Because

Napagisipan ko na bumili muna ng pagkain namin, habang nag hihintay na magising si zero.

"I just want to asked something. Why zero?" Napatingin ako sa katabi ko kung saan nakatayo si lana.

Anong sinasabi niya?

"I don't get you" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Bakit si zero pa ang napili mo? Hindi mo naman siya kilala diba? Pero bakit siya?" Hmmm.... tinutukoy ba niya ang tungkol sa nangyari sa amin ni zero noong unang pagkikita namin?

Bakit nga ba siya?

"I don't know, i just feel it" yan lang ang sinabi ko sa kanya.

"Tanga kaba? I'm sorry about the word but.... Alam mo naman na masasaktan siya sa huli diba? Kaya wag mo nang ituloy" Nagaalalang sabi niya sa akin.

"Hindi ko naman siya pinaglalaruan kaya wag kang mag alala" nakangiting sabi ko sa kanya. Alam ko na may gusto siya kay zero pero hindi niya ito kayang sabihin kay zero dahil natatakot siya na masira ang tingin ng mga tao sa paligid niya. She's scared to face the problem.

-------

(Mike)

"Mike? A-anong ginagawa mo dito? Nasaan ba ako?" Nagising ako dahil sa boses niya.

"Ze-zero nagising ka na din" nakangiting sabi ko sa kanya. Yaya pusin ko sana siya kaso baka may biglang sumakit sa kanyang katawan.

"Nasan ba ako?" Nag tatakang tanong niya sa akin habang pinagmamasdan niya ang kanyang paligid.

"Nasa hospital tayo. Bakit mo yan nagawa sa sarili mo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Kaya tumingin siya sa kanyang pulso na may bandage.

Mukhang napaisip siya saglit at saka siya tumingin sa akin.

"Hindi ko na kailangan mabuhay. Patay na naman ang mga mahal ko sa buhay. Wala nang taong nagmamahal sa akin ang tunay kong nanay ayaw sa akin" walang emotion na sabi niya sa akin.

"Hindi totoo yan no! May nagmamahal parin sayo kaming mga kaklase mo si mama. Nandiyan nga sinda futaba, hinihintay ka magising kung makikita mo lang ang mukha niya kanina..." Sabi ko sa kanya.

-------

(Futaba)

Nagulat ako ng biglang nag bukas ang pintuan ng kwarto ni zero. Akala ko ba bawal pang pumasok sa loob, mike?

"Anong ginawa mo? Akala ko ba bawal pumasok sa loob?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Gising na siya. Pero ayaw niyang makita ni isa sa atin" malungkot na sabi niya sa akin. Pero masaya ako ng malaman na gising na siya, kaya agad kong sinabi kay miss.

-------

(Zero)

"Gusto ka niyang makita at makausap" yan ang umiikot ngayon sa aking utak.

Bakit gusto niya ngayon kausapin ako at makita?

Pero....

Gusto kong malaman sa kanya ang tunay na dahilan....

Ayokong maniwala sa ibang tao ang tungkol sa dahilan kung bakit niya ako iniwan.

-----

(Futaba)

"Okay guys. Ilang araw hindi makakapasok si zero dahil nga sa nangyari sa kanya" sabi sa amin ni miss.

Napatingin ako sa katabi kong upuan na bakante. Kailan kaya siya papasok? Last na nakita ko siya ay yung dinala siya sa hospital.

Pagkatapos ng klase ay niyaya nila ako na pumunta sa sm kaya sumama ako. Wala din naman akong gagawin sa bahay.

------

Habang nakain kami ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa aming mga sarili o kaya tungkol sa mga kaklase namin.

"Alam ba ninyo ang dahilan kung bakit siya nag kaganon?" Bigla namang tanong ni ginny sa amin kaya umilig kami sa kanya.

"Bakit alam mo ba ang dahilan ha?" Tanong sa kanya ni maxy.

"Oo ako pa hahahahahha"pagpapahanga niya sa amin.

"Eh???? Ano naman ang dahilan?"

"Shhh... wag kayong maingay ha! Atin atin lang tong apat ha! Nako pag ito nakalabas uumpugin ko kayo isa isa" pananakot niya sa amin, kaya tumango kami sa kanya na ang ibig sabihin ay hindi namin ipagsasabi.

"Narinig ko kasi si miss na kausap si miss guidance at sinabi na nakausap na daw niya si zero, at ang dahilan daw noon ay gawa daw ng nanay niya yun lang ang narinig ko sa pag uusap nila. Pero hindi naman ako sure tungkol duon" pagkukwento niya sa amin. Saglit ako napaisip, at napatingin ako kay lana na mukhang napatulala at napaisip din dahil sa sinabi ni ginny.

-----

(Zero)

"Gusto mo ba talaga siyang makita?" Tanong sa akin ni mike kaya tumango ako sa kanya.

"Sasamahan pa ba kita? O kaya mo na?"

"Kaya ko na mike, salamat sa pag aalala" sabi ko sa kanya at saka ako umalis ng bahay nila.

Sa isang coffee shop kami magkikita. I don't know his name.... hindi sinabi sa akin ng mama ni mike kung anong pangalan niya.

Ang sabi lang sa akin ng mama ni mike na may kakaway sa akin at iyon daw ang tunay kong ina.

------

(Futaba)

"Ma! maglalakad lang po ako sa labas" pagpapaalam ko sa kanya.

"Sabihin ko sa kuya mo na samahan ka!"

"Nako wag na ma! Kaya ko na sige po" pagtanggi ko kay mama at saka ako lumabas ng bahay.

Ito ang ginagawa ko tuwing umaga, naglalakad para magpapayat hahahha joke lang, ang payat ko na nga mag papayat pa ba ako.

Napatigil ako sa isang coffee para bumili ng donut. Pasalubong ko kay kuya at kay mama, lagi ko naman silang binibili ng kung ano ano pag naglalakad ako. Bakit ko ito ginagawa hmmmm wala lang gusto ko lang mag pasalamat sa kanila.

Pagkabili ko kinain ko na yung isa. Lalabas na sana ako ng may mahagilap ang aking mga mata.

Si....

si.....

zero yun ah! A-anong ginagawa niya dito akala ko ba nag papahinga siya pero bakit nasa labas siya ngayon. Sinong kasama niya? Isang babae na mukhang kasing edad ko ba? O make up lang ang nasa mukha niya kaya akala ko na bata siya?

Dahil sa gusto kong malaman kung sino siya at kung anong ginagawa ni zero dito ay umupo ako sa malapit na upuan sa kanila na hindi ako makikita ni zero.

-----

(Zero)

Tinignan ko siya ng maigi. Nanay ko ba talaga siya, pero bakit ang layo ng mukha namin? Bakit hindi sinabi sa akin ni papa na siya ang tunay kong nanay na hindi siya nag ibang bansa? Na iniwan niya ako dahil sa sarili niyang pangarap?

"H-hi!" Halata sa kanyang boses na kinakabahan siya.

"I-ikaw ba talaga ang tunay kong nanay?" Seryosong tanong ko sa kanya.

-----

Dear diary:

          Ngayong araw nakita ko si zero may kasamang magandang babae kaya heto ako nagtataka kung sino ba siya????

To be Continue......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top