Chapter 13
* * * * *
New Encounters
( Bliss )
It's been a week since Bea died and up until now Kent doesn't show up. Posible kayang may nangyari nang masama sa kanya? O baka naman isa na rin siyang malamig na bangkay ngayon?
Nakaramdam ako ng kaba nang biglang pumasok sa isipan ko ang mga narinig kong tsismis sa pathway noong isang araw.
"Posible kayang patayin din siya katulad ng nangyari noon sa isang estudyante rito?"
"Nasisiguro kong 'yon nga ang mangyayari kay Kent. Katulad ni Paolo ay bigla na lang din siyang lalaho na parang bula sa eskwelahang 'to."
Sino naman kaya si Paolo?
Anong kinalaman ng pagkawala niya noon sa nangyayaring pagkawala ni Kent ngayon?
"Hi Bliss! Mukhang malalim na naman ang iniisip natin aah? Dahil ba 'yan kay Kent? Nabalitaan ko kasi na nawawala raw siya ngayon? Alam kong pakana na naman 'to ng mga admins. Sumosobra na talaga sila! Kailan ba sila titigil? Siguro hanggang sa tuluyan nang mabunyag ang lahat ng mga kasinungalingan at kasamaan nila," wika ni Jennybie na bigla-bigla na lang sumusulpot. May lahi ba siyang kabute?
"Siguro nga hindi sila titigil hanggang walang pumipigil sa kanila. Kung pwede ko lang sanang malaman lahat ng baho nila at lahat ng sikreto nila, eh di sana natigil na lahat ng kasamaang ito."
"Kung pwede ko lang sanang sabihin sa'yo ang sikreto ko."
"Huh? A-anong sikreto?" tanong ko kay Jenn na nagsimula nang maglakad palayo sa'kin. Mabilis ko naman siyang nahabol at pinaharap sa'kin.
"Sabihin mo sa'kin ngayon din Jenn ang lahat ng nalalaman mo. Please lang... Kung gusto mong matapos na lahat ng kaguluhan dito. Sana naman ay makipagtulungan ka sa'kin sa paglutas ng misteryo sa akademyang 'to. Hirap na hirap na kasi akong lumaban mag-isa. Hirap na hirap na kong habulin ang katarungan."
"Pasensiya na Bliss, gustuhin ko mang sabihin sa'yo ang lahat ay hindi maaari. Alam kong alam mo na ang tungkol sa'kin. Mahirap makuhang muli ang tiwala ng mga admins. Kung tutulungan kita ngayon at hindi ka magtagumpay, posibleng hindi na ko makakaalis pa sa impyernong 'to," wika nito bago tuluyang naglakad palayo.
Tama siya. Maaaring ikapahamak niya kung sakali mang pumalpak ako. Lalo pa't minsan niya nang trinaydor ang mga admins.
Marahil ay kailangan kong maghanap ng isang taong taos pusong tutulong sa'kin. Isang taong walang sabit.
Ngunit maliban sa sarili ko? Sino pa kaya ang taong mapagkakatiwalaan ko rito?
-
Sa paglalakad-lakad ko ay hindi ko maiwasang magmuni-muni. Napag-isip-isip ko na... bakit nga ba ganito ang buhay ko? I used to be a happy little girl before--- living a peaceful, contented and comfortable life with a complete family. But due to some circumstances, my whole life has changed. And it started when my dad cheated on mom so they end up filing an annulment. Simula no'n naging impyerno na ang buhay ko kasama ang step mom ko. Kulang na nga lang maging ako si Cinderella eh. 'Yon nga lang, I don't have a fairy godmother who'll save me, give me a make over and help me find my knight in shinning armor. Ang tanging pag-asa ko na lang sana ay ang akademyang ito. Hoping that they will really change and help me to become a better person. Pero wala itong pinagkaiba sa kinagisnan kong buhay sa labas.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang makakita ako ng isang babaeng binubully ng isa pang babae. Walang pag-aatubiling lumapit ako sa kinaroroonan nila at tinulungan ko siyang tumayo mula sa pagkakasubsob sa putik.
Nanginginig man ay pinilit niyang sumandal at kumapit sa pagkakahawak ko. Mukhang hindi lang dahil sa sakit na dulot ng pananakit ang dahilan nito. Nararamdaman ko rin kasi ang takot sa mga mata niya na tila ba natrauma na siya sa pinaggagagawa ng taong 'to.
"Ano bang nagawa sa'yo ng babaeng 'to at parang isang hayop mo siya kung ituring?" kalmadong tanong ko sa kanya.
"Pwede ba, pati ba naman dito makikialam ka? Tama nga talaga ang usap-usapan dito, na ang isang bagong saltang estudyante ay nagbibida-bidahan na akala mo ay isang perpektong anghel," ani ng isang babaeng may makapal na eyeliner at braided na buhok.
"Akala mo kasi kung sinong bayani. Bakit, sino ka ba para pagsabihan ako? Huwag mong sasabihing wala kang nagawang kasalanan sa buong buhay mo, dahil kung sasabihin mong oo--- Bakit ka naririto?" pagtataray nito na siyang ikinainit ng dugo ko.
"Oo, sabihin na nating makasalanan din ako pero hindi ako katulad mo na nilalabanan ang mga taong walang kalaban-laban," pagdidipensa ko sa sarili ko.
"Bakit, alam mo ba kung ano ang kasalanan ng babaeng iyan sa'kin? Marahil ay oo, dahil mahilig ka namang makialam sa mga bagay-bagay na hindi mo naman dapat pakialaman. Akala mo ba hindi kita kilala? Ikaw lang naman ang isa sa mga taong pabida sa school na 'to. Ni hindi mo nga alam ang dahilan kung bakit ko tinuturuan ng leksyon ang babaeng 'yan eh!"
"Ang sa akin lang naman Miss ay sana naman matuto kang daanin sa mabuting usapan ang mga bagay-bagay, hindi 'yong padalos-dalos ka. Hindi mo ba naiisip na maaari mong mapatay sa sakit at takot ang babaeng 'to?" tanong ko sa kanya subalit isang irap lamang ang isinagot niya.
"Pwede ba, 'wag na 'wag mo kong didiktahan kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin dahil buhay ko 'to!" wika niya sa harap ko na parang kakainin niya na ko ng buhay. Kung nakakamatay lang siguro ang titig, malamang parehas na kaming nakaburol ngayon ng babaeng nasa likod ko.
"Sigurado naman na akong magtatanda ka na ngayon. Sa susunod kasi matuto kang pumili ng taong kakalabanin mo dahil hindi hinding kita uurungan," pahabol niyang sabi habang dinuduro-duro pa ang babaeng nakakapit sa'kin ngayon sabay lakad palayo.
-
Sa ngayon ay inaya ko munang pumunta kami sa clinic para magamot ang mga sugat niya bago ko siya tanungin kung bakit siya sinaktan ng mga babaeng 'yon. At habang nilalagyan ng bandage ng nurse ang mga binti at braso ng babae na tila ba nagkalasog-lasog na ay hindi ko maiwasang magtanong.
Marahil ay labis na galit ang nararamdaman ng babaeng may kagagawan nito sa babaeng nakaratay ngayon dito.
"Ahm... Miss, ikaw ba ang kaibigan ng pasyenteng ito?" tanong sa'kin ng nurse na kakatapos lang na gamutin ang babaeng kasama ko.
"A-ako nga po," pagsisinungaling ko. "Maayos na po ba ang kalagayan niya?"
"Sa ngayon ay kailangan niya na munang magpahinga hanggang sa tuluyang paggaling ng mga sugat niya. At sa tingin ko ay kinakailangan niya ring sumailalim sa isang Psychologist para malaman kung ang pananakit ba at pambubully ng may kagagawan nito ay nagdulot sa kanya ng trauma. Sa susunod kasi Miss ay 'wag mo nang hahayaang mag-isa ang babaeng 'to lalo pa't isang psycho ang may gawa nito sa kanya," paliwanag nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Isang psycho?
Hinintay ko munang makaalis ang nurse bago ko nilapitan ang babaeng 'to. Hindi ko pa kasi alam kung sino siya kaya nahihirapan akong banggitin ang pangalan niya.
"Ano ba kasing ginawa mo sa babaeng 'yon at ganyan ang inabot mo?" tanong ko sa kanya na tila ba isa kaming magbestfriend na concern sa isa't-isa.
"Easy lang, Bliss. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang masama sa kanya. Maliban sa nakita niya kaming magkasama ng boyfriend niya habang kumakain kahapon. Napag-alaman niya kasi na umaaligid-aligid sa'kin si Liam kaya nagselos siya," pagpapaliwanag nito matapos mahimasmasan sa sinapit niya.
"Liam? You mean Laxus?"
"Oo, siya nga. Lately kasi lagi siyang sumasama sa'kin tuwing break time. Sinabihan ko naman na siya na iba magalit ang girlfriend niya pero ayaw paawat ng gago. Nadamay pa tuloy ako sa LQ nila."
"Pero bakit parang sobra ang panginginig mo kanina na para bang takot na takot ka sa kanya kung alam mo naman palang wala kang kasalanan?"
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Bliss. Iba magalit si Hazel. Nawawala siya sa katinuan tuwing nagagalit siya. Dumarating din sa point na halos mapatay niya na lahat ng taong nakagawa ng kasalanan sa kanya. Kaya labis na lamang ang takot ko kanina simula ng harangin niya ko at dalhin sa likod ng abandunadong building na 'yon. Akala ko kasi katapusan ko na. Ayokong matulad kay---"
"Kay? Kanino?"
Hihintayin ko pa sana ang sagot nito pero para bang nakakita siya ng multo nang mapasulyap ito sa bintana. Mabilis naman akong lumingon sa tinitingnan niya pero wala ni isa mang anino ang nakita ko doon.
"W-wala. Salamat nga pala sa pagligtas mo sa'kin kanina. Tama nga ang hula ko, isa ka nga talagang matulungin at walang kinatatakutang tao. Ako nga pala si Carina Hanz Aragon, just call me Cha for short. Nice to finally meet you Bliss Avril Collins," wika nito sabay abot ng kamay niya para makipagkamay leaving me no choice but to shake her hands as well.
"Would you mind if I ask you kung sino ang babaeng nanakit sa'yo kanina? May nabanggit kasi ang nurse kanina na isa raw siyang psycho."
"Ah, 'yon ba? Siya si Hazel Franz Santiago. Isa siya sa mga taong kinatatakutan ko rito. Mabait naman siya at matino paminsan-minsan pero kadalasan ay hindi niya nakokontrol ang galit niya. Balita ko nga may sakit raw siya."
"Ano bang sakit niya?" naguguluhang tanong ko. Kung psycho nga siyang maituturing dapat ay sa totoong rehabilitation center siya dinala ng mga magulang niya.
"Mayroon siyang Intermittent Explosive Disorder kung saan sa tuwing nagagalit siya ay nakakapanakit siya ng tao nang hindi niya naiisip na labis na ang pinsalang naidudulot niya rito. Kung walang makakakita ay posibleng makapatay siya ng tao dahil lamang sa kadahilanang galit siya. Ayon sa nabasa ko, isa raw itong uri ng mental disorder kung saan kadalasan na hindi basta-basta naniniwala ang isang tao na meron nito na ito ay isang problema na nangangailangan ng agarang aksyon.".
"Maraming tao na ang nagsasabi na dapat ay dalhin na sa isang Psychologist si Hazel pero pilit niyang itinatanggi na may sakit siya kaya walang nagawa ang mga magulang niya kundi ang hayaan siyang manatili rito," pagpapaliwanag nito. Ngayon ay maliwanag na sa'kin ang lahat kung bakit gano'n na lamang ang galit ng Hazel na 'yon.
"Nakakatakot naman yata ang ganyang uri ng sakit. Kaya pala ibang klase ang mga titig niya sa'kin kanina."
"Kaya nga labis ang pasasalamat ko sa'yo dahil iniligtas mo ko kay kamatayan," natatawang sambit nito.
"Buti na lang pala dinala ako ng mga paa ko sa abandunadong building na 'yon nang mas maaga kung hindi, isa na namang malamig na bangkay ang aabutan ko," mariing sambit ko. Kinakaibigan pa naman ako ni Kamatayan.
Makalipas ang ilang minuto, sinabi ni Cha sa'kin na siya raw ay magpapahinga muna kaya naisipan kong umuwi na lang muna sa dorm ko para makapagpahinga rin.
-
Nang makarating ako sa dorm ko ay naabutan kong nakasandal sa pinto si Dane hawak-hawak ang cellphone ko. Oo nga pala, nakalimutan ko na Friday ngayon, araw kung saan muli naming makakasama ang aming mga gadgets.
"Sa'n ka ba galing Avi at sinuyod ko na ang buong school pero 'di kita makita? 'Wag mong sasabihin sa'kin na may ginagawa ka na namang kababalaghan?" tanong nito na tila ba anytime ay may mangyayaring masama sa'kin.
"Ano ka ba Dane, naglakad-lakad lang ako at nag-unwind. Masyado na kasing occupied ang isip ko."
"Gano'n ba, sinabi ko naman kasi sa'yo na 'wag kang masyadong mag-iisip ng kung ano-ano. Hayaan mo nang ang tadhana ang magdikta ng dapat na mangyari."
"Mabuti pa nga," sagot ko para naman kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya sakin. "Salamat nga pala sa paghatid ng cp ko."
"Walang anuman Avi. You should take a rest now dahil alam kong pagod ka na," wika nito bago tuluyang nagpaalam sa'kin.
Sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako. Isinantabi ko muna ang cellphone ko dahil nawalan na rin ako ng gana na gamitin ito. Mukhang nasasanay na ko na wala ito pero laking gulat ko ng makita kong mayroon itong 117 missed calls mula kay Dad at 23 missed calls mula kay Princess, ang kaisa-isang kaibagan so called--- bestfriend ko sa labas. Ano na naman kayang sermon ang sasabihin ni Dad? Kumusta naman kaya si Cess? Sa totoo lang ay miss na miss ko na sila pero wala naman akong magagawa kundi ang maghintay na maayos muna ang gusot sa eskwelahang 'to bago ko tuluyang ipursue ang pag-alis ko rito.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top