People
"Eh??!! Totoo nga yun zero?" Yan tayo ngayon. Pinagkakaguluhan na akong ng mga kaibigan ko.
"Tsk. Maniniwala kayo diyan sa isang yan" Walang kwentang sabi ko sa kanila.
"Ano ba yan boy! Nagloloko ka lang pala eh" pagrereklamo nila kay mike. kwento kasi ng kwento yan napala mo. Hindi naman sinabi sayo nong tao na ikwento mo yung nangyari kahapon no!
"Uy! Totoo kaya yun!" Sabi niya at isa isa silang nag si alisan.
"Ano ba yan zero! Hindi mo parin ba tanggap ha! Tanggapin mo na kasi yung nangyari sayo kahapon" Hanggang ngayon ay pinagpipilitan niya sa akin ang bagay na iyon, nangyari na natapos na kaya okay na wag nang isipin ang nakaraan kalimutan na lang ito lalot masamang alaala lang ito.
"Tatahimik ka ng kusa o ako magpapatahimik sayo ha!" Pananakot ko sa kanya.
"Oo na eto na nga oh! Tatahimik na" buti naman na takot siya. Sino nga bang hindi matatakot kung susuntukin ka ng hindi oras.
Bwisit na babaeng yun kanina pang umiikot sa utak ko yung ginawa niya kahapon sa akin, nakakainis ang sarap niya suntukin ng sampung beses.
Wahhh!!! KAINIS!
"Yan na si miss" sabi ng isa naming kaklase na kaka-pasok lang kaya nag si ayusan ng kanilang upuan ang mga kaklase kong ma-gugulo.
"Good morning class!" bati ni miss, ang teacher namin sa chemistry.
"Mayron tayong bagong estudyante na galing sa korea" Pagkasabing pagkasabi ni miss na salitang babae ay nag hiyawan ang mga kaklase kong lalaki. Parang hindi nakakita ng babae eh, ano bang tingin nila sa mga kaklase naming babae, hindi babae ganon? O nagsasawa na sila sa mga pagmumukha.
"Pasok kana iha" sabi ni miss duon sa babaeng nasa labas at napalaki nalang ang dalawa kong mata dahil sa nakita ko.
Putek!
Nagulat ako ng bigla akong sikuhin ni mike sa braso at nginuso ang babaeng na nasa unahan. Hindi mo naman ako kailangan sikuhin sa braso no, ang sakit kaya. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa dahil duon sa babaeng nakatayo sa unahan.
"Putek! Destiny na ata to ah hahhahahah" Nagpapatawa ba siya dahil hindi kasi ako natawa eh.
Agad kong tinakluban ng libro ang aking mukha ng mapansin kong nakatingin siya sa pwesto namin.
Sh*t naman oh!
"Magpakilala kana sa kanila" Sabi ni miss duon sa babae.
"Uy makinig ka nga" nangungulit na sabi ni mike sa akin. Kanina pa siya ha! nakakailang siko na siya sa akin. Porket nagtatago ako dito eh pwede na niyang gawin ang gusto niya sa akin, maghanda siya mamaya. babawi ako.
"Hi! Everyone i'm Futaba from korea don't worry i can speak tagalog" Sh*t kinikilabutan ako ah! Parang feel ko nakatingin siya sa akin tas nakangiti ng malawak.
"Okay pwede ka nang umupo sa tabi ni mike" yung totoo miss ha! pati ba kayo!
"Uy narinig mo ba yun!"
"Tanga kaba syempre narinig ko may tenga ako no!" Bulong ko sa kanya baka kasi marinig ni miss eh. Bawal kasing mag mura.
"Uy ang sama mo naman sa kaibigan mo" at duon na gumuho ang mundo ko. Dahan dahan ko siya tinignan habang siya naman ay nakangiti sa akin ng malawak.
"Hi!" Hi? Hi..hiyin niya mukha niya. Inayos ko nalang yung libro ko at nakinig na kay miss.
"Ahm pwedeng palit tayo?" Napatingin ako sa katabi ko. Tinignan lang ako ni mike habang ako naman ay umiiling lang, at duon na nasira ang pagkakaibigan namin.
"Hi kuya suplado" dahil nakipagpalit siya ng upuan at ngayon katabi ko na si miss do not know!
Hindi ko nalang siya pinansin, kahit ang kulit niya.
------
Tang ina..... ah! Ah! Nalang, kanina pa siya sunod ng sunod at dakdak ng dakdak ng kung ano ano.
Yung totoo hindi ba siya napapagod na mag salita o sundan man ako?
"ZERO!" Napalingon ako dahil may tumawag sa pangalan ko. Si kyle pala.
Lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako.
"So sino naman yan? Yan ba yung babaeng tinutukoy ni mike" Wow ha! Napaka talaga yung bunganga ng lalaking yun walang tigil ay, daig pa ata ang isang babae kung mag tsismis o bumunganga.
"Tsk.... ikaw na nga bahala diyan" walang kwentang sabi ko sa kanya at saka ko inalis ang kanyang kamay sa aking balikat.
---
(Futaba)
Nagalit ba siya sa akin?
Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ng lalaking to, na mukhang kaibigan niya.
"Hi!" Bati niya sa akin kaya nag hi din ako sa kanya.
"Ako pala si kyle and you are?" Tanong niya sa akin.
Hehehehhe makipaglaro kaya muna ako sa kanya. Siguro naman hindi niya alam na maalam ako mag tagalog diba? heheheheh tignan natin kung magaling ka sa english. Ang sama ko ba wala eh ganito ako kapag may new friend ako kailangan ko muna tignan ang abilidad nito.
"I'm sorry, i don't understand" sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. hehehehehe sige lang mag pauto ka lang hehehehe
"Ow! So your not filipino?" ano ba yan ang dali niyang mauto, sabagay eto naman gusto ko. pati gusto kong malaman kung magaling ba siya sa english. Edi kung magaling siya, edi siya na ang magaling.
"Yes i'm not, i'm from korea" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Eh? Hindi halata" tinignan ko lang siya dahil sa sinabi niya.
"What?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, kahit naiintindihan ko ang kanyang sinasabi.
"Ow sorry sorry. I said are you hangry?" Kahit hindi naman yan ang sinabi mo sa akin anyways gutom na din naman ako kaya tumango ako sa kanya, at sinamahan niya ako papuntang canteen.
Pagka pasok na pagkapasok namin sa loob ng canteen ay agad ko nakita siya. Kaya agad ko siyang nilapitan at iniwan si kyle.
"HI!" Bati ko sa kanya at mukhang nagulat siya, paano ko nalaman dahil biglang lumaki ang dalawa niyang mata. Bigla siya tumayo sa kanyang kinauupuan dala dala ang kanyang pagkain paalis, kaya sinundan ko siya. Yung mga kasama nga niya nagulat dahil sa ginawa niya.
"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?!" Halata sa kanyang boses na naiinis na siya sa akin.
"Uy wag ka ngang ganyan nakikipag kaibigan lang ako sayo no!" Pabebeng sabi ko sa kanya hahahhaha baka kasi gumana eh hahahaha mauto ko siya.
"Ano tingin mo sa akin tanga ha? Kahapon lang hinalikan mo ako! Pero hindi kita kilala ni yang anino mo hindi ko kilala tas ngayon nagpakita ka sa akin, tas anong sasabihin mo gusto mong makipagkaibigan sa akin. Ano ka hilo ha?!" Wow! Galit nga siya sa akin. Sobrang nadama ko na gusto talaga niya na makipagkaibigan sa akin.
"Wow naman kuya suplado hindi mo naman kailangan isigaw yung nangyari saatin kahapon eh" nahihiyang sabi ko sa kanya dahil marami nang estudyante ang nakatingin sa amin at ngayon lang niya siguro napansin yun kaya biglang namula ang kanyang pisngi. Omg! Ang cute niya! Hahahhahahahah.
Tinignan muna niya ako ng masama bago siya umalis kaya nag bye bye ako sa kanya, kasabay noon ang pag alis din ng mga estudyante na nanonood sa amin.
"Hay nako.....Wa-wag ka naman bigla biglang tumatakbo. Na hingal ako duon ah!" Napatingin ako sa katabi kong lalaki, ah siya yung kaibigan ni kuya suplado. Nakalimutan ko na kasama ko pala siya pagpunta dito. Ano ba yan naging makakalimutin na ako ah.
"I'm sorry about that" paghihingi ko ng tawad sa pag-iwan sa kanya.
"Opss...." at duon ko lang na realize ang sinabi ko.
"Seryoso?! Naiintindihan mo yung sinabi ko kanina ha?! Maalam ka naman pala mag tagalog pinahirapan mo pa akong mag english eh!" Pagrereklamo niya sa akin. That was a big mistake of me hahahhaha wala na game over (AUTHOR: > my other story!) na hahahhahah.
"Sorry na nga diba hahhahaha" nakangiting sabi ko sa kanya kaya nginitian nalang din niya ako.
"So bili na tayo" yaya niya sa akin kaya tumango naman ako sa kanya.
-----
Dear diary:
Ngayong araw ang pinaka hinihintay ko. Nakita ko na siya, kaso nagalit siya dahil sa ginawa ko kahapon anyways makakalimutan naman niya yun eh hahahhaha at ang isa ko pang magandang balita may bago na akong kaibigan at ang pangalan niya ay kyle. Napag-alaman ko kanina na malapit na kaibigan ni kyle si mister suplado na ang tunay na pangalan ay zero, ang cute ng pangalan niya hehheheheh that's all for to day my diary♡ dalawang month's nalang.....
To be continue...
>>>>>>>>>
A/N: Anong inaasahan mo kapag first day mo sa school? Kailangan mo pa ba imagine o go to the flow nalang? Ako go to the flow. Saganon wala akong expectation at magagawa ko pa yung mga bagay na gusto ko kaysa a imagine ko edi wala na sira na diba. Iba kasi yung imagine mo sa expectation mo kaya wag nang mag imagine teh. Sayang lang ang effort natin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top