Chapter VIII

MAAGA pa lang nagpaalam na si Tryna na lumabas dahil makikipagkita siya sa kaibigan nito bago sila aalis. Sinabi kasi ng binata sa kaniya kagabi na aalis sila papuntang Amsterdam. Hindi niya alam kung bakit sila pupunta roon, basta na lang siyang nag-impake kagabi pagkatapos sabihin ng binatang aalis sila. Makailang beses pa nga siyang nagtatalon sa kama niya sa sobrang excited na makapunta ng Amsterdam. Sinearch niya kasi sa google kung maganda ba ang Amsterdam at ayon... muntik pa siyang mahulog sa kama. Para siyang kabute na naputulan ng buntot sa tuwa eh.

"Hey, sweety!" Nakangiting bati sa kaniya ng kaibigan nang makarating sa isang coffee shop ng mall.

"Mon!" Masayang banggit niya sa palayaw niya sa binata bago ito niyakap.

Mahigit dalawang buwan na simula ng huli nilang pagkikita. Tanging sa text at tawag lang sila nag-uusap dahil busy rin ang kaibigan niya. Na-miss niya ito lalo ang mga biruan at tuksuhan nilang dalawa.

"I miss you. How have you been lately?" Nakangiting tanong nito bago siya pinaghila ng upuan.

"Ayos lang naman ako. Kunti na lang mano-nosebleed na ako sa amo ko, eh." Nakangusong sagot nito.

Mahinang natawa naman ang binata saka pinisil ang tungki ng ilong niya. Habit na talaga nitong gawin iyon sa kaniya.

"I told you before to learn and how to speak––" she cut him off.

"Utang na loob, Mon, magtagalog ka. Nosebleed na ako sa mansion ng amo ko, pati ba naman sa'yo?" Bakas ang pakiusap sa mga matang untag niya na ikinangiti ni Simon.

Masuyong ginulo ng binata ang tuktok ng ulo niya dahilan para inis na tampalin niya ang kamay nito.

"Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko," nakasimangot na sita niya.

Tinawanan lang naman siya nito bago tinawag ang waiter para mag-order. Pasado alas-dies pa naman ng umaga.

"What do you want to order, Ma'am and Sir?" Nakangiting tanong ng babaeng waiter na sa tingin niya ay kaedad lamang niya ito.

Kung makatingin pa ito sa kaibigan ay akala mo nakakita ito ng isang anghel na nahulog mula sa langit. Ganun na ganun din siya noong unang beses na nakita niya ang binata. Guwapo naman kasi ang kaibigan niya, siya yung tipo ng lalaki na isang tingin pa lang ay mapapamangha ka na.

"Give us two cappuccino and two slice of chocolate cakes." Pormal na sabi ni Simon habang nakaturo sa mga in-order nito.

Napangiti na lang siya rito. Sa kaniya lang talaga ngumingiti ang binata, palagi itong seryuso kapag sa trabaho o kaya ay may kausap siyang ibang tao.

"What's with the smile, sweety?" Nanunuksong tanong nito sa kaniya.

Nakita pa niyang napairap sa kaniya ang babaeng waiter ng marinig nitong tinawag siyang sweety ng binata.

"May bagong nagka-crush na naman sa'yo dahil sa kaguwapuhan mo." Natatawang sabi niya sabay nguso sa waiter na kakaalis lang.

"Tsk! Hanggang crush na lang sila," medyo masungit ang boses na saad nito.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Because I don't like them," simple'ng sagot ng binata.

Napatango-tango siya sa sagot nito. Pero kalaunan ay nanunuksong binalingan niya ito.

"Baka naman may nagustuhan ka na?" Taas-baba ang kilay na tanong niya.

Natawa si Simon habang napapailing. Napanguso siya bago nangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa kaibigan. Kahit dumating na ang order nila ay nanatili siya sa ganoong posisyon.

Never pa niyang narinig o nalaman na may nagustuhan ang kaibigan niya mula ng maging magkaibigan sila. Wala rin siyang nakita na sweet ito sa ibang babae maliban sa kaniya. Tapos masyadong caring at maarte din ang binata.

'Hindi kaya...'

Bigla siyang napaayos ng upo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaibigan na nagtatakang tumingin sa kaniya habang sumisimsim sa hawak nitong cappuccino.

"Ayos ka lang?" Nakakunot-noong tanong pa ng kaibigan.

Umiling siya at ganun pa rin ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Mon," banggit niya sa pangalan nito.

"Yes?" Alangang tugon naman nito.

"Hindi ka naman..." hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya.

"Hindi naman ako?" Nagtatanong ang mga tinging sabi nito.

"Hindi ka naman bakla, 'di ba?" Tanong niya dahilan para mabulunan ang binata sa kinain nitong chocolate cake.

"What the..." bulalas pa nito habang sunod-sunod na napapaubo ito.

Nag-aalalang nilapitan niya ito sabay hagod sa likod nito. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

*Cough! *Cough! Cough!

"What makes you think I am a gay?" Nakangiwing tanong ng binata ng umayos na ang pakiramdam niya.

Napakamot ng batok na bumalik siya sa upuan niya sabay inom ng cappuccino niya bago nagsalita.

"Kasi naman... sa guwapo mong iyan, hindi pa kita nakitang may nagustuhan kang babae." Nakalabing sagot niya.

Napapailing na natawa naman ito sa naging sagot niya. "But it doesn't mean that I am a gay for goodness sake." Naging ngiwi na ang tawa nito.

"Sorry naman. Pero, wala ka ba talagang nagustuhan? O kaya ay kahit crush man lang?" Pangungulit niya.

Inubos ng binata ang cake at cappuccino nito bago sumandal sa upuan nito at tumingin sa kaniya.

"I have one," mahinang sagot nito.

Agad namang tumingkag ang tainga niya sa narinig.

"Talaga? Crush mo lang ba siya o nagustuhan mo talaga?" Excited na tanong niya.

"Actually, I like her." Sensirong sagot nito.

Nagningning naman ang mga mata niya habang nakatingin sa binata. Bakas sa mukha niya ang pagkasabik na malaman kung sino ang masuwerte'ng babae ang nagustuhan ng kaibigan niya.

"Talaga? Sino?" Magiliw na tanong niya. "Ipakilala mo naman sa akin," nakangusong dagdag niya.

Natatawang umiling na lang ito dahilan para mas lalo siyang napanguso. Pero sadyang makulit siya dahil panay pa rin ang pilit niya sa binata.

"Sabihin mo na!" Pangungilit niya.

"No way," natatawang sabi nito.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

Sandaling natigilan ang binata at kalagkuwan ay napahinga ito ng malalim.

"I'm afraid that it might change everything we had if I tell her." Hindi niya alam kung nagkamali lang ba siya ng pandinig na medyo may lungkot ang boses nito.

Nakaramdam naman siya ng lungkot para sa kaibigan niya. Ang lungkot sa part nito na hindi nito masabing gusto ng kaibigan ang isang babae'ng nagustuhan nito. Pero nagtaka siya kung sino.

"Matagal mo na ba siyang nakilala?" Tanong niya.

Hindi umimik ang binata at nanatiling nakatingin lang ito sa kaniya. Iwinawagayway niya ang isang kamay niya sa harap nito dahilan para matauhan naman ito.

"Sorry. Ano nga ulit ang tanong mo?" Tanong nito.

"Sabi ko, matagal mo na ba siyang nakilala?" Nakangiting tanong niya.

"Yeah." Maikling sagot nito.

Magsasalita na naman sana siya nang biglang tumayo ang binata at inaya siyang manood ng sine. Para siyang bata na excited makapanood ng sine sa sobrang saya. Gustong-gusto niya kasing panoorin ang Titanic nang paulit-ulit. Tuwing aayain siya ng binata noon manood ng sine ay iyon ang pinapanood nila. Buti na lang hindi nagsawa ang kaibigan niya.

***

Namumugto ang mga mata ni Tryna habang palabas sila ng senihan. Panay pa ang singhot nito dahil pati sipon niya nakikisabay sa hagulhol niya kanina. Titanic na naman ang pinanood nila ni Simon. Panay kasi ang iyak niya noong nahati ang barko, lalo na nang mamatay si Jack. Halos ngumawa siya sa loob ng senihan kung hindi pa siya inalo ni Simon na panay ang tukso at asar sa kaniya. Kahit ngayon na palabas na sila ay tinatawanan pa rin siya nito.

"Mas malungkot ka pa kay Rose, sweety." Nang-aasar na sabi ng binata.

Mabilis na inambahan niya ito nang sapak dahilan para mapalayo ito sa kaniya.

"Tumigil ka nga! Kanina ka pa, ah!" Nakangusong sabi niya at nagpatiunang naglakad.

Narinig niya ang mahinang tawa nito kaya mas binilisan pa niya ang paghakbang nang hindi tumitingin sa harap. Ngunit sa kasamaang palad ay nauntog ang mukha niya sa matigas na pader dahilan para muntik na siyang mapasalampak sa sahig ng mall kundi pa siya agad nahawakan ng kung sino.

"Tryna?" Isang pamilyar na boses ang pumuno sa pandinig niya.

Awtomatikong napa-angat siya ng mata at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang may hawak sa beywang niya. At doon niya lang din napagtanto na hindi pala sa pader nauntog ang mukha niya. Kundi, sa isang matigas at malapad na dibdib ng amo niya.

"Sir Keen..." mahinang bulalas niya.

Nakatingin lang ito sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"What happened to your eyes?" Salubong ang kilay na tanong nito.

Mabilis na napabitaw siya sa pagkakahawak nito at lumayo ng kunti sa binata. Nahihiyang ngumiti siya sa amo niyang halos kainin siya ng buhay sa sama ng tingin nito.

"Ahm... kasi nanood kami ng Titanic tapos naiyak ako noong namatay si Jack, kaya maga ang mga mata ko." Napakamot na sagot niya sa tanong nito.

Hindi man lang nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito dahilan para kinabahan siya. Never pa niya itong nakitang ganun maliban noong una't huling beses na may bumastos na banyaga sa kaniya noong nasa bar sila.

"Sinong kasama mong nanood ng sine?" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay na tanong nito.

"Kaibigan ko," sagot niya.

"Sinong kaibigan? Babae o lalaki?" Muling tanong nito.

Bago pa man siya makasagot ay biglang lumapit si Simon at hinila siya nito papunta sa likod at ito ang humarap kay Keen.

"Ako ang kasama niya. Bakit may angal ka?" Seryusong tanong ni Simon.

Napunta sa kaibigan ang atensiyon ni Keen. Nakita niya kung paano dumilim ang mukha ng amo niya at ganun din ang kaibigan niya. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay malamang parehong nakabulagta na ang dalawa sa sahig.

Aawatin niya sana ang dalawa nang may bigla namang dumating na babae at lumapit ito kay Keen sabay hila sa binata.

"Baby, why did you left me?" Malambing na tanong ng babae.

Naningkit ang mga mata niya nang makilala ang babae. Ito ang babae na pumunta sa mansion ng binata at hinahanap ito. Iyong malditang anghel na nahulog mula sa langit.

Tapos ano raw? Baby? Mas lalong naningkit ang mga mata niya at pinakititigan si Keen.

"Sinong tinatawag mong 'baby', Miss Masungit?" Takang tanong pa niya sabay tingin sa kanilang dalawa.

Napatingin naman sa kaniya ang babae at awtomatikong tumaas ang kilay nito na halos pupunta sa tuktok ng ulo niya.

"Oh! The stupid maid," nakangiwing sabi nito sabay irap sa kaniya.

Napakurapkurap siya sa tawag nito sa kaniya. Akmang magsasalitasana siya nang maunahan na siya ni Simon.

"Excuse me, you don't have the right to call her 'stupid', Miss." Mariing sabi ng kaibigan.

Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa babae ngunit umirap lamang sa ere ang babae.

"Duh! She's stupid––" Simon cut her off.

"Insult her one more time and I don't hesitate to send you to jail with the case of bullying under verbal means." Mariing pigil ni Simon sa babae.

Napanganga naman siya sa mga sinabi ng kaibigan. Kahit hindi siya maintindihan ang ibang sinabi nito ay alam niyang ipapakulong ito ng binata kapag tinawag pa siya nitong 'stupid'.

"What? Are you––" seryusong sinita agad ni Keen ang babae.

"Stop it, Avery," he warned.

"Baby, I just want to––" she cut her.

"Sinong tinatawag mong, baby?" Curious na talagang tanong niya eh, wala namang bata bukod sa kanilang apat.

"Duh! Malamang si Keen!" Malditang sagot ng babae at inirapan na naman siya nito.

Sarap tusukin ng mata nitong mabilog naman na parang tarsier.

"Si Sir Keen? Baby? Gurang na 'yan, uy!" Walang prenong sabi niya dahilan para matawa ng mahina si Simon na katabi niya.

Si Keen na napamura ng mahina at matalim na tumingin sa kaniya at kay Simon. Ang babae na halos saksakin siya sa talim ng tingin nito sa kaniya.

"What are you?" Masamang tanong ng babae.

"Ano ako? Malamang tao, alangan namang multo?" Pabalang na sagot niya.

'Abah! 'Di ako papatalo sa kaniya!'

"What the hell..." tanging bulalas ng babae bago siya hinila ni Simon paalis.

Pero hindi pa sila nakakahakbang ng limang hakbang ay may humawak na sa kanang kamay niya upang pigilan sila.

"What are you doing?" Puno ng inis na tanong ni Simon.

"Sa akin siya sa sasama," malalim ang boses na sabi ni Keen dahilan para magtayuan ang mga balahibo sa batok niya.

Hindi niya alam kung galit ba ito ano. Hindi kasi niya mahulaan ang toong nararamdaman ng binata.

"Why would she go with you?" Walang bakas na birong tanong ni Simon.

"Because I am his boss," Keen answered.

"Boss ka lang, ako ang kaibigan." Mariing untag ni Simon.

"Di mo sure," puna ni Keen.

"What?" Inis na tanong ni Simon.

Halos umapoy sa talim ang mga mata ng dalawa habang nakatingin sa isa't isa. Parang anumang oras ay magsusuntukan ang dalawa sa hindi malamang dahilan.

"You're just her friend but I am her boyfriend." Parang yelo sa lamig na wika ni Keen saka siya nito hinila at binangga ang balikat ni Simon bago tuluyang makalayo sa mga ito.

Napadaing pa siya sa higpit nang pagkakahawak ng binata sa kaniya. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng mamahaling kotse nito.

Siya naman ay nakatangang nakaupo lang dahil parang nag-puzzled ang utak niya. Hindi man lang nawala sa isip niya ang mga huling sinabi ni Keen sa kaibigan niya kanina. Halos paulit-ulit na nag replay iyon sa isip at balintataw niya.


'You're just her friend but I am her boyfriend.'

'You're just her friend but I am her boyfriend.'

'You're just her friend but I am her boyfriend.'

"Ba't mo sinabi yun?"  Clueless na tanong niya sa binata.

"Said what?" Balik tanong nito.

Madilim pa rin ang timpla ng mukha nito. Kulang na lang ay manapak ito uoang ibsan ang anumang kinikimkim nito.

"Yung huling sinabi mo kay Monmon," mahinang tugon niya.

Pinaningkitan siya nito ng mata na aimo'y may nasabi siyang hindi nito nagustuhan.

"Tsk! Why? Do you have any problem with what I said to him?" Mariing tanong na naman nito.

Napalunok na lang siya sabay iwas ng tingin dito. Parang may karera sa loob ng tiyan tuwing magtitigan o magsalubong ang mga mata nila ng binata.

"Nagtaka lang naman ako, eh. Hindi naman kita boyfriend para sabihin mo yun sa kaibigan ko." Mahinang bulong niya habang nilalaro ang mga daliri niya.

"I just say it so that he knew his place." Bulong ng binara na hindi niya masyadong narinig.

"Ha? Ano yun?" Tanong niya.

"Tsk! I said, did I told you that I don't share what is mine?" Salubong ang kilay na baling nito sa kaniya bago ulit tumingin sa kalsada.

Awtomatikong tumango siya. Sinabi nga pala iyon ng binata. Pero ano naman ang konek nun sa sinabi niya kanina? Hindi na lang siya umimik at hinayaan ang binata. Hanggang sa makarating sila sa mansion nito.

Naunang lumabas ang binata at pinagbuksan siya nito ng pinto. Nakayuko lang siyang sumunod dito papasok sa loob. She was about to go upstairs when he spoke.

"Does your things ready?" Mahinahon na ang boses na tanong nito sa kaniya.

"Opo, kagabi pa," sagot niya.

Nanatiling nakayuko pa rin siya at kinukutkot ang gitna ng mga daliri niya.

"Look at me." Utos ng amo niya.

Ayaw niya sana ngunit wala siyang magawa. Dahan-dahang nag-abgat siya ng tingin dito hanggang sa magtagpo ang mga mata nila.

Her heart beat so fast than normal.

"B-bakit?" Nauutal na tanong niya.

"I want you to stay away from him." Mahinahon ngunit may diing wika nito.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Just follow what I said," tugon niya bago siya nito tinalikuran pero mabilis na napigilan niya ito sa kamay.

Medyo napaigtad pa siya ng maramdamang parang may dumaloy na kuryente mula sa kamay ng binata papunta sa katawan niya.

"Bakit nga? Kaibigan ko si Monmon, kaya hindi puwede'ng layuan ko siya." Pangungulit niya.

He turned around and faced her with a serious look.

"Layuan mo siya o hahalikan kita?" He warned.

"Ayaw ko nga siyang layuan, eh––" he cut her with his lips.

Natuod siya sa kinatatayuan niya habang nagkadikit pa rin ang mga labi nilang dalawa. Napapikit pa siya dahil sa lambot ng labi ng binata. Ngunit muli siyang naoamukat nang biglang kagatin ng binata ang pang-ibabang labi niya dahilan para lumubas ang munting ungol sa labi niya.

"That's your punishment for not following my order." He whispered.

Napalayo naman siya ng kunti sa binata. Nagtatakang tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Ano ka? Judge sa korte?" Untag niya.

"No, I'm not a judge in the court, but I can judge you on my bed my maid." He smirk and left her alone.

'Ano raw?'





A/N: Yaaay! Nakalimutan mo atang inosente ang katulong mo Keen. Make it clear to her! HAHAHAHA! Enjoy reading centaurians!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top