to
(Zero)
Sa wakas pag katapos ng limang taon makakabalik na ako sa pilipinas gusto ko na siyang makita.
Naging maayos ang aking buhay sa canada at maslalo kong nakilala ng lubusan si mama. Natanggap ko na din ang mga kapatid ko at ang asawa niya. Bakit hindi na niya pa ako binalikan pa ay dahil sa may sarili siyang pamilya sa lugar na ito.
Pero naging mabait silang lahat sa akin at nagpapasalamat ako kay mama dahil sa kanya may sarili na akong bahay at sasakyan pati may maayos na akong trabaho sa canada.
Binigyan lang ako ng isang month na mag bakasyon kaya sa isang month na iyon gagawin ko ang lahat para sabihin niya din sa akin ang salitang i love you.
Sumalubong sa akin si tita helen at si mike.
"Oh! Musta ang buhay sa canada?" Tanong ni mike sa akin.
"Do you know, i learn so much... opss sorry nasanay lang mag english hahahha" pagbibiro ko sa kanya.
"Hahahhaha ganan kana ha. Ano naman pasalubong mo sa amin ni mama?" Tanong niya sa akin.
"Syempre madami" sabi ko sa kanya.
"Nalaman ko sa mama mo na maalam ka na mag drive?" Tanong ni tita sa akin.
"Opo"
"Edi ikaw na mag dridrive?" Biro ni tita sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.
"Seryoso tita, pagod po kaya ako sa byahe" pagrereklamo ko sa kanya kaya tumawa siya at saka niya ginulo ang buhok ko.
"Ang laki mo na. Nag jojoke lang ako no" sabi niya sa akin kaya ngimiti nalang ako.
-----
Wala parin nag bago sa bahay nila ganon parin, pero yung pagkakaayos lang ng gamit nila sa loob ng bahay ag may kaunting pagbabago.
"Anong gusto mo? Coffee or juice?" Tanong ni tita sa akin.
"No thank you" pagtatanggi ko sa kanyanv alok. Tinulungan ako ni mike na mag lagay ng gamit ko sa dati kong kwarto.
"Mike, musta na pala si futaba?" Excited na tanong ko sa kanya pero parang nag iba ang expresyon ng kanyang mukha.
"Uy!"
-----
Takbo ako ng takbo hanggang sa makarating na ako sa bahay nila.
Imposible ang sinabi sa akin ni mike.
"Patay na siya zero" isang joke lang yun diba, pinipilit ko siyang sabihin na joke lang iyon pero hindi siya umimik.
"Tao po tao po!" Ilang beses na akong natawag at sa wakas may lumabas. Isang babae na hindi familyar ang kanyang mukha sa akin.
"Ahm sino po sila?" Tanong ng babae sa akin. Hindi siya si futaba.
"Nandiyan po ba si futaba?" Tanonv ko sa kanya.
"Ahm sorry pero walang nakatirang futaba dito" sabi sa akin ng babae.
"Ha?! Hindi imposible. Diyan siya nakatira" pinagpipilitan ko sa kanya.
"Anong kaguluhan yan brit?" Napatingin ako sa isang lalaki kung hindi ako nag kakamali siya, siya ang kuya ni futaba.
"Kayo po ba yung kuya ni futaba?" Agad kong tanong sa kanya kaya nagulat naman siya sa akin.
"Hmmm..." saglit siyang napaisip at pinagmasdan ang aking mukha.
"Ze-zero? Ikaw ba yan?" Manghang tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Buti at naalala pa niya ako.
"Papasukin mo siya brit" sabi niya sa babae kaya pinag buksan ako ng gate noong babae.
"Bakit ka napadaan dito?" Tanong sa akin ng kuya ni futaba habang papasok kami sa loob ng bahay nila. Ang raming nag bago.
"Gu-gusto ko lang po makausap si futaba" sabi ko sa kanya ng bigla siyang napatigil sa paglalakad at agad na tumingin sa akin.
"Hindi mo ba alam ang nangyari sa kanya?" Nagtaka ako sa taning niya sa akin.
"A-ano?" Nauutal na sabi ko sa kanya. Natatakot akong malaman kung ano iyon.
------
Tila gumuho ang aking mundo ng malaman ko ang nangyari sa kanya. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Edi sana.
Pinuntahan ko ang puntod niya nag dala ng bulaklak at ng kandila.
"Sana sinabi mo manlang" bulong ko sa kanyang puntod. Alam kong naririnig niya ako ngayon.
Umupo ako sa lapag at binuksan ang note book na ibinigay sa akin ng kuya ni futaba. Ang sabi niya ipinapabigay daw ni futaba ito sa akin.
To be Continue......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top