Chapter 22

A/N : This scene happened while Bliss and Dale are on their way to the library, on the other hand, Cha is making her deductions to surpass the gate to the library too.

* * * * *
What The Hell Is Happening?

( Bliss )

Iniwan muna namin si Cha sa bangin dahil baka wala na kaming maabutan kapag hinintay pa namin siyang makaalis do'n. Besides, wala naman kaming mahanap na paraan para makaalis siya do'n. Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanya.

"Dale, tara na! Ano pa bang pinaggagagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Abala kasi siya sa pagkalikot ng kung ano sa loob ng bag niya.

"Here," aniya sabay abot ng dala niyang bagong jacket. Medyo basa ito ng kaonti dala na rin siguro ng pagkahulog namin sa sapa ng putik kanina.

"Teka, ba't parang ang bigat naman yata nito at ang tigas pa. May bakal ba 'to sa loob?" tanong ko. Para kasing ito 'yong ginagamit ng mga kawal at mandirigma sa tuwing sumasabak sila sa gyera. Para bang may bakal ito na nakakabit sa parteng katawan maliban sa braso na purong tela lang.

"It's for protection. We don't know what will happen next so let's just be ready."

"Pero wala ka namang sinusuot na panangga para sa sarili mo," pag-aalala ko.

"I have everything that I need here," he said after he showed me what's inside his pocket. Meron siyang dalang kutsilyo, ice peak at... baril?

"B-bakit may b-baril ka?" nanginginig na tanong ko.

"Huwag kang mag-alala, I won't use it if it's not necessary. At kung iniisip mo kung sa'n ko 'to nakuha, just leave it to me," aniya sabay hawak ng kamay ko at patakbo naming tinahak ang daan papuntang library.

Hindi na ko nakaangal pa sa kanya dahil basta-basta niya na lang akong hinatak. Gano'n pa man, hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Paano kung may mangyaring barilan mamaya? Paano kung may mamatay ulit? Parang hindi ko na kakayaning makakita pa ng patay na kapwa estudyante.

"Just trust me with this, Bliss," wika niya sabay pakita ng baril sa'kin. Ramdam na ramdam ko naman ang pagiging sincere niya dahil it's his first time calling me with my first name. I guess, he's really serious.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa library. Napapalibutan pa nga ito ng mga signage na nagsasabing bawal muna itong pasukan ng mga estudyante.

Unfortunately, wala kaming ibang choice ni Dale kundi ang lumabag sa mga babala. Nagbabalak na sana si Dale na sirain ang pinto nang bigla ko siyang pinigilan.

"Mas lalo tayong mapapahamak sa admins kung maninira tayo ng school property. Ako na munang bahala rito, habang ina-unlock ko 'tong pinto ay ihanda mo na lang muna ang mga kakailanganin nating armas once na makapasok na tayo. We don't know, baka may naghihintay na namang patibong," I said as I began using my lockpicking skills. Kinuha ko ang isang hairpin na nakaipit sa buhok ko at sinubukang i-unlock ang pinto. Mabuti na lang at hindi naman ako masyadong nahirapan.

Bago ko tuluyang buksan ang pinto ay kinuha ko muna sa bulsa ni Dale ang dala niyang ice peak. Mahirap na baka may kalabang naghihintay.

Habang pinipihit ko ang pinto ay nakatutok na sa harap ko ang ice peak. Hindi naman maiwasang mapailing ni Dale. Bakit ba? Malay mo, baka may bigla na lang umatake sa'min, at least kahit papaano mauunahan ko na siya 'di ba?

At noong balak na naming pasukin ang library ay mabilis kong inihanda ang sarili ko. Hindi naman ako nabigo dahil mabilis akong nakakilos at tinutukan ko ng ice peak ang taong nakatalikod sa may paanan ng pinto. Mabuti na lang at maalam ako kahit papaano pagdating sa martial arts dahil ipinasok ako do'n ni Daddy noong elementary pa lang ako. Hindi na siya nakapalag pa nang bigla kong ipulupot ang braso niya at tinutukan ko siya ng ice peak sa sentido niya.

"Ano ba! Nasasaktan ako," aniya. Teka, ba't parang pamilyar 'yong boses na 'yon.

"Dane?" wika ko sabay bitaw sa kanya. Ibinaba ko na rin 'yong ice peak na nakatutok sa kanya.

"Avi! May balak ka bang patayin ako?!" gulat na singhal niya.

"W-wala. Ikaw naman kasi, ba't ka ba nandyan? Akala ko kung sino ka kaya naisipan kong unahan ka na just in case na atakihin mo kami bigla," pagpapaliwanag ko. "Pasensya na Dane. 'Di ko naman sinasadya eh."

"It's okay," she said. Hahawakan ko sana siya para tingnan kung okay lang siya nang biglang pumunta siya kay Dale at niyakap ito. Pansin ko na punong-puno ito ng dugo sa katawan at mugto na rin ang mata nito na marahil ay dahil sa labis na pag-iyak.

"Dale, samahan mo ko... hanapin natin si Tati. She's in danger. Kinuha na lang kasi siya bigla ng isang taong nakamaskara kanina at dinala sa kung saan. Nag-aalala ako, baka kung ano ng nangyari sa kanya," wika nito. Isang iling lang ang isinukli ni Dale sa pinsan niya. Pansin ko, parang takot ang pangamba ang nararamdaman ni Dale at damang-dama ko rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Mabuti pang maghiwalay tayo ng direksyon sa paghahanap sa iba pa. Pero teka, maliban kay Tati... nasaan na ba si Gabb at Hazel? Sigurado ka bang ayos ka lang? Teka, gagamutin ko muna 'yang mga sugat mo," wika ko sabay hablot ng braso niya pero laking gulat ko nang wala ni isa mang galos o sugat ang nakita ko sa kanya. Hindi kaya..

"Aah--- ang mabuti pa Collins dumaan ka sa bandang kaliwa papunta sa likurang bahagi ng library. Ako naman ang sasama kay pinsan sa paghahanap sa kanang bahagi ng library. Mag-iingat ka, okay?" wika ni Dale sabay tapik ng braso ko.

"Avi, mag-iingat ka," sabi naman ni Dane but I sense that she's not being sincere when she said it.

Baka naman kasi pagod lang 'yong tao, ikaw ba naman makulong dito ng ilang oras malamang, talagang mag-iiba ang pakikitungo mo.

Nakakilang hakbang pa lamang ako nang biglang may humila sa'kin at tinutukan ako ng baril sa ulo.

"Napakapakialamera mo talaga noh? Ilang beses na kitang binalaan pero napakatigas ng ulo mo. Ikaw lang din naman ang naglalapit ng sarili mo sa hukay Bliss."

"S-sab? A-anong g-ginagawa m-mo d-dito? B-bakit m-may d-dala k-kang b-baril?" nauutal na sambit ko. Hindi ko maiwasang manginig sa takot. Knowing Sab, she's a kind of person whom I know that is capable of killing.

Hindi kaya siya ang may pakana ng lahat ng 'to?

"Isa ka rin ba sa mga dinukot? O i-ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to?"

"Hahahahahahahahahaha."

Laking gulat ko ng bigla akong binitawan nito sabay tawa ng malakas. Lumikha pa ng ng echo ang ginawa niyang pagtawa. Nababaliw na ba siya?

"Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito, may nakakatawa ba do'n?"

"Wala. Pero sa mukha mo meron. Look at your face Bliss Avril Collins, you're scared to death. Hahahahahahaha. Are you afraid that I might kill you using this?" tanong niya sabay tutok ulit ng baril sa sentido ko. Hindi ko naman napigilang manginig ulit sa takot. Palaban akong tao pero sa oras na 'to, alam kong wala akong kalaban-laban.

"If I were going to kill you, I won't use a toy gun. Laruan lang 'to ano ka ba?! I'm just scaring the hell out of you," wika niya sabay kalabit ng baril pero wala ni isa mang bala ang lumabas dito. Tama siya, isa nga itong laruan.

"Are you picking on me?" tanong ko sabay tulak sa kanya. "Pwede ba Sabrina, this is not the right time for your stupidity.  Ba't hindi mo na lang sagutin ang tanong ko kung paano ka nga nakapunta dito? Sa pagkakaalam ko kasi, apat na representative lang ang naireport na nawawala at hindi ka kasama do'n. Nakita pa nga kita kanina sa cafeteria habang kumakain kami ng hapunan nila Dale at Cha."

"Wanna know why? Simple lang, sinundan ko kayo. And luckily, nauna pa ko sainyo. Masyado kasi kayong maraming kuda. Napansin ko kasi na parang may kakaiba sa mga ikinikilos n'yo habang kumakain kayo sa cafeteria kanina. Kaya sinundan ko si Ms. Math Genius at dahil kaibigan ko si swerte ngayon, nakita ko na isinilid niya sa bulsa niya ang isang piraso ng papel and the rest is history," pagpaliwanag niya.

"Ang mapa. Ikaw ang kumuha ng mapa tama ba?"

"Correction, hindi ko siya kinuha. Yes, technically hindi. Nahulog siya sa bulsa niya and it happened that it got my curiousity," aniya.

Patuloy pa sana kami sa pagdidiskusyon nang nakarinig kami ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan namin kaya mabilis kaming nagtago ni Sab sa ilalim ng isa sa mga bookshelves. Mabuti na lang at natatakpan kami ng mga naglalakihang libro.

Base sa kaunting aninag ng liwanag, napansin namin na ang taong nasa harap namin ngayon ay may dalang baril. Nakasuot din ito ng maskara at nakakatakot ang awra nito.

"Bliss, kailangan na nating makaalis dito. Ang mabuti pa dumaan ka diyan. Pagkadating mo sa ikatlong bookshelf lumiko ka sa kanan at pagkatapos dumiretso ka hanggang marating mo ang librarian desk. Doon makikita mo ang likurang bahagi ng library," bulong ni Sab.

"H-huh? Pa-paano?" naguguluhang tanong ko.

"Eh 'di gumapang ka. Bilisan mo na kung gusto mong maabutan pa ng buhay si Tati."

"What do you mean?"

"Huwag ka ng magtanong pa. Bilisan mo na. Ako na ang bahala sa kanya." wika nito sabay labas ng nakatagong baril sa bewang niya. This time, nasisiguro kong totoong baril na ito.

Mahirap man dala ng suot kong jacket ngayon ay pinilit ko pa ring gumapang nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Bago ako lumiko ay sinulyapan ko muna si Sab sa likod at laking gulat ko ng masaksihan ko na nagtututukan na sila pareho ng baril. Sooner or later, baka magpatayan na silang dalawa.

"Aaaaaaaah!" sigaw ko. Naramdaman ko na lang na may umaagos na dugo sa kaliwang braso ko. Sa pag-aagawan kasi nila ng baril ay aksidenteng naiputok ito at tumama sa direksyon ko. Pansin ko rin na may gamit silang silencer para walang ingay na maproduce once na magkaputukan.

"Bliss, bilisan mo na. Ako ng bahala sa kanya," sigaw ni Sab kaya dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa bandang likod ng library. Wala na naman kasing saysay kung gagapang pa ko, nakita na naman niya ko. Para saan pa?

"Nasaan si Bliss? I need to tell her something."

"Wala si Bliss dito, hold on please. Kailangan na nating makaalis dito."

Teka, bakit parang pamilyar 'yong boses na 'yon?

"Tati?"

"Bliss? Bliss is that you?"

"Yes, it's me. Teka, 'wag ka munang gumalaw. Gagamutin ko muna 'yang mga sugat mo." Kaagad kong kinuha ang first aid kit na dala ko at nagsimulang pigilan ang pag-agos ng dugo sa tiyan at binti ni Tati hindi alintana na ako mismo ay may mga sugat at tama rin. Ilang saksak at tama ng baril ang tinamo nito kung kaya walang-wala ang sakit at hapdi na nararamdaman ko kumpara sa kanya.

Kung sino man ang may gawa nito sa kanya, panigurado ako... Siya ang may pakana ng lahat ng 'to.

"Bliss, nasaan na ba si Dale? Ba't nag-iisa ka lang? At saka ba't may tama ka?" tanong ni Cha. Ramdam ko na parehas kami ng iniisip ngayon. Naweweirduhan din kasi ako sa ikinikilos ni Dale. Para kasing may alam siya na hindi namin nalalaman at ramdam ko rin na parang may pinoprotektahan siyang isang sikreto.

"Bliss, no need to waste your effort. It's useless, konti na lang ang nalalabing oras ko. Kailangan mo ng malaman ang buong katotohanan," wika ni Tati as I start giving her some medications.

"A-anong i-ibig m-mong s-aabihin?" nauutal na na sagot ko. Anong katotohanan kaya ang tinutukoy niya?

"Mabuti sigurong gamutin na muna natin 'yang sugat mo Tati bago ang lahat," suhestyon naman ni Cha.

"N-no! Kailangan ng malaman ni Bliss ang totoo na si---------" wika ni Tati bago siya tuluyang malagutan ng hininga.

"Tati? Tati? H-hindi m-maaari 'to. Cha, tara na! Dalhin na natin si Tati sa clinic!"

"Huli na Bliss, wala na si Tati."

"Hindi. Hindi pwede 'to! May alam siya Cha, sasabihin niya na sana sa'kin ang lahat! Bakit gano'n?!"

Alam kong may alam na si Tati. Bakit gano'n nang dahil lang sa isang record book, marami ng buhay ang nadamay. Una si Cass, sumunod si Bea, tas nasundan pa ng pagkawala ni Kent. At heto na naman kami ngayon, nagluluksa sa pagkawala ni Tati.

"Bliss, stop crying. Pasasaan ba't matitigil din lahat ng 'to. Konting tiis na lang, malalaman mo rin-- I mean, malalaman rin natin ang buong katotohanan."

"What the hell! Tati..." napahagulgol na wika ni Sab. Ramdam na ramdam ko ang pagluluksa niya. Mahirap kayang mawalan ng kaibigan.

"Sumosobra na talaga sila," mariing wika nito na may halong paghihinagpis at galit.

"Ang mabuti pa lumabas na tayo rito. Kailangan na natin 'tong ireport sa mga watchers at keepers. Kailangan na rin nating mailabas kaagad dito si Tati," suhestyon naman ni Cha.

Habang abala silang dalawa sa kung paano mabubuhat si Tati ay hindi ko pa rin magawang makagalaw sa kinaroroonan ko. I was still stuck in realization that another corpse is lying and it's all because of that fvcking record book. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay at kaluskos. Dumating na pala sina Dane at Dale kasama sina Hazel at Gabb. Masaya ako dahil kahit papaano ay wala namang nangyaring masama sa kanila. Tulad ni Sab, akala ko masasaktan din siya pero wala ni isa mang tama ng baril ang tumama sa kanya.

Pero ba't parang may mali, bakit parang kami lang ni Tati ang nasaktan dito and worst, ikinamatay pa ito ni Tati.

Kataka-taka kasi, paanong biglang nalagutan ng hininga si Tati kung nalutasan naman na ang ilang mga sugat niya at nabendahan na rin namin ang mga ito para matigil sa pagdurugo.

Hindi kaya?

Hindi kaya, ang target lang talaga ng killer ay si Tati at idinamay niya lang ang ibang representatives para mapagtakpan ang tunay niyang motibo?

Please take me out on this crazy hell.

* * * * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top