Chapter 2
When you're depressed, you don't control your thoughts. Your thoughts control and manipulate you.
-Unknown.
* * * * *
Her Enigmatic Personality
( Bliss )
It's our first day of school and I don't feel like going. But I have no choice but to attend and study. Mabilis akong naligo at sinuot ko na ang unipormeng binigay nila sa'kin kahapon. Kulay itim ito na may kaunting kulay puti. Maganda naman ito kasi I love black. It's a black long sleeve with a white line on the edge and a black skirt probably about 2 inches above the knee. Mayroon din itong tie which is pure white.
Hindi ko na naisip na mag-almusal pa dahil agad akong naglakad papunta sa room ko. "Mukhang malelate yata ako!" bulong ko sa sarili ko.
"Ms. Collins! First day of school yet late ka! Hindi magandang ugali 'yan ng isang baguhan. So tell me, why are you late?" ani ng isang babaeng nakasalamin. Siya yata ang prof namin sa Religion.
"Hindi ko po kasi namalayan ang oras napasarap po kasi ang tulog ko. Pardon me Ma'am," purong katotohanang sagot ko.
Masyado kasi akong nasanay sa previous school ko which is 8:30 nagsisimula ang klase.
"So sinasabi mong late ka nagising kaya natural na late ka ring papasok? Such a lame excuse Ms. Collins. By the way, sit here infront so that I can monitor your attitude all the time."
Sinunod ko naman ang sinabi niya at naupo ako sa bandang unahan, sa may parteng dinadaanan. Our room is composed of 30 students so it has 6 students in a column and 5 students per row. Agad na nilapag ko ang gamit ko at naupo ng maayos. Masuyo akong nakinig sa mga sasabihin niya, mahirap na baka ako na naman ang mapag-initan kagaya ng nangyari sa former school ko.
"Good morning class, I am Professor Grayle Savage. Your religion teacher," pakilala niya saamin bago tuluyang nagdiscuss. She taught us all about God existence and blah~ blah~ blah~ Marami siyang sinabi about God nang bigla niya kong tawagin.
"Ms. Collins, do you believe in God?"
"Yes I do."
Maingay na nagsipalakpakan ang mga classmates ko na siyang ikinagulat ko. Bakit? Did I say something wrong? Totoo naman aah, I really believe in God.
"Don't mind them Avi... go on," ani ni Dane na nasa likod ko.
"Yes, I do believe in God. Do I need to explain that?"
And as expected, nagtawanan na naman sila sa sagot ko. Agad namang napukaw ang atensyon ko nang biglang tumayo ang isa sa mga classmates ko at walang pasubaling tinanong ako.
"You believe in God for no fvcking reason? So phatetic! If there is really a God then why would our parents put us here? Why wouldn't your God tell our parents na alisin tayo rito? Bakit wala silang ginagawa para mapalabas tayo rito? Bakit parang mga tuta nila tayo kung ituring kung saan matapos nilang iluwal ay papabayaan na nila? Ngayon mo sa'kin sabihin na may Diyos! Is there really a God, Avril?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kasi ako mismo sa sarili ko ay naguguluhan din. Bakit nga ba? Hindi ko siya masisisi kung hindi siya naniniwalang may Diyos. Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon nila ng sabihin kong I believe in God kasi ako lang pala ang may ganoong pananaw rito.
"Ms. Collins, if you can't explain why you believe in God then please explain what happen why Lucifer decided to fight against God," panibagong tanong ulit sa'kin ni Professor Grayle.
"It's his pride. Pride makes an angel turned into a devil."
"Excellent Ms. Collins! That explains why you're here also Ms. Wilson," ani niya sa classmate kong tumayo kanina.
"You're all here because of your pride. You have the choices to change, to repent and not at all. You all chose not to change. That's why until now, nandito kayo. Huwag ninyong iisipin na pinabayaan na kayo ng mga magulang n'yo. At higit sa lahat do not under estimate the capabilities of our almighty God. Hindi Niya na kasalanan kung bakit kayo nandito at kung bakit kayo nakakulong dito. Despite, binigyan Niya tayo ng free will. Nasa sa'tin ang desisyon kung gagamitin natin ito sa kabutihan o sa kasamaan."
Natahimik kami sa sinabi ni Professor Grayle. Tama siya. Masyado kaming mapride. Hindi namin iniisip na mali kami, na may kasalanan din kami kung bakit kami nandito. Marami pa siyang sinabi kung bakit dapat maniwala kaming may Diyos pero base sa nakikita ko, wala ni isa mang naniniwala sa kanya. Kawawang professor, mahirap kayang magpaliwanag sa mga taong close-minded.
Matapos ang religion class namin ay dumiretso ako sa cafeteria para maglunch. Hays... Nagutom ako kakaisip ng kung ano-ano.
"Nice answer Avi! Hindi ko alam na sa kabila ng lahat naniniwala ka pa rin sa Kanya," pumapalakpak na sambit ni Dane.
"Tss," wala sa mood kong sagot sa kanya.
"By the way Dane, sino iyong classmate nating nakasagutan ko kanina? Bakit gano'n siya?" Hindi ko maiwasang isipin ang mga rason sa likod ng kanyang mga pananaw sa buhay.
"Oh. That's Apple Cassidy Wilson. She's a fvcking rebel. She even burned her bestfriend's house. Nobody knows why. Her parents thought she's crazy. So instead of putting her in jail, pinakiusapan ng mga magulang niya ang pamilya ng bestfriend niya na 'wag nang magsampa ng kaso. Binayaran nila lahat ng damages and they enroled Cass here for a thought that she might change. But it's almost a year since she enroled here and nothing has changed. She's still a rebel daughter and its getting worst."
Hindi ko maiwasang magtanong. Who the hell would have thought na may mga taong kayang gawin na manunog ng bahay and take note, bahay pa ng bestfriend niya. Sabagay, nakaya ko ngang pagbuhatan ng kamay ang stepmom ko. I even try to kill her. Poor Cassidy, I know she has a deeper reason behind it.
-
Discipline and Self Control ang susunod naming subject. Unique. Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang subject. Usually kasi Values Education ang pinag aaralan ng mga tipikal na estudyante.
"Good afternoon class, I am Professor Arriene Joy Evans and I am your professor in Discipline and Self Control. Dito n'yo matutunan kung paano disiplinahin at kontrolin ang inyong mga sarili. Now, do you have any ideas why we need to study this? Ms. Collins, what can you say about this subject?"
Wtf! Ako na naman ang nakita. Mukhang magiging apple of the eye ako ng lahat ng mga teacher dito.
"I guess, importante po ang disiplina para sa pagbabago naming mga estudyante. While self control is important para labanan ang depression. Because when you're depressed, you can't control your thoughts. Your thoughts control and manipulate you."
Hindi ko alam kung saan ko kinukuha lahat ng sagot ko sakanila. Ang importante, ayokong mapahiya.
"Very good Ms. Collins. Mukhang hindi ako mahihirapang turuan kayo dahil alam n'yo naman na siguro ang essence ng subject na 'to. Let's begin with you Ms. Dangelle Allister. What makes you lose your self control?"
"I hate attention seekers, bitch, flirt and spoiled brat people. They really pisses me off," sagot niya na halatang iritang-irita.
"You hated attention seeker bitches 'cause you, yourself are one of them! Ayaw mong nasasapawan ka, tama ba? I knew you Dane. You're an angel in disguise!" ani ng isang gray haired tall girl.
"Oh you shup up Tati. Nobody ask for your opinion and don't you ever dare accuse me. I am not one of your troops and I will never be!" matapang na sagot naman ni Dane.
Cool. Dalawang palaban. I sense something unpleasant in this two pretty girls. I think they're holding grudges towards each other.
Hindi na umimik pa si Tati samantalang si Dane halatang sasabog na sa galit. At para maibsan ang pressure sa paligid, binigyan kami ng mind refresher activity ni Prof Arriene. Ito ay ang maglaro ng volleyball. Hinati kami sa dalawang team which is the group of Dane (where I belong) and ang group ni Tattianna. Sa first set of game, kami ang nanalo. While sa second set, sila ang nanalo.
Ouch!
Nabigla ako nang maramdaman kong may tumamang bola sa mukha ko na siyang ikinadugo ng labi ko.
"Ano ba Tati! Matuto ka namang maglaro ng patas!" sigaw ni Dane sa kabilang panig.
"What?! Kasalanan ko bang tatanga-tanga yang kagrupo mo? Wala siya sa focus Dane, alam niya namang nasa laro siya kung ano-ano pa iniisip niya!"
"So ano kasalanan niya pa? Ikaw na nga itong nakakaalam na wala siya sa wisyo pero sinadya mo pa ring tamaan siya! Are you insane?"
Akmang susugurin niya si Tati nang pigilan ko siya.
Kaya itinigil na ni Prof Arriene ang laro at baka tuluyang magkainitan ang bawat grupo. At dahil oras na ng dismissal, wala na siyang panahon pa para sermonan kami at patawan ng punishment. Ngunit bago pa man kami tuluyang makaalis isang paalala ang kanyang iniwan.
"What a disappointment, specially the 2 of you Ms. Allister and Ms. Allison. Baka nakakalimutan n'yo, this is a DISCIPLINE AND SELF-CONTROL subject. I am not as easy as you think I am. I will never let this matter split. Hindi ninyo alam ang mga consequences na pagdadaanan n'yo sa susunod na meeting natin. Ihanda ninyo ang mga sarili ninyo. You never know how I truly discipline the hard-minded students," ani ni Prof bago tuluyang umalis.
-
Papunta na kami ngayon ng dorm at napatigil ako nang biglang ngumisi ng malakas si Dane. Nakakatakot. Parang hindi siya iyong Dane na kilala ko.
"Tattianna Mariz Allison. Tsk. Tsk. Tsk," bulong nito sa sarili sabay tawa ng malakas. Tahimik na pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad. Ayokong gambalain ang pag-iisip niya. Kinikilabilutan ako sa aura niya. Parang nababalot ng itim na aura.
"Ano kayang ibig sabihin ni Tattiana na mapagpanggap si Dane? Ano kaya ang ibig sabihin ng mga kilos ni Dane?" iyan ang tanong na biglang sumagi sa isip ko.
Why do I feel like something weird is happening in this school?
Masama ang pakiramdam ko, alam kong may binabalak na masama si Dane. Wala man akong alam sa mga nangyayari pero gagawin ko ang lahat para pigilan kung ano man 'yon.
* * * * *
"It is HUMILITY that makes man as an angel. It is PRIDE that makes angel turn into a devil."
-Lucinda Price.
Fallen Series, Lauren Kate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top