Chapter XXII

TATAWA-TAWANG nakasunod lang si Keen sa likod ni Tryna habang papasok sila sa kompaniya. Nakabalik na sila ng Maynila mula pa kahapon, ngayon naman ay sabay silang pumunta roon. Gusto niyang ipakilala ang dalaga sa kaniyang mga impleyado bilang kasintahan niya. He wanted to tell to the whole world that Tryna was his property. That no one can get her away from him nor separate them again. No one can touch her except from him. Who ever tried to touch her, he'll make them pay for the consequences.

"Good morning, boss, welcome back to the company!" bati ng kaniyang mga impleyado pagkapasok sa loob ng kompaniya.

"Good morning to all of you. Keep up the good work." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nasa kaniyang tabi.

Nagkatinginan ang kaniyang mga impleyado bago nagpabalik-balik ang mga tingin ng mga ito sa kanilang dalawa.

"Boss, wala ka bang sasabihin sa amin?" ngingiting tanong ng kaniyang sekretary.

"Oo nga, boss. Tapos iba rin ang ngiti at kislap ng mga mata mo. Parang kahapon lang hindi maipinta ang mukha mo sa kakahanap kay Miss Layzon," sabat naman ng isang impleyado niya mula sa Finance Department.

Naramdaman niyang napatingin sa kaniya si Tryna kaya nakaiwas-tinging napakamot siya ng batok na ikinatawa ng mga impleyado.

Hindi na takot sa kaniya ang mga ito ngayong nakita nilang nasa good mood siya. Tuwing bad mood kasi siya ay parang mga sisiw na takot mapagalitan ang hitsura nila.

"Ehem! I heard that he went to Bukidnon and ate a frog," his secretary said.

"Hala! Totoo?"

"Kumain ng palaka si Boss?"

"Legit?"

"Hindi kapaniwala,"

"Baka naman hindi,"

"Totoo raw sabi ng mga kaibigan ni Boss,"

"Oh my gosh!"

"I can't believe this!"

"Agree."

"Nagagawa ng pag-ibig."

"Inlab na inlab ang boss natin!"

"Kumain ng palaka para sa minamahal niya."

"Kailan ko kaya ma-meet ang tulad ni Boss na kumain ng palaka para sa akin."

"Huwag ka nang umasa pa,"

"Bakit naman?"

"Hindi ikaw si Miss Tryna Layzon, gurl!"

Nagtawanan silang lahat dahil sa huling sinabi ng baklang impleyado niya. Imbes na sitahin ang mga ito ay natawa na lang din siya. Hinila niya palapit sa kaniya si Tryna saka niyakap ito mula sa likod.

Naghiyawan ang lahat sa kaniyang ginawa ngunit tumawa lang siya. "Yes. I did ate a frog for her." Pag-aamin niya sa mga ito sabay silip sa mukha ng dalaga.

His smiled widened when he saw her face were blushing.

"Uy! Tumahimik ka nga," sita pa nito sa kaniya.

"Why would I?"

"Nakakahiyang malaman nila na pinakain kita ng palaka sa amin."

He chuckled. "Nakakahiya? Nope, it's not. Infact, I am proudly to say in front of them how delicious that frosh dish is. It was the unique and delicious dish that I've ever tasted in the province." Nakangiting wikaa niya sabay tingin sa mga impleyadong kinikilig na nakatingin sa kanila. "Hindi ko kailanman ikakahiyang kumain ako ng palaka para sa 'yo. Masarap 'yon, pero mas masarap ka pa rin." Banat niya na ikinasigaw ng lahat.

Nagtulakan at hampasan pa ang mga ito na ikinailing na lang niya. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Tryna saka hinawakan ang kamay nito.

He kissed her hand and smiled. "I officially introducing my girlfriend, Tryna Layzon soon to be my wife." Puno ng pagmamahal na anunsiyo niya sa lahat.

"Woah!"

"Sabi na nga ba, eh!"

"Sila talaga ang magkakatuluyan!"

"Oo nga!"

"Bagay na bagay sila."

"Congratulations, boss!"

"Kailan ang kasal?"

"Saan ang venue?"

"Dapat imbitado kaming lahat."

Sari-saring wika nilang lahat. Mas lumaki ang ngiting nakaukit sa kaniyang labi saka humarap sa mga ito.

"Wala pa ngang engagement, kasal agad? But anyway, you are all invited once we get married as soon as possible." Anunsiyo niya bago hinila si Tryna papunta sa kaniyang private elevator.

Bago pa man magsara ang pinto ng kaniyang elevator, nakita niyang mabilis na nagsitakbuhan ang kaniyang mga impleyado. Natatawang nagkibit-balikat na lang siya bago pinadalhan ng text message ang kaniyang sekretary kung ayos na ba ang lahat.

Yumakap siya sa dalaga habang nakapatong ang kaniyang baba sa balikat nito.

"Honey," Tryna whispered.

"Hmm?"

"Thank you."

"For what?"

"Sa pagmamahal mo sa akin."

He chuckled. "It's my pleasure to have and love you, honey." He huskily replied.

Matamis na ngumiti ito dahilan para mas lalong lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

She's the only one who can make his heart beat fast than its normal beat. She's the only one who can made him worried. Who can triggered his anger and jealousy when someone tried to get close to her.

"I love you." Tryna whispered.

"I love you more." He answered.

He kissed her on the lips for a minute when the elevator's door was open.

Mabilis na bumitaw ang dalaga sa kaniya at nahihiyang lumayo sabay ayos sa buhok nitong nakatabing sa magandang mukha nito.

Natatawang hinila niya ito palabas ng elevator at dumeretso sa kaniyang opisina. Naupo siya sa kaniyang swivel chair saka hinila ito paupo sa kaniyang kandungan.

He loved how beautiful she is. How simple and lovely she is. Her innocence made him turn on even more.

"Uy! Baka may pumasok at makakita sa atin." Pigil nito nang akmang hahalikan na naman niya ito.

"No one dared, too."

"Bakit naman?"

"They're afraid that I kick them out of my company."

Napakagat-labing napaiwas ito ng tingin. She look so cute. Nakangiting hinawakan niya ang mukha nito saka iniharap sa kaniya.

Tinitigan niya ang mukha nito, hindi siya magsasawang titigan ito kahit kailan. He wanted to get old with her. Loving each other until his breathe ends.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga, bumaba ang kaniyang labi sa labi nito hanggang sa sakupin niya iyon. Hindi ito pumalag, bagkus ay kumapit ito sa kaniyang batok at tinugon ang kaniyang halik dito.

He kissed her with full of passion. He savoured her lips, suck her tongue and explored her mouth.

His hands went to the back of her nape and deepened their kisses. They both enjoyed the kiss untill they out of an air to breathe.

Ipinagdikit niya ang kanilang mga noo habang nakatitig sa isa't isa. He never get tired of staring at her beautiful and innocent face.

"W-wala ka bang meeting?" medyo naiilang na tanong ng dalaga.

He smiled. "I have,"

"Bakit hindi ka pa umalis?"

"Ayaw kitang mawala sa paningin ko, eh."

"H-heh! Binobola mo na naman ako, eh."

"Tsk! I'm not."

"Eh 'di dalhin mo na lang ako roon,"

"Okay, I'll bring you to the conference room so that I can always look at you."

Tumayo siya nang hindi ibinababa ang dalaga at iniyakap ang mga hita nito sa kaniyang beywang dahilan para mapatili ito.

"Uy! Ibaba mo nga ako!"

He didn't listen to her, instead, he walk slowly towards his office door. Tryna kept on begging him to put her down but he just chuckled.

"Don't be noisy, honey,"

"Ibaba mo kasi ako, nakakahiya sa mga makakakita sa atin."

"It won't,"

"Pero nakakahiya--"

"Keep quiet or else I will kiss you."

"Ibaba mo na kasi ako--hmm!"

He shut her mouth using his kissable lips. Nakarinig pa siya ng mga tilian sa paligid habang naglalakad papunta sa conference room.

Tryna's face went red because of what he did.

"I told you," he whispered.

Nagtawanan ang kaniyang mga impleyado kaya napasubsob ang muiha nito sa kaniyang dibdib dahil sa hiya. Napapailing na lang siya hanggang makarating sa conference room.

Actually, there's no meeting for today. There's something that much more important than the meeting he mentioned a while ago.

Tiningnan niya ang kaniyang secretary na naroon. Nag-thumbs up ito na ikinangiti niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang dalaga na walang kamalay-malay.

"Bakit nakatayo ka pa? Simulan mo na ang meeting--" hindi nito natapos ang gustong sabihin nang tumingin ito sa paligid.

Her eyes widened. "B-bakit walang tao?" tanong nito sabay tingin sa mga decorasyong naroon. "B-bakit parang may party?"

Her face was so innocent.

Puno ng mga dekoraston ang buong silid ng conference room. May mha balloons sa sahig at may malaking screen sa harapan. The theme is red and well decorated.

Instead of answering her questions he look in front where there's a words on the board screen.

Sinundan ng dalaga ang kaniyang tiningnan dahilan para mapasinghap at mapanganga ito ng makita ang nasa harapan.

It was priceless.

Suddenly, his employees get inside with a banner and tarpaulin. His secretary handed the bouquet to Tryna with a smile written on his face.

Hindi nakapagsalita ang dalaga bang tanggapin nito ang bouquet of flower. Parang natuod ito sa kinatatayuan nito na ikinangiti niya. Halatang hindi inaasahan ng dalaga ang mangyayari ngayong araw.

"A-anong ibigsabihin nito?" halos maiyak na tanong nito nang humarap ito sa kaniya.

He smiled.

Unti-unti siyang lumuhod sa harap nito nang nay ngiti sa labi dahilan para tuluyan nang magsipatakan ang kaniyang mga luha.

"Keen..." she whispered.

Tinitigan niya lang ito sabay kuha ng isang maliit na box sa kaniyang bulsa. Isang kulay pula na box iyon at nakangiting tumingala siya sa dalaga.

"Miss Tryna Layzon, I want you to be my Mrs. Azzarry in this company and forever. Will you marry me? I won't accept 'no' as answer so, it's a yes." Isinuot niya agad ang kumikining na diamond ring na para bang hindi niya bibigyan ng pagkakataon na tumanggi ang dalaga.

"Hindi pa nga sumagot nang 'oo' isinuot mo na agad?" biglang sulpot ni Charm.

"Takot ma-reject, dre?" Zurich

"Hindi halatang nagmamadali," Luhen mumbled.

"Anong klaseng proposal 'yan?" usal ni Darshan.

"Nag-propose ka pa? Sana isinuot mo na lang agad sa kaniya noong nasa bahay pa kayong dalawa." Nakangiwing lintaya ni Kimwell.

"He's being like Limorthone, takot matanggihan ng minamahal." Zyrone whispered while smirking.

"Tapos hindi pa tayo inimbita sa proposal niya." Zyken appeared.

"Sana pala hindi natin tinulungang pumunta sa Bukidnon," biro naman ni Arbby.

"Nagka Tryna lang nakalimutan na tayo." Asik naman ni Eryx na kakarating lang kahapon galing sa Singapore.

"He's following Limorthone's foot," napapailing na wika ni Dwight.

As usual, busy na naman ito sa cellphone tulad ni Roshan na halos halikan na ang cellphone na hawak nito.

"Let him be, he's a psycho in love." Roshan whispered.

"That's the spirit of being in love." Biglang wika ni Darshan na may dala-dalang ahas--it was his snake.

'Shit!'

Sinamaan niya ng tingin ang kaniyang mga kaibigan na kaniya-kaniyang upo sa conference table. Hindi siya pinansin ng mga kaibigan bagkus ay tinawanan lang siya ng mga ito.

"Bakit na sa 'yo ang alaga ko?" madilin ang mukhang tanong niya kay Darshan na ipinalingkis sa braso nito ang kaniyang ahas.

"What? Nakalimutan mo atang ibinilin mo ito sa akin." Asik ng kaibigan na ipinakita pa si Zmeya, his pet white snake.

Straight na magtagalog ang loko, minsan nawiwirduhan siya sa kaibigan. Minsan naman naisip niyang baka inuuto lang sila ni Darshan para matuwa silang lahat.

Napabuntong-hininga na lang siya bago tiningnan si Tryna na kanina pa tahimik. Mabilis na napatayo siya sa pag-aalala nang makitang tahimik na umiiyak ito ngunit may ngiti sa labi.

"W-why are you crying?" kinakabahang tanong niya rito.

Hindi ito nagsalita, nakatitig na ito sa daliri nito kung saan ang diamond ring.

"Ayay! Mukhang may ma-reject ngayon, ah." Pang-aasar ni Kimwell.

He gave him a death glare. "Fvck you! She won't reject me." Nakatitiyak na asik niya sa kaibigan.

"Weh? 'Ni hindi pa nga siya nagsabi ng 'oo' sa 'yo, eh." Tudyo ni Zurich na prenteng nakapandikwatro sa kaniyang swivel chair.

Mabilis na nilingon niya si Tryna na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Mahigpit na hinawakan niya ang mga kamay nito. Nakita pa niya itong tumingin sa kaniyang mga kaibigan.

"Just say yes, okay?" masuyong aniya sa dalaga.

She didn't respond which made him cursed in nervous.

"H-hey! Just say 'yes' and I will--fvck. I beg you to say 'yes' to me, honey." Lumuhod siya sa harapan ng dalaga dahilan para mapasinghap ang lahat nang mga naroon.

Nanlaki pa ang mga mata ni Tryna habang napapatakip ng bibig na nakatingin sa kaniya.

"Keen..." gulat na bulalas ng dalaga.

"Shit! Did he just beg?" Charm muttered.

"Fvck! He kneeled down for the word 'yes' just to marry him?" singhap ni Zyrone.

"Am I seeing the wrong Keen Mark Azzarry who never kneeled down in front of a girl before?" bulalas naman ni Zurich.

"Guys, we see nothing, right?" kunwaring nagtatakip ng matang tanong ni Darshan ngunit nakasilip sa siwang ng mga daliri nito.

'Asshole'

"Si Keen pa ba 'yan? Ang dakilang playboy?" kunwaring tanong ni Zyken.

"One of the playboy expert in the Philippines kneeled in front of a girl and beg. Really?" natatawang tanong ni Luhen habang nakatingin sa kaniya.

"I won't fall in love with a maid' pala, ah.' Tapos ngayon may paluhod-luhod pang nalalaman." Itinuro siya ni Eryx nang may ngisi sa labi.

"This is new," Dwight

"He's crazy in love." Roshan

"You can talk now, Miss Layzon, he just prove that he really loves you." Nakangising wika ni Arbby sabay senyas.

'What the...'

Ngayon lang niya napagtantong sinenyasan ng mga kaibigan si Tryna na huwag na munang magsalita para inisin at asarin lang siya.

"Damn! You guys trick me!" galit na sigaw niya sabay tayo.

"Did we?" Luhen

"Ansaya mong asarin, Azzarry," ngingising wika ni Charm.

"Ang epik ng mukha," Kimwell teased.

"Akalain mo, napaluhod natin sa harap ng so-called 'love-maid' niya." Charm

"Ang hirap mong paluhurin at magmakaawa, Azzarry, tapos ngayon... nakaluhod ka na." Eryx

"Congrats, we made it!" sigaw naman ni Zyken

Nagtawanan silang lahat pati ang kaniyang mga impleyado. Napakuyom ang kaniyang kamao, akmang susugurin niya ang mga kaibigan nang pigilan siya ni Tryna.

Napaharap siya sa dalaga, nakangiti ito at bakas ang hindi maipaliwanag sa saya sa mga mata nito.

"Yes! Pakakasalan kita, Keen Mark Azzarry," mga katagang kanina pa niya gustong marinig.

He stunned for a moment. He's mouth open as he heard those word.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Parang gusto niyang maiyak matapos marinig ang gusto niyang marinig mula sa dalaga.

Iba pa rin pala ang epekto kapag narinig mo talaga ang salitang 'oo' mula sa taong mahal mo. Hindi na niya napigilan ang sarili, unti-unting pumapatak ang kaniyang mga luha sa sobrang saya na nararamdaman niya.

Nakangiting yumuko si Tryna saka hinaplos ang kaniyang pisngi sabay punas ng luha niya.

"Bakit ka umiiyak?"

"I am... tears of joy." Tumayo siya saka mabilis na niyakap ang dalaga.

This is the first time he cried like this since his mother left them.

Narinig niya ang sipol ng kaniyang mga kaibigan pero hindi niya pinansin ang mga ito. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa dalaga at sinapo ang mukha nito.

Masuyong tinitigan niya ito sa mga mata nang may matamis na ngiti sa mga labi.

"Keen,"

"Mmm?"

"Ano nga uli yung ILY?"

"I love you."

"I love you, too."

Natatawang sinungkit niya ang ilong nito saka ipinagdikit ang kanilang mga noo. He can feel how happy he is right now.

Hindi matutumbasan ng kahit ano ang sayang nararamdaman niya ngayon. Actually, nakaramdam siya ng kaba dahil sa kagagawan ng kaniyang mga kaibigan niya.

Bumaba ang kaniyang mga mata sa malambot na labi nito. He smiled at her before he claimed her lips. Hindi nila inalintana ang mga kaibigan at impleyado niyang nasa paligid.

"Wew! Nakalimutan ata nilang nandito pa tayo." Zurich

"Kung maka-kiss naman 'to akala mo sila lang dalawa." Luhen

"They're not aware of our presence." Zyken

"Shit! Parang gusto ko rin nang kahalikan ngayon." Charm

"Mag-partner nga tayo para naman hindi tayo mapag-iwanan." Kimwell

"Fvck you!" Arbby

"Do it by yourself, psycho!" Roshan

"Mga baliw," Dwight

Kaniya-kaniyang nagsilabasan ang kaniyang mga tauhan kasunod ng mga kaibigan niya. Si Zach at Eldian lang ang wala dahil alam niyang busy sa asawa si Zach. Samantalang busy naman si Eldian sa kakahanap sa babaeng kinababaliwan nito na bigla na lang nawala na parang bula.

Naiwan silang dalawa roon sa conference room. Natawa pa siya nang binitawan niya ang labi ng dalaga. Namumula ang mga pisngi nito, halatang nahihiya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya kanina.

"Don't mind my friends. Ganun talaga sila," he said.

Hinila niya palabas ng conference room si Tryna nang hindi napapawi ang ngiti sa labi. Bakas ang saya sa mga mata ng dalaga.

Simple lang ang naging proposal niya dahil iyon ang gusto ng dalaga. Ayaw niya sa mga engrande o magarbong proposal. Hindi sana siya papayag dahil gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo ang proposal niya rito. Pero sa huli ay nirespeto niya ang kagustuhan ng kasintahan niya.

***

NAKANGITING umalis si Giya sa presento kung saan nakakulong si Venice. Dumalo kasi siya roon upang kausapin ang babae at papalayain ito. Ayaw niya kasing magtanim ng galit o sama ng loob kapag ikakasal na sila ni Keen. Sa totoo lang, hindi sana papayag ang binata na palayain ang babae dahil baka raw ano na naman ang gagawin nito sa kaniya. Pero kinausap niya ito kaya sa huli ay pumayag ang fiancee niya. Bukas pa makakalaya ang babae dahil may kailangan pang asikasuhin ang abogado nito bago ito makalabas ng kulungan.

"Miss Layzon, you have an appointment with your wedding coordinator at 11: 00 o'clock today." Salubong sa kaniya ng sekretary ni Keen sak pinagbujsan siya ng pinto ng kotse.

Nakangiting pumasok siya sa loob at sumunod naman ito. "Saang lugar?"

"Makati's exclusive hotel restaurant, Miss Layzon." Naupo ito sa kaniyang tabi habang may ini-i-scroll sa tablet na hawak nito.

"Okay," tanging sagot miya bago nila nilisan ang lugar.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang katabi niya at nakikinig lang naman siya habang tinitigan ang diamond ring sa kaniyang daliri. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari noong nakaraang linggo.

Simple lamg ang proposydahil iyon ang hiniling niya noon sa binata. Ayaw niya sa magarbo, gusto niya simple lang naman. Maliban na nga lang sa wedding nila.

Gusto ng binata na bigyan siya ng engrande at magarbong kasal. According to Keen...

Flashback

Magkahawak kamay na naglalakad sila sa side walk ng Makati habang nag-uusap tungkol sa kanilang kasal. Natawa pa siya dahil atat na atat ang binata sa kanilang kasal.

"Gusto ko lang ng simpleng kasal, honey." Niyakap niya ang braso nito.

"No. I want to give you a grandiose wedding 'cause it's just once in a lifetime." Huminto ito sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya.

"Hindi kaya, marami akong nakikita na ilang beses ikinasal." Dipensa niya sabay nguso.

Keen's face darkened which made her look away.

"Do you plan to get married with other guy after marrying me?" salubong ang mga kilay na tanong nito.

Nanlaki naman ang kaniyang mga matang tumingin sa binata saka sunod-sunod na umiling.

"Hindi ah,"

Matamang tinitigan siya nito kaya
napanguso siya pero hinalikan lang siya nito labi na ikinangiti niya.

"Then why do you say what you meant a while ago?"

"Bakit naman hindi? Puwede naman tayong ikasal nang ilang beses tulad ng iba, ah." Sinundot niya ang pisingi nito.

Nang maintindihan ng binata ang ibig niyang sabihin ay napangiti ito. Napapailing na hinila siya nito saka niyakap ng mahigpit.

"Of course, we can get married again and again." Keen planted a soft kiss on her forehead. "Sa akin ka lang puwede ikasal."

She grinned.

"Paano kung ayaw ko?" hamon niya rito.

She just wanted to tease him. His face automatically darkened while his jaw tightened.

"Gagapanhin kita gabi-gabi," walang halong biro na sagot nito.

"A-ano? Bakit naman?" napapalunok na tanong niya.

"Aanakan kita ng isang dosena, tingnan natin kung aayaw ka pa sa 'kin." He said seriously.

Lumaki ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. May balak ata ang binata na gawin niyang anay na baboy eh.

"A-ang dami naman! Ayaw ko nga!" asik niya saka naunang naglakad.

Natatawang sinundan siya ng binata saka pinagsaklop ang kanilang kamay habang sabay na naglalakad.

"Seriously, I won't gave up on you if you plan not to marry me." A sweet smile form on her lips.

Parang may mga paro-parong naglilipiran sa loob ng kaniyang tiyan. Keen never failed on making her the tingle feelings.

End of flashbacks

Hindi mapawi ang ngiti sa kaniyang labi habang hinahaplos ang diamond ring sa kaniyang daliri. Natinag lang siya nang kalabitin siya ng kaniyang katabi dahilan para mapalingon siya rito. Halatang nag-aalangan itong isturbuhin siya.

"Ah-eh, sorry, may iniisip lang ako." Napakamot-batok na aniya.

"It's ok. Gusto ko lang sabihin na may home dinner date kayo ni Keen mamayang 7:00 pm," wika nito na ikinatango niya.

Nang makarating sa five-star hotel na pag-aari ni Keen ay pinagbuksan siya ng upuan ni Kriss, ang sekretarry ng binata at sabay silang pumasok sa loob.

Hindi na siya nagtaka pa kung bakit halos nakalinya lahat ng mga impleyado ng hotel at nang makita siya at agad na yumuko ang mga ito bilang paggalang. Nailang tuloy siya pero nginitian na lang niya ang mga ito.

Keen's business is all about chain five-star hotels.

Agad na pinuntahan nila ang wedding coordinator ng kasal nila. Tiningnan niya rin ang mga designs ng mga ito. Doon sa mismong hotel kasi gaganapin ang venue ng kanilang kasal.

So far, maganda naman ang kinalabasan. Nagsusumigaw ng yaman ang venue. Halos ata ang buong floor at unavailable para sa paghahanda ng venue ng kanilang kasal. Utos iyon ni Keen sa mga impleyado roon.

Nakausap din niya ang event manager at coordinator na nag-organize roon. "May gusto pa ba kayong ipapabago soon to be, Mrs. Azzarry?" nakangiting tanong ng event manager.

Tiningnan niya ang buong paligid. It was a Lebanese wedding preparation. Sky blue ang theme ng kasal nila which is favourite colour niya. Lahat ng gusto niya ay naroon.

Iyon kasi ang gusto ni Keen, gusto niyang tuparin ang lahat ng gusto niya kahit na ayaw niya dahil masiyadong magastos. But Keen insist so she can't say no to him.

Masyadong maganda ang pagkaka-organize ng venue, mula sa tema, decorations sa itaas, mga gamit na naroon at iba pa. Masasabi niyang nanaginip lang siya ng gising.

Its too beautiful to be true. It's like she was in a Dreamland amd all what she've seen was beyond her imagination.

It's typically the dream wedding of every woman who want to get married in the future.

"Satisfied na ako sa mga nakita ko. Thank you for organizing our wedding venue." Niyakap niya ang event organizer na ikinatawa nila.

"It's my pleasure to be part of your wedding preparation, Mrs. Azzarry," tanging sabi ng organizer.

Nang matapos ay nagpaalam siya sa mga ito. Inabutan siya ng hapon doon dahil nakipagkulitan pa siya sa mga staff na naroon.

Bago umuwi ay dumaan sila sa mall para bumili ng champagne. May home date sila ni Keen kaya dapat 'di raw mawawala ang champagne.

Matapos bumili ng alak ay lumabas sila ng mall. Tinungo nila ang parking lot saka tinahak ang daan pauwi sa mansion ng binata. Pagkauwi niya ay naroon na si Keen, nagluluto sa kusina na naka-topless lang.

"Hey!" bati nito sa kaniya nang makita siya.

"Hey!" hinalikan niya ito sa labi bago ibinaba ang alak sa island counter ng kusina.

"Kamusta ang lakad mo?" tanong nito.

Yumakap siya mula sa likuran nito dahilan para mapangiti ang binata. Para na talaga silang mag-asawa kung titingnan.

"Ayos naman. Ang ganda ng venue, pakiramdam ko nanaginip lang ako, eh."

Keen chuckled. "So, what do you think of me?"

"My dream granter--" Keen cut her.

"Nope."

"Eh ano ba dapat?" nakabusangot na tanong niya.

"Your husband," napangiti siya.

In-off nito ang stove saka humarap sa kaniya. "Hindi pa tayo kasal,"

"Kahit na, malapit naman na ilang araw na lang." Binuhat siya nito saka iniyakap niya ang kaniyang mga binti sa beywang nito.

Nakakapit ang kaniyang mga braso sa leeg nito bilang suporta. "Okay, sabi mo, eh." Wika niya saka kinintilan ito ng masuyong halik sa labi.

Lalayo na sana siya nang pigilan nito ang kaniyang batok saka pinalalim ang kanilang halikan.

"Uhm..." mahinang ungol niya nang kagatin nito ang kaniyang pang-ibabang labi.

Naramdaman niyang naglakad ang binata at pinaupo siya nito sa lababo. Halos maubusan na sila ng hangin bago pinakawalan ng binata ang kaniyang labi.

"I really love kissing you." Akmang hahalikan na naman siya nito nang may nag doorbell sa labas.

Natawa siya nang sumama ang timpla ng mukha nito. "Fvck! Isturbo," inis na bulong nito.

Siniil na lang niya ito nang halik bago bumaba sa lababo. "Ako na ang magbubukas," aniya saka lumabas ng kusina.

Inayos niya ang gusot ng kaniyang damit bago binuksan ang pinto. Nagtaka siya nang makitang si Venice ang naroon sa labas.

Lumabas siya at nilapitan ang babae. May dala itong shoulder bag. "Venice? Bakit nandito ka?" takang tanong niya.

Napatingin siya sa kamay nitong nasa loob ng shoulder bag at travel bag. "I'm here to--" hindi natapos ni Venice ang gustong sabihin nang magsalita si Keen.

"What are you doing here?" madilim ang mukhang tanong nito at mabalis na lumapit sa kaniya.

Hinila pa siya nito sa likod na para bang may gagawaing masama si Venice sa kaniya.

Nang tingnan niya ang babae ay nakita niya ang dumaang lungkot at sakit sa mga mata nito. Napayuko pa ito at halatang hindi makatingin sa mga mata ni Keen na halos patayin nito sa sama ng tingin sa babae.

"What. Are. You. Doing. Here?" mariing tanong uli ni Keen.

"Keen," sita niya sa binata pero hindi ito nakinig.

"I don't want her to harm you again, Try. Not again. Baka makalimutan kong babae pa rin siya." Malamig na wika ng binata nang hindi inaalis ang matalim na tingin nito kay Venice.

Huminga ng malalim si Venice at lakas loob na tumingin sa kanila ni Keen.

"Don't worry, I'm not here to make any stupid things." Lintaya nito sabay tingin kay Keen. "I'm here to give you this," may kinuha ito sad loob ng shoulder bag.

Isang kulay pula na parehaba ang inilabas nito. "Ano 'yan?" takang tanong niya sa babae.

"T-this is the necklace that Keen want to give you when we were on the ship. I stole it because of jealously." Umiwas ito ng tingin kay Keen.

Pahablot na kinuha ni Keen ang kahita. "I knew it. Walang ibang kukuha nito kundi ikaw lang." Itinaas nito ang kumikinang na kuwentas.

Halatang milyon-milyon ang halaga ng kuwentas na hawak ng binata. Hindi siya makapaniwala na may gusto pa lang ibibigay si Keen sa kaniya noong nasa barko sila.

"I'm sorry if I stole it. I just want to give it back to the owner." Wika ni Venice.

Parehong nagulat sila ni Venice nang biglang inihagis ni Keen ang kuwentas sa trashcan na ikinasinghap nilang dalawa.

"Uy! Bakit mo itinapon?" gulat na tanong niya.

"Tsk! It's not worth it anymore. Someone stole and touch it. I'd rather buy you a new one than giving it to you." Deretsong sagot ni Keen bago siya hinila paalis.

Ngunit napahinto rin naman agad ang binata nang magsalita si Venice. "You've really change a lot since you met her." Bakas ang lungkot sa boses na wika nito.

Walang pasabing humarap ito kay Venice na hindi nakagalaw sa kinatatayuan nito.

"She's destined to change me to be a better version of myself. Yeah, she did it. Days from now, we're getting married." Himig mapagmalaking wika ni Keen bago siya nilingon nito.

"I know." Tanging anas ni Venice.

Nginitian pa siya nito bago tumalikod saka naglakad paalis. Naiwan silang dalawa ni Keen doon. Nakatitig lang sa kaniya amg binata. Nang mawala sa paningin nila si Venice ay mabilis tumakno siya papunya sa trashcan.

"Hey! What are you doing?" sita ni Keen sa kaniya

Kinuha niya ang necklace saka inalis ang dumi na dumikit doon. "Napakamahal nito tapos itatapon mo lang? Alam mo bang maraming mga taong nangangailangan ng pera pambili ng pagkain. Pero ikaw? Itatapon mo lang?" Sinamaan niya ng tingin ang binata.

Napakamot ng batok si Keen saka lumapit sa kaniya. "Its just worth of 2 milyon pesos."

"Ano?" gulat na tanong niya. "See? Ang mahal nito tapos itatapon mo lang?" sermon niya sa binata.

Imbes na mangatwiran ang binata ay nginitian lang siya nito na ikinairap niya rito.

"Bakit ka ngumingiti?"

"You look like my wife now. Pinapagalitan ang asawa sa maling ginawa." Hinila siya nito saka binuhat papasok sa loob.

"Heh! Ibaba mo nga ako! Pepektusin pa kita, eh!"

"Pfft! No need, honey. Don't worry, I'll sell that necklace and donate it to the charities." Nakangiting bulong nito at pabirong dinilaan nag kaniyang leeg.

"A-akin na lang 'to." Nakangusong wika niya.

"Why? Ayaw mo bang tulungan ang mga bata sa--"

"Hindi naman sa ganun. Ang mahal kasi nito. Isasangla na lang ko para may pera na ako." Inosenteng bulong niya na narinig naman ng binata.

Ang laki kasi ng halaga ng kuwintas. Iba talaga kapag mayaman, parang wala lang sa kanila ang pera.

Sana all ganun. Ang iba nga naghahanap ng mayamang Afam para asawahin. Tapos si Keen, itatapon lang ang 2 milyon na halataga ng kuwintas.

"Silly girl. I can give you as much as you want. You're my wife, remember?" natatawang sinundot nito ang kaniyang pisngi.

"Hindi pa nga tayo kasal,"

"Araw na lang ang bilangin at asawa na kita. Kaya lahat nang mayroon ako ay magiging sa 'yo na rin, honey." Hinaplos nito ang kaniyang tiyan. "Sa ating tatlo ni Baby,"

Napangiti siya sa sinabi nito. Maingat na pinaupo siya nito sa upuan sa harap ng hapagkainan. Nakahanda na ang mga pagkain. Isang simpleng date lang ang ginawa ng binata pero para sa kaniya, the best na iyon sa kaniya.

"I love you." She whispered.

"I love you untill my last page end." Keen replied and planted a soft kiss on her lips.

Nagkatainginan pa silang dalawa at sabay na natawa. Masayang kumain silang dalawa habang nagsusubuan. Nagkukulitan at nagbibiruan na animo'y wala ng bukas.

They look so happy. How they wish that their baby will born now so that they would be complete and become a perfect family.





A/N: Sa wakas may update na uli tayo! Isang chapter na lang at Prologue na tayo. Bye-bye TryKeen love team!🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top