Chapter XXIII

DUMILIM ang mukha ni Keen pagkapasok sa loob ng bahay ng kaniyang ama nang makita kung sino ang babaeng kausap nito. Napakuyom ang kaniyang kamay at mabilis na naglakad palapit sa kaniyang ama. Medyo nagulat pa ang ama niya nang makita siya ngunit hindi niya iyon pinansin. Blankong tiningnan niya ang babaeng matagal na niyang inilibing sa limot matapos silang iwan nito at sumama sa ibabang lalaki.

Pakiramdam niya ay nanumbalik sa kaniyang alala kung paano umalis ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Gusto niya itong sumbatan pero nang tingnan niya si Tryna na papasok at may dalang paperbag ay pinigilan niya ang sarili.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya sa babaeng ngayon ay nakatayo na.

"I invited her to come––"

"I am talking to her, dad." Pigil nito sa ama.

Napabuntong-hininga na lang ang kaniyang ama na nakaupo sa wheelchair at hindi na muling nagsalita pa.

"Anong ginagawa mo rito?" muling tanong niya sa babae.

Huminga nang malalim ang ginang saka humarap sa kaniya. May lungkot ang mga mata nito pero hindi siya nakaramdaman ng awa.

Gustong-gusto na niya itong paalisin at palayasin sa pamamahay ng kaniyang ama. Hindi ito dapat naroon. Mula nang umalis ito noon at sumama sa ibang lalaki ay kinalimutan na niya ito.

"Anak, nandito ako para––"

"I don't have such a mother like you, so stop calling me like I am your son." Walang kabuhay-buhay na pigil niya sa ina.

"Keen, don't be rude to your mother," sita ng kaniyang ama.

Mapaklang tumawa siya saka itinuro ang ginang. "She's not my mother since the day she left us, dad. She's no longer my mother that I treasured the most when I was a child." Itinuro niya ang ina. "For the last time, what are you doing here?"

"Your father told me about your wedding––"

"I don't need you on my wedding." Tumalikod siya pero mabilis na lumapit si Tryna at pinigilan siya.

Narinig niya ang basag na boses ng kaniyang ina ngunit hindi siya nakaramdaman ng kahit kaunting awa.

"Keen, please..." pakiusap nito sa kaniya.

Hindi siya kumibo at walang pasabing naglakad paalis. Narinig pa niyang tinawag siya ng ama pero hindi siya lumingon.

Tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat sa taas kung saan naroon ang dating silid na inuukupa niya noon. Pumasok siya sa loob at pabagsak na humiga sa kama.

Napapikit siya sa inis sa isiping naroon sa baba ngayon ang kaniyang ina na matagal na niyang kinalimutan.

Nanumbalik bigla sa kaniyang alaala ang nangyari noon nang iwan sila nito. It was the time that his father got an accident. He was just at a young age when his mother left them.

Iniwan sila nito kung saan mas kailangan iti ng kaniyang ama ng mga panahong iyon.

He remembered how he beg that time just not to left them. But his mother choose to leave with his other guy. She chose to leave him.

Nasaksihan din niya nag paghihirap ng kaniyang ama dahil sa pag-alis ng kaniyang ina. Alam niyang mahal na mahal ng kaniyang ama ang ina niya. Palagi niyang nakikita noon na lihim na umiiyak ang kaniyang ama.

Simula noon, itinatak niya sa kaniyang isipan na wala na siyang ina. Na matagal nang patay ang kaniyang ina.

Ang ina rin ang dahilan kung bakit naging playboy siya. Kung bakit pinaglalaruan at pinapaiyak niya ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Kung bakit hindi siya nagseryuso sa isang relasyon noon bago pa dumating si Tryna sa buhay niya.

Ang tingin niya sa mga babae noon ay katulad lang din ng kaniyang ina ang mga ito. Kaya wala siyang pakialam kahit na masaktan man o umiyak ang mga babaeng naghahabol sa kaniya noon.

Kinamumuhian niya ang ina at wala siyang balak na patawarin ito sa naging pag-iwan nito sa kanila. Kundi pa niya naging kaibigan sila Zach noon at baka hindi siya ang klase ng Keen ngayon. Ang mga kaibiganang ang naging karamay niya noon.

Naalala pa niyang minsan na pinakiusapan ni Zach ang magulang nito na a-attend sa meeting niya sa school bilang magulang niya. Hindi kasi makakapunta nag kaniyang ama dahil hindi na its makakalakad noon dahil sa nangyaring aksidente.

At noong tumuntong siya sa idad na disiotso ay siya na ang namahala sa business ng kaniyang ama. Sa tulong pa rin ng kaniyang mga kaibigan ay nakayanan naman niya.

Lahat nang paghihirap na nadanas niya noon ay ang kaniyang ina ang punot-dulo ng lahat. Kung hindi sana sila iniwan niti baka makakalad pa ang kaniyang ama ngayon. Masaya at buo pa sana ang pamilya nila ngayon.

Naramdaman niyang may biglang napunas ng kaniyang pisngi. Hindi niya alam na may iilang butil na pa lan luha ang tumakas sa kaniyang mga mata.

Masuyong hinaplos ni Tryna ang kaniyang pisngi habang nakatitig ito sa kaniyang mga mata.

"Alam kong hindi madali sa 'yo ang pag-iwan sa inyo ng ina mo. Kung gusto mong umiyak, iiyak mo lang. Nandito lang naman ako sa tabi mo." Humiga ito sa tabi niya saka niyakap siya.

"Thank you." He whispered.

Ngumiti lang ang dalaga saka isinubsob ang mukha nito sa kaniyang dibdib.

Alam niyang naiintindihan siya nito. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa nangyari sa pamilya niya noon. Sinabi niya ang lahat na kinamumuhian niya ang kaniyang ina.

Nanaig ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang nagsasalita at nasa ganun pa rin silang posisyon. Maya-maya ay binasag ni Tryna ang kahimikan.

"Hindi mo ba talaga mapatawad ang ina mo?" mahinahomg tanong nito.

"I can't. Tuwing nakikita ko siya, bumabalik sa alaala ko ang pag-iwan niya sa amin ni Dad noon kung saan kailangan namin siya." Niyakap niya ito nang mahigpit bago nagpatuloy sa pagsasalita. "She chose to leave with the other guy than staying with us."

Puno nang lungkot ang boses na wika niya. Para siyang isang batang nagsusumbong sa kaniyang ina.

"Pero ina mo pa rin siya." Hinawakan ng dalaga ang kaniyang isang kamay.

Ipinagsaklop nito iyon saka bahagyang tumingala sa kaniya. Gahibla na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa.

"I know. I can't help it but to hate her." He whispered.

"Paano kung sasabihin kong patawarin mo na siya bago tayo ikasal. Gagawin mo ba?" kalmadong tanong nito.

Natigilan siya sa tanong nito. Nahigpit ang hawak niya sa kamay nito dahil do'n. Hindi niya alam kung ano ang dapat isasagot sa tanong ng dalaga.

Biglang bumangon si Tryna dahilan para mapatingin siya rito. Naupo ito sa tabi niya at masuyong hinawakan nito ang kaniyang mukha.

Napapikit siya saka dinama ang lambot ng palad nito sa kaniyang pisngi.

"Gusto ko lang na maikasal tayo nang walang galit sa ating mga puso. Magkaayos kayo ng ina mo. Kahit hindi mo aminin o sabihin sa akin, alam kong may parte pa rin sa puso mong sana magkaayos kayo ng iyong ina." Ipinatong nito ang ulo sa kaniyang dibdib kaya napamulat siya.

Kitang-kita niya sa mga mata nito ma gusto talaga ng dalaga na magkaayos sila ng kaniyang ina.

"Gusto kong maikasal sa 'yo na ako lang ang gumugulo sa puso mo. Walang galit at poot na nakatago sa ilalim nito." Turo nito sa kaniyang dibdib. "Isipin mo lang na magkakapamilya na rin tayo. Sooner or later, maghahanap ng lola at lolo ang anak natin." Nakangiting dagdag pa nito nang hindi inaalis ang mha mata sa pagkakatitig sa kaniya.

He sighed. "You really want me to forgive her?"

"Mmm... I really hope so." Bumangon saka ipinagdikit ang kanilang mga noo.

"Okay. Para sa 'yo, gagawin ko ang gusto mo at para na rin sa magiging pamilya natin," he whispered.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Nahawa siya sa ngiti nito kaya napangiti na rin siya.

He's really lucky to have her.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kung hindi pa dumating ang dalaga sa buhay niya. Hindi siguro siya ganito ngayon.

"Thank you."

"Saan?" takang tanong nito.

"For coming into my life. For changing me to become a better person than I used to be." Kinintilan siya nito nang halik sa labi bago nagsalita.

"Hindi ako ang nagpabago sa 'yo."

"What? Then who?"

"Ikaw mismo ang nagbago sa sarili mo. Alam mo kung bakit?"

"Why?"

"Dahil willing kang hayaan ang sarili mong ipakita sa mundo kung ano ka talaga. Natiyempuhan lang na dumating ako kaya akala mo ako ang nagpabago sa 'yo." Sinundot nito ang ilong niya.

Sunod-sunod na umiling siya. "Nope. Para sa akin, ikaw ang nagpabago sa akin," he said. "Since I met you my life has changed. For me, you're the angel sent by God to save me from walking in the wrong path."

Madamdaming wika niya na ikinangiti nito. Hindi na nagsalita pa ang dalaga at hinalikan siya nito.

Isang halik na puno nang pagmamahal na tagos sa kaniyang puso.

He will never let himself to lose her. Not again. Not anymore. She's the light of her life.

Napatigil silang dalawa sa paghahalikan nang may kumatok mula sa labas ng pinto.

"Sir Keen, pinapababa na po kayo ng daddy noyo para mananghalian na raw po kayo."

Wika nang kasambahay ng kaniyang ama. He sighed. Nakaramdaman siya nang pagkabitin kaya muling sinakop niya ang mga labi ng dalaga.

"Uhm..." bahagyang itinulak siya nito kaya tumigil siya.

"What?"

"Baba na raw tayo,"

"Mamaya na. Let's continue––"

"Tumigil ka nga, narito tayo sa bahay ng magulang mo."

"It's my father's house only," pagtatama niya rito.

"Ano nga uli iyong sinabi ko kanina?" nakataas kilay na asik nito.

Napakagat-labi siya at siniil ito ng halik bago bumaba ng kama."Fine." Inalalayan niya itong makababa ng kama.

"Kausapin mo mamaya ang Mommy mo. Mas mabuti na iyong magkausap kayo––at huwag kang pilosopo sa harap niya. She's still your mother. Naintindihan mo ba?"  pangaral niti sa kaniya.

Sumaludo siya sa harap nito. "Yes, wife!"

Natatawang hinila siya nito palabas ng kuwarto saka bumaba. Naabutan nila ang ama niyang nasa sala. Nilapitan niya ito saka itinulak ang wheelchair niti papunta sa dining room.

"Thanks, son,"

"Don't mention it, dad."

Pinaghila niya nang upuan si Tryna, akmang uupo na sana siya nang makitang nakatayo lang ang kaniyang ina at nakatingin sa kanilang dalawa ni Tryna.

Naramdaman niyang siniko siya ng dalaga sensyales na ipaghila niya ng upuan ang ina. Napabuntong-hininga na lang siya saka lumapit sa ina at pinaghila ito ng upuan.

Nagulat pa ito sa kaniyang ginagawa at hindi agad nakakilos. "Maupo na po kayo, Tita," nakangiting wika ni Tryna.

"T-thanks," halatang gulat pa ring wika ng ginang bago naupo.

Bumalik naman siya sa kaniyang upuan na nasa tabi ng dalaga. Nilagyan nito nang pagkain ang kaniyang pinggan na ikinangiti niya.

"Ayan... kumain ka, honey." Inilapag nito ang pinggan sa kaniyang harapan.

"Thanks, wife,"

"Hep! Hindi pa tayo kasal," sita nito na ikinatawa ng kaniyang ama.

Natawa rin ang kaniyang ina. Mapakamot na lang siya ng noo bago nagsimulang kumain. Habang kumakain ay gumagawa ng paraan si Tryna para lang kausapin niya ang ina.

Wala siyang nagawa sa huli at kinausap ang ina. Mahinahon at may paggalang na kinausap niya ito. Iyon kasi nag bilin ng dalaga bago sila iwan para makapag-usap sila.

Naging maayos naman ang pag-uusap nila. May kunting pader na rin ang pagitan nila pero sapat na iyon para matuwa ang babaeng mahal niya.

Humingi nang tawad ang kaniyang ina sa pag-iwan nito sa kanila noon. Sinabi rin ng ina ang mga naging karanasan nito sa kamay ng kinakasama nito.

Matagal na pala iting hiwalay sa dating kinakasama dahil nanakit daw ito. Hindi nakayanan ng ina ang pananakit na ginawa ng lalaki sa kaniya kung kaya't iniwan ito ng ina. Nang marinig niya iyon mula sa ina ay nakaramdam siya ng galit sa lalaking nambugbog dito.

Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng awa sa kaniyang ina. Mukhang tama ang mahal niya, may parte pa sa kaniyang puso na sana magkaayos pa sila ng kaniyang ina.

***

MASAYANG lumabas ng bahay ng mga magulang ni Keen sila Tryna habang magkahawak kamay sila. Natupad na ang hiling niya na magkaayos ang binata at ang ina niyo. Akmang papasok na sana sila sa loob ng kotse nito nang mapatigil ang binata dahil sa pagtunog ng cellphone nito. Agad na sinahot niti ang tawag at naghihintay lang siya habang nakatingin dito. Nakita niyang biglang nagbago ang timpla ng mukha nito na ikinataka niya.

"Ayos ka lang? Sino iyang kausap mo?" usisa niya rito.

"Nasa hospital daw si Roshan," may pag-aalalang sagot nito.

"Ano? Bakit naman? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong niya.

Mabilis na hinila siya ng binata papasok sa kotse matapos ibaba nito ang tawag.

"I don't know what happened. Tumawag lang si Luhen at sinabing nasa hospital si Jovavich dahil natamaan ito ng bala." Sagit niti at agad na pinaharurot paalis ang kotse.

Nakaramdaman din siya nang pag-aalala sa kaibigan ng binata. Nang makarating sa hospital ay mabilis na pumasok sila sa loob.

Naabutan nila ang magkakaibigan sa labas ng isang operating room. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng magkakaibigan.

"How is he?" agad na tanong ni Keen nang makalapit sa mga ito.

"Nasa operating room pa siya, hindi pa lumalabas si Charm na nag-asikaso sa kaniya." Tugon ni Zurich na halos magpabalik-balik sa kinatatayuan nito.

"Ano ba ang nagyari at baril siya?" seryusong tanong uli ni Keen.

"We don't know." Kimwell replied.

Lahat sila napatingin sa babaeng tulalang nakaupo sa waiting chair. May dugo ang suot nito damit at namamaga ang mga mata nito.

Si Doc. Adriana Montello, ang babaeng laging kaalitan ni Roshan noon. Sa pagkakaalam niya parang aso't pusa ang dalawa.

"It's all my fault."

Wika nito at unti-unting bumuhos ang mga luha nito. Mabilis na nilapitan niya ang babae saka inalo.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Darshan.

Mas lalong bumuhos ang luha nito kaya niyakap niya ito habang hinahagod ang likod nito.

"I'm sorry. D-dahil sa akin nabaril siya." Umiiyak na wika nito.

Hindi nakaimik ang magkakaibigan. Nakatingin lang sila kay Adriana na walang tigil sa pag-iyak.

"I'm s-sorry... D-dahil sa akin napahamak siya ngayon." Paulit-ulit na bulong nito.

Inalo na lang niya ito at laking pasasalamat niya nanh hindi na magtanong pa ang mga magkakaibigan.

Naghintay lang sila ng mga ilang sandali roon hanggang sa bumukas ang pinto ng operating room saka lumabas si Charm kasama ang dalawa pang doctor.

"K-kamusta siya? Is he okay now?" sunod-sunod na tanong ni Adriana.

Magang-maga ang mga mata nito. "Naalis na ang bala sa balikat niya pero inuobserbahan pa rin siya. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya kailangan niya ng blood––"

"We have the same blood type. You can count on me." Napalingon silang lahat sa nagsalita mula sa likuran.

Seryusong naglalakad si Zach habang nakapamulsa. "Zach? How come you're here?" gulat na tanong ni Zurich.

"I told him about what happened to Jovavich," si Luhen ang sumagot.

"Oh men! You're a devil in disguise," natatawang anas ni Arbby.

"Ikaw talaga ang hero sa ating lahat." Zyken

"Walang kupas mula noon hanggang ngayon." Keen

"You're the real brother," Zyrone

"Our best man ever!" Eryx

"Tumahimik na kayo," sita ni Dwight na ikinangiwi nilang lahat.

Inilabas mula sa operating room si Roshan at inilipat sa isang private room na malapit lang din sa operating room.

"Okay. Isa-isa lang muna ang puwedeng pumasok sa loob––" hindi na natapos ni Charm ang gustong sabihin nang kaniya-kaniya nang pasok sa loob ng silid ni Roshan ang magkakaibigan.

"Hindi puwedeng isa-isa lang. Kaibigan natin yun kaya dapat sabay-sabay nating samahan ang ating dakilang attorney." Wika ni Darshan bago ito tuluyang pumasok sa loob.

Naiwan sila sa labas kasama sila Zach, Dwight, Luhen at Keen na napapailing na lang sa jakukitan ng mga kaibigan nila.

Si Eldian lang ata ang wala sa mga ito. Busy pa rin daw ito sa paghahanap kay Nisha, ang babaeng kinababaluwan ng hapon.

"Galing ka pa sa honeymoon ka pa, right?" biglang tanong ni Keen kay Zach.

"You are tired?" tudyo ni Dwight.

"Mga baliw. Two weeks honeymoon is enough man." Tinapik ni Luhen ang balikat ni Zach. "Total, araw-araw at gabi-gabi naman lagi nakakapag honeymoon ang isang 'to."

Sinamaan ng tingin ni Zach ang kaibigan na ikinatawa nila.

"My friend's life is much more important now." Tumalikod ito saka iniwan silang apat.

Napangiti na lang siya. Totoo nga nag sinabi ni Keen na si Zach pala ang parang kuya sa kanila. Laging hero at to the rescue kapag isa sa kanila ang napapahamak.

Ang sarap tuloy magkaroon ng kuya o kaibigan na tulad ni Zach, ang swerte ni Gayle sa binata. Well... swerte rin naman siya kay Keen.

Nang maging okay na ang lahat ay nagpaalam sila ni Keen. Medyo ayos naman daw ang kalagayan ni Roshan, hindi pa nga lang gumigising. Hindi pa rin nila alam kung bakit nabaril ang binata, hindi naman na kasi nangulit ang magkakaibigan upang tanungin si Adriana.

They know when to or not to react, ask or  whatsoever.

Mukhang may something naman din kasi sa dalawa. Hindi na siya magugulat kung balang araw malalaman niyang may relasyon ang dalawa. Bagay na bagay din naman kasi sila, parehong ma pride ayos pa sa mga kaibigan ng mga ito.

"Honey," tawag sa kaniya ni Keen.

"Mmm?" baling niya rito.

"Let's watch a movie," yaya nito.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. "Sige ba!" masayang tugon niya na ikinatawa ng binata.

Dumeretso sila sa Ayala Mall ng Makati at doon nanood ng sine. Nag shopping din sila at nag dinner-date sa restaurant na pag-aari ni Darshan sa loob ng Mall.

Pumunta rin sila sa Ayala Triangle Garden na makikita sa Paseo De Roxas St. Cor Makati Avenue. Napakaganda ng Triangle Garden, may roon itong higit one hundred trees at iba't iba ang uri niyon. May rain trees, golden palm trees, fire trees, kamuning and podocarpus.

Para siyang nasa isang paraiso dahil sa mga lights na nasa bawat puno. Napaganda ng park na iyon. First tiem niyang makapunta sa ganoong lugar. (Take note: Totoo po ang Ayala Triangle Garden, isa din iyong park na magandang pasyalan lalo na kapag gabi.)

Halos isang oras silang nanatili roon at kumain din sila ng mga streets foods na nakikita nila. Natawa pa siya dahil mas marami ang nakain ng binata kaysa sa kaniya.

Pareho nilang na-enjoy ang date nilang dalawa. Hanggang sa maisipan nilang umuwi dahil palalim na rin ang gabi.

Masayang-masaya siya sa feeling ng binata. Wala na siyang mahihiling pa. Kung mayroon man, iyon ay sana palagi silang masama at magkasamang tatanda.

She's lucky to have him. Wala na siyang mahihiling pa mula sa itaas. She's contented to have him forever.




"A/N: Finally! Sa Epilogue na tayo later on. I hope you keep reading, blueeems! Love lots and God bless you all.🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top