They
"It's mother not nanay okay? It's not good to hear those words" Bigla nalang ako natauhan. Siya ba talaga ang nanay ko? Bakit parang.... Mas nadaigan pa niya ang maarteng kong kaklase kung makapag salita.
"Bakit mo ba ako gustong makita?" Yan lang ang naitanong ko sa kanya nawalan na ako ng gana na mag tanong pa dahil sa ipinapakita niya ugali sa akin. Mapagkakamalan kaming mag syota nito. Ilang taon na ba siya?
"I just want to see you"
"Alam mo ngayon nga lang tayo mag kikita pero english ka ng english nasa pilipinas tayo kaya mag tagalog ka" walang galang na sabi ko sa kanya. Bakit ako gagalang sa taong nangiwan sa akin ng maliit pa ako, i mean noong sanggol palang ako.
"I'm sorry, nasanay na ako. Kamusta kana?"
"Okay lang ako. Bakit hindi mo manlang kami binisita ni papa noon kung nandito ka lang? Bakit iniwan mo kami? Bakit?" Ngayon ay nagkaron ako ng pagkakataom na mag tanong sa kanya ng sunod sunod, kaya nagulat naman siya.
"Sorry sa pagiwan ko sayo sa tita helen mo" yung tinutukoy niyang tita helen ko ay ang mama ni mike.
"Why?" Ulit ko sa kanya.
"Iniwanan kita dahil kaylangan natin"
"Kaylangan natin? Bakit natin? Kahit kaylan hindi ka nag bibigay ng pera sa amin" nangagalaiting sabi ko sa kanya.
"Ako ang nag pa sweldo sa tinuring mong nanay"
"Ha? Hindi ko kaylangan ng isang pekeng nanay kaylangan ko yung pagmamahal ng tunay kong nanay. All this time inakala ko tunay kong nanay ang nag alaga sa aking sampung taong nang nakalipas pero mali ako dahil kahit kaylan hindi pa ako naalagaan ng tunay kong ina!"
"Yun lang ba kaylangan mo? Malaki ka na para alagaan pa kita" seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"Ha? Alam mo ba yang pinag sasabi mo? Walang kwenta tong paguusap natin. Alam ko na ang dahilan, tama nga si tita. Umalis ka dahil sa sarili mo hindi dahil sa amin" sabi ko sa kanya at saka ako timayo para umalis ng hawakan niya ang aking braso. Ganito pala ang pakiramdam ng mahawakan ka ng tunay mong ina. Tinignan ko siya.
"Ang dahilan kung bakit gusto kong makipagkita sayo ay, kaylangan mong pirmahan ito" akala ko pipigilan niya akong umalis para mag usap at magpaliwanag siya pero mali ako pinigilan niya ako dahil sa bagay na kaylangan niya, hindi kaylangan ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya, kaya ngumiti naman siya sa akin.
"Eto ang naiwang kayamanan ng iyong yumain na tatay na iniwan sayo. Pirmahan mo ito para hati tayo sa kayamanan na iniwan sayo" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.
"AYAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT MO AKO GUSTONG MAKITA?! DAHIL SA PERO? KAYA NG MALAMAN MONG NA PATAY NA SI PAPA AY NAG PARAMDAM KA NGAYON KAY TITA PARA ANO MAG KARON NG KONESYON NA MAKAUSAP AKO! HINDI AKO TANGA! MAPAPATAWAD NA SANA KITA PERO YUNG.....TANG*NA" Sigaw ko sa kanya at saka ako tumakbo palabas ng coffee shop.
Putang inang buhay to oh! Akala ko ba.... akala ko na....kakausapin niya ako dahil gusto niya humingi ng sorry oo nga nag sorry siya pero parang napilitan lang siya....ay saglit nagkamali pala ako...hindi pala niya akong gustong makita dahil para mag sorry para sabihin ang bagay na iyon... bakit ba ako umasa na ano nga ba?
Hindi ko alam...
----
(Futaba)
Napalaki ang aking mga mata at gulat na gulat sa aking mga narinig. May gumugulo ng kaunti sa aking isipan dahil sa mga narinig ko. Napalingon ako at kasabay noon ang pagtakbo niya kaya sinundan ko siya.
Masama sa akin ang tumakbo pero....
Pero....
Pero kaylangan niya ng makakausap ngayon.
Hingal na hingal at gusto nang tumigil sa pagtakbo pero kaylangan niya ako kaylangan niya ng makakausap nasaan ka na ba? Kanina pa ako nag hahanap ngunit hindi kita makita.
"Ze-zero....." at sunod na nangyari sa akin ay dumilim ang aking paligid at hinahabol ko ang aking hininga.
--------
(Zero)
"Hello po kamag anak po ba ninyo si futaba?" Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Ahm opo nanay po ni futaba ito sino po ba ito?" Tanong ng kausap ko sa kabilang linya.
"Nahimatay po kasi siya kaya dinala ko po siya sa malapit na hospital dito mo sa st. Jose hospital po" Narinig ko ang sabi niya sa kung sino man ang kasama niya. Na ilabas ang sasakyan at pupuntahan nila si futaba sa st jose hospital.
"Ah sige sige maraming salamat sa tulong pupunta na kami ngayon diyan" natatarantang sabi niya sa akin at saka niya ibinaba ang tawag.
Ilang oras ang lumipas ng dumating ang magulang ni futaba na mukhang alalang alala sa kanilang anak.
"I-ikaw ba yung tumawag sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Opo, nasa room 018 po si futaba pero bawal pa daw po pumasok sa loob sabi po ng doctor" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Maraming salamat talaga at tinulungan mo si futaba" pagpapasalamat niya sa akin at saka siya pumunta sa room kung nasaan si futaba. Nakadalawang beses na siyang nag papasalamat sa akin.
Paano ko nalaman ang number nila? Ibinigay ng doctor sa akin na mukhang kakilala niya si futaba at ang pamilya nito kaya ang sabi niya ay makitawag daw ako sa may 2nd floor, kaya ginawa ko.
Bakit ba niya kasi ako hinahabol kanina? Ako pa tuloy ang may kasalanan kjng bakit siya nahimatay. Ay nakalimutan kong ibigay sa nanay ni futaba ang donut na ibinili niya.
Mamaya ko nalang ibibigay pag bumalik na sila.
"Excuse me" napatingin ako sa isang matangkad na lalaki na nag excuse me sa akin.
"Ahm.... bakit po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ikaw ba ang nag dala kay futaba dito?" Tanong niya sa akin.
"Ah... ako nga po. Bakit po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ah wala wala. Mag papasalamat lang ako. Ako nga pala ang kuya ni futaba. Nice to meet you, kaano ano ka ba ni futaba? Kung pwede ko lang naman malaman" Ang bait naman ng kuya niya, sabagay mabait naman si futaba kaya hindi na ako mag tataka na ganito kabait ang pamilya ni futaba.
"Kaklase po niya ako" sabi ko sa kanya.
"Ah....ganon ba. Sige maiwan na kita" mukhang nagulat ata siya sa sknabi ko o namamalikmata lang ako.
Dear diary:
Dinala nanaman po ako sa hospital sana makalabas na kaagad ako. At napagalaman ko na si zero ang nag dala sa akin dito. May natuklasan kaya siya na tungkol sa akin? Sana wala.
To be Continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top