Chapter 14
A/N: Intermmittent Explosive Disorder is an impulse control disorder which typically begins in late childhood and persists through the middle years of life.
According to DSM IV-TR, a diagnosis of IED requires: several episodes of impulsive behavior that result in serious damage to either persons or property, wherein the degree of agressiveness is grossly disproportionate to the circumstances or provocation.
* * * * *
The Way Out
Bliss
Sabado ngayon at dahil wala namang pasok ay naisipan kong bisitahin si Cha sa clinic. Napagpasyahan ko munang dumaan sa cafeteria para kumuha ng makakain niya at makakain ko na rin. Naisip ko kasi na sumabay na lang sa kanya sa pagkain ng almusal.
Nang makarating ako sa clinic ay naabutan ko siyang nagsusulat, no scratch that. Naabutan ko siyang nagcocompute.
"Ang sipag mo naman yata at pati homeworks mo ay naisipan mong gawin dito?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Nagkakamali ka nang iniisip Bliss. Hindi ito isang homework lamang. Isa itong hidden message na natagpuan ko sa locker ko kamakailan lang."
"Hidden message? Para saan?" naguguluhang tanong ko.
"Hindi ko rin alam kung para saan ito kaya naisipan kong idecode na muna 'to habang naghihintay akong gumaling ang mga sugat ko."
Dahil sa curiosity ay naisipan kong kunin sa kanya ang papel na naglalaman ng hidden message kuno. Subalit laking gulat ko nang walang ni isa mang letra ang natagpuan ko rito bagkus ito ay naglalaman ng mga numbers na kailangang icompute. Sabagay, kaya nga hidden message. Sino naman kayang tao ang mag-iiwan ng ganito at pahihirapan pa ang taong iniwanan nito sa pagdecode kung anong mensahe ang nakapaloob dito? Tsk.
"Alam ko ang iniisip mo Bliss. Nababasa ko sa mukha mo ang mga katanungang sino ang taong gumawa nito at bakit ganito ang isinulat niyang mensahe," wika nito na para bang isa siyang magaling na mind reader.
"Sa hula ko ay naisip n'yang sa'kin ibigay ang mensaheng ito sa kadahilanang ako ay mahilig sa codes and cyphers at isa pa, isa akong BS-Math student. Until now, isang malaking katanungan pa rin sa'kin kung sino ang nag-iwan nito sa locker ko at ano ang motibo niya. Noong isang linggo ko pa kasi 'to nakita na nakaipit sa calculus book ko at dahil sa inakala kong isa lamang itong simpleng math problem ay isinantabi ko ito."
"Paano mo naman nasabi na hindi nga ito isang simpleng math problem lang? Eh sa isang kita ko lamang ay masasabi kong isang simpleng addition, subraction, multiplication at division lang ito."
• • • • •
250250.25 x 4 =
200222 x 5 =
400444.4 + 600666.6 =
3500000 - 2489990 =
4000400 / 4 =
333367 x 3 =
168335 x 6 =
505050 + 505050 =
5005555 - 4004444 =
9000990 x 1/9 =
400400.4 + 600600.6 =
20022200 x 10/200 =
200020 x 5 =
3033003 - 2022002 =
250277.75 x 4 =
10000 / 0.99 =
2020020 / 2 =
3030333 / 3 =
2020202 / .20 / 100 =
4044004 x .25 =
5000000 - 3998889 =
5050505 /.20 x 1/5 =
505050 / .50 =
(1000)^2 + (11 x 10) =
500500.5 x .20 =
500555 x .20 x 10 =
5000500 (10 / 50) =
10101 x 100 =
1000.50 x 1000.50 =
50005050 / 500 =
2500000 - 1489990 =
7000707 - (3000303 x 2) =
(1000)^2 + 11 =
1001111 (20 / 200) =
5050050 - (2020020 x 2) =
(1000.05)^2 =
(1000)^2 + (5 x 2) =
1500000 - 498849 =
125138.875 x 8 =
200202.2 x 5 =
D.
• • • • •
"Are you famillar with the binary code?" tanong nito sa'kin na siyang ikinailing ko. Kung nandito lang sana si Kent. Bigla kasing pumasok sa isip ko 'yong morse code na iniwang clue ni Bea sa'min para masabing hindi siya totoong nagpakamatay.
"The sender wants to communicate with me through the binary code. And I have to find it out as soon as possible," wika nito kaya hinayaan ko na lang muna siyang magcompute dahil wala naman akong maitutulong sa kanya.
Pero ang labis na ipinagtataka ko ay ang Letter D sa dulo ng note. Posible kayang siya at ang sender na nagmessage sa'kin noon ay iisa?
Kung susuriing mabuti ay parehong sa locker namin natagpuan ang mensahe. Ang pinagkaiba nga lang ay mas makabuluhang mensahe ang natanggap ni Cha kumpara sa natanggap kong letter noon na nagsasabi lamang na kailangan kong mag-isip kung kailan ako dapat makialam at hindi.
Isinantabi ko na muna ang bagay na 'yon dahil naisip ko na wala naman sigurong maitutulong 'yon. Naisip ko na lang muna na manood ng movie ng paborito kong wizard series na Harry Potter habang hinihintay si Cha na matapos sa kanyang ginagawa.
Bakit kaya hindi na lang direktahang isulat ng sender kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig kay Cha.
"Maybe s/he wanted to give me the thrill in deducing codes. Maybe s/he wanted to test if I'm worthy enough of the message s/he's going to give me."
"P-paanong..."
"You're easy to read Bliss. I can see it in your eyes, the curiosity says it all."
"O-okay. Tapusin mo na nga 'yan at baka kung ano pang mabasa mo sa mukha ko."
Hindi pa man nangangalahati ang pinapanood kong Harry Potter and the Chamber of Secrets ay bigla na lang siyang nagsalita at pumalakpak.
"I'm finished, I have deduced it already," wika niya na para bang nanalo siya sa lotto dahil sa labis na kagalakan.
"Paano mo naman nadeduce 'yan?"
"Simple lang, you just have to answer it and the answer corresponds to every capital letter in the binary code. For example,
250250.25 x 4 = 1001001
200222 x 5 = 1001110
Ang bawat letra sa binary code ay binubuo ng 8 numero," pagpapaliwanag nito.
"Pero bakit pitong numero lang ang nariyan, hindi ba't sabi mo'y binubuo ito ng walong numero?"
"I knew you would ask that Bliss... every letters in the binary code consists of numbers that starts with zero. So 250250.25 x 4 = 1001001 (01001001) means letter I in the binary code. Kailangan mo lang sagutan lahat ng 'yan at isantabi ang mga decimals para mahanap mo ang bawat letra na nirerepresent nila," pagpapaliwanag niya. Kaya pala...
Kaagad naman akong lumapit sa kanya at tiningnan ang mga isinulat niya. Sabay naming binasa ng nakapaloob na mensahe.
"IN ORDER TO FIND YOUR WAY OUT, FIND THE RECORD BOOK. . ."
Teka, posible kayang ang record book na natagpuan ko sa bag ni Cass noon ang tinutukoy niya?
Habang gulat na gulat ako ay bigla na lamang sumilay sa mukha ni Cha ang pagkadismaya. Kung kani-kanina lang ay parang nanalo siya ng lotto ngayon naman ay parang nalugi ang kanyang negosyo.
"Ano ba 'yan! Akala ko naman kung ano ng hidden message ang tinutukoy niya! Hindi niya ba alam na halos lahat alam na ang tungkol sa nawawalang record book! Tss. Pinahirapan pa ko, wala naman palang kwenta," pagmamaktol nito.
Nang ibabalik na sana ni Cha ang Calculus book niya sa bag niya ay may nahulog na isa pang papel dito na naglalamang...
"Alam kong nadismaya ka sa nadeduce mong mensahe pero 'wag kang mag-alala, there's more to come. I am just testing you if you're worthy enough for my help. If you wanted to know more clues about the missing record book, just write "NEXT" at the back of this paper and leave it at your locker.
D.
"Total nasimulan ko na naman, ba't hindi ko pa ituloy-tuloy 'di ba? Malay mo ako ang kauna-unahang makalabas sa impyernong 'to," wika niya na sinang-ayunan ko naman.
"Alam ko na! May naiisip akong plano Bliss. Bakit kaya hindi na lang natin sabay na alamin ang misteryong dulot ng sender nito. Alam ko kasing isa ka sa mga taong labis na lumalaban para matapos na ang maling pamamalakad sa school na 'to. Payag ka bang maging partner ko?" tanong nito sa'kin.
At dahil sa naghahanap din ako ng taong taos pusong tutulong sa'kin ay tinanggap ko na ang alok niya.
Sa ngayon ay hindi na ako mag-iisa sa paghanap ng katarungan. Para kay Cass, Bea, Kent at sa lahat ng tulad ko na nabiktima lang din ng sitemang ito.
Nanatili lamang akong nakamasid kay Cha habang sinusulatan niya ng salitang NEXT ang likod ng papel na ipinadala sa kanya. At dahil sa hindi pa siya pwedeng lumabas, ako na muna ang inutusan niyang maglagay nito sa loob ng locker niya.
Matapos kong mailagay sa locker niya ang sulat ay napagpasyahan ko na ring matulog.
I wonder, ano pa kayang clues ang ibibigay sa'min ni D?
This time... May makukuha na kaya akong sagot sa lahat ng katanungan ko?
* * * * *
A/N: Please just answer the code above or if you can't, you can just comment here and I'll reply the answer. Thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top