Chapter XII
MABIGAT ang loob na tumalikod si Tryna paalis. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagkaganun, pakiramdam niya ay nawala siya sa mood. Narinig niyang tinatanong siya ng kaibigan pero hindi niya magawang sumagog. Parang biglang nawala ang lakas niya at biglang tumamlay ang pakiramdam niya. Hindi mawala sa isip niya ang boss at ang babaeng kasama nito. 'Ano ba ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraan?' Busisi niya sa isip at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. She was about to step away when someone's stop her from the back.
"Mon, balik na lang tayo sa unit mo." Matamlay ang boses na wika niya.
Hindi sumagot ang kaibigan na ikinataka niya. Dahan-dahan siyang lumingon nang makaramdam ng kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan niya dahil sa taong humawak sa palapulsuhan niya.
"Mon, ang sabi ko––boss?" Gulat na tanong niya nang makita ang amo.
Ang seryuso ng mukha nito at bahagyang nanlalalim ang mga mata na animo'y wala itong maayos na tulog. Napakurapkurap siya habang nakatingin sa binata.
'Anyare sa isang 'to?'
"Where have you been?" Mariin at seryusong tanong nito.
Napalunok siya sa kaseryusuhan nito, lalo na ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. Walang kaimo-imosyon ang mukha ng amo.
"Answer me, woman! Where have you been?" Naiirita at nababagot na tanong nito nang hindi siya nagsalita.
Akmang magsasalita na sana siya nang biglang sumingit si Simon at hinila siya papunta sa likod nito dahilan para mabitawan siya ng amo.
"She's with me, any problem?" Seryusong saad ni Simon at nakipagtagisan ng tingin sa binata.
Mas lalong dumilin ang mukha ni Keen na ikinalunok niya. Hindi niya alam kung galit ba o ano ang amo niya. "I'm not talking to you." Matiim ang bagang wika ni Keen.
"I know, but I do." Walang bahid ng birong usal ng kaibigan. "Don't be mad at her because it was not her fault if she's waiting for you upstairs but you don't come back." Dagdag pa nito.
Natigilan si Keen at kapagkuwan ay bumaling sa kaniya. Napakagat-labi siya saka nag-iwas ng tingin sa binata. Parang hindi niya kayang tingnan ito ngayon sa mga mata.
"I came back their and find her, but she's wasn't there." Giit ng amo niya.
Nalukot ang ilong ni Simon at mas tinaliman pa ang mata nito kay Keen. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay malamang pareho nang nakabulagta ang dalawa sa sahig.
"You came back late and you find her late. Kundi ko pa siya nakita, baka naligaw na siya at napunta sa masamang tao." Matikas ang boses na pahayag ng kaibigan.
Ang panga nito'y nagtatagis, ang mga kamao'y nakakuyom na parang nagpipigil lang ng galit. Hindi niya alam kung dala lang ba ng imahinasyon niya na nakitaan ng guilt sa mga mata ang boss niya. Pero agad din naman iyong naglaho saka bumalik sa dating anyo.
"Tsk! Hindi siya maliligaw, she's not a kid anymore––" Simon cut him off with a dark stare.
Parang uminit ang ulo ng kaibigan sa mga huling sinabi ng boss niya. Siya naman ay nakayukong pinaglalaruan ang mga kamay niya.
"She's not a kid but she's not good on remembering things and places. I know her better than you." Naiinis na wika ni Simon.
Nakakuyom pa rin ang mga kamao nito na para bang anytime ay manununtok ito. Samantalang halos hindi na maipinta ang mukha ni Keen dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
He's eyes were deep and dark.
"You don't have to slapped on my fvcking face that you know her better than me, moron. She's my maid and not yours." Nababagot na sabi ni Keen.
Parang nakaramdam ng tense si Tryna sa pagitan ng dalawa at pumagitna na siya. Baka kung saan pa aabot ang pag-uusap ng dalawa.
"Mon, tama na iyan. Ayos lang naman ako," mahinang bulong niya rito.
Sandaling tinitigan ng masamang tingin si Keen bago nagbuntog -hininga. Pinilit nitong ikalma ang sarili saka humarap sa kaniya.
"Okay. Do you still want to go with him?" Mahinahong tanong ng kaibigan.
Nilingon muna niya ang amo na mariing nakatingin sa kaniya bago sinagot ang kaibigan.
"Amo ko siya, kaya sasama na lang ako sa kaniya." Halos pabulong na sagot niya.
Napabuga ng hangin si Simon at napahawak pa sa baba nito. "Are you sure?" Paninigurado nito.
"Oo naman. Katulong niya ako, eh. Tsaka, hindi naman big deal ang nangyari kahapon, eh." Nakangiting aniya sabay sulyap sa amo niyang parang sasabog na ito sa galit.
Masamang nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Simon. Hindi niya alam kung bakit parang galit pa ang lalaki gayung hindi agad siya binalikan nito kahapon.
"Okay. Just call me if you need me." Bilin ni Simon.
"Hmm, 'wag kang mag-alala," pagpapanatag niya sa loob nito.
Ngumiti si Simon at yayakapin sana siya nito nang nabilis na pumagitna si Keen. Lukot ang mukhang hinila siya palayo kay Simon.
"You don't need to hug her." Mariing wika niya.
Parang nakaramdam ng masuyong haplos sa puso si Tryna sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay may ibigsabihin ang inakto't sinabi ng amo. Pero isa siyang impokreta kung mag-a-assume siya.
'Katulong ka lang, Try...' paalala niya sa sarili.
"You made her wait for a long time which I didn't. Next time you left her without getting back early, you'll be losing your maid." Matalim ang matang banta ni Simon kay Keen bago bumaling uli sa kaniya
Humarap sa kaniya ang kaibigan at naging malambot ang mukha nito. Kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito para sa kaniya. Napangiti siya rito dahil alam niyang concern sa kaniya si Simon.
"Take care of yourself. If you need something, just call me, sweety." Nakangiting sabi nito bago pa man siya hilahin palayo ng amo sa hindi malamang na dahilan.
"Fvck that endearment..." Mahinang bulong ni Keen na hindi naman niya narinig ng maayos.
Napangiwi pa siya sa higpit nang pagkakahawak nito. Napapatingin pa sa kanioa ang mga ibang naroon sa palapag ng barko, ngunit benalewala lang niya ang mga ito. Nakayukong nagpatangay siya sa amo hanggang sa makapasok sila sa elevator ay tahimik pa rin siya.
Paminsan-minsan pa niyang naririnig ang malalim na pagbuntong-hininga ng katabi niya. Animo'y stress na stress ito sa hindi malamang dahilan.
Namayani ang mahabang katahimikan hanggang sa makarating sila sa floor ng unit nila.
"I'm sorry." Napatigil siya sa akmang pagpasok sa silid niya dahil sa sinabi ng amo.
Napalingon pa siya rito at tiningnan sa mata. Nakita niya ang sensiridad sa mga mata't mukha nito.
"Para saan?" Inosenteng tanong niya.
Lumambot lalo ang mukha ng binata saka lumapit sa kaniya. Masuyo nitong hinawakan ang kamay niya bago iyon pinisil ng marahan.
"Hindi agad kita nabalikan sa rooftop kahapon. But believe me, I came back their and find you..." Masuyong sabi pa nito. "Nag-aalala ako at hinanap kita sa buong barko pero hindi kita nakita." May kakaibang imosyon sa mga matang dagdag pa nito.
He seemed guilty and worried.
"Hindi ako nakatulog sa kakahanap at isip sa'yo. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo." Pagpapatuloy pa nito.
Parang nalusaw ang tampo sa puso niya kung kaya't ngumiti siya. Pinisil pa niya ang kamay ng binata bago nagsalita.
"Ayos lang iyon. Okay lang naman ako, eh." Masiglang wika niya.
Nakita niyang parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang binata. Nagulat pa siya nang yakapin siya bigla ng amo. Parang baliw na kumabog ng malakas ang puso niya dahil sa ginawa nito.
Pakiramdam niya ay nagwawala ang puso niya sa kinasisidlan nito. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa para samahan ang puso niyang nababaliw.
"A-ahm..." tanging lumabas sa bibig niya bago bumitiw ang amo sa pagkakayap sa kaniya.
"Gusto mong kumain?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
Umiling siya, kakatapos lang nila ni Simon kanina kaya busog pa siya. Ang gusto niyaay magpahinga.
"Gusto kong magpahinga na muna, p'wede ba?" Nakangiting at kamot batok na aniya.
Tumango ang amo at hinila siya papasok sa kuwarto niya. Napatangay na lang siya rito nang akayin siya nito pahiga sa kama na para bang may sakit siya.
That makes her heart beat so fast than normal.
***
Nagtataka si Tryna nang pagkagising at pagkalabas niya ng kuwarto ay naabutan si Keen at Avery sa sala habang seryudong nag-uusap. Napatigil lang ang mga ito nang makita siya. Nakita niya kung paano umikot ang mga mata ng babae sa kaniya. Hindi talaga siya gusto nito. Parang kulang na lang ay itataboy siya nito. Well... ganun din naman siya, hindi niya gusto ang babae pero sinasakyan niya lang ito.
"Good evening," bati pa ni Keen sa kaniya.
Doon niya lang napansin na gabi na pala. "Magandang gabi rin, boss," ganting bati niya.
Binati niya rin si Avery pero irap lang ang nakuha niya sa babae. Nagkibit-balikat na lang siya at pilit iwinakli sa isip kung anong meroon at naroon ito.
"Bakit pala nandito siya?" Takang tanong niya sa amo nang makaupo sa single sofa.
"She want to––" biglang sumabat si Avery.
"I'm here for our date." Nakataas kilay na wika ng babae.
Natigilan siya sa sinabi nito. 'Date? May date sila?' aniya sa isip bago tumingin sa boss niyang nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa kaniya.
Napaiwas siya ng mata sabay ngiti. Nagpapasalamat siya at hindi naging ngiwi ang ngiti niya.
"Ah," tanging lumabas sa bibig niya.
"Actually, we're––" tumayo siya.
Hindi na pinatapos ang binata saka nagpaalam siyang sa kusina lang muna dahil nagugutom siya. Actually, hindi siya gutom. It was just an excuse para maitago ang totoong nararamdaman niya.
Alam niyang sa mga oras na iyon, nakumperma na niyang may gusto nga talaga siya sa boss niya kaya ganun ang nararamdaman niya.
Hindi nagtagal ay sumunod ang binata sa kusina. Nakatingin lang ito sa kaniya habang siya ay tahimik na nakaupo sa upuan at nakaharap sa pagkain niya.
"Hey! Are you, ok?" Pukaw ng binata sa kaniya mula sa malalim na pag-iisip.
Naupo ito sa harap nang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. Ikinubli niya ang nararamdaman saka ngumiti rito. Ibinigay niya ang matamis na ngiti sa amo upang ipakitang ayos lang naman siya.
"Ayos lang ako," aniya bago nagpatuloy sa pagkain.
Naramdaman niyang nakatitig lang sa kaniya ang binata dahilan para mag-angat siya ng tingin dito. Nahuli niya itong tila mini-memorya ang bawat sulok ng mukha niya.
Nailang siya sa binata.
"B-bakit?" Nauutal na tanong niya.
Tumaas ang sulok ng labi ng amo saka sumandal sa upuan nito.
"You look cute," komento nito.
Natigilan siya at naramdaman ang pag-init ng mga pisingi niya. Alam niyang parang kamatis na ang mukha niya sa pamumula. Nalunok pa niya bigla ang ulam na isinubo kanina nang hindi nginunguya iyon. Bumara sa lalamunan niya ang karne ng adobong manok dahilan para mabulunan siya.
"H-hey! Are you, ok?" Nag-aalalang tanong ng binata nang makitang nahihirapan siya.
Isininyas niya ang kamay sa lalamunan dahilan para mapamura ang binata. Bigla nitong tinampal nang hindi ganun kalakas ang likod niya dahilan para mailuwa ang nakabara sa lalamunan at nahulog sa sahig.
"Oh shit!" Bulalas ng binata.
Mabilis na inabutan pa siya nito ng tubig na agad naman niyang tinanggap at ininom. Paubo-ubo pa niyang inilapag ang baso sa mesa't naghahabol ng hininga. Patuloy namn sa paghagod sa likod niya ang binata.
"Muntik na ako r'on, ah," mahinang bulong niya.
Narinig niyang natawa ng mahina ang lalaki bago ito bumalik sa pagkakaupo sa kinauupuan nito.
"Natutuwa ka pa," nakangusong anas niya.
He chuckled.
"Ang cute mo kasi," nakangiting wika nito.
Buti na lang at walang laman ang bibig niya, baka tuluyan na talaga siyang ma-deads sa pinagsasabi nito. Aaminin niyang para siyang idinuduyan sa langit sa kompliment nito.
"S-salamat," nahihiyang tugon niya.
Akmang babalik na siya sa pagkain nang may mapagtanto siya. "Kumain ka na ba?" Tangong niya rito.
Umiling ito bilang sagot. Nanlaki ang mgaata niya bago mabilis na tumayo. Nakaramdam siya ng hiya dahil mas nauna pa siyang kumain kaysa sa amo niya.
"Ba't 'di mo sinabi? Nauna pa akong kumain kaysa amo ko." Kakamot-kamot na anas niya sabay kuha ng pinggan.
"It's ok. I enjoyed watching you, by the way." Saad niya.
Parang kiniliti ang puso niya hindi lang dahil sa sinabi nito, kundi, dahil sa uri ng boses nito.
"Ah, eh––ang dami mong sinasabi," aniya upang itago ang kilig na nararamdaman niya.
Nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ng amo at akmang babalik na sa upuan nanv pigilam siya nito sa braso.
"Oh?" Taka g tanong niya.
"Feed me." Utos nito sabay nguso sa pagkain nito.
Nanlako naman ang mga butas ng ilong niya. Hindi naman ito bata para subuan niya ito.
"Bakit namn? Hindi ka na bata, ah!" Angil niya.
"Because I said so," wika nito.
Napanguso siya sabay tingin sa pagkain nito at pagkain niya. Kapagkuwan ay aangal na naman sana siya nang kumilos ito.
Napasinghap siya nang bigla siyang buhayin niti paupo sa dulo ng mesa paharap dito. Napaawang ang labi niya nang ilagay nito ang pinggang may laman sa kamay niya.
"Now, feed me. I'm hungry, baka ikaw pa ang kainin ko." Nag-uutos na sabi nito na naging bulong ang mga huling sinabi na hindi nakatakas sa pandinig niya.
Napatakip pa siya ng bibig habang lumuluwa ang mga matang tumingin sa kaharap na ngingis-ngisi lang.
"Kakainin mo ako? Nangangain ka ng tao?" Nahihintakutang tannong niya rito.
Biglang humahalakhak ang binata dahilan para matigilan siya. Parang na-star-struck siya sa pagtawa nito. Minsan lang niya ito makikitang tumawa, tuwing natatawa pa sa kaniya tulad ngayon.
"Hindi tao ang kinakain ko," pilyong saad nito.
"Eh ano?" Curious na tanong niya.
He smirked.
"I eat girl's wetty, pinkish, and reddish cunt, Honey." Pilyong sagot niya na ikinalukot ng ilong niya.
'Girl's wetty, pinkish, and reddish cunt?' Ano naman 'yon? Tanong niya sa isip.
"Cunt? Ano yun?" Inosenteng tanong niya dahilam para muling tumawa ang binata.
"Wuy! Ano 'yon sabi eh!" Pangungulit niya rito.
"You really wanna know?" Nagpipigil tawang tanong nito.
"Oo nga! Sabi ko naman sa 'yo, turuan mo akong maging open minded." Nakangusong angil niya rito.
"It is the private part of a girl, honey." Nakangising saad nito.
"Part? Tulad ng?"
"Pinakaiingatan mong laguna, your vigina." Nakaiwas tinging sagot ng binata.
Napasinghap at napatakip ng bibig si Tryna. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa amo niyang namumula ang tainga.
'V-vagina...'
Napatili siya at muntikan pang mabitawan ang pinggang hawak niya saka hinampas sa dibdib ang binata na ikinamura nito.
"Fvck!" He cursed.
"Ang bastos mo, Keen Mark Azzarry!" Sigaw niya at muling pinaghahampas sa dibdib ang binata.
"H-hey! Stop!" Pigil nito sa kaniya pero hindi siya nakinig.
"Ang bostos mo!"
"I'm just saying what you want, honey. I'm just teaching you how to be an open minded and now, you hit me." Husky ang boses na saad ng nito.
Hinuli ng binata ang kaniyang kamay saka ito dumikit na ikinaliyad niya, ngunit hinapit siya ng binata. Nahigit pa niya ang sariling hininga habang hindi magkandamayaw dahil sa lapit nilang dalawa.
Pakiramdam niya ay na-suffocate siya dahil sa magkadikit nilang katawan at lapit ng kanilang mukha. Halos tatakas na sa dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog ng puso niya.
"I told you, you asked with the wrong person to teach you." He whispered with a throaty voice.
Tinitigan siya nito sa mata na para bang inaalam ang kalalim-laliman ng kaniyang kaluluwa. Hanggang sa bumaba ang mga mata nito sa mga labi niyang nakaawang lang.
"And sorry, I can't stop myself from claiming your lips, honey." He added and claimed her lips which made her in dazed.
A/N: Ayan! Ang daldal at kulit mo kasi Tryna HAHAHAHA! I hope you enjoy reading, blueeems! Lab yah!🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top