chapter XI

Napalagok ng alak si Keen nang paulit-ulit na nag-play sa isip niya ang nangyari kanina. Ibayong pagpipigil ang ginawa niya para lang pigilan ang sariling sunggaban ang dalaga. Kung hindi pa siya tumigil baka bukas na bukas wala na ang pagiging birhen ng dalaga. He's a dominant playboy for pete's sake. It's a miracle for him to control himself from wanting and owning her. Hindi niya aakalaing sa katulong niya lang magagawang magpigil sa kabila ng pagiging babaero niya.

"I am a fvcking playboy but I turn to be a gentle in front of her." He whispered.

Sunod-sunod na nilagok niya ang laman ng bote imbes na gumamit ng baso ay tinungga niya iyon. Para siyang mababaliw dahil sa katulong niya.

"What the fvck is happening to me?" Tanong niya sa kawalan bago inubos ang laman ng bote pagkatapos ay pumasok sa kuwarto niya.

Hinubad niya lahat ng saplot sa katawan bago pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower bago ibinabad ang sarili. Nanatili siya ng mga ilang minuto sa ilalim ng shower bago tinapos ang pagligo niya.

After taking a bath, he went out of the bathroom while drying his hair using the towel.

Nang matapos ay inihagis niya sa dirty clothes yung towel na ginamit niya bago padapang humiga sa malambot niyang kama ng walang suot na kahit ano. He buried his face on the pillow while clenching his fist. Napabuntong-hininga na lang siya at kinalma ang sarili hanggang sa hinila na siya ng antok.

***

Tanghaling tapat na nang magising si Keen dahil sa taong kumatok sa labas ng pinto ng kuwarto nito. Napakusot siya ng mata bago bumangon at pupungas ang mga matang binuksan ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ni Tryna na halatang bagong ligo pa lang nito. He look at her from head to foot. She's wearing a gray oversized shirt with black mini-short below.

"Good morning, Sir Keen––wahh! Talong na brown!" Gulat ma sigaw nito nang tumingin ito sa kaniya.

Napatakip pa ito ng mata sabay talikod na para bang nakakita ito ng kung ano. Takang tiningnan niya ang sarili at doon niya lang napagtantong wala pala siyang saplot sa katawan.

"Fvck!" He cursed.

Mabilis na tumakbo sa kama't tinakpan ng kumot ang kahubadan niya. Napalingon pa siya sa dalaga nang marinig niya ang mahinang tawa nito.


"What are you laughing at?" Nakaiwas tinging tanong niya rito.

"Ang haba kasi ng talong mo, Sir Keen, tapos sumasayaw-sayaw pa nung tumakbo ka. Talented din pala ang talong mo, Sir." Nakabungisngis na saad ng dalaga dahilan para mapanganga siya.

"W-what?" Tanging lumabas sa bibig niya.

Parang nalunok niya ang sariling dila dahil sa sinabi ng dalaga. Mukhang babaliwin ata siya sa kalokohan at kainosentihan ng katulong niya.

"Sabi 'kako' ang talented din pala ng talong mo. Marunong sumayaw at sumaludo. Hihihi!" Bungisngis na naman nito.

Nasapo na lang niya ang sariling noo dahil sa pinagsasabi nito. But on the second thought, she look very cute and lovely.

'Shit! What am I thinkin'?

Busisi niya sa isip habang napapkagat-labing nailing na lang siya bago pumasok sa banyo para maghilamos. Nagsipilyo muna siya bago lumabas at nagbihis. Hinayaan niya lang ang dalaga na tumingin-tingin sa kauwarto niya hanggang sa matapos siyang magbihis.

He's just wearing a white sando with khaki short while a dark glasses hang on his sando's neck.

"What time is it?" Tanong niya sa dalaga nang lingunin niya ito.

"Pasado alas-otso y medya na ng umaga, Sir." Sagot nito.

He nodded.

"Have you eaten or not?" He asked.

Umiling ito sabay nguso. Halatang hindi pa nga ito kumakain dahil narinig niyang biglang kumalam ang tiyan nito dahilan para matawa siya.

"Gutom na ako," parang batang wika nito.

Natatawang ginulo niya ang buhok nito bago hinila palabas ng kuwarto. Hindi niya binatawan ang palapulsuhan nito hanggang sa makalabas ng unit. Pinagtitinginan oa sila ngunit wala siyang pake sa mga ito. Ngunit nakaramdam siya ng inis ng makitang maraming mga lalaking nakatingin sa kasama niya.

His jaw clenched with irritation that's why he pulled her closer to him to make them back off.

"Saan tayo kakain, Sir?" Tanong ng dalaga.

"Kamzatti's restaurant," he answered.

Yes.

Ang mga restaurant na nasa loob ng barko ni Yoshiko ay pag-aari ni Darshan Kamzatti, ang kaibigan niyang chef cook. Well, it was their arrangement for a business matter.

Nang makarating sa tapat ng restaurant ay sabay silang pumasok. Binati naman sila agad ng waiter bago iginiya sa bakanteng mesa malapit sa lobby kung saan kitang-kita ang magandang tanawin. Nililipad pa ng hangin abg mahabang buhok ng dalaga na naupo sa harap niya.

"What do you want to eat?" He asked.

Napabaling sa kaniya ang atensyon ng dalaga na kanina pa tingin nang tingin sa paligid.

"Kahit ano," nakangiting sagot nito.

Tumango siya bago binalingan ang waiter na nakangiting naghihintay ng order nila.

"Give us everything you have here." Tanging sabi niya rito na ikinatigil pa ng waiter.

"Are you sure, Sir?" Paninigurado ng waiter.

"I made myself clear." Tugon niya dahilan para hindi na nagtanong pang muli ang waiter.

Iniwan sila nito kaya tiningnan niya si Tryna na tuwang-tuwa na nakatingin sa mga taong nasa paligid. Lihim na natawa na lang siya sa inakto ng dalaga.

She seems so amaze for everything she've seen new.

"Do you want to roam around after we eat?" Tanong niya rito.

Nakangiting tumingin ito sa kaniya sabay tango. Halata ang excitement sa mga mata nito.

"Gusto kong pumunta roon sa pinakataas." Masayang anas nito na sinabayan pa nang pagtaas ng dalawang kamay nito na parang bata.

Napakagat-labi na lang siya sabay abot ng ilong nito at pinisil iyon na ikinguso naman nito.

"I'll bring you there later on." He said.

Hanggang sa sunod-sunod na dumating ang pagkain nila. Natawa pa siya nang sunggaban agad ng dalaga ang mga pagkain kahit hindi pa dumating lahat.


***

Napasigaw nang malakas sa sobrang tuwa si Tryna habang nakasandal sa railings paharap sa dagat at nakataas ang mga kamay. Kanina pa siya nando'n at hindi mapawi ang ngiti sa labi. Magmula nang makarating sila ng boss niya sa rooftop ng barko ay halos hindi na siya tumigil sa kakatingin sa paligid. Idagdag mo pang ang sarap ng simoy ng hangin na dumampi sa balat niya habang nilipad naman ng hangin ang buhok niya.

"Woah! Ang saya!" Sigaw niya sabay tingala sa maasul na kalangitan.

Hindi niya pinansin ang ibang naroon na kanina pa nakatingin sa kaniya. Hanggang sa biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Akmang itutulak niya ito nang magsalita si Keen.

"Don't you feel tired of shouting?" Mahinang tanong nito habang nakapatong sa balikat niya ang baba nito.

Nakaramdam siya ng kiliti dahil sa pagyakap at pagtama ng mainit na hininga nito sa leeg niya.

"Hindi. Nakakagaan kaya ng loob ang sumigaw." Sagot niya.

Mahinang natawa ang boss niya bago siya pinakawalan nito't inikot siya paharap dito.

"Okay. I'll just go downstairs to buy some foods to eat. Just wait me here, ok?" Nakangiting bilin nito.

Mabilis na tumango siya. "Okay." Nakangiting sagot niya.

Tinanguan siya nito bago kumaway at tumalikod habang nakapamulsang naglakad paalis. Nang mawala ito sa paningin niya ay naglakad-lakad siya habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Kinuhanan pa niya ng litrato ang sarili sa kahit anong anggulo.

Mahinang natawa pa siya dahil muntikan ng mahulog ang cellphone niya dahil sa likot niya. Buti na lang nasalo ng lalaking dumaan.

"Salamat," nakangiting pasalamat niya nang ibalik nito sa kaniya ang cellphone.

"You're welcome. Just be careful next time." Nakangiting wika nito bago siya nilagpasan.

Nagkibit-balikat na lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin pa siya sa isang couple na naghahalikan kahit maraming tao. Napatigil siya sa paglalakad nang bigla niyang maalala kung ano ang nangyari kagabi nung malasing siya.

Parang sinilaban siya ng apoy nang lumitaw sa balintataw niya ang lahat nang nangyari sa kanila ng boss niya. Napatakip na lang siya ng mukha sabay harap sa dagat.

Nanatili siya roon at hinintay ang pagbalik ng binata. Ngunit lumipas ang halos isang oras ay hindi pa bumalik si Keen. Naupo na lang siya sa isang bench na nakita niya dahil nananakit na ang mga paa niya sa kakatayo.

Binuksan niya ang hawak na cellphone para sana tawagan ito nang maalalang na-lowbat nga pala siya sa kakakuha niya ng litratro kanina. Napanguso na lang siya at hinintay na lang uli ang binata.

Halos tatlong oras na siyang naghihintay roon nang hindi pa rin dumating ang binata. Napabuntong-hininga na lang siya at tumayo. Bumaba siya upang para bumalik na lang sa unit nila nang mapatigil siya. Hindi nga pala niya tanda ang unit nila.

"Tryna?" Bigla siyang napalingon sa may lobby nang may bumanggit sa pangalan niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kaibigan niyang nakasuot ng pang business atire.

"Monmon!" Gulat na banggit niya sa pangalan nito.

"Ikaw nga," bakas ang pagtataka sa mukhang anas nito.

Mabilis na lumapit siya rito at niyakap ang kaibigan. Pagkatapos ay lumayo siya rito.

"Nandito ka rin pala? Akala ko ba may pupuntahan ka?" Tanong niya sa kaibigan.

"Yeah, I am. Sa Amsterdam ang punta ko para sa business meeting." Sagot nito habang nakakunot ang noo.

Napatango-tango siya. Alam kasi niyang may lakad ito dahil nagpaalam ito sa kaniya kahapon noong nagkita sila. Hindi rin naman niya alam na parehong lugar lang pala ang pupuntahan nila.

Inaya siya nang kaibigan na magkape sa malapit na coffee shop kaya sumama siya rito. Gutom na rin kasi siya. Halos makaubos pa siya ng limang mamon na in-order ng kaibigan.

"You're hungry, aren't you?" Nakangiwing tanong ng binata.

Inubos niya ang kape niya sabay tango.

"Kanina pa ako nagugutom, eh." Nakangusong tugon niya.

Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha nito dahil ata kung bakit siya nando'n.

"Bakit ka nga pala narito?" Hindi na nakatiis na tanong nito.

"Hindi ko alam." Nakangusong sagot niya.

"What?" Salubong ang kilay na bulalas nito.

"Si boss ang nagdala sa akin dito. Sabi niya pupunta kami ng Amsterdam pero hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon." Paliwanag niya.

"Speaking of him, where is he? Bakit mag-isa ka lang?" Muling tanong nito.

Doon siya napabusangot. Hindi naman niya alam kung nasaan na ang isang yun.

"Di ko alam. Nagpaalam yun kanina na bibili lang ng pagkain, hinintay ko siya ng tatlong oras pero hindi pa rin bumalik." Malumay na sagot niya.

Biglang sumeryuso ang mukha ng kaibigan niya. Napakuyom pa ang kamao nitong nakapatong sa mesa na animo'y galit.

"Fvck him!" Mahinang mura nito na narinig niya naman.

"Uy! Ayos lang yun, baka may mahalagang ginawa lang yun." Aniya.

"Mahalagang ginawa? Hindi ba niya alam na baka mapahamak ka sa pag-iwan niya sa'yo?" Madilim ang mukhang wika nito.

Napakamot na kang siya ng batok bago hinawakan ang kamay ng binata para pakalmahin ito. Umaandar na naman ang pagiging protective nito sa kaniya.

"Hayaan mo na, ayos naman na ako kasi nandito ka, eh." Nakangiting sabi niya.

Nagbuga nang malalim na buntong-hininga ang binata't tumango.

"Okay. Ihahatid na lang kita sa unit niyo." Mahinahong wika nito.

"Yun ang problema ko," nakangusong sabi niya.

"What do you mean?" Takang tanong nito.

"Hindi ko tanda ang unit namin, pati ang floor ay hindi ko alam." Sagot niya.

Napanganga ang binata habang nakatingin sa kaniya. Kapagkuwan ay bigla itong natawa sabay iling.

"Wala ka pa ring pinagbago." Naiiling na wika nito.

Kiming napangiti siya sabay kamot sa noo niya. Dati pa lang kasi ay alam na ng kaibigan na hindi siya mayilig alamin ang paligid niya lalo na kapag na di-distract siya sa mga tanawin o sa bagong paligid niya.

"Puwedeng sasama na muna ako sa'yo?" Nakangiting pakiusap niya sabay puppy eyes dahilan para lalong matawa ang kaibigan.

"You don't need to beg with me, sweety." Natatawang sabi nito.

"Yey! I lab yah!" Masayang sigaw niya.

Sabay na natawa pa sila nang mapatingin sa kanila ang ibang mga naroon.

"Let's go?" Yaya nito sa kaniya.

Mabilis na tumayo siya sabay kapit sa braso nito. Sabay silang lumabas ng shop at sumakay ng elevator papunta sa palapag ng unit nito. Nang makarating sa unit ng kaibigan ay namangha siya sa silid nito. Pareho lang ng unit nila ng boss niya na pang mayaman talaga.

"Hey! Do you want to watch movies?" Tanong ni Simon na kakalabas lang ng silid nito.

Nakahihis na ito ng simpleng t-shirt na kulay itim at short na kulay puti. Kahit ganun lang ang suot nito ay guwapo pa rin ito.

"Sige ba!" Excited na aniya.

"So, Titanic again?" He asked.

"Ano pa nga ba?" Balik tanong niya na ikinatawa nito.

***

Hindi makatulog si Tryna habang nakahiga sa malambot na kama ng kaibigan nito. Pagkatapos kasi nilang manuod ng Titanic ay nagluto ang kaibigan ng hapunan nila. Habang siya ay hinihintay na hanapin siya ng boss niya. Ngunit nakapaghapunan na lang sila ay hindi naman siya hinanap ng boss niya. Doon na lang siya pinatulog ng kaibigan sa silid nito habang nasa sala naman nahiga ang binata.

Paikot-ikot siya nang higa ngunit hindi pa rin siya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang boss niya. Baka nag-aalala na ito sa kaniya. Ngunit naisip din niya kung nag-aalala ba ito dahil hindi naman siya nito hinanap man lang.

Napabuntong-hininga na lang siya at pinilit ang sariling makatulog hanggang sa nakaidlip siya sa kakaisip sa boss niya.

Kinabukasan ay dinala siya ni Simon sa kainan ng ikalimang palapag ng barko. Sabi ng kaibigan ay bawat palapag ay may restaurant at coffee shop. Ganun kalaki ang barko na pag-aari ng kaibigan ng boss niya.

"Hey! Nabusog ka ba?" Tanong ni Simon nang matapos silang kumain at palabas na sioa ng restaurant.

"Oo naman, ang sarap kasi ng mga pagkain, eh." Nakangiting sagot niya.

"Yeah. Masarap talaga ang mga pagkain sa ganitong restaurant. Magaling magluto ang mga chef dito," komento pa ng kaibigan.

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Talagang masarap nga ang mga pagkain doon. Ganun talaga siguro kapag mayayamang restaurant.

"Try," tawag ng kaibigan.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya.

"Is that your boss?" Kunot-noong tanong pa nito habang nakatingin sa may coffee shop na nadaanan nila.

Napatingin naman siya room at pinakititigan ang taong tiningnan ng kaibigan. Ang boss nga niya ang naroon.

Blanko ang mukha nito habang may kung anong kinalikot uto sa cellphone na hawak nito. Napabaling ang tingin niya sa babaeng nasa harap nito na nakangiting nagsasalita.

Parang nakaramdam siya ng panibugho sa nakita niya. Napagtanto rin niyang si Avery ang kasama nito. Iyong babaeng pumunta sa mansion ng boss niya noon. Napayuko na lang siya. Kaya ba hindi siya hinanap ng boss niya dahil busy ito sa kasama nitong babae.

Kaya ba hindi siya nito binalikan sa rooftop kahapon dahil kasama pala nito si Avery. Hindi niya alam kung bakit pero parang nasaktan siya sa naisip niya. Parang nanikip ang dibdib niya.

'Nakalimutan mo atang katulong ka lang, Try.'

Busisi ng isip niya dahilan para muli siyang mapatingin sa gawi ng dalawa. Naramdaman pa niya ang paghawak ni Simon sa balikat niya pero nanatiling nakatingin siya sa dalawa.

"Are you, ok?" Tanong ng kaibigan.

"Ayos lang," maikling sagot niya sabay tingin sa kaibigan at binigyan ito ng tipid na ngiti.

Pakiramdam niya ang bigat ng loob niya ngayon. Naalala niya ang nangyari sa kanila noong nagdaang gabi. Siya nga pala ang nakiusap sa binata na turuan siya kung paano maging open-minded.

Napahinga na lang siya ng malalim bago ulit tumingin sa coffee shop. Hinila siya ni Simon paalis kasabay ng biglang paglingon ng boss niya sa gawi nila ay ang pagtalikod niya.






A/N: Ayan! Napagod ako sa pagtipa HAHAHAHA. By the way, I hope you like this chapter blueeems! Love lots!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top