam na ramdam ko na ito ngayon.
Tahimik na naglalakad lang ako habang patuloy na iniinda ang sakit nang mapansin kong biglang naglihis ng landas si Cha kaya naman pasimple ko siyang sinundan. Dala na rin siguro ng pagkabalisa ng iba at pagod ng mga watchers ay hindi nila kami napansin.
Patuloy ko lang na sinusundan si Cha. Pansin ko na parang hindi siya mapakali dahil sa walang tigil na paglingon-lingon niya sa paligid. I think she's hiding something and I'm gonna figure it out.
Tumigil siya sa mismong puno na tinatambayan ko noon pa man at kumuha siya ng kahoy na ginamit niyang panghukay. Nakita ko na may isinilid siya ritong isang maliit na bagay at matapos 'yon ay hindi niya na napigilang mapahagulgol.
"I'm really sorry Tati. Sana mapatawad mo ko."
Ano kaya ang tinutukoy niya?
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay napagpasyahan niyang umalis na lang muna. Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para tingnan kung ano ang inilibing niyang bagay kanina.
Mabilis kong hinukay ang pinaglibingan niya at laking gulat ko nang makita ko kung ano ang isinilid niya rito.
Hindi. Hindi maaari 'to.
Kailangan kong matingnan ang bangkay ni Tati sa lalong madaling panahon.
"Ms. Collins! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap," ani ng isa sa mga watchers. Kaagad ko namang itinago sa bulsa ko ang bagay na maaaring maging ebidensya sa pagkamatay ni Tati.
"Pasensiya na po," mapagkumbabang sagot ko.
Kaagad niya akong dinala sa quarter nila at naabutan ko do'n sina Dale, Dane, Sab, Cha, Gabb at Hazel. Isang nakakaumay at nakakabinging interrogation ang sinapit namin. Sangkatutak na tanong ang ibinato nila sa'min at kung ituring nila kami ay para kaming mga kriminal.
Sabagay, may kriminal naman talaga sa'min.
Subalit anumang pilit nilang sagutin namin ang kanilang mga tanong ay wala ni isa mang nagsalita sa'min. Maging ako, kahit na alam kong may hawak na kong alas ay hindi ko piniling magsalita. Kailangan ko munang manigurado na tama nga ang hinala ko.
"Ms Collins, ano ang ginagawa mo sa mini-forest kanina? Hindi ba sinabihan na namin kayo na sumunod kayo sa'min at dumiretso rito sa office?" tanong sa'kin no'ng sumundong watcher kanina.
Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil pinagmasdan ko muna ang mga reaksyon ng mga kapwa ko estudyante. Ang ekspresyon ni Cha ang isa sa mga pinagduduhan ko. Kitang-kita ko kasi ang gulat at takot sa mukha niya.
Tama nga ang hinala ko.
Sinungaling ka. Mapagbalatkayo.
"W-wala po. Sa sobrang lutang ko po kasi ay nalihis ako ng landas at hindi ko namalayan na mali na pala ang dinadaanan ko," pagsisinungaling ko. Sana naman ay kahit papaano ay gumana ang palusot kong 'to.
"Such a lame excuse Ms. Collins. Tsk," dismayadong sambit nito. "Anyways, magsibalik muna kayo sa mga dorms ninyo at bukas na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin."
Pinaalis ko muna ang lahat bago ako nakiusap sa mga watcher. Ayoko kasing marinig nila kung ano man ang hihilingin ko dahil baka matunugan nila kung ano man ang binabalak ko. Lalo pa ngayon na alam kong wala ni isa man ang dapat na pagkatiwalaan sa kanila.
"Ahmm.. Sir, Can I see Tati just for a while?" pagpapakiusap ko sa kanila.
"Hindi maaari Ms. Collins. Inihahanda na kasi ngayon si Ms. Allison para sa embalment," mariing sagot nito.
"Sir, kahit sandali lang. Kahit sandali lang po, please?" pakiusap ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Sige, bibigyan kita ng limang minuto at sasamahan ka rin ng isa sa mga kasamahan ko."
"Maraming salamat po."
Matapos nila akong payagan ay hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa. Patakbo kong pinuntahan ang kinalalagyan ni Tati. Hindi ko pa rin mapigil na umiyak lalo na ng masilayan ko ang kalagayan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating palaban na Tatianna Mariz Allison ay wala na.
Sa kabila ng watcher na nakabantay sa'kin ngayon ay nagawa ko pa ring icheck at hanapin ang bagay na makakapagkumpirma kung tama nga ang hinala ko. Matapos kong mapatunayan kung ano ang hinahanap ko ay napagpasyahan kong umuwi na sa dorm ko. Sinamahan naman ako ng watcher na nagbantay sa'kin para masigurong diretso ang uwi ko.
Kinabukasan, nagising ako ng ala una na ng hapon kung kaya't hindi na ko nakapasok pa sa klase ko. Kung hindi pa nga ako ginising ng isa sa mga keepers ay hindi ko mamamalayan ang oras. Kailangan ko raw kasing pumunta ng clinic para mabigyan ng lunas ang mga bali at sugat ko sa katawan. Hindi rin naman kasi biro ang tinamo ko pero alam ko namang malayo ito sa bituka.
Hindi na nila ko pinilit pa na pumasok sa mga natitirang subjects ko kaya naisipan ko na lang na puntahan si Tati sa Chapel. Nadatnan ko roon ang ilang mga estudyante at ang mga kapamilya ni Tati na nagluluksa. I can't help but to feel sorry for them.
Lalapitan ko na sana ang kinahihimlayan niya ng mapansin ko na nadoon si Cha so I chose to walk out.
"Bliss," tawag niya sa'kin pero hindi ko siya nilingon. "Sa'n ka pupunta? Kararating mo lang aah."
"Nawalan na kasi ako ng gana. Bukas na lang ako dadalaw sa kanya," sagot ko sa kanya. Sana naman ay masense niya na hndi ako 'yong tipo ng tao marunong makipagplastikan.
That's one of my flaws. I can't fvcking pretend that everything is okay. Mahirap mang aminin pero I'm a type of person who prefer to hold grudges than to talk about it. Ako 'yong tipo ng tao na mahirap makaget-over, I can forgive but can't forget.
At hindi ko makakalimutan ang ginawa niya.
"Bliss," muling pagtawag niya sa'kin pero gaya ng ginawa ko kanina ay mas pinili kong magbingi-bingihan. "May problema ba tayo? May nagawa ba kong mali?"
Wow aah. Kung makapag-asta ka akala mo naman magpapaloko pa ko sa sa'yo.
Ngayon ko lang napagtanto na lahat ng tao rito sa Immure Academy, lahat peke. Lahat, hindi mapagkakatiwalaan.
"Bliss, ano ba? Ba't iniisnob mo ko?"
"Pwede ba Cha, wala ako sa mood. Next time na lang tayo mag-usap," I said as I start walking away but unfortunately, she insisted.
"Kung ano man ang iniisip mo Bliss, nagkakamali ka. Lahat ng nangyayari, may rason at ang rasong iyon ay para sa ikabubuti ng lahat. Lalong-lalo na para sa kapakanan mo," pagpapaliwanag niya.
"So you're saying that it's for everyone's sake? Tsk. Paanong magiging para sa ikabubuti 'yon ng lahat kung ilang buhay na ang nawala?!" wika ko. Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko at nasigawan ko siya.
"Balang-araw Bliss, maiintindihan mo rin ang lahat," aniya.
'Yan na naman tayo sa salitang balang-araw eh. Nakakaumay na.
"Maiintindihan? Sabihin mo nga sa'kin Cha, ginagawa n'yo ba kong tanga rito? Sawang-sawa na kasi akong marinig 'yang mga palusot n'yo na kesyo someday malalaman ko rin ang lahat ng dapat kong malaman. Na kesyo, darating din ang panahon na magiging maayos ang lahat. Kailan pa huh? Kailan pa?! Sa oras na may mamatay ulit gano'n ba? Ilang tao pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay? Nakakatanga na eh. Nakakapagod na."
"I know Bliss. Naiintindihan kita. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa'yo lahat."
"Kung pwede? 'Yan ba talaga ang problema? Anytime pwede mo siyang sabihin Cha. Kahit anong oras pwede n'yo siyang sabihin sa'kin pero mas pinili mong manahimik."
"Dahil para 'yon sa kapakanan mo, Bliss."
"Kapakanan ba kamo? Hindi ba kung talagang may concern kayo sa kapakanan ko, hindi n'yo ipagkakait sa'kin ang katotohanan." Hindi ko na mapigilang mapaluha kaya naman mabilis na kong naglakad papuntang mini-forest. Bale kasi sa bandang likuran lang ng Chapel matatagpuan ang daan papuntang mini-forest.
"Bliss, magtiwala ka lang please," pagmamakaawa ni Cha.
Uso pa pala ang salitang tiwala dito.
"Magtiwala? Sabihin mo nga sa'kin Cha kung karapat-dapat bang pagkatiwalaan ang isang mamamatay tao?" tanong ko sa kanya.
"W-what do you mean?"
"Talagang magmamaang-maangan ka pa aah? Akala mo ba hindi ko alam? Sinundan kita kaninang madaling araw. Nakita ko na inilibing mo ang bagay na naging dahilan ng biglaang pagkamatay ni Tati. Kaya pala ang bilis niyang malagutan ng hininga kasi may ginawa ka sa kanya."
Yes, tama kayo. Nakita ko lang naman na inilibing niya ang isang injection na naglalaman ng isang lason na pinupuntiraya ang puso ng tao. Sa loob lamang ng ilang minuto ay maaari itong maging sanhi ng pagkamatay ng taong matuturukan nito. At ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Tati. Remember the time that I asked permission to visit Tati bago pa man siya maembalsama? Iyon ang time na ginamit ko para mahanap kung may bakas ba ng injection sa katawan niya and hindi nga ako nagkamali.
"L-let me explain Bliss," garagal na sambit niya. Akala niya siguro matatakasan niya ang kasalanan niya.
"Then explain!" I exclaimed.
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula pero sana naman maintindihan mo na kailangan kong gawin 'yon para matigil na lahat ng 'to. Ayokong mawala ka Bliss. Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ng lahat ng naririto."
"Pinatay mo si Tati para matigil na lahat ng 'to? Nagpapatawa ka ba, huh? Sabihin mo nga, paanong maitatama ng isa pang mali ang dati ng mali sa simula pa lang?!" Ginagago na nga yata talaga ako ng mga tao dito. Halos lahat kasi sila pinagkakait sa'kin ang katotohanan. Una si Dane, palagi niya kong pinipigilan na gumawa ng anumang maglalapit sa'kin sa katotohanan. Pangalawa si Dale, parehas sila mag-isip ng pinsan niya. Tapos isa pa 'tong si Cha. Kung sino pa nga 'yong totoong gustong tumulong sa'kin siya pa ang nawala. Una si Cass, pangalawa si Bea at Kent tas ngayon naman na handa na si Tati na tulungan ako saka pa siya namatay.
Isa na lang ang pag-asa ko at alam kong may alam siya.
Si Katherine.
"Sige, kung ayaw mong sabihin sa'kin lahat ng nalalaman mo, mabuti pa na magkalimutan na tayo," wika ko. Alam kong mabigat sa loob 'tong gagawin ko dahil kahit papaano ay isa siya sa mga itinuring kong kaibigan dito. Pero wala namang saysay ang pagkakaibigan kung naggagaguhan lang naman kayo 'di ba?
"Bliss," muling pagtawag niya sa'kin at sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon ko siya. Nakita ko na nakaluhod na siya sa damuhan at patuloy na umiiyak. Gustuhin ko man siyang lapitan ay mas pinili ko na lang na lisanin siya at kalimutan ang lahat ng pinagdaanan naming dalawa.
Paalam Cha.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top