Chapter 20

* * * * *
One Step Behind

( Bliss )

It is a world of something new and it has an amazing sight of view.

This is where I see myself in another world. Somewhere out of the woods.

This is where I feel complete, even when I'm all alone."

"Blood will flood,
It's time to die... goodbye!"

Paulit-ulit kaming nagdiskusyon kung ano ang ibig sabihin ng mapa at ng nakasulat na mensahe sa likod nito. At dahil sa pressure na nararamdaman namin ay mas lalong hindi kami nakapag-isip ng maayos.

Hindi rin maiwasang ulit-ulitin ni Dale ang mga salitang, "Blood will flood. It's time to die, goodbye!" Marahil ay natatakot siya na tuluyang mawala sa kanya ang pinsan niya. Kaya hindi ko rin maiwasang maawa at mag-alala. Paano kung isa-isa na silang pinahihirapan ngayon? Paano kung tatlo na lang sila? Dalawa? Isa? O kaya naman wala na talagang ni isa mang natira sa kanila? Huwag naman sana.

It's almost an hour na ang nakalilipas pero hindi pa rin namin nasasagutan ang logic ng mapang ibinigay ni D kay Cha. Ano naman kaya ang pakulo niya at bakit may pahirap effect pa siya sa'min eh alam niya na ngang nanganganib na 'yong apat kung nasaan man sila ngayon.

"Alam ko na," biglaang wika ni Dale. Kumuha siya ng ballpen at binilugan ang library. Sa hitsura kasi ng mapa, may mga bakas pa ito ng dugo kaya alam namin na 'yong parteng may mga dugo lang ang dapat naming pagpiliian which is... the library, mini-forest, and the abandoned building.

"It is a world of something new and it has an amazing sight of view. This is where I see myself in another world, somewhere out of the woods. This is where I feel complete, even when I'm all alone," wika ni Dale na para bang nirerecite niya kung ano ang mensaheng nakapaloob sa likod ng mapa para masigurado niyang tama ang maisasagot niya.

Ilang sigundo pa ang makalipas nang magsalita na siya kung ano ang hula niya.

"This paragraph talks about the library!" aniya.

"Tama! Kasi 'di ba kapag nasa library tayo at nagbabasa tayo ng libro, para tayong dinadala nito sa ibang dimensyon," pagsasang-ayon naman ni Cha.

"But isn't it ironic? Restricted ngayon sa mga estudyante ang library kasi nga 'di ba ililipat na siya sa panibagong gawa na building? Atsaka, paanong doon isasagawa ang hostage taking kung maraming nakabantay na watchers do'n?" tanong ko sa kanila.

Bigla naman silang napaisip sa tanong ko pero namayani pa rin 'yong kuryosidad nila na malaman kung talagang sa library nga dinala 'yong apat na representative.

As we were walking towards the library ay biglang tumunog ang cp ni Cha. Friday kasi ngayon, kaya pwede naming makasama pansamantala ang mga cellphones and gadgets namin pero kinakailangan pa rin namin itong isurrender sa pagsapit ng alas singko ng hapon. In my case, I didn't even bother na kuhanin pa ang gadgets ko, nasanay na rin kasi ako na wala ang mga ito sa sistema ko. At isa pa, wala na namang nakakaalala sa'kin sa outside world. Sad life.

"Meet them at exact 8pm where watchers are on leave. -D," wika ni Cha habang binabasa ang natanggap niyang mensahe galing sa isang anonymous sender na si D.

"Alas kwatro pa lang aah? So kailangan pa nating maghintay nang mahigit 4 na oras pa?! Pa'no kung wala na tayong madatnan do'n?" Nakakadismaya lang na kailangan pa naming hintaying sumapit ang gabi bago namin sila maililigtas.

"Wala na tayong magagawa kundi ang sundin ang utos ni D. Nakakalimutan mo na ba Bliss na siya lang ang taong makakapitan natin ngayon. Hindi niya naman siguro hahayaang mahuli tayo sa pagligtas sa kanila 'di ba?" wika ni Cha pero halata namang tulad ko ay kinabahan at nag-aalala rin siya.

"Ang mabuti pa, kumain na lang muna tayo para makapag-isip tayo ng maayos kung ano ang susunod nating gagawin," suhestyon ni Dale na pilit na kinakalma ang sarili niya.

Sabay-sabay naman kaming nagpunta sa cafeteria para kumain at do'n na rin namin pinag-usapan ang mga susunod naming gagawin. Napagkasunduan namin na magkita-kita na lang kami sa mini-park na may mga swing at benches na nakalagay malapit sa mini-forest mga bandang alas otso ng gabi kung saan limitado ang nakabantay na watchers dahil ang iba ay nakaschedule na kumain ng hapunan. Bago mag-alas singko ay pinasubukan kong patawagan kay Cha ang number na nagtext sa kanya kanina. Pero tulad ng inaasahan ay boses babae ang sumagot dito.

"The number you have dialed is busy at the moment or out of coverage area, please try your call later." *toot*

"Unattended," sabay naming sabi ni Cha.

"To all the students who are currently enjoying their phones and gadgets please be reminded that you need to surrender it right after 5pm at the Immure Stadium or else, the watchers and keepers will force you to do so," sabay-sabay na anunsyo ng mga nakapalibot na speakers sa campus. And speaking of which, walang ibang choice si Cha at Dale na isauli ang mga gamit nila at kundiman ay mapapatawan sila ng di kaaya-ayang punnishment.

Naalala ko bigla no'ng baguhan pa ko rito at hindi pa talaga ako sanay na walang cp. Naisipan ko no'n na itago ang mga gadgets ko at hindi isauli pero at the end, I ended up surrendering it to the keepers and watchers. Ikaw ba namang takutin na hindi ka na makakagamit ng gadget mo kahit kailan! At higit pa do'n, pinalinis lang naman nila sa'kin 'yong quarters nila na ubod ng alikabok maghapon. But there's more, naging headline lang naman ako sa mga bulletin boards at classroom na may nakalagay na "WANTED: Bliss Avril Collins, BS Accountancy - Huwag tularan." So, bago ang pangyayari kay Kent, na nawawala pa rin hanggang ngayon... ay ako muna ang naging 'Huwag Tularan Awardee'.

Habang silang dalawa ay nasa Stadium ay naisipan ko na munang matulog. Paghahanda lang para mamaya, baka kasi abutin kami ng madaling araw.

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko. It's 7:30 na kaya mabilis akong nagbihis at nagdala ng mga gamit na pwedeng gamitin pandepensa. Nagdala lang naman ako ng pepper spray na ipinuslit ko pa sa cafeteria kanina at perfume na pwede ring pang spray sa sinumang mangangahas na saktan ako. Mabuti nang maging handa, just in case na may mangyaring masama.

Dahil sa kabisado ko na ang mga pinaglalagyan ng mga red lights ay ako ang naunang makarating sa tagpuan namin. Kagaya ng dati, walang kahirap-hirap na narating ko ang mini-forest kahit pa na paminsan-minsan ay nakakaaninag ako ng mga watchers na nagroronda.

Nasaan na kaya sila?

Mahigit sampung minuto na rin akong nakaupo rito sa isang swing at nararamdaman ko na rin ang lamig ng simoy ng hangin. Maya-maya pa ay may biglang nagsalita. Hindi ko mawari kung lalaki ba siya o babae kasi may gamit siyang voice projector para itago ang tunay niyang boses.

"Be careful, the road towards them is not easy as you think it is. You better watch out." the anonymous said probably referring to me.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"I'm neither a friend nor an enemy. Be careful Bliss," aniya saka siya naglakad palayo.

Ano kayang ibig sabihin niya? Posible kayang maraming mata ang nakamasid sa'min ngayon? O baka naman isa lang 'tong pakulo ng mga representatives kasabwat ang mga admins para hulihin kami sa akto?

Bakit parang famillar siya kung magsalita? Be careful--- Hmm.

I sighed. It is not the time to think about negativity, Bliss. Buhay na ang nakasalalay dito.

"Itigil mo na nga 'yang pag-iisip mo ng kung ano-ano Bliss! Nagiging paranoid kana naman!" bulong ko sa sarili ko.

"Hi there Collins, ang aga natin aah? Ano bang binubulong-bulong mo diyan?" wika ng isang kapre este ni Dale na bigla-bigla na lang sumusulpot. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa'kin by surname.

"W-wala. You never fail to startle me. Tsk. Nasa'n na ba si Cha?"

"Ewan?" aniya na pakamot-kamot pa.

"Sorry guys I'm late. 'Di n'yo man lang ako binalaan na para palang maze ang sapalaran makapunta lang dito ng dis-oras. By the way, ano ba 'yung mga pulang ilaw na nagkalat sa paligid?" wika ni Cha na hingal na hingal.

"Huwag mong sabihing nahagip ng mga pulang ilaw na 'yon?" tanong ko. Lagot! Hindi namin siya nabalaan na may mga CCTV a.k.a red lights na nagkalat sa paligid.

"No. Hindi naman ako tanga para hindi mahulaang mga hidden cameras 'yon! Ang ipinag-aalala ko lang ay baka may ibang nakakita no'ng mapa. Hindi ko na kasi siya mahanap at sa pakiwari ko'y nawala ko siya sa daan," aniya na patuloy pa rin sa pagkapa ng mapa sa bulsa ng jacket niya.

"Never mind that map. We need to hurry. Let's go?" pagyayaya ni Dale. Kaagad niya namang hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko rin itong binawi. Ayokong mag-isip si Cha ng kung ano tungkol sa'min at higit sa lahat, hindi ako komportable.

Malapit na sana kami sa library nang biglang...

"Waaaaaah!" sigaw ko at agad namang tinakpan ni Cha ang bibig ko. Napatid lang naman kasi ako ng isang pinagtagping damo. At higit pa do'n may kasama itong bubog kaya naman paika-ika ako ngayon. Buti na lang may dala akong first aid kit.

Napagpasyahan naming lagyan muna ng bandage ang binti ko para matigil ang pagdurugo at para na rin maiwasan na matetano ito.

Matapos ang 'di inaasahang pangyayari ay naisipan naming magpatuloy ngunit nakakailang hakbang pa lang kami ay may isa na namang patibong ang dinaanan namin.

"What the fcvk!" I hissed as I laid my eyes on my dirty clothes. Kung ano man ang naging reaksyon ko ay siya ring naging reaksyon ng dalawa na basang-basa rin.

Nahulog lang naman kami sa sapa ng putik. Akala kasi namin lupa pa ang tinatapakan namin. Isa pala itong patibong kung saan aakalain mong lupa pa siya pero putik na pala. What the hell!

Malamig pa naman kaya nga kami nagjacket tas ganito pa ang mangyayari. Kung sino man ang may pakana nito, ipagdasal niya na hindi ko siya mahuhuli. I'll make sure that I'll get rid of her/him as soon as possible.

Ito na ba 'yung sinasabi ng kumausap sa'kin kanina? Na hindi magiging madali ang daan para mailigtas namin sila?

"Mukhang ito na yata 'yong babala na natanggap ko kanina."

"W-what do you mean?" nagtatakang tanong ni Cha.

"Habang naghihintay kasi ako sainyo kanina ay may taong bigla na lamang nagsalita out of nowhere. Sinabi niya na... Be careful, the road towards them is not easy as you think it is. You better watch out."

"Maybe it's either the suspect or our anonymous helper na si D," hula ni Cha. Baka nga, baka isa siyang kalaban o kakampi.

"Namataan mo ba kung sino siya?" tanong naman ni Dale.

"Hindi, at hindi ko rin siya nabosesan kasi he's using a voice projector. Pero sa hula ko ay lalaki siya and I think he's just like you. Base sa anino niya na nakapuslit sa likod ng puno ay natantya ko na kasing tangkad at kasing laki mo lang siya," wika ko na bigla namang ikinabahala ni Cha. Nakita ko kasi ang sunod-sunod na paglunok niya. Maybe he's suspecting Dale.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa...

Waaahhhhhhhh!

Nahulog si Cha sa isang malalim na bangin. Bigla namang nagpalinga-linga si Dale sa paligid para maghanap ng lubid o ng hagdan na maaaring gamitin sa pagligtas kay Cha. Napansin ko rin na dilaw pa rin ang kulay ng wrist watch ni Dale. Nangangahulugan na kailangan na naming magmadali. Maya-maya pa ay...

"Dale, 'yong kulay ng relo mo... n-naging kulay o-orange na," nauutal na sambit ko.

"What the fcvk! Huli na tayo Bliss!" napahilamos na sambit nito.

"A-anong i-ibig m-mong s-s-sabihin?" nanginginig kong sambit. Ano kayang ibig sabihin niya na huli na kami?

"Color orange stands for death," wika nito na siyang ikinawala ng lakas ko. Bigla akong napaupo dahil sa patuloy na panginginig ng katawan ko. Nagbabadya na sana ang pagtulo ng mga luha ko nang bigla akong matauhan.

"W-we, we need to hurry Dale. Huli man tayo, nasisiguro kong may magagawa pa tayo," wika ko as I held his hand. "CHA! DIYAN KA MUNA HUH? KAILANGAN NA KASI NAMING MAGMADALI. BABALIKAN KA NAMIN." sigaw ko kay Cha hoping na marinig niya.

Mabilis pa sa umaarangkadang motorsiklo ang takbo namin ngayon ni Dale. Hindi na namin alintana ang tinik at kati na dulot ng mga damo na dinadaanan namin. Hindi ko rin alintana ang nakabendang kanang paa ko sa takot na baka wala na kaming maabutan.

At sa wakas ay nakarating na kami sa library.

We're one step behind you, killer slash holder of the record book.

* * * * *

Spoiler Alert:

Tati, 'wag kang susuko please.

Nasaan si Bliss? I need to tell her something!

Bliss is not here, hold on please.

Tati?

Bliss?

Bliss is that you?

Yes. It's me. Teka, gagamutin ko muna 'yang mga sugat mo.

No need to waste your effort. It's useless. Konti na lang ang nalalabing oras ko, kailangan mo nang malaman ang buong katotohanan.

Find out more thrilling and unxpected revelations for the next updates.

A/N: Crdts sa may ari ng picture na ginawa kong representation ng school.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top