Because
(Futaba)
"Bakit ka pumunta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Bawal bumisita sayo?" Tanong niya sa akin kaya umiling lang ako sa kanya.
"Kaylan ka ulit papasok?" Nagulat ako sa kanyang tanong kaya hindi ko alamg ang aking sasabihin.
"Ah, eh hindi ko pa alam eh" pagsisonungaling ko sakanya.
"Ganon ba. Dapat kasama ko ngayon si kyle at si mike pero may gagawin pa daw sila kaya ako nalang pumunta"
"Ah....May sasabihin ka ba sa akin bakit ka pumunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi naman siguro ang pag bisita ang pinunta niya dito diba?
"Ang totoo kasi niyan may sasabihin ako sayo. I th-" Naputol ang sasabihin niya dahil may biglang pumasok, si mama lang pala.
"Oh futaba may bisita ka pala" sabi ni mama at nginitian niya si zero at saka siya nag senyas ng kangyang relo.
"Sige maiwan ko na kayo" pagpapaalam niya sa amin at saka siya lumabas.
"Nako zero kaylangan na namin pumunta sa hospital mag papacheck up lang ako" pagdadahilan ko sa kanya para siyay umuwi na. Mukhang nasa baba na si doc at ayaw kong may malaman siya tungkol sa aking sakit.
"Ha? Eh kakarating ko lang ah"
"Sorry na"
"Sige, sige bukas nalang. Oo nga pala mataas parin ba ang lagnat mo" sabi niya sa akin hahawakan na sana niya ang aking ulo pero umiwas ako. Mahahalata niya na wala akong sakit kapag hinawakan niya ang aking ulo at hindi ito mainit.
Nagulat naman siya sa aking ginawa.
"Ah eh baka mahawa ka. Sige na magbibihus pa ako eh" parang sinisipa ko siya palabas eh hahahha.
"Sjge sige bye bye bukas nalang ulit" at saka siya lumabas ng aking kwarto.
-----
(Zero)
Sabi ko nga sa kanya kahapon na bibisitahin ko ulit siya kaya nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila at kanina pa akong nag dodoor bell pero parang walang tao.
Kaya sumigaw na ako ng tao po. Mukhang hindi ata nagana ang door bell nila.
Nakailang tao po na ako pero wala paring nalabas, hanggang sa may lumapit sa akin na matandang babae.
"Nako iho, walang tao ngayon diyan" sabi ng matanda sa akin.
"Nasaan po ba sila?" Magalang na tanong ko sa kanya.
"Nako nasa hospital sila at dinala yung kanilang bunsong anak. Sige iho aalis na ako" Pinigilan ko ang matanda na umalis para mag tanong kung saang hospital at ang sabi niya ay sa st jose hospital, duon ko dinala si Futaba ng bigla siyang mawalan ng malay.
Agad akong pumunta sa st jose hospital at nakita ko kaagad ang doctor na nag bigay ng phone number ng mama ni futaba kaya tinanong ko siya kung dinala ba dito si futaba at ang sabi niya oo. Nasa emergency room daw siya.
Ba-bakit nasa emergency room siya.
Malapit na ako kung nasaan ang emergency room, ng marinig ko ang paguusap ng mama niya at ang kuya niya.
"Ma, isang linggo nalang... isang linggo nalang" paulit ulit na sabi ng kuya ni futaba na isang linggo nalang. Ano ba ang tinutukoy niya?
"H-hindi, Ka-kaya ni futaba yan" at duon na humagulgol ng iyak ang mama ni futaba. A-ano bang pinag sasabi nila? Napaano ba si futaba?
"Hindi na gagaling si futaba! Kaya wala na tayong magagawa kaya tanggapin nalang natin"
A-ano ba ang sakit mo futaba?
Bakit hindi mo sinasabi sa amin?
I-isang linggo? Ang alin?
Ang raming gumugulo sa aking isipan ngayon hanggang sa paguwi ko.
Kailangan ko siyang makausap.
--------
Dear diary:
Sinabi na ng doctor kung ilang araw nalang ako tatagal, pero hindi ko parin siya nakakausap tungkol sa bagay na ito. Kaylangan pa ba niyang malaman? Mukhang hindi naman. Wala naman siyang pakeelam sa akin pati noong una palang ako na ang umeksena sa kanyang buhay.
To be Continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top