That day

PANIMULA

Hindi ko alam pero sabi nila masyado pa daw akong bata para mag kacrush. Masama ba yun?

------

"Mama....buti nalang pumayag kayo ni papa na sumama ako" sabi ko kay mama na katabi ko lang sa loob ng bus. Tuwang tuwa ako habang tinitignan ang tanawin sa labas. Nakaupo kasi ako sa tabi ng bintana habang katabi ko naman ang mama ko. Field trip kasi namin ngayong araw, dapat nga kasama namin si papa pero may kailangan pa daw siyang gawin.

Ilang minuto lang ang lumipas ng makaramdam ako ng antok. Naka ilang hikab na ako kaya napag isipan ko na matulog na, bago ko pa masarado ang aking dalawang mata ay sinabi ko muna kay mama na matutulog muna ako, at saka ko tuluyang pinikit ang dalawa kong mata.

-----

Ginising na ako ni mama dahil nandito na daw kami. Bago kami makababa ay pinaalalahanan ako niya ako na wag daw akong ma excited baka kung ano daw mangyari sa akin. *wag kang ma excite futaba* sabi ko sa sarili ko. Ayoko namang masira ang araw na ito dahil lang sa akin. Ngayon na nga lang nila ako pinayagan makasama sa ganitong event ay sisirain ko pa.

Pero hindi ko magawang mapamangha dahil sa aking nakikita.

Pagpasok namin sa loob, ang unang sinakyan namin ni mama ay yung carousel ride. Tuwang tuwa ako habang nakasakay dito. Parang ayaw ko nang bumaba, pero sabi ni mama marami pa daw rides.

Kaya yun maghapon kami nag riride pero yung pang bata lang hahhahahah sabi ko nga kay mama sana masakyan ko yung ibang ride na pangmatanda, kaso walang kasiguraduhan.

Hindi ko namalayan na wala na pala si mama sa tabi ko kaya palingon lingon ako. Na-nasan na si mama....

Dahil hindi ko makita si mama ay nag-umpisa ng tumulo ang aking mga luha at nag sisigaw ng mama.

Na-nasan na si mama. wahhh!

Wah!!!! Hagulgol na ang iyak ko, hindi ko alam ang gagawin ko iyak lang ako ng iyak.

"Ano bayan, para kang bata umiiyak" napalingon ako dahil sa nagsalita.

"Ha? Eh bata pa naman ako ah" sabi ko sa kanya. Isang batang lalaki na kasing edad ko lang ata. pero kung umasta ay parang matanda na.

"A-ano bang problema mo?" Nangingiyak na sabi ko sa kanya.

"Wag ka ng umiyak. Tulungan na lang kitang hanapin mama mo" sabi niya sa akin at saka niya hinawakan ang aking kamay. Saka ko lang napagtanto na hindi na pala ako umiiyak.

Ang bait niya....

Napatingin ako sa suot niyang damit at magkaparehas lang kami ng suot. Edi ang ibig sabihin ba na sa school namin siya nag aaral dahil pareho ang uniform na suot namin.

Ano kayang pangalan niya.

-----

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang mama ko at alalang alala siya sa akin.

Hanggang ngayon sa kanya parin ako nakatingin. May lumapit sa kanyang isang matandang lalaki.

"Zero! Ikaw bata ka. Saan ka nagpupunta ha!" Sigaw ng matandang lalaki, sa bata na tumulong sa akin.

Zero...zero pala ang pangalan niya.

----------

"FUTABA!" Sigaw ni kuya sa akin kaya agad naman ako bumangon sa aking higaan. Ang aga aga pa ah! Pambihira naman si kuya. Ilang taon na ang lumipas ng mangyari iyon. At ngayon....ang plano ko ay hanapin siya.

Sana mahanap ko siya.

Sana.....

Sana mahanap ko yung first crush ko.

>>>Susunod na ang unang kabanata >>>

A/N: Hello ~ Musta ba life natin dyan mga reader's hehehehhe. Tanda pa ba ninyo ang first crush ninyo? Ako kasi nope hahahaha i did not even know kung may naging crush ba ako noong elem day's ko pero sure akong meron kaso lang hindi ko na tanda kung sino ang taong yun heheheheheh....Anyway's enjoy the first chapter. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top