chapter XIX

HALOS mababaliw na si Keen sa kakaisip kung saan niya hahanapin si Tryna. It's been three days since the last time he saw her. He misses her already. Naresolba niya nga ang problema sa kaniyang kompanya pero si Tryna naman ang nawala sa kaniya. Noong mga araw na hindi siya nakauwi sa kaniyang mansion ay dahil na busy siya sa kaniyang kompanya. May sumabotahe sa finance department kaya nawala ang ibang pera ng kompanya. At nang pumunta sa kompanya niya si Venice ay alam na niya kung sino ang taong nasa likod ng sabotahe.

In order to capture the mastermind, he let Venice to stay at the company. But he didn't expect that she would such thing.

Noong naabutan sila ni Tryna sa elevator ay hindi siya ang humalik sa babae. Si Venice ang humalik sa kaniya at hindi niya inaasahang makikita iyon ni Tryna.

"Fvck!" malutong na mura nito habang napapasabunot sa sariling buhok.

Galit na hinawi niya ang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa dahilan para magkalat ang mga iyon sa sahig. Nabasag pa ang mamahaling flower base na natamaan ng ibang gamit niya.

"Boss, what happened?" sulpot ng kaniyang secretary.

Imbes na sagutin ito ay padabog na tumayo siya. Dala nag kaniyang cellphone at susi ng kotse ay lumabas siya ng office. Madilim ang kaniyang mukha at lahat ng mga empleyadong nadaanan niya ay napapayuko na lang sa takot.

Pumasok siya sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon paalis. Kahit naka-red sign ang traffic light ay deretso pa rin ang takbo ng kaniyang kotse. Nagkaaberya pa ang kalsada pero wala siyang pakialaman. Hanggang sa makarating siya sa Golden Bar na pag-aari ng kaibigang si Arbby Charles Dawson.

"Hey! Watzup!" nakangiting bati ng kaibigan nang makita siya pagkapasok sa loob.

"Give me your most expensive drinks." Malamig na wika niya bago naupo sa VIP room.

Mahinang natawa si Arbby bago inutsan ang server ng bar nito. Naupo ito sa kaharap na sofa at mataman tinignan niya nito.

"May problema ka ba, Azzarry?" naningkit ang mga matang tanong nito.

"Pupunta ba ako rito kung wala?" pabalang na balik tanong niya sa kaibigan.

"Tanginamo! Ang sarap mo kausap, nagiging baliw ka na rin." Nakangiwing mura ni Arbby.

Sinamaan niya lang ito ng tingin at agad na binumsan ang bote ng Vodka na inilapag ng server sa table nila. Imbes na gumamit ng kopita ay walang pasabing tinungga iyon.

He look mess.

"Hey! Dahan-dahan lang, dre." Sita ng kaibigan. "Sabihin mo nga sa akin kung ano ang problema mo." Mahinahong dagdag pa nito.

Tiningnan niya ang hawak na bote. Inikot-ikot niya ang laman nun at nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga. Hindi niya ugali ang magsabi ng problema sa mga kaibigan niya. Pero ngayon, mukhang kailangan niya ng kausap.

He needed someone to talk with.

"Spill it out, dre. I'm all ears." Arbby said.

Muli siyang tumungho ng alak sa bote bago iyon inilapag sa mesa. Sandaling ipinikit niya ang kaniyang mga mata sabay sandal sa sofa.

Hapong-hapo na rin siya dahil wala suyang maayos natulog. Kung saan-saan niya kasi hinanap si Tryna pero hindi niya nakita.

"He left me." Halos paos na panimula niya. "Tryna left me." He added.

Hindi nagsalita ang kaibigan. Nakatingin lang ito sa kaniya na para bang may malalim na iniisip ito. Napaiwas siya ng tingin nang ngumisi si Arbby bago inilagok ang laman ng baso nito.

Alam niyang aasarin lang siya nito tulad ng ibang mga kaibigan nila. Wala siyang maaasahang matinong kausap ngayon––

"Tell me if you need help." Biglang sabi ng kaibigan.

Napalingon naman siya rito. Iyong tingin na mapanuri ang ibinigay niya kay Arbby. He wonder why he didn't tease her right now.

"Won't you tease and laugh at me?" nakaiwas tinging tanong niya.

Arbby chuckled.

"Why would I if I know at the first place that you're really into that maid of yours." Balewalang sagot naman ng binata.

Parang makahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Akala niya aasarin at pagtatawanan na naman siya. He's a playboy before so he expects such sharp words from his friends just to tease him.

Well, ganun din naman siya noon kay Limorthone at Yoshiko, inaasar niya ang mga ito.

Mahinang natawa na lang siya bago tinungga ang laman ng bote na hawak niya.

"So, what's your plan? Don't you want to chase her?" Arbby asked.

Inilapag niyang muli ang bote sa mesa saka napahilot sa kaniyang sintido. "I want to chase her but I can't find her right now." Parang nawawalan ng pag-asang saad niya.

Talong araw na ang lumipas na hindi niya ito nakita. Para na siyang mababaliw sa kakahanap sa presensiya ng dalaga.

He misses the moment they were together. He missed her cooking skills everyday. He misses her a lot.

"Pinuntahan mo na ba siya sa kanila? I mean, sa Davao. Sabi mo noon sa Davao kayo unang nagkita, right?" tanong nito.

He nodded.

Napahilamos pa siya ng mukha. "I did. Pero wala na sila roon. Ang sabi ng inutusan ko ay bumalik na raw sa dating tinirahan ang pamilya niya." Halata ang pagod sa mukhang sagot niya.

"Then why don't you follow her?"

"How could I follow her if I didn't know where she is right now?" nanghihinang tugon niya.

Napatango-tango si Arbby habang inikot-ikot ang laman ng baso nito. "Gusto mo bang tawagan natin si Takashi? Magpapatulong tayong hanapin siya." Suhestiyon nito.

Umiling sila. "No. He's just going to tease me." Aniya.

"Tsk! Hindi nakakamatay ang pang-aasar, dre. Mas nakakamatay kapag miss na miss mo na siya tapos makita mo na lang na may kasama ng iba." Nakangiwing wika ng kaibigan.

Nandilim ang kaniyang mukha sa mga huling sinabi ni Arbby. Napakuyom ang kaniyang mga kamao sa galit sa isiping may kasamang iba si Tryna.

"No fvcking way. I will surely kill that fvcking man if ever." Nagtagis ang mga bagang na anas niya.

Natatawang napapailing si Arbby ng makita ang kaniyang hitsura. "You look like a dragon ready to kill his enemy." Napapabuntong-hiningang lintaya nito.

Hindi siya nagsalita at sunod-sunod na nilagok ang laman ng bote hanggang sa maubos niya iyon. Nagbukas siya ng panibago at akmang  tuntunggain na naman niya nang pigilan siya ni Arbby. Kinuha nito ang bote at inilapag sa mesa.

Napapikit na lang siya sa inis. "Paano mo mahahanap si Tryna kung palagi ka na lang umiinom?" Arbby snorted.

"I just want to drink, Dawson." Malumay na aniya.

"Tsk! Sa tingin mo mahahanap mo siya matapos mong uminom? Hayst! Iba talaga ang epekto ng pag-ibig." Naiiling na lintaya ng kaibigan. "If I were you, uuwi na muna ako at matulog para kondisyon ang utak ko sa pag-iisip ng paraan kung paano hanapin ang mahal ko." Dagdag pa nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. He has a point. He need to rest first so that he can think of a way were to find his woman.

'Woman? Sa pagkakaalam ko wala kayong label, Azzarry.'

'Tsk! I don't care. She belong to me so she's my woman.'

Pagtatalo ng kaniyang isip. Naiiling na tumayo na lang siya. "Oh, saan ka pupunta?"

"Sa impyerno," walang ganang sagot niya bago ito tinalikuran.

"Tanginamo! Gusto mo tawagan ko si Satanas para masundo ka agad?" sigaw nito sa kaniya.

Napahinto siya bago humarap sa kaibigan. "No need. Takot lang ni Satanas na sunduin ako," aniya.

Napataas naman ang kilay nito. "How can you say so?"

"He's afraid I might destroy his kindom hell if I can't still find my woman." Huling sabi niya bago tuluyang iniwan ang kaibigan.

Tanging ang malutong na mura ng kaibigan ang narinig niya bago siya nakalabas ng bar nito.

"Just wait for me, Try, I will surely find you. I'm sure of it." He whispered.

***

One week later

PAGOD na pagod si Tryna habang pababa ng bundok. Galing siya sa tanaman ng kaniyang ama kasama ang kaniyang nakakabatang kapatid na si Elton. Pasado alas-tres pa naman ng hapon, kaninang umaga kasi sila pumunta sa tanaman dahil gusto niyang kumain ng mangga at buko. Halos makaubos siya ng tatlong buko at limang mangga kanina. Isinawsaw niya sa gatas ang buko at mangga, napuna pa siya ng kapatid kanina. Ewan ba niya, natatakam kasi siyang kumain ng buko at mangga simula pa kahapon.

Napabaling siya sa kapatid nang huminto ito sa paglalakad bago naupo sa bato na nasa gilid ng daan. "Magpahinga na muna tayo, ate."

"Sige. Pagod na rin naman ako." Sagot niya bago lumapit sa kapatid at naupo sa tabi nito.

Napapikit siya nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang mukha. Nakakagaan ng loob ang simoy ng hangin. Nakaka-relax at kumakalma ang kaniyang isip.

It's been a week since she left in Manila.

Umuwi siya sa Bukidnon, nakabalik na kasi ang kaniyang pamilya niya roon. Naibalik na sa kanila ang lupain ng kaniyang magulang kung kaya't iyon na ang inuuma ng mga ito.

Kalakihan naman kasi ang lumapain ng magulang niya. Nasa malapad na lupain ang bahay nila, tapos nasa bukirin naman ang kanilang tanaman.

"Ate," tawag ng kaniyang kapatid.

"Hmm?" sagot niya rito.

Nakatingin siya sa malayo. Kahit hindi halata sa kaniyang mukha, puno ng kalungkutan ang kaniyang kalooban.

Simula kasi ng umalis siya sa Maynila ay nabalot ng kalungkutan ang kaniyang puso. Hindi siya sinabi sa kaniyang magulang ang totoong nangyari sa kaniya.

Sinabihan niya lang ang mga ito na bumalik sa ibang bansa ang amo niya kung kaya't wala na siyang trabaho at umuwi na lang doon. Nangako naman siya na maghahanap uli ng trabaho kapag medyo nakaluwag na siya.

"Talaga bang umuwi sa ibang bansa ang amo mo kaya ka umuwi rito?" tanong nito.

Panandalian siyang natigilan sa tanong ng kapatid. Napakadali lang sagutin ng tanong nito pero hindi niya magawa.

Nabalot lalo ng kalungkutan ang kaniyang puso. "Sinabi ko naman na bumalik na siya sa ibang bansa." Mahinang saad niya habang nakatingin pa rin sa malayo.

Hindi na niya maitago ang tunay na nararamdaman niya. Kitang-kita ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"May namagitan ba sa inyo para malungkot ka ng ganiyan?" muling tanong nito.

Nanigas ang kaniyang katawan sa tanong ng nakababatang kapatid. Parang nalunok niya ang sariling dila upang hindi makapagsalita. Dahan-dahan na napayuko na lang siya upang pigilan ang kaniyang imosyon.

"Huwag ka na lang magtanong, Elton––"

"I just want to know what happened, ate. Simula nang umuwi ka ay napapansin ko na ang lungkot-lungkot mo kahit na hindi mo ipakita sa amin." Nakikisimpatyang pigil ng kapatid niya.

Biglang nag-init ang gilid ng knaiyang mga mata, senyales na malapit na siyang iiyak dahil sa pangungulila kay Keen. Ayaw man niyang aminin pero hindi talaga mawala sa isip niya ang amo.

Parang unti-unting pinagpirapiraso ang kaniyang puso tuwing naiisip ang nangyari sa kanilang dalawa. Ito ang unang pagkakataon na nagmahal siya ng totoo pero nasawi lang din pala sa huli. Ang sakit-sakit pala sa dibdib.

"Napapasin din nila inay at itay na parang may nag-iba sa 'yo." Dagdag ng kapatid niya.

Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya.

"Ang sabi ni Inay, para kang naglilihi. Buntis ka ba, ate?" deretsong tanong nito na ikinatigalgal niya.

Muntikan pa siyang mahulog sa batong kinauupuan niya dahil sa pagkabigla sa tanong nito. Parang sandaling nabingi siya sa mga katagang lumabas sa bibig ng kapatid niya.

"A-anong..." natutop niya ang sariling bibig nang mag-sink in sa utak niya ang ibigsabihin nito.

Lumitaw sa balintataw niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Palagi siyang nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Gustong-gusto rin niyang kumain ng buko at mangga, tulad kaninang umaga.

Nanlamig siya sa kaniyang mga naisip na posibleng buntis nga siya. "H-hindi puwede, mapapatay ako ni Itay, Elton." Mangiyak-ngiyak na bulong niya habang sunod-sunod na napapailing.

Napatayo siya sa prustrasyon at takot kapag totoong buntis siya. "Ate, calm down. Maiintindihan ka naman nina inay at itay," alo ng kapatid niya.

Hindi na niya napigilan pa ang sarili, naiyak na napahilamos siya ng mukha. Malakas ang kutob niya na buntis nga siya.

"Paano na ito?" nanghihinang bulong niya.

Lumapit si Elton at hinagod ang kaniyang likod. "It's okay, ate. Mas mabuting ipaalam mo na lang agad kela inay at itay kung ano talaga ang nangyari sa iyo sa Manila, ate." Payo nito sabay punas sa kaniyang luha.

Mas lalong naiyak tuloy siya sa ginawa ng kapatid. Kahit kasi hindi sila anak mayama, masaya naman silang magkapatid kasama ang kanilang ina at ama.

Malambing sila sa isa't isa, lalo na sa kanilang magulang. Nagkakaintindihan din sila sa mga bagay-bagay. Nagtutulungan sa mga gawain simula bata pa sila. Niyakap na lang niya ang kapatid, parang gumaan ang kaniyang dibdib.

Tama ang kapatid niya, mas mabuting sabihin na lang niya sa magulang nila ang nangyari sa kaniya. Ang namagitan sa kanila ng kaniyang amo na magiging ama ng kaniyang anak kung sakaling buntis talaga siya.

'Kawawa naman ang anak ko kung sakaling buntis ako. Wala siyang ama kapag isinilang na siya sa mundo.'

***

PAKIRAMDAM ni Tryna ay bumaliktad ang kaniyang sikmura pagkagising ng umagang iyon. Mabilis na lumabas siya ng silid at pumasok sa banyo. Halos manghina siya habang nagsusuka sa inidoro, namamasa ang mga mata. Para siyang may sakit sa hitsura niya. Halos malapot na laway lamang ang lumalabas sa kaniyang bibig. Matamlay na tumayo siya saka nagmugmog ng tubig bago lumabas ng banyo. Muntik pa siyang matumba nang paglabas siya ay bigla siyang nahilo, buti na lang at naagapan agad siya ng kaniyang ina.

"Nay," nanghihinang anas niya.

"Ano bang nangyari sa 'yo, anak? Ang tamlay-tamlay mo, may sakit ka ba?" nag-aalalan gtanong ng ina.

Inalalayan siya nitong maupo sa lantay nila na gawa sa kawayan sa loob ng bahay. Naipikit niya ang kaniyang mga mata uoang labanan ang hilo na nararamdaman niya.

"Atos lang po ako, Inay," pabulong na sagot niya.

Hinipo ng ina ang kaniyan leeg pero hindi naman siya mainit. Napabuntong-hininga na lang ito bago siya iniwan.

Nang bumalik ang ina ay may dala na itong isang basong maligamgaw na tubig.  Agad naman niya iyong ininom upang ibsan ang panghihilo niya.

"Ano ba'ng nangyari sa anak natin, Tessa?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ama na kakapasok galing sa labas.

"Iwan ko ba sa batang ito, Nardo. Napapansin kong napapadalas ang pagsusuka at panghihilo nito." Napapabuntong-hiningang tugon ng ina sa kaniyang ama.

"Ayos lang ako, 'nay, 'tay," eika niya at pilit na ngumiti sa mga ito.

Bumaba ang kaniyang mga mata sa hawak na basket ng kaniyang ama. Nanubig agad ang kaniyang bagang ng makita niyang laman ng basket.

" 'Tay, pahingi naman ng mangga, isasawsaw ko lang sa gatas." Natatakam na wika niya sabay tayo.

Parang nawala ang kaniyang panghihina kanina. Nakatingin lang sa kaniya ang ina't ama niya. Kumuha siya ng tatlong mangga at mabilis na pumunta sa kusina.

Binalatan niya ang mga 'yon at inilagay sa bowl na may gatas. Sarap na sarap siyang kumain habang naglalakad pabalik sa lantay nila. Nakita niya ang mapanuring tingin ng kaniyang ina at ama.

"Tryna, sabihin mo nga sa amin, buntis ka ba, anak?" deretsong tanong ng ama.

Napatigil siya sa akmang pagsubo ng mangga at biglang namutla. Nawala ang kulay ng kaniyang mukha dahilan para matarantang lumapit sa kaniya ang dalawa.

"Anak, bakit ka namumutla?" hindi mapakaling tanong ng ina.

Mangiyak-ngiyak na tumingin siya sa kaniyang magulang. Seryuso lang ang mujha ng kaniyang ama pero halata ang pag-aalala sa mga mata nito.

" 'Nay, 'tay," naiyak na sambit niya.

Agad naman siyang inalo ng ina. "Bakit ka umiyak? Ayos ka lang ba, anak?" alalang-alala na tanong ng ina.

Bumuhos ang luha niya nang yakapin siya ng ina. Narinig niya ang marahas na pagsinghap ng kaniyang ama.

"Shhh... sabihin mo sa amin, buntin ka ba?" kalmado g tanong ng ina.

Nagdadalawang-isip na tumango siya siya sa ina. "Sinasabi ko na nga ba," wika ng ama.

"P-patawad po, Itay." Umiiyak na hingi niya ng tawad sa ama. "Patawad po kung nabigo ko kayo," mas lumakas ang kaniyang naging paghikbi habang yakap ng ina.

Hindi nagsalita ang kaniyang magulang. Bang mag-angat siya ng tingin ay lumambot ang mukha ng kaniyang ama. Papa's girl siya kaya alam niyang hindi siya matitiis ng ama.

"Sinong ama ng magiging apo namin?" kalmadong tanong ng tatay niya.

Parang nabunutan siya ng tinig sa narinig. Pero muling bumalit ang lungkot niya. Hindi niya alam kung sasabihin ba o hindi.

"Anak, sabihin mo sa 'min kung sino ang ama niyang dinadala mo?" nakangiting tanong ng ina.

Wala siyang makitang galit o kahit ano sa mukha ng ina. "H-hindi ko naman po sigurado kung buntis talaga ako." Mahinang bulong niya.

"Sa mga napapansin namin, sugurado kaming buntis ka anak." Tugon ng ina.

"Kaya sabihin mo kung sino ang ama niyan. Iyon bang lalaki na kasama mo noon na pumunta sa Davao?" naging seryuso na uli ang mukhang tanong ng ama.

Nagdadalawang-isip na tumango siya. Ayaw niyang maglihim o magsinungaling sa mga magulang niya.

"Siya nga po, 'tay. Boss ko po siya," nakayikong sagot niya.

"Aba'y loko ang amo mong iyon. Nasaan siya nang makatikim sa akin ang lalaking iyon." Pagalit na wika nito.

Napalunok siya sa sinabi ng ama. Iba pa naman magalit ang ama, lalo na kapag hawak nito ang makintab at matalim na itak nito.

"N-nasa Manila po siya, itay." Tugon niya.

"Papuntahin mo rito, magtutuos kaming dalawa. Binuntis ka niya ng hindi nagpapaalam sa amin!" bakas ang galit at inis sa boses na wika ng ama.

Agad na pinakalma naman ito ng kaniyang ina. "Huminahon ka lang, Nardo. Isa pa, matatanda na sila, hindi na kailangan na magpaalam pa sila sa atin. Ano ka ba naman," puna ng ina.

"Kahit na, babae ang anak natin, Tessa. Paano kubg ano pala ang ginawa ng lalaking iyon sa anak natin? Aba'y mapapatay ko talaga ag lalaking iyon kapag sinaktan niya ang anak natin." Mariing saad nito sabay tingin sa kaniya.

Napalunom siya bago nag-iwas ng tingin. Parang ayaw na tuloy niyang ipaalam sa ama na wala naman talaga silang relasyon ng amo niya. Na wala itong balak na panagutan siya dahil kasama na nito ngayon si Venice.

Parang piniga ang kaniyang puso sa usiping iyon. Gabi-gabi ay naiiyal siya tueing naalala niyang magkasama ang dalawa.

"Anak, anong problema?" tanong ng ina ng mapansin ang hitsura niya.

" 'Nay, 'tay, ang totoo po, wala kaming relasyon ng amo ko." Nakayukong saad niya.

"Ano?!" galit na sigaw ng ama.

"Anong ibig mong sabihin, anak?" takang usisa naman ng ina.

Naiiyak na yumuko lang siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga ito ang tunay na mayroon sila ng kaniyang amo.

Kahit siya ay naguguluhan din. Wala silang relasyon pero alam naman nila na masaya sila sa isa't isa tuwing magkakasama. Para na nga silang mag-asawa, eh. Kaya lang nasira iyon dahil ng araw na 'yon.

"Anak," tawag ng ina.

Napahinga siya ng malalim bago nag-nagat ng tingin. "Sa totoo lang poz hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Keen, 'nay, 'tay." Naiiyak na saad niya.

Nalungkot ang mukha ng kaniyang ina habang nakatingin sa kaniya. Kapagkuwan ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"Ano? Huwag mong sabihin na walang balak na panagutan ka ng lalaking iyon?" seryusong lintaya ng ama.

Hindi siya nagsalita dahilan para marahas na napabuntong-hininga ang kaniyang ama. "Tessa, ihanda mo ang itak ko at luluwas ako ng Maynila. Tatagain ko ang lalaking iyon nang malaman niyang hindi dapat niya binuntis ang anak natin kung wala naman pala siyang balak na panagutan si Tryna. Makakatikim sa akin ang lalaking iyon." Matigas na asik ng kaniyang ama.

Kinabahan siya sa mga narinig niya. Wala pa namang sinasabi ang kaniyang ama na hindi nito tinututuo. Napangilabot siya sa isiping tatagain nito ang kaniyang amo.

" 'Tay, h-huwag na po," pakiusap niya.

"Nardo, huminahon ka nga." Sita ng  ina sa kaniyang ama.

Nang tingnan siya ng kaniyang ama at nakikiusap na tumingin siya rito ay napabuntong-hininga na lang ito. Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Huwag lang talaga magpapakita sa akin ang lalaking iyon, tatagain ko talaga siya nang malaman niya." Huling sabi ng ama bago sila iniwan sa sala.

Napatingin na lang siya sa kaniyang ina nang haplusin nito ang kaniyang pisngi sabay ngiti. Ipinapahiwatig nito na na ayos lang ang lahat, na magiging okay rin siya. Hanggang sa magpaalam ito at naiwan siyang mag-isa.

Bumaba ang kaniyang mga mata sa kaniyang tiyan, napahawak siya roon. Sadness were visible in her eyes. How she wish that everything will be goes fine.

***

Kinabusakan

Ibinaba ni Tryna ang dalang palangganita na naglalaman ng mga bagong nilaba na mga damit nila. Galing kasi siya sa ilog na pinaglabhan niya kanina. Isasampay na sana niya sa hayhayan ang mga damit nang makarinig siya ng mga ingay mula sa harap ng kanilang bahay. Hindi na sana niya iyon papansinin nang makarinig siya ng pamilyar na boses. Nagtatakang umikot siya papunta sa harap ng kanilang bahay.

"Itay, sino po ang kausap..." hindi niya natapos ang kaniyang tanong nang makita kung sino ang naroon.

"Monmon?" gulat na bulalas niya.

Awtomatikong napalingon sa kaniya ang matalik na kaibigan. Nakangiting lumapit siya rito bang may nagtatanong na mga tingin.

"Hey!" bati ng kaibigan sabay yakap sa kaniya.

"Bakit naparito ka?" usisa niya rito.

Nakita niya ang pagngiwi nito sabay tingin sa 'di kalayuan kung saan nakaparada ang kotse nito. Napakunot ang kaniyang noo ng makitang hindi lang isa ang kotse na naroon.

"I actually don't have any plan to go here because I was too busy." Napabuntong-hiningang wika nito.

"Kung ganun, bakit ka nandito? 'Tsaka, bakit may mga sasakyang nakaparada roon?" naguguluhang tanong niya sabay turo sa kinaparadahan ng kotse nito.

Hinila niya paupo sa kawayan na upuan ang kaibigan at hinintay ang sagot nito. He actually look so pissed off.

"Someone force me to go here just to trace you." Madilim ang mukhang tigon nito.

'Ano?'

"Sino?" mabilis na tanong niya.

Bago pa man masagot ng kaibigan ang kaniyang tanong ay nakarinig na siya ng mga sigawan mula sa loob ng bahay nila. Napatakbo siya papapunta sa pinto at nakita niya si Keen at ang mga kaibigan nito.

"Tatagain ko ang nagpaiyak sa anak ko!" galit na sigaw ng kaniyang ama.

Nawala ang kulay ng mukha ng mga ito habang natuod sa kinauupuan at kinatatayuan ang mga kaibigan ni Keen.

"Shit, itak!" namumutlang mura ni Kimwell.

"Fvck, ang kintab!" bulalas naman ni Zurich.

"We're doomed." Roshan

"Damn, scary!" Darshan

"Katapusan na natin," Luhen

"Ayaw ko pang mamatay!" boses ni Arbby.

"Takbo!" Charm

"Si Keen ang tagain mo, Tito, kasalanan niya!" sigaw ni Zyken.

"Fvck you, Rockwell!" malutong na mura ni Keen habang namumutlang nakatayo sa harap ng itay niya.

Animo'y natuod ang binata at hindi makagalaw sa kinatatayuan nito. Nang tingnan niya ang ama, nakita niyang may hawak na itong itak. Nagsusumigaw sa talim at kintab ang itak nito. Kahit siya ay napapalunok na nakatingin sa ama niya.

Nawala ang kaniyang atensiyon sa ama at napunta sa mga kaibigan ni Keen na parang sinilihan ang puwet. Kaniya-kaniya ng alis at takbo ang mga ito.

Muntikan pa siyang matumba nang tumakbo ang mga ito papunta sa gawi niya. Parang mga batang takot mahampas ng ama ang mga hitsura nila.

"Try, save us." Pakiusap ni Kimwell sa kaniya.

"Yeah. We're not ready to die." Segunda naman ni Zurich.

"Wala pa akong lahi," sabat ni Charm.

"Fvck you! Sa dami ng babae na kinakama mo, wala ka pa ring lahi?" singhal naman ni Roshan.

"Tsk! I always used condom, dumbass!" asik ni Charm.

Kaniya-kaniya ng ingay ang mga ito na para bang nasa palingke. Halos marindi siya sa ingay ng mga ito. Sasawayin sana niya ang mga ito nang sumigaw ng malakas ang kaniyang ama.

"Magsilabasan kayo o tatagain ko kayo palabas ng pamamahay ko!?" naririnding sigaw ng ama.

Mabilis na napatabi siya nang awtomatikong tumakbo palabas ang mga ito. Nasagi pa siya ni Kimwell dahilan para muntikan na siyag bumulagta sa lupa kundi pa siya nahawakan sa beywang ni Simon na nasa likuran na pala niya.

"Be careful," paalala ng kaibigan.

"Thank you, Monmon." nakangiting pasalamat niya rito.

"Hands off, Hernandez," madilim ang mukhang wika ni Keen nang makitang naroon pa rin sa kaniyang beywang ang kamay ng kaibigan.

Nakipagtagisan ng matalim na tingin ang dalawa sa isa't isa. Hindi man lang inalintana ang seryusong ng kaniyang ama na nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa.

"Tsk!" singhal ni Simon at inalis ang kamay nito sa kaniyang beywang.

"Know your place, Hernandez," Keen warned.

Parang tumalon ang puso niya nang tumingin ito sa kaniya. Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Who are you para sabihin iyan?" madilim ang mukhang tanong ng kaibigan.

"I am her boss," Keen glared.

Napayuko siya sa narinig niya. "Tsk! You're the boss before but not now, remember?" Simon snorted.

"You wanna die?" umigting ang pangang hamon ng binata.

Halata ang inis sa mujha nito na para bang gusto na niyang sakalin o pagbigyan si Simon.

"As if I'm scared––fvck!" pamurang sigaw ni Simon nang bigla itong buhatin ng mga kaibigan ni Keen.

"Sumunod ka na lang, Hernandez. Huwag ka nang makisawsaw sa kanila, baka kaibigan namin 'yan." wika ni Arbby at dinala nila paalis ang binata na minumura ang mga ito.

Napanganga na lang siya sa ginawa ng mga ito. Mukhang plano talaga ng mga ito na tulungan ang kanilang kaibigan na ngayon ay kaharap ang kaniyang ama. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga ito. Nakayuko lang siya at iniiwasang mapatingin sa binata. Naupo ang kaniyang ama kaya naupo siya sa tabi nito.

"Bakit ka narito?" seryusong tanong ng kaniyang ama na nakatingin kay Keen.

"I, uhm, want to see your daughter––" her father cut him.

"Magtagalog ka kung ayaw mong mataga ng itak ko at umuwi ng putol ang dila mo." Banta ng ama niya.

Napalunok siya sa narinig. Minsan lang niyang marinig na ganiyan magsalita ang ama.

"I'm sorry––I mean, patawad po, Tito." Mabilis na hingi nito ng paumanhin.

"Inuulit ko, bakit ka narito? Gusto mo bang mataga ng itak ko dahil sa ginawa mo sa anak ko? May mukha ka pa talagang magpakita sa akin?" galit na tanong ng ama. 

" 'Tay, kumalma po kayo––"

"Huwag kang magsalita para ipagtanggol ang lalaking iyan. Doon ka na muna sa labas." Taboy ng ama.

"Pero, itay––"

"Papasok ka sa kuwarto mo o tatagain ko ang lalaking ito?" panakot ng ama.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na napatayo siya dahil sa banta ng ama. Nag-aalalang tiningnan niya si Keen pero ang loko, nakangiti lang sa kaniya na para bang hindi man lang ito natakot sa banta ng kaniyang ama.

"Don't worry, honey. I'l l be fine." Wika nito sabay kindat sa kaniya.

Mabilis na napaiwas siya ng tingin dito. Agad na tumalikod siya sabay hawak sa kaniyang dibdib. Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng tuwa nang makita ang binata. Sana nga lang at hindi ito pahihirapan ng kaniyang ama.

***

Pasado alas-singko y medya na ng hapon at kanina pa hindi mapalagay si Tryna. Paano ba naman, simula pa kanina ay wala na siyang balita kung ano na ang nangyari kay Keen. Inutusan kasi siya ng ama na pumasok sa kaniyang kuwarto at pinagbawalan siyang lumabas. Pabalik-balik lang siya sa loob ng kuwarto niya. Napatakbo siya palapit sa pinto nang makarinig ng mga ingay sa labas ng kanilang bahay. Sakto namang bumukas iyon at sumilip ang kaniyang nakakabatang kapatid.

"Ate, pinapalabas ka ni Itay," nakanguwing saad ng kapatid.

Mabilis na lumabas siya ng kuwarto niya. "Nasaan sila, Elton?" nag-aalalang tanong niya.

"Nasa palikuran sila," sagot nito.

Mabilis na tumakbo siya papunta sa palikuran. Pagabi na rin kaya naging maingat siya sa pagtakbo. Nang makarating doon ay napatigil siya sa pagtakbo nang makita kung ano ang nangyayari roon.

Napatakip siya ng bibig ng makita si Keen na nakatali ang mga kamay at paa habang nakasabit na para bang gagawin itong letchon baboy. May mga kahoy sa ibaba nito na kulang na lang ay lagyan ng apoy para magmukhang lechon baboy na ang binata sa lagay nito.

"Uulitin ko, ano ang ginawa mo sa anak ko?" mariing tanong ng kaniyang ama.

Mabilis na umiling ang binata. "Tito, wala akong ibang ginawa sa kaniya, maniwala ka sa akin." Halatang nahihirapang tugon ng binata.

Dinuro ito ng ama niya gamit ang itak nito. "Anong wala? Malilintikan ka talaga sa akin bata ka!" asik ng ama.

"Fvck! Help me, psychopaths!" sigaw ni Keen sa mga kaibigan nitong nakapalibot sa kaniya at may hawak na mga kahoy at iba pa.

Napakagat-labing tiningnan niya ang mga ito. Si Charm na may hawak na camera at nakatutok sa gawi ni Keen. Nagpipigil ng tawa ang kaibigan. Si Dwight na naka-cross arm na nakasandal sa ilalim ng puno ng mangga habang nakapikit. Si Roshan na busy sa cellphone nito na parang may ka-text. Si Luhen na kumakain ng popcorn na para bang nanood lang ng sine.

'Saan galing ang popcorn?'

Napatingin siya sa gawi nila Darshan, may hawak na lighter ang binata at para bang atat na atat itong sindihan ang mga kahoy sa ilalim ni Keen. Panay ang sita ni Zyken sa kaibigan. Si Zurich na nakangiwing nakatingin kay Keen, si Kimwell na ngingiti-ngiti lang sa tabi. Si Arbby na nakapangalumbabang nakatingin kay Keen na para bang iniimagin nito ang kalagayan ng kaibigan kung sakaling ito ang malagay sa situwasyon nito.

"Sorry, Azzarry, we can't do anything for you this time." Nakangiwing wika ni Zurich.

"Yeah. Takot lang namin maitak," si Zyken.

"Kasalanan mo rin naman, kung hindi mo sana sinaktan ang anak ni Tito, hindi ka magkakaganyan." Paninisi naman ni Charm habang tatawa-tawa.

"Damn you, Houstone!" Malutong na mura ng kaibigan.

Naaawang tiningnan niya ang binata. Halata nag hirap sa mukha nito, hindi sanay sa ganoong situwasyon. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa gawi ng nga ito. Biglang napatingin sa kaniya si Keen, kahit nahihirapan ay pilit itong ngumiti sa kaniya.

"A-ayos ka lang?" nauutal na tanong niya.

He nodded. "I'm fine, honey, don't worry about me." Matamis ang ngiting wika nito.

"Pero––"

"Shhh... I did this with all my heart because I want to have you, honey. I'll definitely bring you home." Halata ang sinseridad sa boses at mukhang saad ng binata.

Napakagat-labi siya sabay iwas ng tingin dito. Hindi niya kayang tingnan ang kalagayan nito.

"H-hindi ka na sana pumunta pa rito, tingnan mo tuloy ang napala mo." Mahinang wika niya na narinig ng lahat.

He smiled. "I miss you, honey. I'm getting crazy everyday without you by my side. Now, I'm here. I feel at ease." Masuyong wika nito dahilan para mapahiyaw at mapamura ang mga kaibigan nito.

"Sir Keen..." wala sa sariling bulong niya.

Parang hinaplos ang puso niya sa mga sinabi nito. Pinigilan niya ang sariling maging emosyonal, baka makasama sa kaniyang anak––sa kanilang anak.

"Honey," nakangiting tawag nito sa kaniya.

"Hmm?"

"I want to kiss you right now." Sigaw nito na ikinapula ng kaniyang mukha.

Narinig niya ang mura at sigawan ng mga ito para sa binata na inosenteng nakangiti lang habang nakatingin sa kaniya.

"Fvck! Nakuha mo pang gumanyan sa lagay na 'yan, Azzarry?" hindi makapaniwalang tanong ni Kimwell.

"Shit!" Dwight.

"What the fvck, Azzarry!" Roshan

"Damn! Ang lakas ng loob." Luhen

"Tanginamo, nakuha mo pang lumandi sa lagay na iyan." Arbby

"Kiss her then if you can." Nangingiting wika ni Zyken.

"A playboy's guts to flirt even if he's going to become a human lechon." Darshan.

"Believe na ako sa 'yo, Azzarry. Raise your flag." Charm

"When a playboy's fall in love with his dearest maid be like." Tatum na natatawang napailing.

"Tagain mo na nga, Tito, nilalandi pa ang anak mo, eh." Nakangiwing saad ni Zurich.

"Putanginamo, Vandross!" sigaw ni Keen.

"What? Li-litsunin ka nga lumalandi ka pa. Kung ako sa 'yo magpapaalam ka na, mukhang hindi ka bubuhayin ni Tito. Masarap magiging hapunan namin ngayon." Kunwaring natatakam na wika ni Zurich.

"Human lechon," Zyken.

Halos isumpa ni Keen ang mga ito sa inis. Habang siya naman ay natawa na lang ng lihim sa kakulitan ng mga ito. Alam niyang inaasar lang nila ang kaibigan.

Narinig niyang napatikhim ang kaniyang ama kaya napalingon siya rito. Nakikiusap na lumapit siya sa ama pero hindi siya pinansin nito.

"Naalala mo na ba kung ano ang ginawa mo sa anak ko?" tanong ng ama sa binata.

"Tito, kung ano man ang nagawa ko, patawarin niyo po ako. Ipapangako ko pong hindi na iyon nauilit pa. Please forgive me." Puno ng sensiridad na wika ni Keen.

"Mukhang hindi mo talaga alam, ah. Paapuyin ang mga kahoy," utos ng ama niya.

"Teka lang, kukunan muna natin ng dugo pang sawsaw natin mamaya." Sabat naman ni Darshan.

"Shutangina ka, Darshan, nanganganib na nga ang kaibigan natin nakuha mo pang magbiro." Sigaw ni Arbby.

"What? I'm not joking, psychopaths! Akin an ang kutsilyo at balde, simulan na ang saksakan." Darshan

"Fvck you, Kamzatti, 'pag ako nakawala rito, ipapalipad kita pauwi sa Germany!" banta ni Keen.

Napangiwi naman ito. "I'm just kidding, Azzarry. Don't worry, I'll be easy on you. As a chef, gagawin ko na lang sauce ang dugo mo." Nakangusong saad nito na ikinamura nilang lahat.

Agad na sinita ng kaniyang ama ang mga ito. Lumapit ito kay Keen na halatang nangangalay na sa posisyon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang ilapat ng ama sa baba ng binata ang dulo ng itak nito.

"Ako na lang ang magsasabi kung anong ginawa mo sa anak ko." Seryusong wika nito.

Nahapawak siya sa kaniyang tiyan nang hindi inaalis ang mga tingin sa ama ng kaniyang anak.

"Just spill it out, Tito. Tatanggapin ko lahat ng parusa mo para lang patawarin mo ako sa nagawa ko sa anak mo. Pero maniwala ka, I didn't mean to hurt her. I swear, I can't hurt her." Kalmado at nagsising lintaya ng binata.

"Hindi mo sinaktan ang anak ko?" Her father asked.

Keen nodded. "I don't know what exactly––"

"Binuntis mo lang naman ang anak ko. Sabihin mo sa akin ngayon na wala kang ginawa sa kaniya." Mariing wika ng ama.

"Buntis lang naman pala akala ko––wait what?" gulat na tanong ni Keen.

Napasinghap pa ang mga kaibigan nito sa sinabi ng kaniyang ama. "She's pregnant?" priceless ang mukhang ulit nito.

Napatingin pa ito sa kaniya. Naglakad siya palapit sa binata. "Buntis ako, Keen," kagat-labing anas niya.

Napaawang labi ng binata. Hindi nito inalintana ang hirap ng sitwasyon nito. Hindi niya alam pero unti-unting nagliwanag ang mukha ni Keen at napakurapkurap siya nang makitang may namuong luha sa mga mata nito.

"M-magiging tatay na ako?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

She nodded emotionally. "Yes. Magiging tatay ka na, Sir Keen" Nakaiwas-tinging tugon niya.

"It's Keen, honey. Yes! I'm a father now." Hindi mawala ang ngiting sigaw nito.

Kung makasigaw ito ay akala mo hindi nakasabit upang gawing lechon baboy, eh.

"Really? Masaya ka pa sa lagay na 'yan, Azzarry?" Luhen


"He's brave," Dwight

"For real?" Arbby

"Kahit pa ata paapuyin ang mga panggatong ay masaya pa rin." Roshan

"That's the feelin'," Tatum

"Ano ba'ng feeling malaman na magiging ama?" Curious na tanong ni Zyken

"Siguro para kang nasa cloud 9," Zurich

"Tanga! Ano 'yon, chocolate?" Kimwell

"Puwede ka ng litsunin, Azzarry, may lahi ka na, eh." Darshan

"Damn you, Kamzatti!" Keen yelled.

Napakagat-labi na lang siya sa ingay ng mga ito. Ang ama naman niya ay natatawang napatingin kay Keen bago inutusan ang mga kaibigan ng huli na ibaba na ito. She knew it. Tinakot lang ng ama niya si Keen, kung hanggang saan ang kaya nitong pasensiya sa harap ng kaniyang ama. Luckily, he did.

'Oh God!'


A/N: Ayaan! May update na rin sa wakas! Pinagsabay ko ang Research at pagsusulat. Thank God at nakapag- update na rin sa wakas. Sorry for the late update, blueeems. I hope you'll like this chap and enjoy reading. Ilang chapter na lang at matatapos na tayo.🥰




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top