Chapter 15

* * * * *
My Decoder Buddy

Bliss

It's really comforting to know that I have someone to rely on now. Ngayon na kasama ko na si Cha sa paglutas ng misteryo ng school, posibleng nalalapit na rin ko sa katotohanan.

Habang naglalakad ako papuntang room ay nadaanan ko sila Laxus at Hazel na nag-aaway. Mukhang hindi pa rin tapos sa pagseselos itong si Hazel sa bf niyang babaero. Isang malulutong na mura ang natanggap niya kay Hazel at idagdag mo pa ang mga sampal at kurot. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Pero mabuti na rin 'yon dahil sa wakas ay nakakuha na rin ng katapat si Laxus. Noon kasi si Bea ang target niya, ngayon naman si Cha? Tsk.

Nilampasan ko na lamang sila dahil wala naman akong pakialam sa relasyon nila nang biglang may humigit sa'kin at inakbayan ako.

Sino pa nga ba ang taong mahilig gumawa nito kundi si Dale. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita kaya medyo nanibago ako sa kanya.

"Naiinggit ka ba sa kanila? Ang sweet nila noh?" ani nito habang patuloy na nakamasid sa nagbabangayang Laxus at Hazel.

"Psh. Sweet your face," inis na sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko. "Sweet na ba 'yan para sa'yo? Tsk. I pity those people like you who tends to imagine shitty things like love. I pity those people who fall in love and get hurt and devastated at the end."

Totoo naman eh, I used to be called flirt, bitch and whore at my former school but none of them was true. I never dated any guy back then but they use to spread rumors about me dating someone in public places. Well, that's the nature of human being, they tend to engage in spreading fake news.

"Mas kaawa-awa kaya 'yong taong wala man lang nagpapatibok diyan," wika niya sabay turo sa dibdib ko. "By the way, can you be my date?" dagdag nito sabay abot sakin ng isang sobre. Isa yata itong invitation card. Pero para saan?

"Just be my date and I'll show you how good it is to be in love," wika nito sabay takbo. May pakaway-kaway pa siyang nalalaman. Pero teka, hindi pa ko...

"Sandali lang Dale, hindi pa ko umu-oo sa'yo!" sigaw ko sa kanya.

"Silence means yes Collins," pahabol na sigaw nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang siya ang magiging kauna-unahang date ko sa tanang buhay ko.

Binuksan ko ang card at binasa ang mensaheng nakapaloob dito. Isa pala itong event ng school. Maikukumpara mo ito sa isang JS Prom ng karaniwang school pero mas kakaiba ito dahil hindi lang sayawan at kainan ang nakaline up na activities dito. Mayroon ding kantahan, fire dancing, sports at naglipanang mga exhibits.

Ito ang tinatawag nilang...

Immurable Night.
Pretty sounds like 'memorable night' huh?

Ayon sa maikling description sa likod ng papel ay tinawag daw itong "immurable" kasi isa raw ito sa mga hindi malilimutang gabi ng mga estudyante. At dahil mistulang nakakulong pa rin kami sa school ay pinaghalo na lang nila ang mga salitang immure (imprisonment) at memorable (unforgettable) equals, immurable. Nice name though.

Habang naglalakad ako papuntang classroom ay biglang tumunog ang mga speakers ng school.

"Calling all the attentions of students, please proceed to the Immure Stadium as soon as possible. We have some announcements to tell regarding the upcoming event, Immurable Night. Hurry up! We don't have much time to wait."

Kaagad naman akong naglakad papunta Immure Stadium. Pagkarating ko ro'n ay iilang mga estudyante pa lamang ang nakaupo kaya kaagad kong nakita si Dane na nakaupo sa harap na 'tila ba excited na excited sa paparating na event.

"Oh Avi, nandito ka na pala. Seat here. I reserved this seat for you," wika nito sabay turo sa'kin ng katabi niyang upuan. "By the way, what's with that face? Aren't you excited? This gonna be some sort of fun."

"This kind of thing has nothing to do but to annoy me. Instead of having this kind of event, why didn't they think on how to give us a just and acceptable system instead?"

"Kahit kailan talaga napaka-loner mo. Hindi ba't makailang ulit ko ng sinabi sa'yo na hayaan mo na lang na ang tadhana na ang magdecide ng pwedeng mangyari? Ini-stress mo lang ang sarili mo."

"Whatever."

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula nang magsalita si Headmaster Severus. Sinabi niya na ang lahat ng kakailanganin namin para sa Immurable Night ay paparating na in just few hours. Lahat ng iyon ay binayaran na raw ng aming mga magulang. I'm sure, milyon-milyong pera na naman ang papasok sa school para sa walang kwentang event na 'to.

I don't consider myself as a loner dahil lamang sa ayoko ng mga ganitong event. Ang sa'kin lang naman kasi, if they really want us to enjoy--- Bakit hindi na lang nila pagandahin ang sistema nila? Kung nagawa nilang makapag-isip ng ganitong klaseng event, nasisiguro kong kakayanin din nilang mag-isip ng paraan para matigil na ang kasamaan sa eskwelahang ito. Besides, they all have the power and the money.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga stylist at designer na tutulong sa'min para magkaroon kami ng maganda at komportableng kasuotan para sa parating na event. Nasa halos dalawampung stylist at designer ang inimbitahan ng school para sukatan at gawan ng mga gowns at suits ang halos dalawang daang estudyante rito. Sa unang kita ko pa lamang ay mukhang mga highest paid professionals ito at hindi basta-bastang ammature fashion designers lang. Magkano naman kaya ang binayad ng bawat magulang para rito? I'm sure isa lamang itong barya para kay Dad.

Ngayon ko lang napagtanto na karamihan pala sa mga estudyante rito ay mga anak-mayaman. Kundi man sila anak ng mga negosyante ay anak sila ng mga pulitiko. Ngayon ay malinaw na sa'kin ang lahat, posibleng pera ang ugat ng lahat ng katarantudahang nangyayari sa akademyang ito.

Pasado alas sais na ng gabi kami natapos sa pagsukat at pagpili ng disenyo ng damit na aming susuotin. Napili ko ang isang simpleng purple and black dress above 3 inches on the knees. Simple lang ito dahil ayokong nagsusuot ng mga damit na sobrang catchy sa mata ng mga tao.


At dahil wala ng oras para umuwi pa sa kanya-kanyang dorm ay dumiretso na lang kami sa cafeteria para kumain ng hapunan. Magkatabi kami ngayon ni Dane sa isang table nang biglang sumabay sa'min si Dale na halatang gutom na gutom. Sa dami ba naman ng pagkaing inilagay niya sa plate niya. Kulang na lang lahat ng nasa menu ay tikman niya.

Tahimik lamang kaming kumakain nang biglang magsalita si Dane.

"By the way Avi, sino nga pala ang date mo?" Nabilaukan naman ako sa biglaang pagtanong niya kaya napainom na lang ako ng tubig at iniwasang sagutin ang tanong niya.

"She's my date, couz." walang prenong sagot ni Dale. 'Di ba niya alam na hindi pa ko pumapayag sa tanong niya?

"I'm going to let her experience the beauty of love," wika nito kaya hindi ko maiwasang maibuga ang tubig na iniinom ko.

"Ikaw talaga pinsan napakacorny mo," ani ni Dane sabay batok sa kanyang pinsan. "Mag-iingat ka nga pala sa kanya Avi dahil wala pa ni isang babae ang hindi umiyak sa harap niya," paalala ni Dane. No need to remind me of that, no man would ever make me cry. I won't even shed a single tear on a guy. Like my mother did.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil baka saan pa mapunta ang usapan nilang magpinsan. Subalit hindi pa man ako nakakalabas ng cafeteria ay nakasunod na pala sa'kin si Dale. Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sa'kin hanggang sa makarating ako sa tapat ng dorm ko. Pumasok naman ako ng dorm nang wala ni isa mang salita na sinabi sa kanya. Siguro naman ay gets niya na wala ako sa mood ngayong araw.

-

Kinaumagahan, bago ako pumasok ay naisipan ko munang dumaan ng locker room, nagbabakasakali na may sulat na si D para kay Cha. Halos tatlong araw na rin mula ng iwan ko ang note kaya posibleng may bagong clue na siyang ibibigay sa'min.

Dali-dali kong binuksan ang locker ni Cha at hindi naman ako binigo nito dahil isang light green folded note ang natagpuan ko rito. Pupuntahan ko na sana si Cha sa clinic nang biglang tumunog ang bell, senyales na oras na para pumasok sa kanya-kanyang classroom.

Siguro ay mamaya ko na lang ibibigay sa kanya 'tong note. Maingat na inilagay ko ito sa bulsa ko para hindi ito mawala.

Nang makarating ako sa room ay natagpuan kong ang seseryoso ng mga classmates ko tila ba may gyrera silang lalabanan. At hindi nga ako nagkamali kasi mukhang sasabak nga kami sa isang gyera dahil sa biglaang quiz kay Ma'am Valix sa Accounting. Sa dinami-dami ba naman kasi ng course ba't ito pa ang napili kong kunin?

Natapos na ang pagsusulit at isang dismayadong mukha ang ibinigay sa'min ni Ma'am. Mukhang marami na naman ang bumagsak sa mala-board exam na quiz niya.

Disappointed man sa result ay wala akong nagawa kundi ang mapaface palm na lang.

"What's the point of studying kung nakakulong lang naman tayo sa school na 'to?" wika ng isa sa mga kaklase ko. Kaya siguro wala na silang gana na mag-aral dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"Bakit sa tingin mo ba, habang buhay tayong nakakulong dito? Malay natin sooner or later, makaalis na tayo rito. Kaya kailangan pa rin nating mag-aral para naman kahit papaano ay hindi tayo mapag-iwanan ng mga kabataang malayang nakakapag-aral sa labas," wika ni Katherine, our shy slash mysterious classmate. Nabigla nga kaming lahat dahil naisipan niyang magsalita ngayon.

Tama nga naman siya. Kailangan pa rin naming mag-aral ng mabuti. Pero hindi ko pa rin maikakaila na ang iba naming kaklase ay tuluyan ng sumuko sa laban.

Siguro ay kinakailangan na naming kumilos nang mabilis ni Cha para mawakasan na ang kasamaang namamayani sa akademyang ito.

* * * * *

A/N : Crdts to Google for the picture.

Ps. Odeya Rush as Bliss Avril Collins.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top