They
(Zero)
Nandito ako ngayon sa tapat ng room ni futaba inilipat na siya sa room 018. Yung dati niyang room.
Kakatok na sana ako ng makita ako ng mama ni futaba.
"Iho, anong ginagawa mo dito gabi na ah?" Tanong niya sa akin.
"Bibisitahin ko lang po ulit si futaba" sabi ko sa kanya.
"Parang lagi mo na ata binibisita ang anak ko eh hahahahha bat ikaw lang wala ka na bang ibang kasama?" Tanong niya sa akin.
"Wala po"
"Ah ganon ba. Sige pumasok kana" sabi niya sa akin kaya pumasok na ako.
Pagpasok ko nakahiga lang siya.
"Tao po" sabi ko, kaya napatingin naman siya sa akin.
"Oh! Zero nandito ka nanaman. Bat ka naparito, gabi na ah. Baka hinahanap ka sa inyo" nagaalalang sabi niya sa akin.
"Hindi nag paalam naman ako eh" sabi ko sa kanya.
"Pwede ba tayong mag lakad sa labas?" Tanong ko sa kanya.
"Nako hindi ko alam eh"
"Ilang araw ka na nakakulong dito, dapat lumalabas ka manlang" nagaalalang sabi ko sa kanya.
"Ah eh itanong mo kay mama kung pwede. Pero sa pagkakaalam ko hindi yun papayag"
Nagpaalam ako sa mama niya kaya pumayag naman siya sabi kasi niya sa akin na lagi nalang daw ako bumibisita kay futaba at ang laki daw na naitutulong ko sa anak niya kaya hanggang sa may play ground lang kami.
Nakaupo kami ngayon ni futaba sa swing.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Ilang araw na kasi ito gumugulo sa utak ko at ngayon lang ako nag karon ng lakas na loob itanong sayo" tinignan ko muna siya para malaman kung anong expresyon ang meron siya ngayon.
"A-ano naman yun?" Halata sa kanyang mata ang kaba.
"Ano bang sakit mo?"
--------
(Futaba)
"Ano bang sakit mo?" Tila gumuho ang akjng mundo nv itanong niya yan sa akin. Ba-bakit niya gustong malaman?
"Diba sabi ko sayo na-" naputol ang aking sasabihin dahil bigla siya nag salita.
"Wag ka nang magsinungaling sa akin. Ano nga ba ang iyong sakit? Narinig ko noong isang araw ang paguusap ng mama mo at ang kuya mo, sabi ng kuya mo na isang linggo nalang. Ang alin?" Hindi niya kaylangan malaman. Ayokong malaman nila.
"Ah ayon ba isang linggo nalang daw at makakalabas na daw ako dito. Kaya wag ka nang mag alala" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Pero bat sinabi ng kuya mo na hindi ka na gagaling. Bakit? Ano bang sakit mo?!"
"Hay.... Saglit nga lang zero, bakit ba gusto mong malaman yung dahilan? Ni hindi nga natin close ang isa't isa para mag-alala ka nang ganan sa akin na parang kapatid mo lang ako, mas oa ka pa nga ata sa nanay ko at kuya ko eh, ay hindi pala sa papa ko pala" Natatawang sabi ko sa kanya. Para naman maiba ang ihip ng hangin mukhang naiipit na ako dito eh.
"Gusto kasi kita Futaba" kasabay noong ang malakas na ihip ng hangin sa aking mukha. Totoo ba ang aking narinig? Hindi ba ako nabibingi? Eh bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa zero?
Bakit kung kaylan huli na ang lahat.
"Ha-hahahhaha se-seryoso ka ba?" Pinilit ko ang sarili ko na tumawa at hindi mapaiyak.
"Oo, ano bang tingin mo, nag jojoke ako?" Seryosong sabi niya sa akin.
"Ha....H-Hindi" at duon na tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyapos ko siya. Alam ko na, na gulat siya sa nangyayari sa akin.
"Uy Futaba, o-okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Pero iyak parin ako ng iyak habang yapos ko siya.
"So-sorry zero, pero hindi ko matatanggap ang pagtingin mo sa akin" kahit masakit mangsabihin ay kaylangan, para walang masaktan sa aming dalawa.
"A-anong pinag sasabi mo?"
"So-sorry zero" at duon nag hagulgol na ako sa pagiyak.
Ilang minuto ang lumipas ay tumahan na din ako at bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko kayang tignan ang kanyang mukha.
Pero may sumagi sa aking isipan.
"Pwede ba ako mag tanong?" Tanong ko sa kanya pero hindi parin ako natingin sa kanya.
"A-ano yun?"
"Noong nasa coffee shop ka, sino yung kausap mong babae?" Yan ang gusto kong itanong sa kanya.
"Sinong tinutukoy mo?"
"Yung araw na nawalan ako ng malay, diba galing ka noon sa coffee shop? Ang totoo kasi niyan nanduon din ako. Kitang kita ko at narinig ko ang kaunting paguusap ninyo" sabi ko sa kanya.
"Ah.... yun ba, hmmmm... siya yung nanay ko" Nagulat ako sa sinabi niya. Pero papaano niya naging nanay ang ganong idad na babae?
"Sayo ko lang ito sasabihin. Yung nanay ko na nakita mo. Unang beses ko lang siya nakita sa talambuhay ko ang akala ko yung nanay na nag alaga sa akin sampung taon nang nakalipas ay siya talaga ang tunay kong nanay pero mali ako at nag pakita ang tunay kong nanay dahil sa kadahilanan na naiwanan na kayamanan ni papa sa akin. Ang sabi niya sa akin na pirmahan ko daw iyon para hati kami sa kayamanan kaya nagalit ako sa kanya. Alam mo ba yung pakiramdam na akala ko mag sosorry siya akala ko kukunin niya ako yun pala kaylangan lang niya ako para sa sarili niya" Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Parang ang bigat ng dinadala niya.
At saka ko nalang naalala ang tungkol sa bagay na iyon.
"Bakit mo ba ginawa iyon sa sarili mo ang paglaslas ng iyong pulso?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. At ngayon ay nakatingin na ako sa kanya ganon din siya.
"Oo.... Hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa ang katangahang bagay na iyon. Akala ko mamatay na ako, buti nalang hindi pa huli para sa akin noong araw na iyon" Napangiti nalang ako. Buti nga....
"Gabi na hindi ka paba uuwi?" Pagiiba ko ng topic.
"Hmmm...."
-----
Dear diary:
Napakasaya ko ng sabihin niyang gusto niya ako pero masakit din dahil sinabi ko na hindi ko siya gusto at wala siyang pagasa sa akin kahit hindi iyon totoo. Alam ko kasi na masasaktan kami sa huli.
To be Continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top