Chapter 10

* * * * *
Grim Reaper Befriends Me

( Bliss )

Naalimpungatan ako nang bigla akong makaramdam ng gutom. Umaga na pala. Siguradong male-late na naman ako. Kaya kaagad akong nagbihis at naglakad papuntang cafeteria habang kinukusot-kusot ko pa ang aking mata na marahil ay dala ng sobrang pagpupuyat.

Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong pumwesto sa paborito kong pwesto, sa pinakadulo malapit sa may bintana. Akmang susubo na sana ako nang may mamataan akong babaeng napakapamilyar ng mukha. Marahil ay siya 'yong babaeng nakita ko kahapon sa administration office. Wait, kahapon ko nga ba siya nakita? Anong oras na ba? Nagpalinga-linga ako sa paligid at mabilis na naghanap ng orasan. Alas singko pa lang pala ng hapon. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan ang oras. So ibig sabihin, siya 'yong babaeng nakita namin kanina na walang sawang umiiyak at sumisigaw.

Lalapitan ko sana siya para bigyan ng panyo nang biglang may taong humigit sa'kin at agad akong pinaupo kung sa'n ako nakapuwesto.

"Don't you dare mess on someone's life again. Masyado kana yatang nagpapabibo?" wika ni Sab na nasa katabing lamesa ko pala nakapuwesto.

Wala akong nagawa kundi ang mapairap na lang at umupo. Ipinagpatuloy ko na lang aking pagkain at hindi sila pinansin. Ayoko nang makipagtalo pa. Wala namang nakikinig sa'kin. Para saan pa halos lahat sila nabulag na ng ganitong sistema. Pati batang walang kamalay-malay ay hindi nila pinalampas. Pera lang ba ang katapat ng lahat ng kademonyohang 'to?

I wonder why people cares so much about money. In fact, there's a lot of things more important than those piece of bills and coins.

-

Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong nagtungo papuntang mini-forest at umupo sa pinapaborito kong spot, sa likod ng narra. Nakasanayan ko na 'to para naman kahit papaano ay maibsan ang stress na nararamdaman ko. Nanatili lang akong nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang napakagandang kulay ng langit. Mamula-mula ito na maihahalintulad sa buhok ng pinakapaborito kong girl anime character na si Erza Scarlet ng Fairytail.

Aalis na sana ako nang bigla akong makakita ng isang babaeng nakahandusay sa may damuhan. Halos maligo na ito sa sarili niyang dugo. Walang pag-aalinlangang lumapit ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yong babaeng dapat sana ay lalapitan ko kanina. Ibig sabihin ay kamamatay lang nito. Maraming saksak ang natamo niya at kung titingnan mo ay parang suicide ang nangyari dahil nakahawak pa ito sa kutsilyong nakabaon sa may tiyan niya na ginamit niya para saksakin ang sarili niya. Nakahawak pa kasi siya sa kutsilyong ginamit niya para patayin ang sarili niya.

Imposible!

Bakit hindi ko man lang nakita o naramdaman ang presensiya niya rito? Kung susuriing mabuti, mas nauna akong mapadpad dito kesa sa kanya dahil nakita ko pa siyang kumakain sa cafeteria bago ako tuluyang dumiretso rito. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman umaabot sa 30 minuto ang pagtambay ko rito. Bakit wala man lang akong narinig na sigaw o ng kahit anong daing na galing sa kanya?

Sa unang tingin pa lang ay maniniwala kang suicide nga ang nangyari subalit bakit parang iba na naman ang kutob ko? Masyado na yata akong nagpapaka-detective. This time, baka suicide nga ang nangyari. Wala kasi akong narinig na pagtatalo man lang kung meron ngang iba pang taong sangkot dito.

Natigil ang pag-iisip ko nang mapagtanto kong matagal-tagal na rin akong nakatayo at walang ginagawa sa harap ng bangkay ng kaawa-awang babaeng ito. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha matapos makita ang karumal-dumal na sinapit niya. Isa na naman kaya itong kagagawan ng mga nasa itaas? O baka totoong nag-suicide ito sa kadahilanang pilit ipinapalaglag ng mga admins ang batang nasa sinapupunan niya?

Maaring hindi niya nakayanan ang depression matapos ang pagkawala ng kanyang baby.

Nang makabalik ako sa tamang pag-iisip at tila unti-unti ng nagsisink-in sa'kin ang nangyari ay agad akong tumakbo papunta sa quarters ng mga keepers at watchers para ipaalam sa kanila ang nangyaring krimen.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang natuklasan ko at agad naman silang rumisponde. Hinanap ko rin ang lalaking kasintahan nito subalit hindi ko siya natagpuan. Kailangan niyang malaman ang sinapit ng kanyang girlfriend.

Magpapatuloy pa rin sana ako sa paghahanap nang makita ko siyang nakasunod na sa mga watchers at keepers papunta sa pinangyarihan ng krimen.

Halos magbreakdown ito nang makita ang sinapit ng kanyang nobya. Paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang "Patawad Hon. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo, hindi na dapat ako pumayag sa gusto nila."

Mangiyak-ngiyak akong nakamasid sa kanilang dalawa. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Kung sana ay pinayagan nilang buhayin nila ang kanilang baby, hindi sana maiisip ng babaeng ito ang magpakamatay.

Walang nagawa ang lalaki nang binuhat na ng mga watchers ang bangkay ng kanyang nobya papunta sa headquarters nila. Nanatili lamang itong nakasunod sa kanila habang nakakuyom ang mga kamay. Napitlag ako nang bigla niyang itinuon sa'kin ang matatalim niyang pagtitig. Tila ba may nais ipahiwatig ang mga titig na 'yon.

Aalis na rin sana ako nang may isang bagay akong nakita malapit sa pinangyarihan ng krimen. Isa itong papel na nakalukot na at akmang itatapon ko na sana ito sa pag-aakalang isa lamang itong basura, nang bigla itong kinuha ng lalaking kasintahan ng babae.

Kaagad niya itong binuksan at halos mapakunot ang noo niya sa kanyang natuklasan.

"Hindi ako maaaring magkamali. Ito ay galing sa kanya."

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Mabuti na lang at naisipan niyang ibigay sa'kin ang kapiraso ng papel na 'yon. Ngunit mas lalo lang itong nakapagbigay sa'kin ng kuryusidad. Puro mga dots and dashes lang naman ang laman nito. Paano niya naman nasabing sulat nga ito ng girlfriend niya? Halos lahat kaya ng tao pare-parehas ang penmanship when it comes in writing symbols.

"Kaya pala labis ang pagtatanong niya sa'kin tungkol sa morse code kasi may paglalaanan siya nito. Alam kong nagtataka ka kung bakit ko nasabing sulat niya ito kung puro tuldok at guhit lang ang makikita mo rito. Pero hindi ako maaaring magkamali. Ang paraan ng pagsulat niya ng tuldok ay may kasamang diin. Kung iyong titingnang mabuti, ang paraan ng pagsulat niya ng tuldok ay hindi basta-basta. Iyong tipong hindi ito ordinaryong tuldok lamang kung saan maidiin mo lang tinta ng ballpen ay ayos na. Sa kanya hindi, she always make it bigger than a simple period. Making it look like a small letter "o" filled with ink. Kaya nasisiguro kong sa kanya ito."

- .... .. ... | .. ... -. - | .- | ... ..- .. .-.- .. -.. .

"Tama nga ang hinala ko. Hindi siya totoong nagpakamatay. She was killed intentionally," wika nito.

"Imposible! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng code na ito?" naguguluhang tanong ko. Wala naman kasi akong alam sa kahit anong klaseng code.

"Sa oras na malaman ko kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya at kung ano ang magagawa ko sa kanya," wika nito na hindi man lang pinansin ang tanong ko.

"Naisip ko ring murder nga ang nangyari kahit nakahawak pa siya sa kutsilyo nang matagpuan ko siya rito. Pero mas kumapit ako sa posibilidad na suicide nga ang nangyari kasi wala naman akong narinig na kahit anong sigaw o daing mula sa kanya noong mga oras na pinapatay na siya ng killer," sagot ko sa kanya na nakapagbigay sa kanya ng kuryusidad.

"Maaari rin naman kasing siya ang pumatay sa sarili niya dahil may nag-utos sa kanyang gawin ito. Malakas ng kutob kong pangba-blackmail ang puno't dulo ng krimeng ito."

Nabigla ako sa mga nalaman ko buhat sa kanya. Ni hindi ko man lang naisip ang mga naisip niya. Patuloy pa sana kaming nag-uusap nang bigla kaming ipatawag ng mga keepers para sa interrogation.

Napakaraming tanong ang ang ibinigay nila sa'min subalit lahat ng tanong na iyon, ay walang kinalaman sa murder.

Muli nila akong kinilatis na para bang isang murderer palibhasa kasi palagi akong present sa mga patayang nagaganap. Mukhang malapit ako kay Kamatayan ngayon.

"Hindi man lang ba ninyo naisip na mur---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla takpan ng lalaking kasintahan ng namatay ang aking bibig. Kaagad siyang nagpaalam sa mga keepers sabay hila sa'kin palabas ng quarters.

"Hindi na nila dapat malaman na may hint na tayo na hindi suicide ang nangyari. Hindi mo ba naisip na isa sila sa mga taong maaaring maging suspect sa pagpatay kay Bea? Alam kong alam mong isa sila sa mga nagpahirap sa'min kaninang umaga. Maaring inutusan sila ng mga admins na ipapatay si Bea dahil napakatigas ng ulo nito at ayaw sumunod sa gusto nila. Isa pa, wala naman silang gagawin kung malaman nga nilang murder ang nangyari at hindi suicide. Mauulit lang ang nangyari sa kaso ni Cassidy," pagpapaliwanag nito matapos kaming makalayo sa headquarters.

Tama siya. Mauulit lamang ang kawalan ng hustisya na nangyari na noon kay Cass. Pero teka, nabanggit niya ba na alam niyang pinagmamasdan namin sila ni Dane kanina sa Administration Office?

"Alam ko kung ano ang iniisip mo. Oo, nakita ko kayo na nakasilip kaninang umaga sa opisina ng mga admins at sigurado akong natuklasan n'yo na ang mga karumal-dumal na palakad nila sa akademyang ito."

"Napakawalang-awa nila," tanging 'yon na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Matapos ang pag-uusap namin ay kaagad na siyang nagpaalam. Magkita na lang daw kami sa mga susunod na araw at ipapaalam niya sa'kin ang lahat ng plano niya. Nagpakilala rin muna siya bago tuluyang umalis kaya nalaman kong Kent ang pangalan niya.

Maglalakad na sana ako pabalik ng dorm nang bigla akong harangin nina Sab at ng mga tropa niya.

"Seems like we're having another suicide case. Mukhang napapalapit ka yata sa mga ganitong kaso. For sure, isa ka na naman sa mga taong pinaghihinalaan nila," wika ni Sab habang nakataas ang kilay na nakatitig sakin.

"Can you please shut your mouth Sab! Walang humihingi na opinyon mo and besides mas mukha ka pang killer kesa sa'kin," sagot ko sa kanya sabay walk out.

"Really?" she said probably asking me if she really looks like a murderer than I am. "Haven't you know guys that she was sent here because she tried to kill her stepmom?" wika nito sa mga tropa niya na halos kapareha niyang manamit. Mga black ladies.

"Seriously? So the accusations about her being the killer might be true!" ani ng babaeng katabi niya.

"Omg! Baka tayo na ang isunod niya!" wika naman ng isang babaeng kulot na naggesture pa na parang natatakot talaga siya.

Well, if I would kill a person--- Siguro sila ang isusunod ko sa stepmom ko.

Hinayaan ko na lang sila sa kung anumang gusto nilang isipin. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman dito.

Bakit kaya ang hilig nilang mambintang. Ano bang kasalanan ko sa kanila?

Pagkarating na pagkarating ko sa aking dorm ay kaagad akong nahiga at nanatiling nakatitig sa puting kisame.

Ilang kamatayan pa ba ang matutuklasan ko sa paaralang ito?

Ilang buhay pa ba ang mawawala bago tuluyang makamit ang hustisya?

It's sad to admit that there are still some people who belive their own lies and the stories they make up in their head.

I hope they might be able to see that what they're seeing are all lies.

* * * * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top