Lie
"Uy kuya zero! Sorry na po!" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya kanina pa ako nag sosorry sa kanya pero hindi niya ako pinapansin.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. May humarang pala sa kanyang unahan kaya siya tumigil sa paglalakad.
"Boy! Patawarin mo na siya oh! Kawawa naman eh" si kyle pala, nginitian ko siya kaya nginitian din niya ako at kumindat pa. Hahhahahaa
Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha ni zero ngayon, mukhang gusto niyang manapak eh? Hahahha djoke napapataas nalang yung isa niyang kilay dahil sa sinabi ni kyle.
Ilang minuto ang katahimikan at saka siya umimik.
"Okay fine para tumigil na kayong dalawa. Nakakairita na kasi eh" dahil sa sinabi niya ay napa yehay ako at niyapos ko siya.
"Hoy!!!" Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya tinulak niya ako buti nalang nasalo ako ni kyle kung hindi lagapak sana ang pwet ko sa lapag.
"Bahala kayo diyan!" Yan lang ang sinabi niya at saka siya umalis.
"Uy okay ka lang futaba?" Tanong sa akin ni kyle kaya tumango nalang ako sa kanya.
"Ganun talaga yun, masanay kana sa kanya" sabi niya sa akin. Pero pakiramdam ko sumosobra na ako eh.
---------
(Zero)
"Zero tignan mo ginawa mo kay futaba umabsent dahil sa ginawa mo sa kanya" panunukso sa akin ni kyle.
"Ako pa talaga may kasalanan?" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Anong kaguluhan to? Ano meron kyle?" Tanong ni mike na kakarating lang.
"Eh paano naman kasi tinulak niya kasi si futaba kahapon kaya dahil siguro nasaktan eh umabsent" pagkukwento ni kyle kay mike. Talagang sinabi pa niya eh isa pang uto uto ang mike na iyan maniniwala kaagad yan.
"Hoy! Hindi ko sinasadya yun. Kasalanan niya kung hindi ba niya ako bigla biglang yayapusin no edi hindi ko siya naitulak" pagrereklamo ko. Yun naman kasi ang totoo, hindi kasi nagpapaliwanag ng maayos ni kyle.
"Nako zero babae pa naman yun. Eh ang mga babae madaling masaktan ang mga damdamin nila. Nako ka! Zero" pangungutya niya sa akin. Pag hindi ako nakapagpigil may suntok tong dalawa sa akin.
Umalis nalang ako dahil walang magandang dulot sa akin ang dalawang iyon. Tsk as if naman nasaktan siya sa ginawa ko kahapon sa kanya? Hindi naman kami close diba para masaktan siya.
(AUTHOR: What the yun nga yung point hindi mo nga close kaya masasaktan yun pero kung close mo maintindihan ka noon no! Ano bang klase ng utak ang meron ka zero?! Hahahhaha)
-------
Isang linggo na siyang absent at hindi nagpaparamdam sa klase. Ano nga bang nangyari sa kanya. What the! Bakit ko ba siya iniisip ngayon.
Mas maganda nga na absent siya sa ganon hindi niya ako kinukulit. Pero...
"Uy! Zero kanina ka pa tulala. Tapos ka na ba sa assignment mo sa math? Nasa science na kami" at natauhan nalang ako dahil sa tanong ni lana.
"Ah... hindi pa, pero patapos na ako" sagot ko sa kanya. Nasa bahay kami ngayon ni mike, nag plano kasi ang mga kaklase ko na mag group study daw at sa bahay ni mike, pero konti lang ang pumunta. Syempre matatalino na yung iba eh. Malapit na kasi ang exam namin, at kailangan naming lahat makapasa kung hindi ay uulit kami nitong first sem kung may bumagsak ni isa sa amin. Yup kaming lahat uulit kung may isa sa amin ang bumagsak. Kaya todo aral kami ngayon.
Pero may isa kaming pinoproblema at iyon ay si futaba. Ilang araw na kasi siyang absent at nahuhuli na siya sa klase kaya maaring siya ang maging dahilan nang pag-ulit naming lahat ngayon sa first sem.
"May balak pa kaya yun pumasok?" Bigla naman tanong ni kyle.
"Malay natin" sagot ni queen.
"Pero sinabi ko naman sa nanay niya na may group study tayo ngayon" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni lana.
"Kilala mo ang nanay niya?" Dahil sa sinabi ko ay gusto ko na tuloy maglahong parang bula. Bat ba sa lahat ng tao dito ako kaagad ang unang nag tanong. Napagkakamalan tuloy nila ako ng kung ano ano. I mean napagkakamalan nila na gusto ko si futaba. Yan na nga sinasabi ko nag ayieeee na ang mga kumag.
"Hindi, na mukhaan ko lang siya"
"Ha ano?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. Naguluhan kasi ako sa sinabi niya siguro hindi lang ako diba.
"Papasok kasi ako sa hospital noong isang araw ng makita ko si futaba sa labas akala ko nga si futaba yun pala nanay niya kaya sinabi ko yun" pagkukwento niya sa amin.
"Ano naman ginagawa mo sa hospital?" Nag tatakang tanong ni queen.
"Nagdala lang ako ng pagkain sa pinsan ko na doctor"
"Ah..." sabay sabay naming sabi sa kanya.
--------
Nasa kalagitnaan na kami ng aming pag aaral ng biglang kumatok ang nanay ni mike at sinabing may bisita daw si mike, kaya bumaba naman siya.
Ilang oras ang lumipas ng biglang mag bukas ang pintuan kaya lahat kami napatingin.
"Hi i'm back" lahat kami ay nagulat ng makita namin siya.
Tatayo na sana ako ng biglang tumayo si kyle at niyapos siya.
"Wahhh!! Futaba miss ka na namin" dahil sa ginawa niya ay nag ayieee ang mga kaklase namin. Kaya namula naman siya at saka niya binitawan si futaba. Nagulat din si futaba sa ginawa ni kyle pero napangiti na lang siya.
"Buti naman nakapunta ka" sabi ko sa kanya.
Bat parang na miss ko ata siya.
Tumingin siya sa akin at nginitian lang niya ako.
"Mukhang marami akong na miss ah" natatawang sabi niya sa amin. Bakit parang ang putla niya ata.
--------
Pagkatapos ng group study ay nag si uwian na sila except sa akin na dito matutulog kay mike nag yaya kasi siya na dito muna daw ako matulog. Hindi ko alam kung bakit.
Hinatid namin muna silang lahat sa labas at isa isa silang pumara ng masasakyan para makauwi na sila. Huling sumakay ay si futaba.
Hindi ako makatingin sa kanya hindi ko alam kung bakit.
"Sige bye, kita na lang bukas sa school" pagpapaalam niya sa amin at saka ako tumingin sa kanya ng makaalis na ang jeep na sinakyan niya.
Hindi siya masyadong lumalapit sa akin o kinukulit man lang hindi katulad noong first day ng lumipat siya sa akin na halos kung saan ako pumunta ay nandoon siya at kinukulit niya ako.
Tumingin ako kay mike para magtanong kung bakit ba kailangan ko pang dito matulog.
"Ano bang gusto mong sabihin sa akin. At hindi mo na lang sinabi sa akin kanina, tas kailangan ko pa talagang dito matulog sa inyo" sabi ko sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
"Ano kasi.... Zero.....Nakita ni mama kanina si tita Hannah" Nakaramdam ako ng galit, saya at gulat dahil sa sinabi niya.
"Ha? Pero papaano? Akala ko ba...nasa ibang bansa siya?" Ang daming tanong na bumabalot sa akin isipan.
Bakit....
Bakit hindi siya nag pakita sa akin kung umuwi na pala siya.
Sampung taon ako nag tiis, sampung taon ako nag hintay, at sampung taon na akong naulila sa ina.
------
Dear diary:
Gusto ko mag sorry sa kanya dahil sa kakulitan ko.
To be Continue....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top