Chapter 17

* * * * *
Assumptions

( Bliss )

I have five suspects at hand and I can't still believe na isa sa kanila ang salarin sa lahat ng kababalaghang nangyayari sa school.

Habang nagsasaya sila, naisipan namin ni Cha na bantayan ang mga kinikilos ng mga suspect namin ngayon.

-

1.) Dangelle Allister - mahirap mang paniwalaan dahil isa siya sa mga taong malapit sa'kin pero hindi pa rin maaaring ipagsawalang bahala ko na isa siya sa posibleng may hawak ng record book. Ayon kay Cha, napunta siya rito kasi inakala ng mga magulang niya na isa siyang psycho. They say that Dane is suffering bipolarity disorder. According to her Psychiatrist, she just need to be rehabilitated so her parents brought her here instead of putting her in a real rehabilitation center. And as for the information for some, bipolarity disorder is a condition that features extreme shifts in mood and fluctuations in energy and activity levels that can make day to day living difficult.

So kaya pala minsan may topak si Dane.

But what will be her reason to be a suspect held liable for the missing record book? Tanong ko sa sarili ko. Wala naman kasi akong nakikitang rason para pahirapan niya kami sa paghahanap ng hustisya sa mga nangyayari sa school.

"I don't think Dane will be our suspect. Can we cross out her name?" tanong ko kay Cha.

"No Bliss, I understand that you were friends with her but we don't know, malay natin sa kabila ng mga kabutihang pinapakita niya sa'yo ay nakakubli ang maitim na sikreto," aniya na siyang ikinabahala ko.

Kahit saang anggulo ko kasi tingnan ay hindi ko lubos na maisip na siya ang may hawak ng record book. Oo minsan may pagkamisteryoso siya pero kaibigan ko pa rin siya at may tiwala ako sa kanya.


2.) Hazel Franz Santiago - ang babaeng nadiagnose na may Intermittent Explosive Disorder. Ang babaeng may anger issues. Siya ang babaeng nanakit kay Cha noon at ang kasintahan ni Laxus. Hindi ko alam kung ano ang rason niya para kunin ang record book pero she seems to be alarming. Base sa ugali niya, posibleng siya nga ang isa may kakayahang gumawa ng krimen dito sa school. But as an accountancy student, we are constantly reminded that we need to be fair and objective at all times. So I cannot just judge her without knowing her reasons.

"I think Hazel is not the one who stole the record book," aniya na siyang ikinagulat ko.

"What?!"

"Oo, alam ko na nasaktan niya ko pero hindi siya gano'n eh. Hindi man kami close sa isa't-isa ramdam ko pa rin na may mabuti siyang kalooban. Minsan nga lang hindi niya makontrol ang galit niya," wika niya na siyang ikinanganga ko.

Akalain mo 'yon, sa kabila ng nangyari sa pagitan nilang dalawa naniniwala pa rin siya na inosente ito at may mabuting kalooban.

"Wow," wika ko habang umiiling sa kanya. " I can't believe that you still be able to tell that after what she did to you. Amazing!"

"Kasi Bliss, ramdam ko na maging siya nahihirapan na ring dalhin ang sakit niya. Pagkatapos niya kasing saktan ang mga taong nakapagpagalit sa kanya ay nakikita ko siyang umiiyak sa sulok at sinasaktan ang sarili niya. I even heard that she even tried to kill herself because she wanted to be free from hatred and aggressiveness. Nakokonsensiya na raw kasi siya sa gulong naidudulot niya sa tuwing inaatake siya ng sakit niya. So I firmly believe na hindi siya ang salarin."

"But we can't still deny the fact that she has a mental disorder. Ikaw na nag ang nagsabi na hindi niya makontrol minsan ang sarili niya 'di ba? So maaaring dahil sa galit niya kaya niya kinuha ang record book at ginagawa lahat ng kababalaghan dito sa school," I firmly said. Kung si Dane nga hinayaan kong maging suspect kahit alam kong hindi siya ganoong tao, si Hazel pa kaya? Lalo pa na nakita ko kung gaano siya kaagresibo. This time ako naman ang nagsabi sa kanya na hindi namin pwedeng basta-basta na lang tanggalin si Hazel sa listahan.

I just hope that despite of her unpleasant attitude lies a girl who is not capable of doing something worst. I still give her some benefit of the doubt.

3.) Tatianna Mariz Allison - Siya ang sinasabing pumatay kay Cass noon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napapatunayan. Isa siya sa itinuturing kong mortal na kaaway ni Dane. Kung susuriing mabuti, maaaring siya nga ang may hawak ng record book dahil alam naman natin na bago mamatay si Cass ay hawak-hawak niya ang record book at posibleng 'yon ang naging motibo niya sa pagpatay dito.

"I bet you're thinking the same thoughts like I do. Iniisip ko kasi na posibleng dahil sa record book kaya pinatay ni Tati si Cass," aniya.

So alam na rin pala niya na si Tati ang pumatay kay Cass.

Posible kayang nasa kanya nga ang record book? Kung oo, mahihirapan kaming makuha ito lalo pa't alam namin na may kakayahang manakit ito. Sana lang ay hindi niya kami maisipang patayin tulad ni Cass sa pangingialam namin sa kasong ito.

So far... si Tati ang number 1 na pinaghihinalaan ko. Pero hangga't wala akong hawak na matibay na ebidensya laban sa kanya ay kinakailangan na muna naming magmasid-masid.

4.) Sabrina Pavida - Siya naman ang isa sa pinakapabibong kilala ko rito sa school. Well, I'm being labeled as one too. Bukod sa pagiging pakialamera niya ay may naaamoy rin akong kakaiba sa kanya. Naiisip ko kasi na hindi pa rin sila tumitigil ng mga tropa niya sa paghahanap ng record book. Naalala ko kasi na may nakapagsabi sa'kin noon na nagawa nang kunin ni Sab ang record book dahil binabalak nilang gamitin itong alas para makaalis sila sa imyernong skwelahan na 'to. Bigla ring pumasok sa isip ko na nagawa niya na rin akong iframe up noon sa pamamagitan ng pagbigay niya ng video ng pagtatalo namin noon ni Cass sa admins dahil gusto niyang ipalabas na ako ang pumatay dito.

"Sab. Siya lang naman ang taong may kagagawan kung bakit ako nagawang saktan ni Hazel."

"W-what do you mean? Si Sab? Bakit?"

"Siya lang naman kasi ang taong nagsumbong kay Hazel na umaaligid sa'kin si Liam. At naniniwala akong kung ano-ano ang pinagsasasabi nito kay Hazel kaya labis-labis ang galit sa'kin nito."

"Napakapakialamera talaga ng Sabrina na 'yon. Isa siyang dakilang sip-sip." Lagi ko na lang kasing napapansin na laging gusto ni Sab na may away na nagaganap sa paligid niya.

"Kaya nga naiisip ko na posibleng siya ang may hawak ng record book at siya rin ang pasimuno sa lahat. Gustong-gusto niya kasi na nagkakagulo ang mga taong nasa paligid niya," aniya habang binibilugan niya ng pula ang pangalan ni Sab.

So para sa kanya si Sab ang pinakakahina-hinala sa lahat.

Pero hindi pa natatapos ang pag-iimbestiga namin dahil may isa pa kaming suspect.

Biglang kumunot ang noo ko nang makita ko ang panglima at huling suspect namin.

5.) Jennybie Villar - ang babaeng nagsuplong noon sa mga pulis tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa school.

"Posible kayang nasa kanya ang record book? Balita ko kasi na naparusahan siya ng mga admins noon na hindi na siya kailanman makakalabas sa school na 'to maliban na lang kung muli niyang maibabalik ang tiwala ng mga ito sa kanya."

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Cha. May punto siya. Posibleng pilit na ibinabalik ni Jenn ang tiwalang nasira niya. Pero hindi ko naman siya masisisi kasi ang gusto niya lang naman ay matigil na ang mga di kaaya-ayang pangyayari rito sa school.

So kung siya nga ang may hawak ng record book, nasisiguro kong ang pagtakas sa school na 'to ang rason niya.
-

Matapos naming kilalanin at pag-aralan ang pagkatao at pag-uugali ng mga suspects namin ay naisipan namin ni Cha na magsaya na rin at makisalo sa mga ka'schoolmates namin. Baka kasi maghinala sila na may iba kaming pinagkakaabalahan at baka matunugan nila ang pinaplano namin.

"Hi there Collins! Kanina pa kita hinahanap. Mind if I dance you?" wika ni Dale na bigla-bigla na lang sumusulpot.

At dahil wala naman akong rason para hindian siya ay pumayag na ko.

"Sure," wika ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Sumayaw lang kami hanggang natapos ang music at naging disco. Matapos 'yon ay mabilis akong naglakad at naghanap ng maiinom na tubig kasi kanina pa ko nauuhaw sa nakakatunaw na mga tingin ni Dale.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga tingin niya. I wish I had a talent like Cha. I wish I could read minds too.

-

Natapos ang buong gabi at ang closing remarks na lang na ibibigay ng mga admins ang hinihintay namin.

It's already 2 a.m in the morning and I feel like drowsiness is all over my body. I am longing for sleep now.

"Good morning Immurees! Did you enjoyed the night? I hope so. We made it all for you guys to enjoy and relax. I know that you already miss the outside world that is why we proposed this kind of activity and thanks to your cooperative parents for making this event a successful one. You may now proceed to your dormitories and you can take a rest," wika ni Headmaster Severus.

So may bago na palang tawag sa'min ngayon.. Immurees huh? Ba't di na lang nila ginawang detainees or prisons. At saan naman kayang lupalop galing 'yang word na 'yan. I bet walang ganyan sa dictionary. Anyways, atleast makakapagpahinga na ko ngayon.

But I wonder how much money our parents paid for this night. I'm sure milyon-milyon na naman ang nakolekta ng school dito.

Konting tiis na lang Bliss, malapit ka nang makaalis dito. Lalo pa ngayon na alam na namin kung sino ang may hawak ng record book. Actually, hindi pa namin alam kung sino talaga pero malapit na naming malaman kung sino sa limang 'yun ang dapat sisihin sa lahat ng 'to. Ang kailangan lang siguro naming gawin ay ang maghintay sa mga dagdag clues na parating mula kay D, ang anonymous sender of clues namin ni Cha.

* * * * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top